logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

By Chance

By Chance

sweetplums


Prologue

Typical Monday morning tuwing June.
Umuulan. Maraming estudyante. Maingay.
Sanay naman na lahat sa ingay ng hallway kaya walang reklamo. Hindi pa rin naman kasi nagsisimula 'yung next class kaya rinig hanggang dito 'yung ingay sa kabilang mga sections. 'Yun nga lang, 'wag lang talagang maabutan na may prof sa hallway na umaagilid dahil guidance talaga ang bagsak agad-agad.
Normal naman na sa High School 'yung ingay, lalo kapag hindi pa simula ng classes. Siyempre nakakarindi rin madalas, pero nasanay na lang din ako sa ingay. Maingay rin naman ako kapag kasama ko 'yung mga kaibigan ko.
Napasalpak na lang ako ng earphones sa tainga ko habang binabagtas ang hallway ng school namin. Akala ko papasok ako na kasama si Dane, boyfriend ko, o si Meg na best friend ko, pero wala. Iniwan na naman nila ako sa ere. May usapan naman kasi kami kahapon, kaso sabi naman nila baka ma-late sila ng pasok kaya hindi muna kami nagsabay ngayong araw.
Napabuntong-hininga na lang ako at pumasok sa room. Hindi naman din ako tanga para hindi maramdaman ang pagtitig sa ‘kin ng mga kaklase ko. Ang awkward ng atmosphere, pakiramdam ko may nangyari. Ando'n 'yung kutob, pero ayaw kong paniwalaan.
“Bakit?” tanong ko kay Rinoa.
“Hindi mo alam?”
Napailing ako. Umagang-umaga, pakiramdam ko tine-test ako ni Lord. Oo, may naiisip ako--na baka gano'n nga. Ayaw ko lang tanggapin sa loob-looban ko. Alam ko naman kung ano'ng meron sa kanila noon. Ako lang talaga 'tong tanga na nagpumilit na ayos lang kung maging kami.
Nakakatanga talaga magmahal.
Rinoa sighed. “Magkasama sina Dane at Meg kanina,” sambit niya.
“Saan sila pumunta?” I kept calm. Magkaibigan din sina Dane at Meg. They’re not screwed-up idiots who would betray me.
Kilala ko sila.
“Baka pumunta sa canteen? Gusto yata ng kape ni Meg, eh,” sambit ni Rinoa.
Ngumiti na lang ako at napatango. Iniwan ko na ‘yong bag ko sa tabi ni Rinoa at lumabas para sundan sina Dane at Meg. Hindi pa yata ako nakakarating sa canteen ay narinig ko na ang boses ni Dane sa may tagong parte katabi ng isang room. Lumapit ako nang kaunti sa puwesto nila, pero sapat na para hindi nila ako makita.
Ano ‘to?
“Kailan ba natin sasabihin, Meg?”
Bumuntong-hininga si Meg, “Dane... best friend ko si Cass. Tsaka mali 'to, Dane. Alam mong mali 'to... itigil na lang natin 'to, Dane. Hindi na kaya ng konsensya ko."
Napamura naman si Dane.
"Meg, ikaw ang mahal ko! Alam mo naman 'yun 'di ba? Aayusin ko naman, e. I'll break up with her, and then let's wait for three months bago tayo maging official. Please, Meg. I don't want to be with someone I don't love."
I heard Meg sigh.
"Pero bakit naging kayo?"
"I just... I just wanted to make you feel scared to lose me."
What the hell.
Hindi ko na namalayan ang unti-unting pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.
It felt like my heart was being broken into pieces. Halos hindi ko maigalaw ang mga binti ko dahil bigla na lang nangatog.
Kaibigan ko si Meg. Mahal ko si Den... pa paanong ginawa nila sa'kin 'to?
Mukha ba'kong collateral na kapag hinarap sa katotohanan ngingiti na lang ako at sasabihing, "Congrats kayo na pala"?
Tao rin naman ako, ah.
Alam ko namang may kasalanan din ako kasi alam ko kung ano'ng meron sa kanila noon at ako 'tong tangang nag-risk, pero... pero kasalanan din ni Dane 'to eh. Bakit niya ako niligawan kung hindi naman pala niya ako mahal?
I scoffed.
Mukha ba'kong laruan na pwede niyang iwanan na lang pag napagod na siya?
Hindi ko alam kung paano napansin nina Dane na nandito ako. Ilang beses nila akong tinawag pero tumakbo lang ako papalayo sa kanila, papalayo sa sakit, papalayo sa lahat.
Nagagalit ako sa kanilang dalawa--pero mas nagagalit ako sa sarili ko kasi I let myself be a collateral.
Their collateral--na parang gamit lang ako na pwedeng iwanan at itapon.
Ang sakit.
Ang daya-daya.
Do I even deserve this kind of pain?
Lumabas ako ng gate ng school, hindi inalintana ang pagsigaw ng guwardiya at ang unti-unting pagkabasa ng uniporme ko. Tuloy-tuloy lang sa pagbagsak ang ulan kasabay ng pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko.
Gusto kong sumigaw at murahin silang dalawa pero wala akong maisip. Sobrang gulo. Ang sakit sa ulo.
“Miss!” dinig kong sigaw ng hindi pamilyar na boses. “Miss!” Napatingin ako sa kaliwa. Unti-unting lumalapit sa akin ang isang malaking sasakyan. Hinintay ko na lamang na itulak ako papalayo ng trak. Pero imbes na iyon ang maramdaman ko ay nakaramdam ako ng isang mahigpit na yakap—at ang pagkauntog ng ulo ko sa semento dahilan para mawalan ako ng malay.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (46)

  • avatar
    Janna May Bellen

    nicee grrr

    25d

      0
  • avatar
    Zhyra Odevilas

    iloveit

    01/08

      0
  • avatar
    Ashley Camille Guiriba Mangahas

    Good!!

    16/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด