Nag tangka akong bumalik sa bahay namin pero ng dumating ako doon ay may mga lalaki ng kumukuha ng gamit namin. Walang nanay at tatay ang nakita ko. Sa huli ay natagpuan ko pa rin ang sarili kung naka-upo sa isang tabi. Mag tatanghali na pero wala pa rin akong kain, wala akong bihis. Bakit parang naging pulubi ako bigla? Kailangan ko ba talaga dumaan sa ganito? Saan ako hahantong? Sa kabaong ba? Bakit hindi nalang diretsohin? Gusto ko sanang mag extra sa isang cafe gaya ng ginawa ko noon pero may tatanggap ba sakin? Sa itsura ko pa lang ay nagmumukha na akong baliw. "Pst! Umalis ka diyan!" Napatayo ako ng biglang sumigaw ang isang babae. "A-ah sorry po," tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at tsaka lumapit sa'kin. "Gusto mo ba ng trabaho?" Nakaramdam ako ng kaunting saya ng marinig ang sinabi nito. "Pwede po ba? Kailangan na kailangan ko rin po kasi ng pera...." ngumiti pa siya sa'kin at hinila ako papasok sa loob ng tindahan niya. "Nakakaawa ka naman, tamang-tama may kaibigan akong nag hahanap ng part timer sa restaurant niya," sumunod lang ako sa kanya habang may kinukuha siyang damit. "Ipapahiram niyo po sa'kin?" Tanong ko na mabilis niyang tinugunan ng tango. "S-Salamat po," "Mag bihis ka, subrang dumi ng damit mo." Napangiti ako ng tipid at tinahan ang fitting room na tinuro niya. Tindahan ng damit ksi itong pagmamay-ari niya. Maliit pero mukang marami siyang customer. Hindi ko tuloy maiwasang makahinga ng maluwag, sa wakas may tumulong rin sa'kin. Kahit ngayong araw lang tapos bukas pag iisipan ko nanaman ang gagawin ko. "Tapos kana?" Tumango ako at lumabas ng fitting room. "Oh siya, gusto sana kitang samahan pero walang mag babantay rito. Kaya ibibigay ko nalang ang address, malaking resto 'yan at matunog pa kaya madali mo 'yang mahahanap," inabot ko ang papel na hawak niya. "Subrang salamat po, thankyou so much," ngumiti ako bagi naglakad papalabas. *** Bumaba ako sa motor na sinasakyan ko at mabilis na pinalibot ang tingin. "Miss? Ito na ata," napalingon ako ng marinig ang tinig ng isang lalaki mula sa likuran ko. Bahagya pa akong napaatras ng lumapit ito sa'kin. "Mukang siya nga, oh ano pa hinihintay niyo? Isakay niyo na," pakiramdam ko'y napuno ng kaba ang buong sistema ko ng huminto ang isang Van sa pwesto namin. "S-sino kayo?! Ano ba!" Ramdam ko pa ang maglalagkit nilang tingin sa'kin. "Sumama kana, alam naming ikaw ang pinadala ni Jessi." Inagaw ko ang braso ko sa kanya ng tangka niya akong hilain. "Bitiwan mo ako sabi!" Mabilis akong tumakbo pero nahila ng isang lalaki ang buhok ko kaya bumagsak ako sa lupa. "Pinapahirapan mo pa kami eh!" Madiin niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako patayo. Anong ibig sabihin nito? Niloko lang ba ako ng babaeng nakausap ko? Wala akong cafè na nakikita dito, at wala ring masyadong tao ang nandito. "Please pakawalan niyo ako..." wala na akong magawa pa ng isakay nila ako sa Van. Subrang bilis ng tibok ng puso ko, nanginginig ang kamay ko. At mas lalo pa akong nataranta ng hubarin ng isang lalaki ang damit niya. Oh god...no! "Please don't....nag mamakaawa ako, h'wag please..." pinaandar na ng isang lalaki ang Van at ang isang lalaki naman ay unti-unting tinali ang kamay ko. "Please! Maawa kayo! Ano ba! Please....huwag.....please," halos mapaos na ang boses ko. "Tumahimik kana lang, sinasayang mo lang ang laway mo," mariin akong napapikit ng makalapit ang lalaki sa'kin. Isip Deve, hindi pwedeng baboyin ka ng mga lalaking 'to. Maging matapang ka, dahil sarili mona lang ang meron ka. Sa pagdilat ng mata ko ay mabilis ko siyang sinipa dahilan para mapahawak siya sa paa niya. Siniko ko rin ang lalaking nag tali sa kamay ko at mabilis na tinulak ang lalaking nag d-drive, dahilan para mabangga kami sa isang puno. Ramdam ko rin ang pag tama ng ulo ko sa matigas na bagay at unti-unting nahilo. Kasalanan mo 'to. Naging miserable ang buhay ko dahil sa'yo. Dahil sa'yo Stone. **** Unti-unti kung minulat ang mga mata ko, ramdam ko din ang hapdi sa may noo ko. Ng hawakan ko 'yun ay may dugo na nga ang bandang ulo ko. Hindi ko maiwasang mapadaing habang pilit akong tumayo, umuusok na rin ang sasakyan at wala ring malay ang tatlong lalaki. Habol-habol ko ang hininga ko ng makalabas ako ng Van hindi ko rin pinalampas ang wallet ng isang lalaki at mabilis iyong kinuha. Kahit isang sasakyan o tao ay wala akong makita, napakatangana ko lang dahil naniwala ako sa sinabi ng babaeng 'yon. Akala ko talaga ay bibigyan niya ako ng trabaho, pero muntik na akong mababoy dahil sa kanya. Wala talaga dapat akong pagkatiwalaan sa mga panahong 'to. Wala akong tsinelas na suot pero nagpatuloy ako sa paglalakad baka sakaling may makita akong sasakyan. Napatingin rin ako sa wallet na kinuha ko, halos 500 pesos lang din ang laman nito. Muntik pa akong matumba dahil nakakaramdam pa rin talaga ako ng hilo. Nang sa wakas ay may natanaw na akong taxi ay mabilis ko 'yung pinara. Nag alin-langan pa siyang pasakayin ako sa una pero binigay ko sa kanya ang five hundred na nakuha ko. Muntikan na, ang bilis ng pangyayari sa tuwing naiisip ko ay parang na t-trauma ako. Paano nalang kung natulogy nila ang binabalak nila sa'kin? Kumuha ako ng tissue sa gilid at pinahid 'yon sa noo kung may dugo. Hindi ko rin alam kung bakit pero namalayan ko nalang ang sarili kung nasa harap ng bahay namin, ng bahay namin ni Stone. Unti-unting nag landasan ang luha ko habang papalapit ako sa malaking gate. Kitang-kita dito sa labas ang kotse niyang nasa loob, ibig sabihin lang ay nasa loob din siya. Why? Why me? Bakit ako nalang lagi? Bakit palaging ako nalang ang nasasaktan? Bakit ako nalang palagi ang naghihirap? Wala ba akong karapatang sumaya? "What are you doing here?" Malamig na boses ang bumungad sa'kin kaya dahan-dahan kung inangat ang tingin ko. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Akala ko mag iiba ang ekspresyon niya, akala ko mag aalala siya. Pero wala, dahil nanatiling blangko ang mukha niya. Mabilis akong tumakbo papalapit sa pwesto niya at mahigpit siyang niyakap. Gusto ko lang umiyak, gusto ko lang mag labas ng sama ng loob. Pilit niyang tinatanggal ang kamay kung nakayakap sa kanya pero mas lalo ko lang hinigpitan 'yun. "I almost raped by 3 mens, I'm so scared, a-akala ko matutuloy nila ang binabalak nila, m-mabuti nalang at nakawala ako," sinubsub ko ang mukha ko sa dibdib niya ay hinayaan ang sarili kung umiyak. I know it's crazy but I just want to lessened my pain. "Let go." May halong diin na sabi niya. "Stone?" Napahiwalay ako ng marinig ang boses ni Heraya. "What the? Anong ginagawa mo dito!?" Magsasalita pa sana ako ng hilain niya ang buhok ko. "Ah!" Mas lalo pang humapdi ang sugat sa noo ko dahil sa ginawa niya. "Baka nakakalimutan mo 'Deve? Divorce na kayo, at ma e-engage na kami sa susunod na buwan! At higit sa lahat may anak kaming dalawa, kaya kung pwede h'wag kanang mang gulo?!" Galit na sigaw niya. Lumipat ang tingin ko kay Stone pero parang wala siyang pakialam sa'kin. Nakakatawa, oo nga naman bakit naman siya mag aalala? Sa pagkakataong 'to ay mas lalo lang lumaki ang galit ko sa kanilang dalawa. Ayoko ng maging talunan pa. **** Dahan-dahan akong tumayo at hinarap silang dalawa. Subrang bigat ng pakiramdam ko sa mga oras na 'to pero kailangan kung maging matatag. "Do you still love me Stone?" Hindi ko binalingan ng tingin si Hera na ngayon ay galit na tumingin sa'kin. Nanatili lang din ang titig ko kay Stone. "Isn't is obvious Deve? Hindi ka na niya mahal!" sigaw ni Hera pero hindi ko siya pinakinggan. "Stone, do you still love me?" tanong ko ulit. Napaatras pa ako ng kunti nang hawakan niya ang balikat ko at tumingin sa'kin. "Deve....Deveria Xanchez," sambit niya sa pangalan ko at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa balikat ko. "I....I never loved you," tila napako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang sinabi niya. Hindi niya ako kailan man minahal? Nagsisinungaling lang siya diba? Naramdaman ko 'yun! Minahal niya rin ako, kami ng anak ko! "Heraya is the first woman I love and she will be the last, naging masaya ako sayo Deve, but I never loved you. You're just a toy I loved to play," hindi ko na mapigilan ang sarili kung sampalin siya. "W-Walanghiya ka! Sabihin m-mong nagsisinungaling ka lang! Stone, sinabi mo sa'kin na mahal mo rin ako! Sinabi mo sa'kin 'yun sa araw ng kasal natin!" walang tigil kung pinagsusuntok ang dibdib niya, habang pinipigilan niya ako. "Stop! It was a lie! It was all lie," napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil sa sakit na nararamdamn ko. "A-Ang anak natin, m-minahal mo ba siya? Oh nag papanggap ka lang 'rin na nagluluksa ka sa pagkawala niy-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang hablutin ang kamay ko at hawakan ng mariin ang panga ko. "Don't you dare say it, I love Steve. But you killed him, dahil sa kalandian at katangahan mo! I only love him, but you I'll never treasure you," napangiti ako ng mapakla nang bumitaw siya sa'kin. "M-Mahal mo ang anak nating dalawa.....S-Siguro sapat na 'yun atleast minahal mo 'yung anak natin. Ayos na sa'kin 'yun Stone," pinusan ko ang luhang nagkalat sa pisnge ko. Sa huling pagkakataon ay tinignan ko siya, tinignan ko siya ng walang pinapakitang emosyon sa mukha. "I won't make revenge for what you did," lumapit ako sa kanya at inayos ang kwelyo ng suot niyang polo, "but I will make you realize for what you did." Tinaas ko ang kamay ko at dahan-dahang hinubad ang singsing na suot ko. Ang singsing na akala ko noon magpapasaya sa'kin habang buhay. Nang tuluyan ko nang mahubad ay kinuha ko ang kamay ni Stone at maingat na nilagay 'yun. "Thankyou for almost 3 years, mahal na mahal kita. Minahal kita ng subra na halos umabot sa point na palaging ikaw nalang ang iniisip ko," "Nakagawa ako ng mali pero masyado kanang sumubra, pinili kung ayusin ang sa'ting dalawa pero pinili mong itapon ang lahat. Pagod na rin ako, pagod na akong mahalin ka, pagod na akong mag tiis," "Balang araw mararanasan mo rin ang naranasan ko, at hihintayin ko ang araw na 'yun. Hihintayin ko ang araw na ako naman ang tingalain at pakikiusapan mo," "Sisiguradohin kung mangyayari 'yun Stone," Huminga ako ng malalim at dahan-dahang umatras. "You break me so much, that was enough. My love for you is now signing off."
nice story
01/02/2025
0thank you for your blessings
28/11/2024
0nice!!
18/11/2024
0ดูทั้งหมด