logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter One

Why…
Why am I even alive?
Ang funny siguro na ganito 'yung tanong ko sa sarili ko pagkagising after a near death experience... pero hindi naman siguro ako masisisi.
I trusted the both of them but they ended up but they ended up betraying me.
Hindi ko naman deserve 'yun 'di ba?
I sighed at iginala ang tingin ko sa loob ng kuwarto. Gusto kong tumayo at hanapin kung sinumang may tama sa bungo ang sinubukang sagipin ako mula sa pagkakabunggo. Pero I realized, sobrang walang sense rin kung namatay talaga ako.
I scoffed and sighed.
Siguro nabuhay rin ako kasi ang pathetic naman kung namatay ako dahil sa kanila, kesa i-prove na hindi sila kawalan sa buhay ko.
But what the heck lang, ‘di ba? I trusted two people wholeheartedly, but then in exchange, lolokohin din nila ako.
“Cass!” Aisha exclaimed at mabilis akong niyakap. Rinoa went out and called for the doctor.
Napangiti na lang ako. Kasama din nila ang ibang mga kaibigan namin, maliban na lang kina Dane at Meg.
“Ano ba’ng naisip mo? Muntik na kaming atakihin dahil sa ginawa mo! ‘Buti iyan lang nangyari sa ‘yo!” sermon ni Aisha habang nakayakap pa rin sa akin.
Pumasok na rin si Mama na may bitbit na paper bag galing sa Jollibee. Nginitian lang niya ako.
Hindi kami close ng stepmother ko, pero at least, alam niyang ayaw ko ng pagkain sa ospital.
“Sorry,” sambit ko at napayuko. “S-Sina Meg? Dane? Nasaan sila?”
“Nagkulong lang si Meg sa kuwarto niya nang tatlong araw,” sambit ni Aisha.
Napakunot naman ako ng noo. “Tatlong araw akong tulog?”
Tumango si Aisha. Lumapit naman si Mikaela at hinawakan ang kamay ko.
“Cass... Huwag mo nang uulitin ‘yon!”
Natawa ako dahil naiiyak na si Mikaela habang nakahawak sa kamay ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. “Sorry...” pag-uulit ko. “Alam ko, sobrang babaw ng reason kung namatay ako dahil lang sa nangyari. Pero, sobrang sakit kasi...” Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Agad naman nila akong niyakap.
“Salamat...”
Ilang oras pa ang itinagal ng mga kaibigan ko rito sa hospital room. Sabado naman kasi ngayon kaya hanggang alas-sais ng gabi ay dito sila nag-stay. Wala pa naman masyadong lessons at requirements sabi nina Carissa at Andrea, na mga kaklase ko rin. Pagkaalis nila ay sumabay na rin si Mama dahil kailangan din niyang alagaan ang bunsong kapatid ko.
Akala ko ay madi-discharge na ako agad dahil nagising na ako, pero ang sabi ng doktor ay kailangan ko pa ring magpahinga. Hindi naman malala ‘yong pagkabagok ko, pero masyado raw akong na-stress kaya natagalan ‘yong gising ko.
Kating-kati akong malaman kung sino ‘yong sumagip sa ‘kin pero ayaw nilang sabihin dahil hiniling nito na maging confidential na lang ang identity niya. Basta raw lalaki iyon na may katangkaran. Hindi naman daw masyadong napuruhan ‘yong sumagip sa ‘kin, pero nagkaroon siya ng mga galos sa braso.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Whoever he is, I want to thank him for making me realize that being hurt should never cost you your death. Parte naman kasi iyon ng buhay, at kahit ano’ng gawin natin ay hindi natin mapipigilan ang tadhana na bigyan tayo ng pasakit sa buhay.
Ang daya naman kasi kung lagi na lang tayong masaya.
Inabot ko na lang ‘yong remote mula sa mesa sa gilid ko at in-on ang TV. Saktong bumungad sa ‘kin ang channel ng MYX. Ililipat ko na sana pero ‘yong susunod na kanta ay nakuha agad ang atensiyon ko.
Alpas?
Ibinalik ko na ‘yong remote sa mesa at pinanood ang music video ng Alpas ng kanta nila.
Instant fangirl!
Pagkatapos tuloy ng kanta na iyon ay agad kong kinuha ang cell phone ko at nag-search tungkol sa Alpas. Dinownload ko na rin ang songs nila sa Spotify ko. Naalala ko rin, ito rin nga pala ‘yong bandang matagal nang nire-recommend sa ‘kin nina Aisha. Bakit ba ngayon ko lang pinansin?
While waiting for their songs to be downloaded, I opened my Messenger to check some important messages. Wala rin naman akong nakita kaya binuksan ko na lang ‘yong group chat namin nina Aisha. Magtsa-chat pa lang sana ako pero nagulat ako nang mag-leave sina Meg at Dane.
Imbes na magalit ay nalungkot ako. Oo, masakit. Oo, nasaktan ako. But I was more than willing to give way. Ang daming what ifs din naman sa isipan ko at nangunguna na do’n ay “what if hindi talaga kami ang para sa isa’t isa ni Dane?”
Matagal na ring magkakilala sina Dane. What if ‘yong relasyon namin ni Dane ang naging daan para ma-realize ni Meg na mahal niya talaga si Dane?
I sighed.
Ime-message ko pala sana si Meg pero nagulat ako nang mag-notify ang pangalan niya sa Messenger ko kaya agad kong binuksan ang message niya. Napangiti na lang ako nang kaunti.
Meg Castro: Cassandra... I know, hindi enough ang sorry to fix the wounds. Pero, sorry talaga. I did not mean to destroy your relationship with Dane, at hindi rin naging kami! I swear... sorry talaga. Hindi ko kakayanin na mawala ka, Cass. You’re my best friend. Pero, if distancing from you and from our friends may heal the pain, I’d do it.
Sorry talaga.
I smiled. Imbes na mag-reply ay tinawagan ko si Meg.
“Bruha,” sambit ko habang natatawa. Hindi ko na napigilang mapaiyak habang naririnig ko ang mahihinang hikbi niya sa kabilang linya. “Huwag ka ngang umiyak! Para namang namatay ako.”
“Cass, sorry talaga...” she uttered, paulit-ulit lang hanggang sa siguro, nagsawa rin siya dahil wala akong sinasabi. Hinahayaan ko lang siyang magsalita. “L-lalayuan ko na rin si Dane. Lalayo muna ako sa inyo.”
“Bruha, huwag,” sambit ko. “I mean... okay, may awkwardness. Oo, masakit. Pero, Meg, kaibigan kita. Alam ko naman na matagal na ring may gusto sa ‘yo si Dane. Na-realize ko nga rin na baka niligawan niya lang ako, para hindi na masyadong nasasaktan ‘yong ego niya. Bobo ‘yon, eh,” dagdag ko pa at napatawa.
“Meg, I know naman na pareho tayong nasasaktan dito. Saka ano ka ba... wala naman talaga akong balak mamatay. Siguro instant reaction na lang din ng utak ko, pero mahal ko ang buhay ko, Meg. Mahal ko kayo. That incident? That made me realize kung gaano ako katanga. Kaya sorry rin kung tinakot ko kayo.”
Siguro sasabihin ng iba, ang tanga-tanga ko para patawarin na lang nang gano’n-gano’n si Meg. Pero, iniisip ko na lang na wala siyang kasalanan, na-realize niya lang na mahal din niya si Dane. In the first place rin naman, wala ring mangyayaring ganito kung hindi ako nagpadalos-dalos sa mga desisyon ko dahil lang sa simpleng pagka-crush ko kay Dane.
“P-pero... gusto kong bumawi, Cass.”
Napangiti ako, “Gusto mong bumawi?”
“Oo...”
“Pagka-discharge ko, punta tayo ng gig ng Alpas. Deal?”
Baka kasi maibsan ang sakit, kahit kaunti lang. Kailangan kong maging malakas.
Pagsubok lang ‘to.
Kailangan kong maging matatag.
Kahit masakit.
“Deal.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (46)

  • avatar
    Janna May Bellen

    nicee grrr

    25d

      0
  • avatar
    Zhyra Odevilas

    iloveit

    01/08

      0
  • avatar
    Ashley Camille Guiriba Mangahas

    Good!!

    16/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด