logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Rebellious Paraluman

Rebellious Paraluman

Silentj


KABANATA 1

Nangangalit ang kalangitan na tila nakikiayon ito sa dilim ng kanyang kalooban. Walang tigil ang pagbuhos ng ulan, ngunit hindi nito nahugasan ang sugat sa kanyang puso.
Pagod ang kanyang katawan at sa ilang sandali ay bibigay na ito
Hindi niya lubos maisip kung bakit ito ang kanyang kinahantungan.
Ang gabi ay hindi kailanman naging payapa sa kanya. Ang tanging paraan upang makamit ang kapayapaan ay ang makasama ang minamahal.
Tumulo ang kanyang luha habang inaalala ang lahat.
Hindi na niya nanaising mabuhay pa sa malupit na mundo na kinamulatan niya.
Isang kasalanan sa Diyos ang kanyang gagawin ngunit higit sa isang kasalanan ang mabuhay sa mapait na reyalidad na siya ang may kasalanan kung bakit maraming tao ang nagdudusa. Oo kasalanan niya ang lahat. Kasalanan niya.
"perdóname aris. todo es mi culpa. lo siento. Si pudiera regresar el tiempo, lo haría, incluso si el intercambio fuera mi propia vida. " ( Patawarin mo ako aris. Kasalanan ko. Patawad. Kung maibabalik ko lang ang panahon. Gagawin ko. Kahit na ang kapalit nito ay ang sarili kong buhay.)
" Lo siento." Ang huling katagang kanyang sinambit bago ipikit ang mata at hinayaan ang sariling lumubog sa tubig.
Habol ang hininga akong napabalikwas sa aking kama. Hinawakan ko ang dibdib at napapikit ng maramdaman ang malakas na tibok nito.
Isang luha ang kumawala sa aking mata. Mabilis ko itong pinunasan. Ang mga malalabong larawan na iyon ay paulit ulit na nagpeplay sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako nawalan ng ala ala. Wala sakin kailan man sinabi si mama.
Hinilamos ko ang kamay sa mukha. Mas mabuting di ko muna isipin iyon tiyak na maloloka lang ako.
"Hey megani gising na!! Mahuhuli ka sa klase!" Napakamot ako sa ulo ng marinig ang mala megaphone na boses ni mama. Hay ayan na naman siya. Hindi ko na kailangan ng alarm clock. Sa lakas ba naman ng boses niya,abot hanggang kabilang barangay.
"Eto na!" Irita kong sigaw at tamad na pumunta ng cr. Tinignan ko ang sarili sa repleksyon ko sa salamin. Agad ding napasimangot ng makita ang dalawang itim na circle sa ilalim ng aking mata. Ayan megani puyat pa. Ipagpatuloy mo lang yan. Thats a healthy living you know.
Mabilis akong naligo dahil sisigawan na naman ako ng nanay ko. Kailangang maghilod baka makasalubong ko si crush hihi. Sa totoo lang di naman ako takot mahuli sa klase. Marunong akong mag over the bakod. Tsaka close ko si manong guard lagi ko kasi siyang nililibre ng potchi. Wala ring magagawa ang teacher ko kong late ako. Sanay narin sila sakin at isa pa anak ako ni mayor. Megan abusado.
Matapos maayos ang sarili agad din akong lumabas sa kwarto. Hindi ko gugustuhin na makita si mama na may hawak na sandok habang hinahabol ako. Nakasalubong ko pa ang kuya kong unggoy. Awtomatiko akong napairap ng makasalubong ang malawak nitong ngisi. Mukhang aso.
" Good morning my dear sistah!"
Masigla nitong bati na para bang hindi niya ginawang basahan ang mamahalin kong dress kahapon, na dapat ay isusuot ko sa date namin ni crushie. Langya talaga pag ako lang talaga nakaganti.
Sinamaan ko siya ng tingin at malakas na binatukan.
"Good morning pedro!!" Malakas siyang napasigaw na para bang inahing baboy. Mabilis akong tumakbo pababa para di niya ako maabutan. Binelatan ko pa siya at mas lalong nagbunyi ng makita ang namumula niyang mukha sa sobrang galit.
"Megani Chantal!! Yari ka talaga sakin pag naabutan kita!"
Nakangisi akong lumingon.
"Kung maabutan mo ako" pang aasar ko at tumawa ng walang katapusan. Hingal na hingal akong nakapunta sa dining area. Galit namang tumakbo papalapit sakin si pedro at akma din akong babatukan.
" MAMA SI KUYA BABATUKAN AKO!!" Malakas kong sigaw para di niya matuloy ang malagim niyang plano. Kapag nabatukan niya ako malamang mabobobo na naman ako. Mahirap na!
"PETER CLINT!! ANO NA NAMANG GINAGAWA MO SA KAPATID MO?" malakas na sigaw ng nanay ko habang may hawak na sandok. Napanguso naman ang unggoy kong kuya at parang nagpapaawa pa. Hahaha mukha siyang tanga.
" Ma si megan kasi eh. Siya ang nauna wala naman akong ginagawa." Nakangusong saad ni kuya. Matalim akong tinignan ni mama habang ako patay malisya at naghahanap ng butiki sa kisame. Friends kami non.
"Mga batang ito parang di kayo magkapatid. Kami noon ng tita niyo blah blah blah blah." At ayan na naman magsisimula na naman ang mala mmk na kuwento ni mama. Paulit ulit. Para siyang sirang plaka.
Dumiretso kami ni kuya sa lamesa at tahimik na kumain don. Pag nagkakatinginan kami tahimik kaming tatawa at susulyapan si mama. Ayun si manang tarsing naman ang kinuwentuhan niya, na halatang napipilitan lang.
Natahimik lang ang buong bahay ng dumating ang padre de pamilya. Si Don Rodolfo Zaldua.
Kagigising lang niya. Himala alas otso siya gumising. Lumuwag kaya turnilyo ng lasenggero kong ama. Ang tibay din ng kidney nito sa lakas niyang uminom, hindi man lang siya dinapuan ng sakit. Araw araw niyang ginagawang tubig ang alak.
"Megani ano naman itong nababalitaan ko?" Palihim akong napairap. Palaging ayan lang ang bunggad niya sakin. Unique talaga siya mag greet ng good morning. Sobrang sweet.
" Nasangkot ka na naman sa gulo. Wala ka ng ginawa kundi ang bigyan ako ng sakit sa ulo. Kailan ka ba tatanda?" sermon sa akin ni erpats. Syempre pag nagbirthday na ako duh.
Sumulyap ako kila mama at kuya.Tawanan ba naman daw ako. Parang di kayo kapamilya. Sa sobrang inis ko agad akong tumayo at kinuha ang bag. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin nila pero nagbibingi bingihan lang ako.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (66)

  • avatar
    PedrosaMatt

    50000

    22d

      0
  • avatar
    Wesley Abelligos

    good

    28d

      0
  • avatar
    Wilsar Oxford

    thanks

    19/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด