logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER THREE

       MULa sa elevator naglalakad siya papunta sa kaniyang condo. Nakalugay ang kaniyang ash blonde na buhok, may sunglasses, at naka-dress na light color hanggang taas ng tuhod habang maingay ang tunog ng three inch. of her heels.
"Bwesit na lalaking yun. Iniwan akong mag-isa sa interview!" inis na saad ni Gianna nang malapit na niyang marating ang kaniyang condo.
         Bigla siyang napatigil sa paglalakad ng makita niyang may taong naka all black sa harap ng condo niya. Tinititigan niya muna ito na tila pinagmamasdang mabuti ang nakatalikod na babae. Nasabi niyang babae dahil sa buhok nitong itim na nakalugay at sa pagtindig nito masasabing maganda ang hubog ng katawan. Tinagkal niya ang kaniyang sunglasses na hinigpitang hawakan at unti-unting lumapit dito ng may paghahanda sa sarili na baka masama ang intensyon nito. Naramdaman ng babae ang paglapit niya kaya nilingon siya nito. Naka sumbrelo at mask na itim pa ito kaya hindi niya nakilala ang kaharap. Ilang segundo silang nagkatitigan na tila kinikilala ang bawat isa.
"Ang sakit na ng likod ko...." pagmamaktol ng taong nasa likod ng babae.
        Napatingin siya sa taong dumadaing na naka-upo sa sahig at naka-sandal sa pinto ng condo niya. Nagulat siya at agad niyang nilapitan ito nang makilala ang lalaking nagmamaktol sa likod ng babae.
"Elvis?? Anong nangyari sa'yo?" tanong niya ng makalapit siya dito.
"Nagpasundo po s'ya sa'kin para mai-uwi s'ya dito......halata namang hindi n'ya kakayaning magdrive pauwi." paliwanag ng babaeng nasa likod niya.
        Tiningnan niya ito ng makilala ang boses ng babae. Tumayo siya at tiningnan ito ng mabuti.
"Thea?..........bakit ganiyan ang itsura mo? Paghihinalaan ka ng makakakita sa'yo na may balak kang hindi maganda."
"Kasi po ito ang naisip ko para hindi na mag ka-issue. Lalo na't maliwanag pa at makikilala si Sir Elvis ng mga taong makakakita samin. Baka kung ano na naman ang kakalat na balita." pagpapaliwanag ng babae, ang P.A. ni Elvis.
"Sabagay, good job......thanks , ako na ang bahala sa kan'ya. You can go."
       Inalalayan na niya si Elvis na makatayo, nabibigatan siya dito dahil hindi umaayos ng tayo, lasing na lasing talaga. Bubuksan na sana niya ang condo nang tingnan niya ulit ang babae. Hindi parin pala ito umaalis.
"Thea, I said you can go."
"Kaya n'yo na po bang ipasok sa loob si Sir Elvis?"
"Oo naman....... Don't worry kaya ko 'to."
       Binuksan na niya ang condo dahil nakita naman niyang lumayo na si Thea sa kanila. Pagkapasok ng condo habang hirap na hirap siya sa pag-aalalay sa binata hindi pa niya maisarado ang pinto. Tiningnan niya si Thea na hindi parin pala umaalis at nakatingin lang sa kanila. Hindi niya makita ang mga mata nito dahil natatakpan ng sumbrelo. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kakaiba.
"Thea......ano pang ginagawa mo diyan? Hindi ba sabi ko umalis kana?" seryoso na niyang sabi dito.
       Hindi sumagot ang babae. Naiinis na siya dito, hindi siya makapasok sa loob at nangangalay na siya sa binatang hindi umaayos ng pagkatayo.
"Thea." Muli niyang tawag dito na may pagka-inis.
       Dahan-dahan itong tumango at tuluyan nang tumalikod sa kanila. Sinubaybayan pa niya ang paglalakad nito. Napabagsak na ulit sa sahig ang binata dahil hindi pa rin niya maisara ang pinto hanggat hindi niya nakikitang nakasakay ang babae sa elevator.
"Ano ba...ang sakit na ng likod ko." daing ulit ng binata.
       Agad niyang sinara ang pinto ng makaalis na nang tuluyan ang babae. Pinantayan niya sa pag-upo ang binatang naka-upo sa sahig habang ang mga mata ay nakapikit.
"Ang weird ng Assistant mo." mahinang sabi niya na hindi njya alam kung narinig siya nito.
      Muli niyang inalalayan ang binata at pabagsak niya itong inihiga sa sofa. Dumaing na naman sa sakit ang binata. Kumuha siya ng tubig at sapilitang pinaupo ito.
"Uminom ka nga nang mawala yang amats mo."
      Siya na ang nagpainom dito dahil hindi nito kakayaning hawakan ang baso. Pagka-inom ng tubig ay muli itong humiga sa sofa. Pagkatapos niyang ilagay ang baso sa kusina tumayo siya sa harap ng binata at sinuntok niya ito sa braso para magising.
"Aray ko Gia ano ba." masama itong tumingin sa kaniya.
"Anong pumasok sa isip mo at iniwan mo ako dito? Nagpapakalasing ka samantalang ako mag-isang hinarap ang interview?" galit niyang tanong dito habang naka-cross arm.
"Hindi na ako nakapag-paalam dahil natutulog ka kanina. I'm sorry babawi nalang ako bukas." mahinang sambit nito at pumikit ulit, sadyang iniiwasan siya.
"Lumipat ka na sa kwarto mo.....ayaw kong mag-amoy alak ang sofa ko."
       Hindi ito umimik at nag-akto lang na natutulog. Inis siyang bumalik sa kitchen, kumuha ng tubig na nasa container at malinis na white towel. Umupo siya sa harap nito at tinatanggal ang sapatos ng binata.
"Ano bang problema at nagpakalasing ka?" may halong pag-aalalang tanong niya dito.
       Nakita niyang dumilat ito ngunit hindi sinagot ang tanong niya. Nang matapos niyang tanggalin ang sapatos nito. Kinuha niya ang towel at itinubog sa tubig habang pinipiga ay nagsalita na si Elvis.
"Naaalala mo pa ba ang ipinangako ko sa'yo dati?"
      Napatigil siya sa ginagawa, nagulat sa tanong ng binata. Nawala na ng tuluyan ang pagkalasing nito. Hindi siya sumagot at iniintay lang ang susunod na sasabihin nito.
"Ganitong oras din 'yun, sa tabi ng dagat........ nakita kitang umiiyak." napahinto saglit ang binata at tumingin sa kaniya ngunit nakatalikod parin siya.
"Ipinangako ko noon na hindi kita iiwan."
•°•°•°•
     Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang sunod-sunod na pagtapak ng luha at ang ingay ng alon sa dagat ang kasabay sa nagagawang ingay na paghikbi ng batang babae na nagtatago sa malaking bato. Iyak siya ng iyak hanggang sa naramdaman niyang hindi na siya napapatakan ng ulan. Tumingala siya, nakita niyang may nagpayong sa kaniya at nasilayan ang nakangiting batang lalaki. Tiningnan niya ang isang kamay nito na may inaabot sa kaniya. Pinahid niya ang kaniyang luha at ngumiti rin sa bata bago kunin ang inaabot nito.....ang choco drink.
"Pinagalitan ka na naman ba kaya ka umiiyak?" pag-aalala ng bata sa kaniya.
       Imbis na sumagot ininom niya ang choco drink at hinaplos ng bata ang buhok niya na tila nagco-comfort sa kaniya. Naramdaman nilang hindi na bumubuhos ang ulan kaya tiniklop na ng bata ang payong.
"Salamat Alvie." nakangiting sambit niya dito.
"Elvis nga ang pangalan ko." natatawang sabi ng bata.
"Basta Alvie itatawag ko sa'yo."
      Nagtawanan sila saglit at natahimik na naman siya na nagbabadyang luluha na naman siya.
"Pinalo ka na naman siguro kaya ka umiiyak." malungkot na wika ng bata sa kaniya.
"Hindi ah........umalis na si papa......magtatrabaho daw sa ibang bansa." naiiyak niyang sagot dito.
      Tinapik siya ng bata para patahanin at seryoso siyang hinarap nito.
"Gia....ako....hindi ako aalis sa tabi mo.....pangako hindi kita iiwan. Ayaw kong maging malungkot ka."
"Pangako mo yan ha?" pinahid niya ulit ang kaniyang mga luha.
"Pangako , basta mangako ka ring magpapakabait ka na para hindi ka na paluin." natatawang sambit ng bata.
"Hindi nga ako pinalo." natatawa na niyang sambit dito
  
-----
       SA pagtatapos ng graduation ceremony tumatakbo ang isang dalagita papunta sa kotseng itim na pasakay na dito ang isang malungkot na binatilyo. Hingal na hingal siyang lumapit dito habang pinupunasan ang luhang walang tigil ang pagbagsak.
"Saan ka pupunta? Sabi mo hindi mo ako iiwan." umiiyak niyang tanong sa binatilyo.
"I'm sorry Gia." malungkot na sagot nito habang pinupunasan ang luha niya.
"Huwag ka nang umiyak. Pangako babalikan kita. I'm sorry talaga........basta hintayin mo ako." umiiyak na sabi ng binatilyo bago siya bitawan at sumakay sa kotse.
******
      PINakiramdaman niya si Gia na nakatalikod sa kaniya. Hahawakan na sana niya ito nang humarap na sa kaniya ang dalaga.
"Iniwan mo naman ako." walang emosyong sambit ng dalaga.
"Binalikan kaya kita...........kaso wala ka na doon." nakangiti niyang sabi dito.
      Hindi siya tinitingnan nito at abala lang sa pagpupunas sa kaniya. Hindi na niya maramdaman ang alak sa kaniyang sistema ngunit pakiramdam niya nanghihina parin siya. Tinititigan niya ang maamong mukha nito at walang ka emo-emosyon.
"Hindi mo pa pala nasasabi sa akin kung saang probinsya kayo lumipat...........saan ba kayo lumipat?"
     Imbis na siya ay sagutin tumayo ito at binitawan ang towel.
"Lumipat ka na sa kwarto mo. Pagod din ako." seryosong sabi na hindi siya tinitingnan at bigla nalang pumasok sa kwarto nito.
     Nakaramdam siya ng pag-aalala para sa dalaga. Simula ng magkita sila ulit dito sa Maynila wala namang pagbabago sa inasta ang dalaga maliban nalang na nararamdaman niyang may inililihim ito sa kaniya.
   

หนังสือแสดงความคิดเห็น (14)

  • avatar
    Don AaRon

    good to read

    26/10/2024

      0
  • avatar
    Bernie Von Labotero

    hi this is good

    21/07/2024

      0
  • avatar
    Manalang Manalang

    ang ganda ng veiw

    29/04/2024

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด