Wala sila Tita ng umuwi kami kaya ako na ang nagluto dahil alam ko naman na gagabihin na naman sila. Tinulungan na lang din ako ni Aimee para mapadali ang gawain. Alas syete na ng gabi ng matapos kami sa mga gawaing bahay "Siya nga pala linggo bukas. Tara simba tayo" pag aya ko kay Aimee. Linggo linggo ay naging hubby ko na ang pumunta sa simbahan dahil sa turo sa akin ni Lola. Mag dasal lang daw ako doon ng paulit ulit at madidinig na daw niya yun at tutuparin, pero minsan napanghihinaan ako ng loob lalo na't ang panalangin ko ay ang makita ang papa ko. 18 years. Hindi ko siya mamukhaan dahil wala naman silang ipinapakita na larawan ni Papa. Palaging sinasabi ni mama sa akin kapag hinahanap ko si Papa ay may iba na siyang pamilya. Kaya kung hindi ko siya makikita o makikilala tatanggapin ko na lang. Sabi ko pa noon sa sarili ko na kapag nakapagtapos ako ng pag aaral hahanapin ko siya at doon ko din naitanong sa sarili ko na possible kaya na hinahanap niya ako? "Hoy! Bat ka umiiyak?" nabalik ako sa wisyo ng sumigaw si Aimee sa mismong tenga ko . Agad ko siyang itinulak at kinapa ang pisngi ko, tama siya umiiyak na naman ako. "Kung makasigaw naman to! Sa tenga pa hindi ba pwedeng simula duon sa upuan mo na lang ikaw sumigaw!" tumawa naman siya sa naging reaksyon ko. Napatayo ako ng pumasok si Tita at Tito. Kunot ang noo nila ng pumasok silang dalawa. "Nasa labas pa lang kami dinig na ang sigawan niyong dalawa. Nag aaway ba kayo?" umiling kami agad sa tanung ni Tita. "Hindi Ma ito kasing si Irish eh-" pinutol niya ang sasabihin at lumingon sa akin. Pasimple ko di siyang tinapunan ng masamang tingin. Manahimik ka "Wala ma. Tara na kain na tayo nagluto na kami" aya niya tumango sila Tita at nauna na sa dining. "Oh ano tara na" hinila niya ang braso ko at sabay kaming pumasok sa dining. Alam ko na sinusubukan lang akong patawanin ni Aimee. Simula bata ako ay magkakilala na kami kaya hindi na ako magtataka kung mas kilala niya ang buong pagkatao ko. "Bakit na late na kayong umuwi ta? May problema ba sa restaurant?" tanung ko kila tita habang kumakain kami. May sariling restaurant sila tito kaya yun din ang naging dahilan ng pangarap namin ni Aimee. We want to be a chef someday para matulungan namin ang negosyo nila Tito. "Wala naman. Nag ayos lang kami sa restaurant dahil kailangan namin ng bagong waitress. Ang ibang waitress namin ay umuwi sa kanilang probinsiya kaya kailangan ng pansamantalang katulong" mahabang paliwanag niya. "Bakit hindi na lang kami tito? Para mabawasan din ang pagpapasweldo niyo. Malapit na rin naman ang bakasyon kaya magkakaroon na kami ng maraming oras diba Aimee?" lumingon ako sa kanya at tumango naman siya. Ayaw nila tita at tito na tumutulong kami doon lalo na sa araw na may pasok kami, tutukan na lang daw namin ang pag aaral namin Nagkatinginan si Tito at Tita sa suggestion ko at kalaunan ay tumango rin "Kailan ba kami magsisimula tito?" tanung ko ulit habang patuloy sa pagkain. "Sa susunod sana na sabado" inisip ko kung may schedule ba kami nun pero sa pagkakaalam ko ay wala na dahil one week lang naman ang intramural ng school. Tumango kami. Ng matapos kumain ay ako na rin ang nagpresinta na maghugas si Aimee naman ang nag ayos ng lamesa. "Irish okay ka lang ba?" nagulat akong tumingin sa kaniya dahil sa biglaang niyang pagtanong "Oo naman, bakit naman ako hindi magiging okay?" taka ko din na tanung sakanya. Umiling siya sa akin dahil alam ko na alam niya ang problema ko kung bakit ako umiyak kanina kaya sumuko din ako. "Naisip ko lang si Papa pero okay lang naman talaga ako" lumapit siya sa akin at niyakap ako patalikod. "Tutulungan kitang hanapin siya basta sa ngayon pag aaral muna ang pagtutuunan natin ng pansin" tumango ako sa kaniya. Humiwalay na siya sa akin at tinuloy na namin ang ginagawa namin. Ng matapos kami ay magkasabay kaming lumabas ng dining habang magkaakbay pa. Napakasarap sa pakiramdam na kahit wala na akong magulang may tumatayong magulang para sa akin at kahit na wala akong kapatid may kinikilala akong kapatid Sabi ni Aimee na tabi daw kami ulit matulog kaya pumayag na ako pero bago kami matulog alam ko naman na kukulitin niya pa ako "Ang pogi ng kuya ni Kristel no?" nakangisi niyang tanung sa akin habang nakadapa siya sa kama. "Eh? Paano naman naging gwapo yun?" pogi nga. Maang-maangan na sagot ko. Tumayo siya at lumapit sa akin. "Yung buhok niya diba gaya ng mga ideal man mo?" mas lalong lumawak ang ngisi niya sa akin. "Oh tapos?" walang kwentang sagot ko kaya binatukan niya ako. "Aray naman!" ang sakit nun ah. Pasalamat siya mabait ako. "Kapag naging crush ko ang kuya niya walang agawan ah!" tumalikod na siya at nahiga sa kama. "Eh di wala" Pogi nga siya pero hindi ko alam ang tunay niyang ugali baka mamaya ang sama pala ng ugali niya. Turn off na Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi kakaisip sa kung ano anong bagay. Nag jogging kami ngayon ni Aimee at pagkatapos nito at tsaka kami magsisimba. "Anong oras ka natulog kagabi?" tanung niya habang panay ang takbo namin patungo sa bahay ni Lola. Dito kami madalas magtungo kapag nag jo-jogging kami, maaliwalas kasi ang tanawin dito dahil napapaligiran ng mga puno. Sa likod naman ng mga puno ay may maliit na sapa, duon kami madalas tumambay kasama yung isa naming kaibigan na lalaki. Oo meron kami noon, pero umalis siya at hindi na namin muling nakita. "Hindi ko alam eh. By the way naaalala mo pa ba si David?" tanung ko sakanya . "Oo naman! Yung bading na yun!" tumawa ako sa pang aasar niya kay David. Nung una namin siyang makilala ay takot na takot siyang lumusong sa sapa, hindi naman madumi ang sapa katulad ng iba kaya maaaring pagliguan "Nasan na kaya siya ngayon no?" nagkibit balikat siya sa tanung ko. Itinuloy na lang namin ang pag takbo hanggang a makarating sa bahay ni Lola.
keep writing and push yourself to be a great writer. i love your novel. 👏👏👏👏👍👍👍
03/04/2022
0just cool
10/07/2024
0that's what friends are for, hindi naggaaway laging nandyan sa tabi
13/01/2024
0ดูทั้งหมด