logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5

Tyler's POV
"Diyan ka lang sa sofa," madiin kong sabi sa kanya. Nagtataka siyang tumingin sa akin kaya napairap ako. "Dito ka lang matutulog." Tinuro ko ang sofa at tumango-tango naman siya.
"Maraming salamat, Ginoo," nakangiti niyang sabi kaya napangiwi ako. Ginoo? Ang baduy, ah.
"Master ang itawag mo sa'kin," sabi ko sa kanya. I crossed my arms and stared at her. Kung pagtitripan niya ako ay pagtitripan ko rin siya.
Why do I feel so comfortable around her? Hindi naman ako ganito. I hate being touched by anyone. Maarte na kung maarte pero 'yun ang totoo.
"Your name is Titania?" Pagsakay ko sa trip niya. Tumango-tango naman siya kaya napailing ako. "Dito ka lang Titania. Huwag kang aalis naiintindihan mo?" with gesture ko pang sabi sa kanya. Nakangiti siyang tumango kaya umalis na ako at umakyat papasok ng Master's bedroom.
For some unknown reason, I don't feel the urge to lock the door. Para ngang mas ila-lock ko pa 'yun kung ang kasama ko ay sina David. Heaven knows how irritating it is when they're around.
Dahil medyo tipsy ako ay parang hinehele na ako at gusto ko nang magpadala sa antok. Medyo malakas din kasi ang tama ng tequila sa'kin. Naghikab ako at hinayaan ang sariling bumagsak sa kama.
Nagpakain ako sa antok.

Nagising ako sa sinag ng araw na sumusilip sa mga kurtina. Nagmulat ako ng mata at nag-unat. Medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa naging inuman namin kagabi.
'Diyan ka lang sa sofa.'
I must be so drunk na kung anu-anong napapaginipan ko. Napahilot ako sa sentido ko at dahan-dahang tumayo para bumaba.
One week ang vacation ko. Maganda na nga 'yun para hindi ko makita pagmumukha ng temporary secretary ko.
Pagbalik ko, dapat nando'n na si Secretary Kim.
Naghihikab akong bumaba ng hagdan pero muntik na akong mahulog nang makita ko 'yung babae kagabi na payapang natutulog sa sofa. Suot niya pa rin ang damit ko.
So hindi ako nanaginip?
Kinusot ko ang mata ko at tinitigan ng mabuti ang babae. Nagtangis ang mga bagang ko at mabibigat ang mga paa kong lumapit sa kanya. Kung kagabi ay medyo mabait pa ako, dahil lang 'yun sa lasing ako pero ngayong nasa katinuan na ako, makalalayas na siya.
"Wake up!" malakas na sabi ko. Bahagya niyang minulat ang mga mata niya at medyo nagulat pa ako dahil hazel green ang kulay ng mga ito. It's beautiful.
"Leave," malamig na sabi ko nang makabangon na siya. Tumingin siya sa'kin gamit ang magagandang mga mata niya. "Hindi mo ako naintindihan?" panunuya ko. Umiling siya at tinaas ang dalawang librong hawak niya.
"Binasa ko na ang mga ito. Naiintindihan na kita, Master."
Binasa niya talaga? Lahat 'yan? Tss. Ano namang pakialam ko. "Bakit tila nagagalit ka ulit sa akin, Master?" malungkot niyang saad. "Sinunod ko ang sinabi mo na dito lamang ako sa sofa." Pinaglaruan niya ang kamay niya.
"I don't know and I don't care who the fuck are you. So please while I'm still asking you nicely leave this house," I warned.
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Inis ko sana itong tatanggalin pero nakaramdam ako ng napakaginhawang pakiramdam. Para bang nabibigyan ako ng lakas. Ang sarap sa pakiramdam. Biglang nawala ang sakit ng ulo ko at parang nag-subside ang galit ko.
Ano'ng nangyayari sa'kin?
Tinabig ko ang kamay niya. Ano'ng klaseng tao 'to? Mangkukulam ba siya? Pinsan ba siya ni Jane Doe?
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at umupo sa tabi niya. I'm calm now.
"Saan ka nakatira? Ano'ng full name mo? Ilang taon ka na? May masama bang nangyari sa'yo?" sunod-sunod na tanong ko. "You don't need to lie. I'll help you find your family, okay?" malumanay kong sabi. Maybe if I try to be nice, she'll tell the truth.
"Ako ay galing sa Alynthia Kingdom..."
Fuck.
"Ang pangalan ko ay Titania. Ang edad ko ay 45 na taon. Nagising na lamang ako na nakahiga sa isang tangkay ng puno. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Marahil ay ma—" Hindi ko na pinatapos ang self-made story niya. I'm so done.
"Look woman. I'm not in the mood to play with you, okay? I don't want you here," iritang sabi ko.
"Sinabi ko na sa iyo na hindi ako babae. Hindi rin ako tao kagaya mo. Nagwangis lamang ako na parang tao," sagot niya. Napangisi ako sa inis. Pinaglololoko ba 'ko nito?
"What are you then?" I bit my lip to control my anger. Pinaglalaruan ako ng babaeng 'to.
Maybe she's pretending to be crazy para magtagal sa tabi ko. Gano'n na ba ka-desperate ang mga babae nowadays? Pathetic.
"Isa akong diwata. Ayon sa librong ito ang English ng diwata ay fairy. Isa akong fairy," sagot niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ako ang susunod na pinuno ng Alynthia. Ang kaharian ng mga fairy na kagaya ko," nakangiting paliwanag niya.
Napatawa ako sa sinabi niya. "Hahaha! Wait lang, ah? Hahaha!" Nang matapos akong tumawa ay seryoso akong tumingin sa kanya. "Pinaglololoko mo ba 'ko?" malamig na tanong ko. Agad naman siyang umiling.
"Sige nga. Patunayan mo na fairy ka," pigil tawang sabi ko. She tilted her head like a dog again.
Ting!
Tiningnan ko ang cellphone ko at binasa ang message ni David. Hindi raw sila makapupunta. Edi maganda. Sigurado akong kakantiyawan lang din nila ako 'pag nakita nila 'tong babaeng 'to
Tinaas ko ang tingin ko. "Oh ano? Patunayan mo na fai—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko ang nangyayari.
Parang may sariling isip ang tubig na nanggaling sa baso na ginamit namin kagabi. Lumutang ito sa hangin na parang mga napapanood ko sa movies. Nang tingnan ko si Titania ay kinokontrol niya ito gamit ang kamay niya.
"W-What the fuck..." is all I managed to say.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (12)

  • avatar
    Maria Jereil Agus Jonson

    nice story waiting sa next chapter nakakabitin eh

    19/07

      0
  • avatar
    Kerly Espaol

    I love dis story I love it

    09/07

      0
  • avatar
    Jem Ma

    Ang ganda sana kaso bitin

    04/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด