logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Against The Dream

Against The Dream

semicxlon


Prologue

Against The Dream
DISCLAIMER
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PROLOGUE
AMBER'S POV
I smiled. "Six years, three hundred sixty-five days, twelve months, eight thousand seven hundred sixty hours, five hundred twenty-five thousand and six hundred minutes, three million and one hundred fifty-three thousand, six hundred seconds. Everyday, every night and everytime."
Mapait akong ngumiti saka tumungo. "I'd still fall to the one who loved me, ten years ago."
Tinitigan ako nang mariin ni Syie saka napailing. "You have everything! You have Travis in your life! Ano pa bang kulang?" takhang tanong ni Syie, hindi makapaniwala.
"My children needs their daddy, Syie." seryosong sagot ko saka nagtaas ng tingin.
Bumuntong hininga siya. "Iniwan ka niya, Amora Beatriz! Iniwan ka niya sa mga panahong siya nalang ang kinakapitan mo!" seryosong aniya na napapailing.
"But we don't move past things like that, they just become a part of us.."
Nangilid ang mga luha ko saka nag-iwas ng tingin.
"Just focus on the road, Syie." kunyaring natatawang saad ko, pilit inilalayo ang topic.
Kasalukuyan siyang nagmamaneho papunta sa site. Balak ko na kasing kamustahin ang pinagagawa kong modern house.
"Paano kung daddy nalang ang regalo mo para kay Raven?" natatawa pang singit ni Seji sa likod.
Tinignan ko siya at pinakyuhan. Kinginang hapon 'to.
"Mag-aapply ka ba?" nakangisi namang hirit ko. Agad siya umiwas ng tingin at tumawa nang parang tanga.
"Taken ako, miss. Hahaha!" aniya saka ako nilapitan at binatukan nang mahina.
"A-Aray! Ulol!" magsasalita na sana siya nang magsalita muli ako. "Ilang taon ka na ngang single eh," natatawang tugon ko kaya pati si Syie na nagmamaneho ay napatawa rin.
Tinaasan ako ng kilay ni Seji. "Corny mo, Amber." mataray na saad niya at pumikit muli.
Haharap na sana ako nang magsalita siya. "Why do you like him so much?"
Natigilan ako pati na rin si Syie at ang sasakyan ngunit agad ring nagpatuloy. Napatingin ako kay Seji. Nakapikit pa rin ito. Tila walang pakealam sa binanggit.
Natulala ako sa maamo niyang mukha. Hindi ko inaasahang sasabihin niya 'yon.
"Sinaktan ka niya noon, pero bakit parang wala lang sa'yo?" patuloy niya.
"Naiintindihan ko siya, Seji." mapait ang ngiting tugon ko.
"Dati ikaw ang mundo niya. Anong nangyare ngayon? Nangibang planeta?" nangangasar ang tonong saad niya saka natawa.
Humalakhak sila ni Syie habang ako ay hindi maipinta ang mukha dahil sa sinabi nito.
"Tangina mo, wala ka talagang masabing matino!" asik ko saka siya tinalikuran.
The car stopped when we arrived. Unang lumabas si Seji saka inalalayan si Syie. Kinuha ko pa muna ang bag ko saka tuluyang lumabas.
Agad akong sinalubong ni Hima, Seji's sister. Pagod na pagod at naghahabol pa ng hininga.
Oh, ba't siya nandito?
"Doc!" malakas na tawag sa akin ni Hima habang naghahabol ng hininga. Napahawak s'ya sa tuhod at tinuro ang site. "Si Engineer Frizo, nag quit sa project."
Nagugulat ko siyang tinignan at hinawakan sa balikat. "Why?" takhang tanong ko.
"Mr. Riego has already fired him. He's no longer an engineer." seryosong saad niya saka kumuha ng panyo at pinunasan ang sarili.
He is crazy. He even managed to lay off an employee.
"Can't you?" nakikiusap kong tanong sa kan'ya.
I need to finish this house. I glanced at the unfinished house then shook my head.
"I can't, Doc. I am taking care of something in Japan." seryosong aniya saka napailing na parang nakikiusap.
"Is that so? Uh. I can pay you a 500 thousand in cash!" offer ko saka siya hinawakan sa kamay na parang nakiki-usap.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Napangisi naman ako dahil doon. Makikita ang pag-aalinlangan sa mga mata niya.
"Gustuhin ko mang tanggapin ang offer mo, Doc, pero hindi p'wede." mahinahon niyang sabi saka napatungo.
Lintik! Bakit ngayon pa? Damn it  Riego!
"Seji--" napatigil ako sa pagtawag nang bigla siyang umiling at inaayawan ako.
Lalong nagsalubong ang kilay ko at para na nga itong magsusuntukan sa sobrang lapit.
"We need to find another engineer." seryosong aniya saka itinuro ang hindi pa tapos na bahay.
"Who--?"
"No choice, darling." napatigil ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Agad na lumingon sila Syie at Seji na pawang gulat na gulat sa nagsalita.
"I am available." nakangising saad niya nang lumingon ako.
I was just staring at him like I saw a ghost. A ghost from the past. Gusto kong tanungin ang sarili ko kung bakit patuloy akong humahanga sa kagwapuhan niya at galing nito sa pagporma.
Tinignan ko siya nang walang emos'yon. Bumuntong hininga ako saka siya tinaasan ng kilay.
Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko nang salubungin ko ang mga titig nito. Para akong hinihigop ng mga titig niya.
"When have you ever cared about me?" malamig na saad ko habang nakatingin sa walang emos'yon n'yang mukha.
"All the time." seryosong saad niya na nakatingin mismo sa mga mata ko.
Napamaang ako at hindi nakapagsalita. Hindi ko alam pero may kaunting kirot akong naramdaman sa puso ko nang sambitin niya iyon.
"Amber." napatingin ako kay Travis na ngayo't nasa likuran ng lalaking kaharap ko. "Let's go."
Napatingin naman si Raze. "Long time no see."
Nakangising tumango si Travis. "Buhay ka pa pala."
Walang sabi sabing naglakad ako papalapit kay Travis, naiwang nakatanga naman si Raze.
Nakita kong natigilan si Travus pero hindi ko na siya pinansin at sa halip ay sumama na sa kan'ya.
Naramdaman kong napalingon si Raze pero nananatili lang akong nakatingin kay Travis at hindi siya nililingon.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtiim ng bagang nito. Napatingin ako sa kamay nuyang kumuyom.
"Raven's waiting for you." nakangiting banggit niya sa anak ko saka hinawakan ang kamay ko.
"Where is she?" nakangiti kong tanong.
"She's with Thraia. She's having a photoshoot." nakangiti ngunit seryosong saad niya.
I sighed. Sinasama pa rin talaga niya si Raven sa mga photoshoots. Umiling na lang ako saka natawa.
Nagpatiuna na ako saka sumakay sa passenger's seat. Agad kong isinukbit ang seat belt saka inayos ang damit.
Sinulyapan ko sina Syie at Seji na kinindatan naman ako saka sumakay sa kotse. Hindi ko na binalak na tignan pa si Raze at sa halip ay itinuon ang tingin sa daan.
Nakita ko pang umikot pa muna si Travis saka dumeretso sa driver's seat.  Gusto kong mainis nang nakuha ko pang sulyapan si Raze bago kami umalis.
I sighed and massaged the bridge of my nose. Sumandal ako sa lean chair at pumikit saglit.
He enjoys making me suffer. "Where's Rozen?" nakangiti kong tanong.
"As usual, he's busy studying in his room. Balak pa atang sumunod sa'yo sa pagiging doktor." nakangiti niyang sabi saka iniikot ang kotse.
Natawa naman ako saka napairap pataas. "Yes, lagi kong sinasabing h'wag 'yun ang kunin niya, pero he's still saying na he's going to be a doctor, kaya wala akong nagawa."
"He's still a child but his brain, I can't believe it. What about Raven?"
Napailing ako saka tumawa. "She's going to be a lawyer daw. Nakakasakit ng ulo talaga ang kambal kong 'yon."
Natahimik kami hanggang sa makarating kami sa tunnel. Naalala ko na namang muli ang bahay na hindi matapos tapos dahil sa kawalang hiyaan ng Riego na iyon.
Napabuntong hininga ako sa kawalan ng pag-asa. Parang pinaglalaruan ako ng mundo, ang hirap hirap pero dahil sa mga anak ko ay wala akong magawa kung hindi ang magtiis.
Wala pa atang kalahating oras nang magsalita muli si Travis.
"We're heading to Giovanni." pormal na aniya na sinulyapan pa ako saka nagpatuloy sa pagmamaneho.
Tumango lang ako saka bumuntong hininga ulit at umayos ng upo. Damn it! Raze is stressing me out!
"Are you available?" tanong ko, nananatiling nakatingin sa daan.
"Available, what?" takang tanong niya, walang kaalam-alam kung ano ang pinatutungkulan ko.
"I want WGC handle the project. Engineer Frizo quitted." I explained.
Walter Group Construction
I saw their past projects like the condominiums, houses, hotels, buildings, resorts and etc. Namamangha ako kung gaano kapulido ang mga proyekto nila noon at hanggang ngayon.
"No, I can't." nakangiti niyang sagot habang nakatuon ang tingin sa kalsada.
My eyes widened when he refused.
"What?!" I exclaimed.
Tinignan ko siya nang nagtataka. "What the hell are you rejecting?"
"Our engineers were so busy these past few months and weeks. We can't handle another project, Amber."
Napabuntong hininga ako. "I guess, I have no choice. Wala na akong oras para maghanap pa.
"Why don't you try at Riego's?" nagtataka niyang tanong, parang nawawala ata siya sarili niya!
"It's not a good idea, Trav." sarkastiko kong tugon saka tumawa.
Bumuntong-hininga siya. "I want you to accept Mr. Riego's proposal." he said surely, and sighed.
He gotta be kidding me! Oh my god!
"What the heck are you talking about?" inis kong sabi.
"You'll accept his offer, as simple as that," kibit balikat niyang sagot habang nagmamaneho.
"Travis," nakikiusap kong sabi, wala na akong kilalang ibang engineer na pwedeng tumapos sa bahay na iyon.
"Just accept it, Amber." nakangiti ngunit mariin niyang utos.
Napailing at napabuntong hininga ako, hindi ako makapaniwala na sinasabi niya ito.
Dati pa nga'y ayaw niya nang mapaglandas ang landas namin ni Raze, pero ngayon siya pa mismo ang nagsasabi! What on earth?!
&.&

หนังสือแสดงความคิดเห็น (6)

  • avatar
    Jeff Agolo

    niceee

    29/12

      0
  • avatar
    curpozRubie ann

    nice

    22/11

      0
  • avatar
    ;-;ISHA

    Wahhhhh ang ganda thank you author. Uulit ulitin ko ito

    18/07/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด