Kating kati na ako sa pagtatanong sakanila kung totoo ba ang sinabi ni Kairo kanina. Kasi hindi. Hindi talaga ako naniniwala sakaniya. Ng matapos kaming kumain kanina ay nag decide na kami na dumiretso agad sa school para maka pag prepare pa ng kung ano. Pero hindi ko magawang mag tanong kila Aimee dahil nakaaligid sa amin si Kairo. Sumama kasi siya sa amin dahil hindi naman daw siya busy, at boring daw sa bahay nila. Lakad dito. Lakad doon ako kanina pa, at hindi ako mapakali hanggang walang nagsasabi sa akin ng totoo. Ewan ko ba pero bakit parang ang big deal naman sa akin yun. Eh ano naman kung naka tingin ako sa kaniya? Bawal ba yun? Haiist bahala na "Iwan ko na muna kayo rito" paalam ko at agad ng tumalikod at naglakad paalis. Napadaan ako sa court at naalala na player pala sila John David, kaya nagpasya ako na sumilip muna. Nakita ko silang nagpa-practice doon. Nag hi siya sa akin ng makita ako kaya nag hi na lang din ako, ang rude naman kung hindi diba. Hindi rin ako nagtagal sa panood at dumiretso na lang sa room. "Anong oras daw ba magsisimula?" tanung ko sa kanila dahil hanggang ngayon ay wala pa ring announcement. Baka nga 12 talaga magsisimula. Tiningnan ko ang oras sa phone ko at nakitang 11 pa lang kaya naman naisipan ko na maglibang muna. Pumunta ako sa likod ng court kung saan andun ang garden. As usual dala ko ang phone at headset ko para makinig ng music. Nakakaginhawa kasi sa pakiramdam ang makinig ng music isama mo pa kapag may magandang view. Nakasanayan ko na ang mag pagtugtog lalo na kapag bad mood ako or bad day. Pinili ko ang maupo sa ugat ng pubo dahil malilim dun. Sinabayan ko ang kanta habang dinadama ang hangin na dumadampi sa aking balat. Kapag naririnig ko itong kanta na ito na may naaalala akong isang tao. Si David. Everytime na makikita niyang magpapasak ako ng headset sa tenga ko kukuhanin niya ang isa at makikisabay sa kanta. Sampung taon palang kami ng makilala namin siya. Nung una namin siyang makita palagi siyang nakasimangot but then marunong din pala siyang ngumiti. Nagulat ako sa biglaang pag alis ng headset sa kanan kong tenga at ng lingonin ko ito at nakita ko si John David na nakangiti. "Smile" pabulong na sabi sa akin ni Jd. Tinititigan ko lang siya ng ipikit niya ang mga mata niya Mas lalo akong nagulat ng sinabayan niya ang kanta na parang damang dama niya yung kanta. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Nanatili akong gulat sa inasta niya pero isa lang ang katanungan na pumasok sa isip ko kahit alam kong imposible. David? John David? Hindi eh! Napaka impossible talaga. Ng makita ko siyang kumanta naalala ko sakanya ang batang naging kaibigan namin dati. Ang pagpikit niya habang kumakanta na animong siya ang orihinal na kumanta. Kung paano niya ilagay ang dalawa niyang kamay sa likod ng ulo niya sabay titingin sa kalangitan. I really love the skies because blue is my favorite color. Ang linya niya kapag katapos niyang kumanta at lilingon sa akin bago ngingiti. "I really love the skies because blue is my favorite color" nanlaki lalo ang mata ko ng banggitin niya ang linyang yun. "John David" ngumiti siya sa akin at inalis ang headset bago ito inabot sa akin. Gusto kong magtanung sa kaniya pero parang may bumabara sa lalamunan ko. Masyado kaming napamahal sa kaibigan namin noon kahit na sa murang edad namin ay naramdaman ko na masakit palang maiwan. "Magsisimula na ang event baka ma late tayo tara" tumayo na siya at inalok ang kamay sa akin pero nanatiling nakatingin ako sa pwesto niya. "Hey" dali dali akong tumayo ng muli siyang magsalita. Wala ako sa sariling naglalakad papasok sa room. Hindi ko man lang narinig ang announcement kung hindi pa sinabi ni John David ay hindi ko pa malalaman. Inalis ko na lang sa isip ko si John David dahil napaka impossible na siya yun. Oo parehas silang may David sa pangalan pero hindi siya yun. Pero bakit iba ang sinasabi ng isip ko? Umalis sila at pumuntang US para doon mag aral kaya impossible na siya yun. Naging busy kami sa pagaasikaso ng mga student na nasa booth namin. Tumulong ako sa pag se-set up ng date sa loob ng room. Ayaw ko kasi sa labas mainit. Madami na ang student ng sumubok ng booth namin kaya hanggang ngayon ay wala pa kaming pahinga. "Omygod! Sino kaya siya?!! Ang swerte naman ng ikakasal kay Prof." napalingon ako sa babae na tumili. Prof? Professor? Luminga linga ako pero wala naman akong nakita ni isa sa mga professor namin. Sino yung prof na sinasabi nila? Prof ako na lang! Acccck! Hoy! Prof natin wag kang ano diyan! Sigawan nila ang naririnig ko. Napansin ko na medyo nagkakagulo sa table kung saan kukunin ang mga names ng gustong sumubok. "May problema ba?" tanung ko. Lumingon sila sa akin at ipinakita ang fake marriage certificate at napansin ko na pangalan ko ang nakasulat doon "Hindi ba at-" naputol ang sasabihin ko ng ibigay sa akin ng president ang gown na susuotin. It's your choice naman kung isusuot mo yun o mananatiling ang suot mo ang gagamitin mo. "Pero pres bawal ang member diba? Sino ba yun ka kausapin ko na lang" umiling siya sa akin at itinulak ako sa gitna. Nahihiya akong lumingon sa mga student na nanonood. Nilagyan ako ng kaklase ko ng flower crown at inilagay na rin ang blindfold kaya wala na akong magawa. OMYGODDDDDDD! ANG SWERTE NIYA HALAA SI IRISH PROF ANDAYA MO! Nanginig ako ng may makuha ng palad ko. Pakiramdam ko ay naidikit ko ang palad ko sa kuryente. Inilagay niya ang braso ko sa braso niya katulad ng mga napapanood kong ikinakasal. Dahil naka blindfold ako ay siya ang umalalay sa akin sa paglalakad sa harap ng padre namin. Ng matigil kami sa paglalakad ay nakaramdam ako ng hininga na dumampi sa pisngi ko. Nagulat ako dahilan ng paglaka ng tibok ng puso ko. "I'm gonna marry you Irish" nanindig ang balahibo ko ng marinig ko ang bulong niya sa mismong taenga ko. "Sino ka ba? Bakit prof ang tawag nila sayo?" pabalik kong bulong sa kaniya. Narinig ko ang hagikgik niya sa tenga ko. Nailayo ko kunti ang sarili ko dahil sa kiliti na hatid nun. "Soon you will know" bulong nito sa akin. "Umaygad!" "Mga teh makisanaol na lang tayo" "Ang tagal ko ng may crush kay Prof pero wala pang ganyan" "Ni mag hi nga sayo di ginagawa" Tawanan,hagikgikan at sigawan ang nasa paligid.
keep writing and push yourself to be a great writer. i love your novel. 👏👏👏👏👍👍👍
03/04/2022
0just cool
10/07/2024
0that's what friends are for, hindi naggaaway laging nandyan sa tabi
13/01/2024
0ดูทั้งหมด