logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7

LAKING pagtataka ni Katya ng wala man lang kumwestiyon sa kanya ng magising siya kinabukasan. Hindi siya tinanong ng ibang katulong na hindi nakakaalam sa totoong siya. Hindi man lang ang mga ito nagduda sa mga kinilos niya nang nakaraang gabi. Hindi tuloy niya maiwasang magduda kung nagpapanggap lang rin ang mga ito na walang alam o sadyang walang pakialam din ang mga ito sa kanya.
She decided to tell her Señorito the truth. Na kung sino talaga siya at ano ang ginagawa niya sa mansyon. Pero ibibigay niya pa rin ang kabuuang eksplenasyon sa kanyang kaibigan na si Anna. Pupunta ito sa susunod na araw sa mansyon para magpaliwanag. Hindi kasi nito maiiwan ang pag-aaral. Sinabihan lang siya nito na umamin ng tunay niyang katauhan na agad niyang sinangayunan. 
Gusto niyang manatili pero wala naman siyang dahilan para manatili. Walang excuse sa ginawa niya. Isa pa ay hindi naman tamang magpanggap na lang siyang si Anna ng matagal. Mabuti nalang din at makakapagpakilala siya ng totoong siya habang maaga pa.
Pagpunta ni Katya sa kusina ay agad niyang hinagilap si Manang Rosa para sabihin dito ang napag-usapan nila ni Anna. Ngunit siya ang sinalubong nito ng ibang balita. 
"Pinalilipat ka ni Señorito sa guest room."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Dahil imbes na siya ay palayasin ay pinalilipat pa siya ng guest room. Hindi na siya nagulat na alam na nito na hindi talaga siya si Anna. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi siya nito harapin at tanungin. Hindi niya maiwasang kabahan.
"Manang Rosa, magpapaliwanag na po si Anna sa susunod na araw. Sinabihan ako ni Anna na magpakilala sa Señorito."
Umiling iling si Manang Rosa at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Alam na ni Señorito ang lahat sa umpisa pa lamang ija. Hindi siya nagtanong sa'kin at hindi niya kinumpirma. Sinabihan niya lang ako na palipatin ka sa guest room dahil hindi ka raw nararapat na manatili sa servant's quarter." 
Hindi maiwasan ni Katya ang mas lalo pang kabahan at matakot sa narinig. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng kanyang Señorito. Ang inaasahan niya ay paaalisin na siya nito ng mansyon dahil nagsinungaling at nagpanggap siya. Inaasahan niya ring magagalit ito ngunit kung alam na nito na hindi siya si Anna umpisa pa lamang at hindi man lang niya ito nakitaan ng galit at alin man sa dalawa ay hindi nito ginawa, hindi na talaga niya alam kung anong iniisip ng Señorito na gagawin sa kanya.
"Manang...galit ba siya sa'kin?" hindi niya naitago ang lungkot sa boses ng itanong iyon sa Manang.
Bumuntong hininga si Manang Rosa. "Hindi ko alam ija. Pero hiwag kang mag-alala, hindi ka ipapahamak ng Señorito," nakangiti ngunit nag-aalala pa rin nitong sinabi.
"Gusto ko siyang makausap Manang. Nasaan po siya?" umaasam na tanong niya.
"Umalis si Señorito at sinabing gagabihin siya ng uwi. Mas mabuting kinabukasan mo na lang siya kausapin." Bumagsak ang kanyang balikat sa narinig. 
Huminga ng malalim si Katya at hindi maiwasang kumunot ang noo. "Hindi naman siguro niya ako iniiwasan, Manang hindi ba?" 
Tumawa si Manang sa tanong niya. "Hindi gagawin ng Señorito iyon ija lalo pa at alam niyang nandito ka. May inaasikaso lang talaga siya kaya siya umalis at gagabihing umuwi," paliwanag ni Manang Rosa.
Hindi na siya kumibo at nag-isip na lang kung ano ang sasabihin rito kung sakaling magkaharap sila ng Señorito.
"Sige na ija, ayusin mo na ang mga gamit mo at sasamahan kitang lumipat sa iyong magiging kwarto." Aya sa kanya ni Manang at wala na siyang nagawa kundi ang sumunod.
"ALAM NA ba ng iba kung sino ako Manang Rosa?" tanong ni Katya ng paakyat na sila sa second floor kung saan naroon ang ibang mga kwarto at guest rooms.
"Wala silang nalalaman at hindi rin sila pinahihintulutan na magtanong. Nandito sila para lang magtrabaho at pagsilbihan si Señorito at ikaw na bisita na ng bahay."
Nakahinga naman siya ng maluwag ngunit hindi pa rin maalis ang kanya ang agam-agam. 
"Mas gusto kong manilbihan bilang katulong Manang Rosa kaysa pagsilbihan. Mas matatahimik ako kung ganoon ang pangyayari dahil maiiwasan ang kanilang pagdududa. Kapag nalaman nila na nasa guest room na ako ay paniguradong maghihinala na sila at maaaring ungkatin na nila ang buhay ko," namomroblemang ani niya.
"Wala ka namang ginagawang masama ija. Isa pa, hindi sila ang masusunod sa pamamahay na ito at hindi gugustuhin ng Señorito na mangatulong ka kahit hindi ka naman talaga katulong."
Napangiti siya sa sinabi nito. "Hindi niyo naman ako pinababayaan Manang hindi ba? Ang tanging ginagawa ko lang ay tulungan kayo sa pagluluto at paghahanda sa mga pagkain."
Bukod sa pagluluto at pagsisilbi sa Señorito ay wala na siyang ibang ginagawa. Hindi siya nito pinapatulong sa paglalaba, paglilinis ng mansyon at miski paghuhugas ng mga pinggan. Hindi pagiging kasambahay ang ginagawa niya. Kung hindi siya nagkakamali ay para siyang...maybahay. Maybahay ng Señorito.
Napangiti siya sa naisip at nakagat na lang ang labi sa naramdamang kilig. Ngayon niya napagtanto na para siyang asawa ng kanyang Señorito. Hindi man sila magkatabing matulog, sabay kumain o kung ano pa mang ginagawa ng isang asawa ay kanya pa rin naman jtong pinagluluto ng pagkain at pinagsisilbihan na parang tunay na asawa. Ang kaisipang iyon ay nagpapalukso ng kanyang puso at nagbibigay ngiti sa kanya.
"Ito ang magiging kwarto mo habang nananatili ka rito." Pinagbuksan siya ni Manang ng pinto at hindi niya maiwasang mamangha sa nakitang anyo ng guest room.
Isang pabilog na kama ang nasa gitna. Sa kaliwang bahagi ng kwarto ay ang veranda kung saan kita ang garden ng mansyon. Sa kanan naman matatagpuan ang malaking closet at pinto papasok sa tingin niya ay banyo. Sa gilid ng kama ay may maliit na drawer kung saan nakapatong ang lamp shade. Sa harap ng kama ay may sofa at sa harap din nito kung nasaan ang pader nakasabit ang isang malaking flat screen TV na kumpleto ang mga amplifier. 
Lumapit si Katya sa kama at umupo rito. "Ang ganda rito Manang. Though, it does not look like a guest room but a room of a princess." Dahil ang kama ay may kobrekamang pambabae mula sa mga punda at comforter.
"Pinaayos ni Señorito ang kwarto na ito simula pa kagabi. Kaya ganito ang itsura na akma naman sayo." 
Hindi niya naiwasang mahiya dahil nag-abala pa ang mga ito. "Okay lang naman ako kahit sa simple Manang. Hindi na dapat pa pinabago ang itasura." 
Nakaya nga niyang tumira sa maliit na apartment at hindi naman ito nakabawas ng pagkatao niya.
"Ang Señorito ang may gusto nito ija. Hayaan mong pagsilbihan ka namin gaya ng pagsisilbi namin sa Señorito."
Napailing na lang siya. "Kahit huwag na po Manang Rosa. Just treat me the way you treated me before," pagmamatigas niya na ikinangiti na na lang ng matanda.
"Ngayon ba ay pwede ko ng malaman kung ano ang pangalan mo?" nakangiti pa ring tanong ng Manang.
Medyo nawala ang ngiti niya sa naging tanong nito. Hindi pa rin pala siya maaaring magpakilala ng lubos dahil maaari siyang mapahamak. Kilala ang pangalan ng kanilang pamilya at hindi nakapagtatakang makilala siya ni Manang kung malalaman nito ang pangalan niya. At mas lalong makikilala siya ni Señorito dahil nasa iisang klase lang sila ng pamumuhay noong siya ay may mga pag-aari pa at mayaman.
"Rhina Limaco. Rhina Limaco ang aking pangalan," wika niya. 
Humingi nalang siya ng tawad sa isip dahil sa hindi pa rin niya kayang magpakatotoo. Hindi ito ang tamang panahon dahil pinaghahanap pa rin siya. Plano niyang pahupain ang lahat. Babalik siya kapag dumating sa puntong na hindi na niya kailangang ipaghanap.
"Magandang pangalan para sa magandang dilag," napangiti siya sa tinuran nito.
"Ngunit kaano-ano mo ang pamilyang Limaco na naninirahan sa kabilang lalawigan? Kilala ang mga Limaco dahil ang ama ng pamilyang Limaco ay kilalang gobernador doon." 
Tila natigil ang mundo ni Katya sa tanong ng Manang. Agad siyang nilukuban ng kaba at takot na maaaring mabunyag ang kanyang pagkakakilanlan dahil dito.
Ang pamilya ni Katya ay taga Maynila. Siya ay pumunta sa lalawigan ng kanyang Ina para doon ay magtago. Pero mas pinili niya ang kasalungat na lalawigan kaya siya napadpad dito. Sa pamamagitan noon ay hindi maiisip ng mga naghahanap sa kanya na magtatago siya sa kinalakhang lugar ng Ina. Hindi siya mahahanap doon at maghahanap ang mga ito sa kinalakhang lugar ng kanyang ama. Hindi ng mga ito maiisip na nasa malapit lang siya. Hindi niya kayang makipagsapalaran sa malayo ng walang kabali-balita dahil mas gugustuhin niyang nasa malapit. Mas masusundan niya ang mga nangyayari. Kaya rin madalas lang siyang nananatili sa kanyang apartment para maiwasang makisalamuha sa kung sino dahil maaaring ang mga naghahanap sa kanya ang makasalamuha niya.
Tinanong na rin siya ni Anna tungkol sa pamilyang Limaco at kahit na may nakahandang sagot siya para sa Manang ay hindi pa rin niya naiwasang kabahan at matakot.
"Hindi ko sila kaano-ano Manang dahil nagmula ako sa malayong lugar at hindi sa kabilang lalawigan," nakangiti ngunit may kaseryosohang sagot niya.
"Ganoon ba?" nakakunot ang noong wika nito. "Sabagay, wala naman akong natatandaan na may anak na babae ang mga limaco. Puro mga lalaki ang naging anak ng mag-asawang Limaco. At wala rin namang naging kapatid ang gobernador."
"At hindi po ako lalaki," dagdag na biro niya para mawala na ng tuluyan ang pangamba niya.
Tumawa si Manang Rosa sa sinabi niya. "Oo. Hindi ka lalaki dahil magandang babae ka." 
"You flutter me so much Manang Rosa! Nahihiya na tuloy ako," nakangusong aniya.
"Siya siya, maiwan na muna kita rito at may lilinisin ako sa baba. Iaakyat ko na lang dito ang umagahan mo."
"Hindi na po Manang. Sa baba na lang ako kakain kasama nila then I'll help you with what you're doing." Mas maiging isipin ng mga ito na katulong pa rin siya hangga't hindi pa niya nakakausap ang Señorito. 
Alam na niya ang mangyayari kapag umasta siyang bisita ng hindi ng mga ito alam. Paniguradong magtataka ang mga ito at baka awayin na naman siya. Ayaw na niya ng gulo.
"Sige, ikaw ang masusunod," nakangiting anito.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (22)

  • avatar
    Jay MarkDinawanao

    Very very nice

    13/07

      0
  • avatar
    Jasmine Garcia Demillo

    💞💞

    30/05

      0
  • avatar
    Angelo Sumalinog Divinagracia

    ajaxbxbwjxbw

    10/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด