logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5

"Hoy! Gising!" malakas kong sigaw na niyugyog ang lalaking tinali ko sa mesa. Oo mesa, iaalay ko na kasi ang g*gong ito kaya ganyan.
"Bubuhusan mo na ba ng tubig?" natatawang sabi ni Sunshine na prenteng nakaupo sa upuan habang may kinakain na ice cream.
Pinakatitigan ko ang lalaki na pikit pa rin ang mata.
"Kumukulong tubig ba?"
"Pwede para magising agad," aniya.
Isang irap ang binigay ko rito bago lumapit sa lalagyan ng mga kutsilyo. Iba ang paraan ko ng paggising.
Matapos kong kumuha ng kutsilyo, sinunod kong kunin ang chopping board saka hinuli ang carrots na nasa loob ng ref.
"Saan ko kaya unang kakatayin ito?" bulong ko na nagpagalaw sa talukap ng kanyang mata.
Napangisi ako sa aking isipan bago ilapag sa ibabaw ng tiyan niya ang board. Kasunod ng malakas kong pagbato ng kutsilyo na bumaon sa kahoy na chopping board.
Bumukas ang mata nito at parang gulat pang tinignan ang nasa ibabaw ng kanyang tiyan.
"Bravo! Magaling!" masiglang sabi ni Sunshine.
I can feel how intimidated he is by what I have done. His eyes tell me how difficult his situation is, especially when he really thinks I would cut him to pieces.
Well, I can do it if I'm a demon.
Malakas kong nilagay sa ibabaw ng board ang carrots saka binunot ang kutsilyo para gamiting panghati.
"So, kamusta naman ang sugat natin?" tanong ko sa lalaki na tahimik lang.
Hindi ito makagalaw dahil sa kamay at paa niyang nakatali sa bawat sulok ng mesa. Bibili na lang ako ng bago matapos nito, kadiri kaya na may nakahiga sa sarili mong mesa.
Oh crap. Mesa pala ni Sharon.
Diniinan ko ang paraan ng paghati ko sa carrots na nagpadaing sa kanya. "Hindi ka magsasalita?"
"Sino ka ba?" agaran niyang sagot na nagpahinto sa akin sa paghahati. May ngisi ko siyang tinignan sa mata.
I'm not wearing a prosthetic at the moment, which is why his face is full of confusion.
But who cares right? Hindi na rin naman siya makakabalik muna sa boss niya. Hindi pa sa ngayon.
"Fiancè of Callum," sinandal ko ang kamay ko sa board saka siya tinitigan. "You heard about Saavedra? That's my surname."
Bumalot sa mukha niya ang gulat kaya naman pinagpatuloy ko ang aking ginagawa. May itsura siya pero dahil minion siya ng tatay ni Callum, pangit siya sa aking paningin.
"And Sharon is my friend. Kaya bakit gusto mo siyang patayin kanina?" Tinutok ko ang kutsilyo sa mata niya na nagpalayo sa kanya kaunti.
"This knife is sharp mister, that's why tell me your reason habang may natitira pa akong pasensiya." Kita ko ang paglunok niya pero ni isang salita'y walang lumabas sa bibig nito.
Nginisihan ko muna siya saglit bago itaas ang kutsilyo na balak kong ibaon sa kanya.
"Sandali!" malakas niyang sigaw na nagpahinto sa akin sa pagbaon ng kutsilyo. Hindi ko naman ibabaon sa mukha niya eh. Sa gilid lang.
Ilang pulgada ang pagitan ng kutsilyo sa noo niya na paniguradong nagparamdam ng takot dito. Napatunayan niya tuloy na mahina siya para sa mga ganito. Nako.
"Speak," malamig kong utos, nilayo ko ang kutsilyo sa mukha niya saka umayos ng tayo.
Gusto ko ng matulog sa totoo lang, pero dahil sa lalaking ito wala na. Wala na ang tulog na hinahanap ko.
"W-wala akong balak na patayin siya. Gusto ko lang naman siyang saktan."
"Na utos ni?" Hindi siya agad nakasagot.
Nagdadalawang isip pa ito kung sasabihin ba o hindi pero hindi ganun kahaba ang pasensya ko para hintayin siyang makasagot.
Binaliktad ko ang kutsilyo na malakas kong hinampas sa sinugatan kong braso niya kani-kanina lang.
"Aah!!!" daing niya na nakakarindi sa pandinig. Kung hindi siya madaan sa magandang usapan, edi gawin nating marahas.
After all, people like him don't deserve any empathy. They hurt others, I just give them the price for what they did.
Ako ang karma nila.
"Speak mister, hindi na umaabot sa isang pursiyento ang natitira kong pasensiya para sa'yo," banta ko.
May galit man akong nakikita sa kanyang mata dahil sa aking ginawa, hindi ko 'yon pinagtuunan ng pansin.
"Suàrez... sila, sila ang nag-utos na saktan ko siya," sagot nito. Tahimik akong tumango.
"He's really my prime suspect. By the way, see you when I see you." Malakas kong binaon ang kutsilyo sa chopping board na muling nagpadaing sa kanya ng mahina.
"Matutulog na ako, ikaw na ang bahala sa kanya bibisitahin ko na lang siya sa impyerno," makahulugan kong sabi na halatang nagpakaba sa buong mukha nito.
Huwag kang mag-alala, hindi ka pa mamamatay.
▪▪▪
"Sharon!" sigaw ng kung sino na nagpamulat ng aking mata.
"Paano naman ako nahanap nito?" bulong ko.
Paghinto niya sa aking harapan, may inabot siya sa aking paper bag na hindi ko kinuha. Malay ko ba kung anong laman niyan.
"Kunin mo na, ako ang nagluto niyan." Malapad ang ngiti sa kanyang labi pero kahit ganun, tumayo ako't iniwan siya.
Hindi ako kumakausap ng manok sa umaga.
"Sandali 'wag--aray naman."
"Ano na naman bang kailangan mo?" walang kagana-gana kong tanong. Hinihimas niya ang noo niyang tumama sa hawak kong file case. Inangat ko kasi ito saka sinigurong tatama sa kanya na nangyari naman.
I know, I've said before that he'll end up being part of my plan because of what happened the last time around. But of course I have to act like I really don't want him to be around because that will be a reason for him to be more eager to bug me every time.
Sa paraang ito, baka makakuha ako ng clue patungkol kay Sharon. Madaldal siya kaya baka may pakinabang ito.
"Wala naman, gusto lang kitang makasama," makahulugan niyang sabi.
Binaba ko ang hawak kong file case. "Pwes ako hindi."
"You're not Sharon," mabilis niyang sabi na nagpahinto sa'kin sa paglalakad palayo. Blankong tingin ang pinukol ko sa kanya sa aking pagharap.
"Then who am I?" I asked looking directly to his eyes.
I want to know what he means in relation to his question. Malay ko ba kung sa likod ng mga ngiti niya ay may nakatagong ibang katauhan.
I just want to make sure.
Naglakad siya palapit sa akin saka ako pinantayan ng tingin. Sumingkit ang mga mata nito bago nagsalita.
"Because you're mine." Umawang ang aking bibig.
The f*ck? Hindi naman halatang nakuha niya sa kung saan yang pick-up line niya noh?
Isang irap na lang ang iniwan ko pero dahil manok siya, hinarangan niya ang aking daan. "Tikman mo lang itong niluto ko, tapos hindi na kita guguluhin ngayong araw."
Hinarap niya sa mukha ko ang paper bag kaya mas bumigat ang pakiramdam ko para sa kanya. I hate this guy.
"Please?" Marahas kong kinuha ang bag saka bumalik sa pinagupuan ko kanina.
Excited siyang nagpauna sa akin na hinayaan ko na lamang. Pasalamat siya wala kaming klase ngayong umaga, may meeting daw kasi ang mga teachers kaya gumala na ako bago pa man ako mapuntahan nila Callum.
Umiiwas ako sa kanya dahil sa madaldal niyang bunganga. Parehas sila nitong manok na ito na walang ginawa kundi ang tumilaok sa tuwing magkasama kami.
Sinilip ko muna ang laman ng bag kung saan una kong napansin ang malaking lunch box. Pero mas nakakuha ng aking pansin ang inuming ngayon ko lang ulit nakita.
Cherry blossom latte.
Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin 'yon at tahimik na nilabas ang lunch box. Sa bigat nito, paniguradong marami ang laman. Nilapag ko sa pinaguupuan ang box saka isa-isang tinignan.
Dalawa ang palapag nito, sa una ay ang ilang prutas at maliit na cake na ewan ko ba kung bakit mukhang star at bulaklak. Habang sa ilalim nito ay kanin na may black sesamè seeds sa ibabaw, manok na nahati-hati, isda na halatang boneless na may aning aning na sauce, vegetable salad at rolled fish tuna.
Kinuha ko ang kutsara na nakabalot sa tissue.
"Ikaw ang gumawa nito?" pagtatanong ko.
"Oo naman! Dali tikman mo," nakangiti niyang sabi na tinuro pa ang kauri niyang manok. Katulad kanina, tahimik kong tinikman ang tinuturo niya.
"Ano? Masarap ba?" Humigpit ang hawak ko sa kutsara.
Imposible.
Mapanuring tingin ang binigay ko sa kanya. Wala siyang pakialam sa tingin na pinupukol ko dahil mukhang hinihintay niya ang magiging sagot ko.
Bakit magkaparehas sila ng lasa?
Muli akong kumuha ng pagkain pero sa pagkakataong ito, isa-isa kong tinikman ang lahat. Kung gaano ako napahinto sa una kong pagkain sa manok, ganun na naman ang nangyari na nagpakaba sa akin ng kaunti.
Maaari bang...
"Approve na ba ang luto ko?" Natigil ako sa pag-iisip, ramdam kong nakatitig lang siya sa akin pero hindi maalis ang aking tingin sa lunch box.
"Sigurado ka bang ikaw ang nagluto nito?" kunot noo kong tanong.
"Oo naman, hindi ba masarap?" Halata sa boses niya ang pagkadismaya. Sa aking paglingon, tinitigan ko ng maigi ang kanyang mata na pilit nitong iniiwas.
I need to confirm something because this is impossible.
No one. No one can copy him.
"B-bakit?" alangan niyang tanong.
"Titigan mo nga ako sa mata," utos ko na nilapit pa ang aking sarili sa kanya.
There is nothing impossible, right?
Iwas siyang tumingin sa akin. Hindi niya kayang tignan ako ng matagal sa mata kaya naman hinawakan ko ang baba niya gamit ng isa ko pang kamay. Gulat ang bumalot sa kanya na hindi ko pinansin.
Pinakatitigan ko siya sa mga mata niya, pilit na hinahanap ang bakas na maaaring makasagot sa aking katanungan.
"Sharon."
"Sharon!"
Bumitaw ako sa kanya.
"Hindi ba sinabi kong lumayo ka sa kanya?!" galit na sigaw ni Callum na hinila ako palayo sa manok. Hindi nito kasama si Lhor na hindi ko alam kung saan napadpad.
"Wala kaming ginagawang masama," sagot ng manok na prenteng nakaupo. Susugurin sana siya ni Callum nang mabilis ko siyang pigilan.
"Wala siyang ginagawang masama," pigil kong sabi.
Inis niya akong nilingon. "Walang ginagawa?! Pero halos magkadikit na ang mukha niyong dalawa?"
"Umalis na lang tayo," malamig kong sagot.
Napatitig siya sa akin sa inasal ko kaya pilit na ngiti ang aking binigay.
D*mn this guy.
"Let him go this time, it's my fault anyway ako ang unang kumausap sa kanya," paliwanag ko na hindi ko alam kung papaniwalaan niya. Sarado ang aking utak.
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya bago ako hilain palayo roon. Ramdam ko ang inis niya, ngunit kahit ganun hindi ko ito pinansin.
Pasimple ko pang tinignan si Langston na pinapanood kaming lumayo sa kanya.
Did I just have high hopes for him? Was I really hoping that the two of them are one?
F*ck. This is bad.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (34)

  • avatar
    GajeRichard

    nice story

    04/08

      0
  • avatar
    MacodSaimen

    hintay better luck next time sa book 2

    03/08

      0
  • avatar
    Irochi Dump

    call of duty

    13/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด