logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 8

Argue
Carla.
Nandito kami ngayon sa sala na aakalain mong mga konsehales sa isang barangay na nagpupulong. Pinag-uusapan naming kung paano tatakas dahil kailangan naming makaalis dito agad. Ayaw naming mamatay na walang nagagawa kaya kung saka-sakaling aatakihin kami ay may paraan na kami paano malalabanan ang killer nato.
"How about we destroy the main door of this mansion?" Suggestion ni Ms. Wen kaya napalingon ako sa kaniya at kay Joshua na tahimik lang na nakikinig.
Matapos na marinig ko yung pag-aalitan nilang dalawa ni Dave ay para akong nasa isang serye na kailangan aminin ng lalaki ang nararamdaman niya sa pagpapanggap ng babaeng hindi siya gusto para hindi malaman ang kanilang inililihim na relasyon. Pero ang iba lang ay hindi babae si Joshua kundi lalaki-I mean bakla.
Swerte nga si Joshua dahil may nagmamahal sa kaniyang tunay at lalaki pa yun ah kaya I'm proud of Dave being honest to his feelings and he proved the others that he really love Joshua-ewan ko lang kay Joshua.
"No." Matigas na sabi ni Dave.
"Why not Dave? Eto lang ang paraan para makatakas tayo." Sabi sa kaniya ni Lyka na halatang may naiiritang tono.
"Mababayaran niyo ba ang pinto na yan? Masisiguro niyo bang mababayaran ng mga magulang niyo ang napakamahal na antique door na yan?" Sabi ni Dave, nagulat ako nang biglang tumayo si Angel na galit na galit.
"Iintindihin mo pa ba yang pinto na yan kaysa sa sitwasyon natin ngayon Dave? Mas importante pa ba yan sa kalagayan natin ngayon? Sa buhay natin ngayon?!" Bulyaw sa kaniya ni Angel. And he is right, that door is not a reason. And pintong yan ang silbing kalayaan namin kaya bakit iniintindi niya pa ang pinto? Bakit iniintindi mo pa ang pinto Dave?
"Don't you get the point here? Anong iisipin ng magulang ni Josh kapag nasira ang pinakamahal na pinag-iingat-ingatan nilang antique na yan? It cost a half of your life too, it can cost haft of our lives here. Its fuckin' cost 183 billion." Sabi ni Dave sa kaniya.
Nagulat naman agad ako dahil sa narinig. W-what? 183? Billion? Teka totoo ba yun? Its just a door!
"And I heard it is the latest and last antique in the whole world at pinag-aagawan talaga ito ng mga negosyante. Bidding of this door was so intimidating." Sabat ni Janice.
"Importante pa ba ang pinto na yan? Mamamatay na tayo oh! Mamamatay na! At ang letseng pinto pa na yan ang iniintindi niyo?!" Sigaw ulit nitong si Angel.
Nagulat naman ako dahil bigla na lang bumulagta sa sahig si Angel at dumudugo ang nguso nito. Napatingin ako kay Dave na nanggagalaiti na ang mukha at nag-aatim na mga panga and now he is serious. Napatayo si Angel at aakmang susuntukin niya si Dave pero nagmamadaling pumunta agad si Joshua sa gitna nila at hinarang ang kaniyang mga kamay para protektahan si Dave.
"Huwag na nga kayong mag-away! Ilang beses ko na bang sinabi sa inyo na ang pag-aaway ay hindi solusyon sa mga ganitong sitwasyon!" At biglang inawat ni Judy at Nheldion si Angel. Hinawakan nila ang magkabilang kamay ni Angel at pilit inilalayo ito kay Dave na nakatayo lang at seryosong nakatingin kay Angel habang habol-habol ni Joshua ang hininga nito.
"Bakit Joshua?! Iniisip mo rin ba ang pintong antique na yan kahit mamamatay na tayo? Kinakampihan mo ba yang Dave na yan? Iintindihin karin naman ng pamilya mo dahil sa sitwasyon nato!" Sigaw ni Angel kay Joshua.
"Mababayaran naman din natin yan, our parents has companies and we can ask them to help us at ipapaintindi rin natin sa kanila ang nangyayari ngayon kaya I'm sure that they will let us borrow their money! Walang magulang na hahayaang mamatay ang kanilang mga anak!" Sigaw na din kay Joshua ni Kesa.
"Bakit akala niyo ba pinto ang iniisip ko? Yang pintong yan? Aanhin ko naman ang pintong yan kung mamamatay din naman din tayo dito sa loob na hindi man lang nahahanap yang killer na yan? Yang Angel na yan. Ang akin lang ay kung anong mangyayari sa atin kapag nasa labas na tayo! Remember its a province, konti lang ang mga may bahay dito at malayo pa sa kinatutukuran ng mansiyon nato. Paano kung sa paglabas natin ay atakihin tayo? Paano paglabas natin ay mamamatay din tayo? Kung sisirain man natin yang pinto na yan why not ngayon na? Ang akin lang is what if, alam kung marami ng napapahamak sa what ifs pero what if, what if kung sa paglabas natin ay ang pag-atake naman ng killer na yan. Nakapatay nga siya dito sa loob na posibleng nakapasok nga talaga siya paano na kaya sa labas na madali lang sa kaniya ang pagpatay at take note, pabor pa ito sa kaniya. Hindi din natun alam kung nag-iisa lang ba talaga siya! What if marami sila?" Hinihingal na paliwanag ni Joshua sa lahat. May point si Angel sa mga pinagsasabi nito at mas malaki ang point ni Joshua sa paliwanag niya.
Nakaya ngang ilagay ng sin mang killer na ito ang asido sa inumin, at nakaya niyang itali sa leeg si Allyza at pinatay na walang kahirap hirap, paano na kaya sa labas diba? Mas maraming pagkakataon kung sa paglabas namin ay may mga patibong na nakaantay.
We should think better plans to make sure if we are ready to go outside from here, we are safe. We are safe hanggang makauwi kami.
"Joshua has a point guys. Hindi muna dapat tayo nagpapadalos-dalos dahil baka sa pagdadalos-dalos natin ay tiyak na ikakapahamak nating lahat." Sabi ni Ms.Wen.
"Agree. What if may mga traps sa labas ng mansiyon nato? Baka pagbukas natin ng pinto na yan baka may bumaril sa atin sa labas at ratratan tayo ng killer. Its so hard for us to decide dahil kapag nakakaisip tayo ng mga plano na makalabas ay dun din na may chance na may maling kapalit ito."
Turan ni Rhea. I agree of what she said, baka nga may rifles na nakakabit sa harapan ng pinto at ratratan nalang kami dito sa loob. Kaya kailangan talaga ng matinong pag-iisip dahil para iwas sa disgrasya.
Napagkasunduan nalang naming lahat na kumain muna ng hapunan kaya pumunta kaming lahat sa dining room. Inihanda namin ito kanina pero hindi agad naming nakain dahil may narinig kaming kalabog sa pinto pero wala namang kung anong bagay na nandoon. Kaya dun na napunta ang pinto thingy na pinagtatalunan nila.
Tahimik lang kaming kumakain tila parang mga dalagang pilipina na hindi nakakabasag ng pinggan. Rhea taking selfies as usual with Regine na malungkot as always dahil yata sa pag-iisip sa boyfriend niya. Nheldion and Judy looking each other using their eyes parang nag-uusap sila gamit ang eye contacts nila. Lyka and Janice eating silently na parang sila lang ang kumakain dito sa dining table. Krystal ay palingun-lingun sa mga gilid, baka nagbabantay sa paligid baka kasi umatake bigla yang Angel na yan at pagdiskitahan pa kaming kumakain, nagiging paranoid na kami. Dave and Joshua looking at each other too na may parang may pinagtatalunan din well I think its about their relationship? Si Angel naman ay nakatingin lang kay Dave with this serious eyes pero hindi niya nahahalata na tinititigan din siya ni Quencent. Ako lang ba to o sadyang ngumingiti sa kawalan si Quencent? That's why I dont want to have a chit-chat to Quencent because of his creepy thoughts and being a creepy man. Its like he is after you and any minute he will bite your neck and sip your blood. Nakita din sa gilid ng mata ko ang pagsusulyapan ng dalawang tao. Its Lawrence and Kesa. Joseph looking at his tablet seriously na parang isang tawag mo lang sa kaniya ay babatuhin ka na ng tablet niya dahil sa pagkaseryoso niya. Ngayong araw ko lang talaga siya nakitang ganito and its creep me out. Ms. Wen na kumakain lang din ng tahimik at pasulyap-sulyap lang din sa ibang mga kumakain and also Niño na binabantayan lang din ang mga kinikilos ng mga kasama. Nakita kong tumayo si Joan kasama si Emalyn kaya napalingun kami sa kanila.
"Saan kayo pupunta?" Tanong sa kanila ni Angel.
"Pati ba pagc-cr ay pagdidiskitahan din ng killer na yan? We are not afraid kaya hanggang sa kaya naming pumatay ay papatayin namin yun." Biglang sabi ni Emalyn. Bigla siyang sinuway ni Joan.
"What? I want them to know na hindi magiging delikado ang buhay natin from that killer because were not that coward women." Dinig na dinig talaga ang pagkakairita sa boses ni Emalyn, ngayon ko na nga lang siyang marinig magsalita, nagmamaldita pa. Akala niya bagay sa kaniya ang pagmamaldita? Pati silang tita na mama niya ay hindi gusto ang pagmamaldita ng anak dahil nga sobrang taray na nitong tignan. Trying hard to gain attention but not now. Huwag ngayon brat dahil for sure, if that killer ay nasa paligid lang, it will choke Emalyn's neck para mawalan ng kahanginan sa katawan.
"Sasamahan ko nalang sila para ligtas." Sabi ni Niño kaya tumango nalang kami but since this Emalyn ay ma-pride kaya sumagot pa talaga ulit.
"Huwag na Niño, we can do it by ourselves. Feeling hero ka na niyan?" Sabi sa kaniya ni Emalyn but it's like Niño didn't here anything.
"We are in the reality situation kaya walang hero-hero ang magaganap but yourself. Yourself must be the hero dahil kayo mismo ang liligtas sa sarili niyo sa kamatayan."
Yan na naman ang creepy words ni Quencent kaya walang nagawa si Emalyn at Joan kundi sumama nalang talaga kay Niño. Parang natakot yata kay Quencent, ewan ko ba kung pasasalamatan ko si Quencent ngayon dahil sa pagpapatahimik sa pinsan kong brat na yun.
---
Nandito kami ngayon sa garden kung saan unang nagparty. Kung saan unang naganap ang trahedya na yun na pilit kung iwaksi sa utak ko pero sadyang taksil ang utak ko kaya mahirap i-delete sa utak ko ang mga files na naganap nitong nakaraan.
"Bakit parang ang lalim palagi ng iniisip mo?" Bigla akong kinilabutan sa narinig kong pamilyar na boses. B-bakit n-niya ko sinundan? Humarap ako sa kaniya na hindi ipinapakita ang takot sa pagiging creepyness niya.
"B-bakit? Bakit interesado ka?" Tanong ko sa kaniya at bigla siyang umupo sa damuhan at humiga dito. Tumingin siya sa itaas kung saan may butas na malaki at nakikita doon ang malaking bilog na bilog na buwan. Sa butas na yan ang sinasabi kong pinapapatak ang ulan para maging mas masustansiya ang mga bulaklak dito sa mansiyon at dun din dumadaan ang sinag ng araw.
"Alam kung iniisp mong nakakatakot ako." Tinignan ko siya na nanlalaki ang mga mata.
"Halata sa itsura mo Carla." Nabigla ako ng tawagin niya ako sa pangalan ko. One year na magkaklase kami ay never kaming nagpapansinan noon masyado at hindi niya ako tinatawag sa pangalan ko.
"Sorry kung natatakot ka sa akin pero may purpose ako kung bakit ako nagkakaganito."
Purpose? Ano kaya ang purpose na yan?
"Hindi naman talaga ako masyadong natatakot sayo-ahm slight lang. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ka ngumingiti sa kawalan if I'm not mistaken dahil nakikita kitang ngumingiti na walang dahilan." Sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa itaas. Nakahiga siya pero ako nakaupo lang.
Tinignan kong mabuti ang mukha niya, hindi niya naman namamalayan dahil focus siyang nakatingin sa mga bulaklak. May ipagmamalaki ding mukha si Quencent, matangos ang ilong at mabibilog ang mga mata. He have this kissable lips na makakaattract talaga sa iba pero makikita mo rin talaga ang creepyness ng aura niya. With a fair brown skin na nagpapatunay na isa siyang pure Filipino citizen.
"Sabi ko sayo, I have a purpose and that purpose ay malalaman mo rin soon." Sabi niya kaya tumingin ako sa kaniya na may nagtatakang tingin pero hindi niya rin ito nakikita.
"What do you mean? Bakit hindi na ngayon? Why it still soon?"
Pero bago niya ako sagutin ay may narinig ako matinis na boses na napakalakas lakas..
Biglang napatayo si Quencent at pati na din ako. Nagkatinginan kaming dalawa na parang pareho ang aming naiisip.
"Not again."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (16)

  • avatar
    Mark Joshua Briones

    very good

    4d

      0
  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice

    28/07

      0
  • avatar
    Love More

    I like it

    01/03/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด