logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7: Bad News

Nakatulala habang tumutulo ang luha ni Katherine habang tinatapos pa niya ang anunsyo ng isang publishing house na kung siya nag-submit ng mga nobela. Isa rin 'tong malaking kahihiyan sa kanya sa pangyayari kahit di pa napapatunayan at malaking panghihinayang din ito sa akdang sinulat niya na ngayon nasabing ninakaw umano niya.
Mga ilang sandali ay biglang pumasok ng kanyang silid si Arianne. Natigilan ito nang makitang mugto ang mga mata ng kanyang pinsan.
"Nabasa mo?" tanong niya rito at tumango si Katherine. "Hindi ko alam kung paano nangyari. Nagulat na lang ako kanina nang makita ko sa newsfeed." Nilapitan nito ang pinsan at niyakap nang mahigpit.
"Ga---lit at sa----kit ang nararam----daman ko ngayon, Rian. Hindi ko alam kung ano ga----gawin ko." Humihikbing pahayag ni Katherine dahilan upang maging putol-putol bawat salitang sinasabi niya.
"Iiyak mo lang lahat 'yan, Kath. Nandito lang ako."
Matapos niyon nakatulog si Katherine samantala si Arianne naman ay nagtungo sa dining area.
"Oh, Arianne bakit hindi mo kasama ang pinsan mo?" wika ni Mr. Yuzon nang napansin niyang wala ang paborito niyang apo.
"Di po maganda ang pakiramdam ni Kath." Hindi magawang sabihin ni Arianne ang totoo dahil binilin sa kanya ng pinsan na huwag na muna ipapaalam ang tungkol doon.
Alam ni Katherine na di pa ito malalaman ng kanyang lolo lalo na busy sa kanilang negosyo. Kailangan niya munang humugot ng lakas para ipaalam kay Mr. Yuzon.
"Padadalhan ko na lang po siya pagkatapos kumain," aniya ni Arianne.
"Uminom na ba siya ng gamot?" sunod na tanong ng matandang lalaki sa kanya.
"Kapag nakakain na po siya ng dinner saka ko siya paiinumin," sagot ng dalaga nang may buong pag-iingat.
Matapos nilang kumain kaagad siyang bumalik sa silid dala ang mga pagkain. Nagtungo siya sa kwarto ni Katherine.
"Are you OK now?" kaagad na tanong ni Arianne habang hawak ang isang tray ng mga pagkain.
"Hindi pa pero magiging ayos din ako. Di ko pwede ipakita sa kanila na mahina ako kaya kailangan ko ng makaipon ng lakas ng loob at magpalakas ng pangangatawan," pahayag ni Katherine na masasabing nabawasan ng kaunti ang sakit na kanyang nararamdaman. "Pupunta ako bukas sa publishing house kung saan ko pinasa ang mystery book ko."
"Sasamahan kita diyan, Kath. Ako na lang magsasabi kila Sir Gabriel at sa iba pang personal bodyguards mo para ma-inform sila na may pupuntahan ka bukas." Tumango si Katherine nanf may buong pagsang-ayon sa sinabi ni Arianne.
"Thanks," tipid niyang ngiti bilang reaksyon.
"Walang anuman. Hindi rin ako papayag na mawala ng gano'n lang lalo na dugo't pawis iginawad sa pagsusulat ko ng nobela. Talagang ipaglalaban ko 'yan dahil karapatan ko ang natapakan." saad ni Arianne.
"Sabi nga ni Elaine at Therese, possibleng malaking tao ang gumawa niyon at nagawang bayaran ang publishing company para siraan ako. Pero, wala kaming ideya sa pagkakakinlanlan at motibo ng gumawa niyon," kwento din ni Katherine sa kanyang kasama.
May kinalaman din kasi ang nakita niya sa balita sa mga text messages na natatanggap niya ng mga ilang buwan at 'yong balak na dukutin siya. Masasabi niya kung tungkol man lang sa pamana sa kanya ni Lolo Rodelio ang dahilan, bakit nakasama pa roon ang pagbibintang sa kanya ng pagnanakaw ng isang intellectual rights na siya naman talaga ang nagsulat niyon. Binanta na nga kanyang buhay at sinaraan pa siya ang kanyang pangalan bilang writer.
Kasalukuyan nang binabaybay nila Katherine ang Paper and Roses Publishing Company na kung saan dito niya ipinasa ang kanyang mystery-action book. Ilang sandali ay nakarating na kaagad sila roon at nakasalubong ng dalaga kanyang mga most supportive fanreaders. Dati na tanging sila Jane, Elaine at Therese lamang ang nakasama niya, ngayon nandito na sina Kyla at Harley na parehas na estudyante pa lamang.
Binati siya ng mga ito ng magandang araw nang sabay. Bumati din si Katherine sa mga ito at ipinakilala si Arianne sa kanila pati kanyang personal bodyguards na nakapaligid sa kanya.
"Thank you guys! Isa kayo sa nagbibigay ng motibasyon sa'kin para lumaban," wika ni Katherine habang pilit niyang maging maayos pa rin matapos ang nabalitaan niya kahapon.
"Syempre naman Lady Green. Loyalists din kami noh!" sambit ni Elaine sa kanya.
"Kaya mo 'yan, Kat!" saad sa kanya ni Therese.
"Nandito kami handang sumuporta sa'yo. Ikaw ang idol namin di ba?" aniya ni Jane na tinanguan din nina Kayla at Harley.
"Dahil sa stories na sinusulat mo mas sinisipag din ako sa pag-aaral," sabi naman ni Kayla na naka-ponytail at nakasuot ng eye glasses. Tanging pagtango ang ginawad ni Harley para rito dahil wala naman siyang masabi pa.
"Salamat sa pagsuporta niyo kay Kath dahil sa inyo parati 'yan ganado magsulat hehe," nakangisi pang pahayag ni Arianne.
"Mabuti pa, pumasok ka na Lady Green sa loob dahil mahaba-habang oras ang pag-uusapan niyo ng General Manager," paalala sa kanya ni Elaine.
"Sige!" Huminga ng malalim bago sinubukang iangat ni Katherine kanyang mga binti papasok ng building.
Biglang sumunod sa kanya ang mga personal bodyguards at pinangunahan ito ni Gabriel. Ngunit, kaagad silang hinarangan ng mga fanreaders ni Katherine.
"Pasensya na po kayo, Sir. Di po allowed pumasok ng ganito karami sa loob," pagpapaliwanag ni Elaine sa kanila.
"Bakit naman?" tanong ni Alfred.
"Iyon po kasi ang policy nila, Sir," sagot ni Elaine.
Inalalayan ni Jane si Katherine sa kanan nito, "Sasamahan ko na lang siya. Kami ni Arianne."
Tumango ang apat na kasamahan niya samantala nagtinginan ang mga bodyguards ni Katherine. Si Gabriel ay tahimik na pinagmamasdan ang paligid pati mga kaibigan ni Katherine.
"Ako ba hindi pwede sumama. Kailangan ko na masigurado ang kaligtasan niya," biglang singit ni Gabriel sa usapan.
"Masyado na po tayong marami, Sir eh," wika ni Elaine nang may mahinahon na pakikipag-usap.
Biglang nagpresinta si Arianne na siya na ang nagsisilbing bodyguard ni Katherine at assistant na rin. "Ako na lang po bahala magbantay sa kanya sa loob, Sir Gab. Tawagan ko kayo kaagad kung magkaroon ng problema. Hintayin niyo na lang kami dito sa labas."
"Tama si Rian. Dito lang kayo. Alam kong di naman masyado magtatagal ang usapan namin," aniya ni Katherine at tahimik lamang na sumang-ayon si Gabriel sa kanya.
"Sige, Ma'am Katherine hintayin ka na lamang namin dito," sambit ni Alfred sa kanya at sumang-ayon na rin ang karamihan.
Matapos niyon pumasok na nga sila sa loob ng kumpanya. Sumakay ng elevator hanggang sa mapuntahan ang pinaka-opisina nito.
Kumatok muna sila bago pumasok saka nila binuksan ang pinto. "Good morning po, Ma'am Adelfa at Ma'am Celine." Ang General manager ng company at ang secretary nito.
Narito rin ang mga iba pang staffs na binati din sila.
"Maupo kayo," mabilis na tugon ng General Manager.
"It's good you came here, Ms. Yuzon," pormal na pahayag nito.
Nakangiti si Katherine subalit iba ito sa ngiti na masaya siya. Isang ngiti na mapait dahil sa nangyaring masamang balita.
"Para naman mapag-usapan natin ang tungkol dito sa pinadala mong mañuscript. She said you stole her work and here the evidences she gave me last Monday," sabi pa ni Miss Adelfa.
Tinignan nga ni Katherine isa-isa 'yon pati sina Jane at Arianne. Natulala ang dalaga sa kanyang mga nababasa. "Impossible!" bulong niya sa kanyang isipan.
"Paano 'to nangyari?" Naguguluhang tanong ni Jane at di rin siya naniniwala sa mga nabasa niya.
"Sabi ng isang writer ginaya ni Miss Yuzon ang mga sinulat niyang nobela. Pakitignan ang nakalagay sa mga papel na 'yan. Nagpapatunay na ninakaw nga ang mga gawa niya."
Kaagad na kinuha ni Katherine ang laptop at ipinakita sa management ang isinulat niyang nobela. Inililahad ang date at oras kung kailan niya ito unang isinulat, nagpatuloy hanggang sa ending nito at ang date din ng kanyang mga revisions.
Subalit, nabigo siya dahil hindi naging katanggap-tanggap ang kanyang paliwanag. "Ako po talaga ang original na sumulat nito, Ma'am!" pakiusap pa ni Katherine.
"Paano niyo naman masasabi na totoo itong nakasulat sa mga dokumento, Ma'am?" tanong din ni Jane sa ginang na si Adelfa.
"May iba pa ba kayong ebidensya na magpapatunay na ninakaw nga ni Katherine ang libro na 'yon na siya naman talaga ang lumikha?"
Nginisian lamang siya ng isa pang ginang na may pangalang Celine. "Hindi namin masasagot ang mga tanong niyo dahil kitang-kita sa mga dokumento na ninakaw ni Miss Yuzon ang libro na ginawa ng isang writer namin dito."
"Hindi ko talaga ninakaw ang akdang 'yon. Bakit di niyo po ako bigyan ng pagkakataon na makapaglahad din ako ng mga patunay na ako ang tunay nagsulat ng nobela?" Malumanay ngunit may bahaging panghihinaan ng loob sa boses ni Katherine.
"Kaya, kung ako sa inyo kumuha na lamang kayo ng abogado at sila na lang din mag-usap ng aming abugado," muling sambit ng General Manager na si Adelfa.
"I'm so dissapointed to this company. All I thought you're fair with the law," saad ni Katherine nang may labis na panghihinayang at pagsisisi.
Buo ang tiwala na binigay niya sa publishing company na 'yon kanyang isinulat na nobela. Lumipat siya rito dahil sa tingin niya mas makikilala siya subalit sa simula lang pala 'yon. Masasabi niyang mukhang pera ang management nito.
"Thank you for giving this opportunity na nakapag-usap po tayo but I found out that there's suspicious happening here," dagdag pa niya saka nang nagpaalam sa mga ito at lumabas na mga opisina.
"We believe na sa amin papanig ang korte kahit gaano man kayaman ang taong nasa likod nito," saad ni Jane nang may pagbabantang-tingin sa management ng publishing house bago nilisan ang silid at sumunod na rin kina Arianne at Katherine.
Pinunasan sandali ng dalaga ang luha na kanina pa niyang pinipigilan saka siya huminga ng malalim para humugot ng lakas ng loob.
Mabilis siyang inalalayan ni Arianne. "Lalaban tayo, Kath!"
"Mahuhuli pa rin ang taong may kagagawan nito," wika ni Jane na kasalukuyan na silang naglalakad patungong elevator. "Grabe lang sa mismong writer na nagbintang sa'yo! Bakit hindi na lang niya higitan ang mga sinusulat mo kaysa 'yong magnanakaw siya at ibibintang sa iba? Ibang klase, tzk!"
Kitang-kita sa mukha ni Jane ang labis na panggigil sa nangyari na kanina pa niya pilit pigilan at mas pinili niya maging mahinahon pa rin.
"Hindi makaratungan 'to!" puna ni Arianne na may pang-iinis din sa kanyang mukha at halos napakuyom niya ang kamao.
"Darating din na pagkakataon na kakarmahin siya sa ginawa niya. Enjoy now, suffer later," aniya ni Katherine na may halong pagdidiin sa kanyang huling salita.
Mga ilang sandali pa ay mabilis na rin sila nakapunta sa ground floor. Inayos ni Katherine kanyang sarili at muling huminga nang malalim. Sa kanilang paglalakad may bigla silang nakasalubong na isang magandang babae na may 5'7 na height. Pinakulay blonde na buhok, may matangos na ilong, mahahabang pilikmata, manipis na mga labi na kinulayan ng pula, may katamtamang pangangatawan at higit sa lahat, maputi ito.
Ang babae pa mismo ang unang kumausap sa kanila na may paglalambing sa boses nito, "Hello, everyone. I guessed we had recently met before."
Kilala ni Katherine ang babaing nagsasalita sa kanilang harapan. Madalas niya ito nakikita sa mga awardee events at iba pang launch na may kinalaman sa pagsusulat. Halos lahat silang dalawa kasama roon.
"Ikaw si Black Phantom, right?" sambit ni Jane sa di siguradong pahayag. "Nabasa ko rin kasi ilan sa mga nobela mo eh."
Tinawanan lamang siya nito, "Oh, thank you. fanreader pala kita?"
"Nope, I'm just trying to read your book. Maybe, I was curious about your writing style." saad pa rin ni Jane na may halong pang-iinis.
"Oh, really!" muling tumawa ang babae.
"Siya nga si Black Phantom at Avril Venice Lhorin ang tunay niyang pangalan," pagbubunyag ni Katherine sa katauhan ng babae dahilan na makaramdam ito ng pagsusupla sa kanya.
"What a beautiful name pala!" sagot sa kanya ni Jane habang si Arianne naman ay tahimik lamang pinagmamasdan sila.
"Well, bakit nga pala kayo nagpunta dito ng ganitong kaaga?" tanong sa kanila ng babaing si Avril.
"May kinausap lang kami," paliwanag ni Katherine nang may pag-iingat pa rin. Ngayon, may hint na siya kung sino ang may gawa niyon pero hindi sapat ito. Kailangan niya ng matibay na ebidensya para mapatunayan.
Noon pa man malupit na niyang kakompetisyon si Avril pero sa huli siya pa rin ang mas pinakamaraming kita at supporters kaysa dito. Kaya, ganoon na lang din ka-effort nito na hamunin siya na kahit sa maling pamamaraan gaya ng ginawa ng babae sa kanya.
"Ok! Tungkol saan naman?" tanong uli ni Avril sa kanya.
"Bakit namin sasabihin sa'yo?" si Jane ang nagsalita sa pagitan nila.
"Oh nga pala nabalitaan ko last time 'yong tungkol sa pagnanakaw mo raw ng nobela mula sa isang writer," wika ng babae na may pang-iinis laban sa kanila.
"Wala akong ninakaw!" depensa ni Katherine. "Saka kung di man ako 'yon baka ibang writer na sobrang taas ang tingin sa sarili niya."
"Siguro nga noh?" sambit ni Avril na tila wala siyang alam sa nangyayari.
"Well, may pupuntahan pa pala kami," pagdadahilan na lang ni Katherine. Ayaw na rin niya makipag-usap pa sa babae at bumigat pa ang tensyon sa pagitan nila.
Nagkunwari lamang siyang tumitig sa relos na suot niya at tumitig kay Avril. "We have to go now, Avril. See you next time na lang. Kwentuhan tayo if have time." pangsusupla pang wika ni Katherine sa babae.
"Sure, tamang-tama nagmamadali lang din ako. Nakita ko lang kasi kayo kaya napatigil ako baka mamaya isipin ng mga tao rito ang suplado ko di ba?" aniya ni Avril.
"Sige, mauna na kami Miss Lhorin," saad ni Jane nang may halong pang-uuyam sa kanyang boses. "Bye!"
Nakalabas na rin ng building silang tatlo nang sinalubong sila ng mga kasamahan nila sa labas na kanina pang naghihintay.
"What happened?" agad na tanong ni Elaine.
"Wala, sarado ang isip ng management. Hindi ako naniniwala sa mga evidences na ipinakita nila sa'min. Pansin ko rin na mukhang may mga mali sa dokumento," paliwanag ni Jane.
"Grabe? Panigurado ako binayaran lang sila ng taong gumawa nito kay Miss Kath," sambit ni Therese na labis din ang pagkadismaya sa kanyang nalaman.
"Sigurado 'yan!" wika ni Elaine.
"May karma lahat ng 'yan," singit ni Katherine sa usapan. "Let the fate experience it to them."
"Mabuti pa kumain na lang muna tayo sa labas," biglang sambit ni Arianne lalo na nagugutom na rin siya kakahintay dito sa labasan saka tanghali na rin.
"Sabagay, Arianne tutal nagugutom na rin ako sa pakikipag-usap doon sa managers," sabi ni Jane nang may pagsang-ayon.
"Tapos mag-inuman tayo. Ano, game?" suwestiyon ni Elaine sa kanila.
"Tama 'yang nasa isip mo, sis para naman masarap ang tulog ko sa gabi," saad ni Katherine.
"Ang alam ko hindi ka naman umiinom," aniya ni Arianne kay Katherine.
"First time of my life ko nga 'to," tumawa lamang si Katherine.
Hindi nila alam ay kanina pang pinagmamasdan sila ni Gabriel at natigilan ito nang marinig niyang mag-iinom silang apat.
"Mahigpit na pinagbabawal ang pag-inom," saad niya nang may awtoridad.
"Minsanan lang 'to kaya tzk!" reklamo ni Katherine. "Kung gusto sumali ka na lang sa'min uminom."
"Hindi pwede, Miss Yuzon," seryoso subalit mahinahon pa ring pagtanggi ng binata sa dalaga.
"Ngek, paano ba 'yan Lady Green?" wika ni Elaine nang may paghihinayang.
"Pasensya na kayo pero di ko talaga siya papayagan uminom kasama kayo," paumanhin kaagad ni Gabriel.
"Hays, masyado mo naman strikto. Kung dito lang si Denz malamang papayag 'yon," muli pang pagmamaktol ni Katherine dahil hindi pinayagang uminom.
Gusto pa naman niya maglasing para madali siyang makatulog sa gabi kaso kaagad kumontra si Gabriel sa kanila.
"Hindi mo naman siya bodyguard. Kaibigan mo lang siya. Kahit nandito pa ang lalaki na 'yon hindi ko kayo papayagang uminom." Iniwanan na sila ni Gabriel at nagtungo ito papasok ng isang restaurant para umorder na rin ng pagkain.
Pinagtitinginan sila nila Arianne, Elaine, Jane, Therese, Kyla at Harley pati kasamahang bodyguard ng binata.
"Luh, overprotective!" komento ni Therese.
"Pansin ko nga," wika ni Kyla.
"Medyo kinilig ako doon ah!" natatawa naman si Jane habang nagsasalita.
"Same!" aniya ni Elaine.
"Hoy, huwag niyong bigyan ng malisya!" depensa kaagad ni Katherine saka na lang pumasok ng restaurant na hindi hinintay ang kasama. "Halika na, pasok na tayo."
"Hala!" gulat na saad ni Jane.
Pagkatapos nila kumain ng lunch, napagdesisyunan nang umuwi. Tila pagod na pagod si Katherine sa kanyang posisyon habang iniisip ang mga nangyayari. Nabaling kanyang atensyon nang may nag-pop up sa kanyang laptop. Ipinakita nito ang mismong pangalan ni Denzel. Mabilis niya itong sinagot.
"Hi, how are you?" bungad ng binata sa kanya. "Nabalitaan ko ang nangyari."
Napatitig si Katherine kay Denzel na nasa screen. Huminga siya nang malalim at muling itinuon ang atensyon sa kausap.
"I can't believe that! Masyadong mabilis ang pangyayari. I really don't know how it happens," kwento ni Denzel sa kanya. "May nakaaway ka ba these past few days?"
"None, it's just insecurity," maikling sabi ni Katherine.
"What do you mean?" tanong ng binata nang may pagkalito sa sinasabi ng dalaga sa kanya.
"May tao lang na di siguro tanggap na may mas higit sa kanya so they will do everything just to ruin the image of their rival," paliwanag ni Katherine pero wala siyang balak palanganan ito.
"So, may clue ka kung sino?" wika ni Denzel.
"Wala pa. Kailangan ko pang kumuha ng matibay na ebidensya," sabi pa ni Katherine. Hangga't di pa sigurado di na muna niya pangangalanan iyon. Tamang si Jane, Arianne at siya muna ang dapat makakaalam nito.
"You need a lawyer?" tanong ulit ni Denzel nang may labis na pag-alalala sa kaibigan dahil nakikita niya sa mata nito ang lungkot at pagkadismaya.
"Si Lolo na ang bahala kapag nasabi ko na sa kanya." aniya ni Katherine.
"Hindi mo oa sinasabi sa kanya?" medyo nagugulat ring tanong ng binata.
"I tried since humahanap ako ng right timing. Ayaw kong biglain si lolo. Masyado na siyang maraming iniisip sa negosyo," paliwanag pa ng dalaga. Kailangan niya talaga kasi ng lakas ng loob para ipaalam ito sa matanda.
"Ok, pero sana hindi na tumagal dahil baka malaman niya pa kung saan," pinaalalahanan ni Denzel si Katherine at sinang-ayunan ito ng dalaga.
"Pagkarating niya galing business trip, sasabihin ko kaagad."
Matapos ang kanilang usapan ay napag-isipan ng dalaga na magpunta sa mini library. Lumabas siya ng kwarto at napansin ito kaagad ni Arianne.
"Di ka makatulog?" tanong niya kay Katherine.
"Yup, kaya pupunta lang muna ako ng library. Doon ako magpapaantok," wika ng dalaga nang mabuksan na niya ang daan palabas ng silid.
"Sige, pero kung gusto mo ng makakausap nandito lang ako Kath," aniya ni Arianne.
"Magpahinga ka na at matulog but thanks!" Isang sapilitang pagngiti ang iginawad lamang niya sa kanyang pinsan.
"Sige. Good night," sagot ni Arianne.
"Good night too."
Isinara na nga niya ang pinto saka naglakad patungong library. Halos tahimik lamang ang paligid na wala kang maririnig na anumang ingay maliban sa paghakbang ng kanyang mga paa.
Mga ilang segundo kumuha ang dalaga ng isang libro. Fiction novel na mula pa noong 90's ang pagkakasulat nito. Sisimulan na sana niyang basahin nang may narinig pa siyang yapak ng mga paa ng isang tao. Nilingon niya ito at nakitang si Gabriel pala iyon.
"Ba't ka pa gising at ano ang ginagawa mo sa ganitong oras, ah?" tanong ng binata sa kanya na nanatili ang awtoridad sa boses nito.
"Hindi kasi ako makatulog," direktang sagot ni Katherine kay Gabriel habang kumukurap-kurap pa kanyang mga mata. "Ikaw, ano ginagawa mo rito?"
"Tinitignan ko lang palibot ng building saka bigla kitang nakita dito," pagsisinungaling ng binata dahil ang totoo napansin niya sa CCTV ang paglabas ni Katherine sa silid nito.
"Alright, eh kung gano'n matulog ka na. Ako na ang bahala. Kailangan ko kasi na dalawin na ako ng antok para tuluyan nang makatulog," mahabang-habang litanya na nagmula kay Katherine tila hirap talaga siya makatulog lalo na di mawala sa isipan niya ang pangyayari. "Eh, kung sana kanina pumayag kang uminom kami, mahimbing na sana tulog ko ngayon."
"Tzk!" dinig ni Katherine. "Kahit kailan matigas pa rin talaga ulo mo. Pilit mong makisama sa mga kaibigan ko pang masamang impluwensya," nakangisi pa si Gabriel nang sambitin niya ang salita niya ang "masamang impluwensya" dahilan para taasan siya ng kilay ng dalaga.
"Anong sabi mo?" hasik ng dalaga sa kanya.
"Di ko na uulitin," tumitig siya rito ng nakangisi pa rin sa kanyang labi subalit nang katagalan na ay kaagad siyang umiwas ng tingin at muling tumawa, "Hahahaha!"
"Anong nakakatawa do'n? Can you please reflect on yourself first? Napakabilis mo lang kasi maghusga ng tao na di mo pa kilala," giit naman sa kanya ni Katherine.
"Alam ko ang mga sinasabi ko," matapang na sagot ni Gabriel. "Minsan hindi mo naman kailangan kilalanin ang isang tao na matagal para masabi mong matinong tao sila. Kadalasan sa mga salita na binibitawan nila at mga kinikilos pwede mo na silang makilala kaagad at 'yon din sana pag-aralan minsan, Miss Yuzon."
Pagkatapos, tumayo na ang binata at naglakad na palayo ng library pabalik sa kanyang silid. Nang makabalik siya sa kanyang kwarto ay di niya maiwasan mapaisip sa pagtitinginan nilang dalawa ni Katherine kanina habang may diskusyon. Kakaiba kung tumitig ang dalaga na siya lang nakakapansin niyon. Mga ilang sandali ay tinawanan niya ang sarili at nahiga na sa kanyang kama.
Kinabukasan, nagising si Katherine sa sunod-sunod na pagkatok sa kanyang pintuan. Nainis siyang tumayo mula sa pagkakahiga at ipinagbuksan si Arianne.
"Kath, may supresa ako sa'yo," excited na sabi nito. "Here oh!" turo niya sa isang post na makikita sa kanyang cellphone.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (13)

  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06

      0
  • avatar
    Marvin Villanueva Banal

    nice book

    28/05

      0
  • avatar
    Ryan Jalova Cruz

    nice

    09/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด