logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

chapter 5

I squeezed my eyes shut. Binuksan ko rin ulit ang mga ito habang hawak ang kutsara. Sumandok ako nang isang beses saka sinubo ito. Pinakiramdaman ko muna ang aking sarili kung anong maging resulta bago minuya at nilunok.  Nabitawan ko ang  kutsara na hawak nang biglang uminot ang buo kong katawan at subrang lakas nang kabog ng aking puso, sa lakas nito parang hinahabol ko ang aking paghinga.
Sinubukan ko na pakalmahin ang aking puso, at ibalik sa huwisyo ang paghinga ngunit nabigo lamang ako. Lalo itong lumala. Nanginig ang buo kong katawan, at ramdam ko ang unti-unti kong pagkaputla. Marahas akong tumayo para sana umiwas na hindi makita ni Soo-joon ang aking kalagayan ngunit nabigo ulit ako. 
Napaupo akong muli sa upuan habang nanghihina. Nakita ko kung paano tumingin si Soo-joon sa akin, iniwas ko ang aking mga mata sa kanya habang ganoon parin ang aking kalagayan. Nag-aagaw buhay dahil sa sarili kong kabaliwan.
"What's wrong?!" Tanong ni Soo-joon, nagtataka. "Bat ka namumutla!?  Tell me, what's happening with you!?" Natataranta na siya.
Tumayo si Soo-joon, lumapit siya sa akin at sinuri ako para tulungan. Actually, wala talaga akong intensyon na sabihin sa kanya ang tunay kong kalagayan. Away kong mapahiya. Mas gusto ko pang makipag-bakabakan kay kamatayan kaysa sabihin sa kanya na allergic ako sa favorite niyang ulam.
"I-im okay..." Utal-utal kong sabi. "I'm just pretending."
"No! You're not! Tell me," bulyaw niya sa akin, nagpapanik. "Allergic kaba sa kinain mo?!" Tanong niya. "Shit! I forgot!"
I didn't know what to do.  Sasabihin ko ba ang totoo? O ipapairal ko pa ang pride?
"Tell me, Bellina! Don't lie to me!" Galit na siya. "Kasalan ko kapag anong mangyayari sayo!"
Natauhan ako sa huling mga katags ni Soo-joon kaya napagdesisyonan ko nang sabihin ang totoo. Baka kung mamamatay ako dito tapos siya ang sisisihin nina mom and dad. Hindi ko iyon kaya at hinding-hindi talaga ako pupunta ng langit.
Lumunok ako. "Y-yes! Allergy ako sa monggo..." Napakapit ako sa gilid Ng mesa. "P-please, paki-kuha ng pills  ko sa bag."
No words sprouted from Soo-joon's mouth. He was really worried. Kinuha niya agad ang pills sa loob ng bag ko na nasa upuan katabi ng inuupuan ko lamang. Seryosong-seryoso siya pero subrang gwapo niya parin sa paningin ko.
Binuksan ni Soo-joon ang bottle kung saan nakalagay ang gamot. Binuksan niya ito at kumuha nang isa saka nagmamadaling naglagay ng tubig sa baso mula sa petcher na nakalapag sa mesa. Pagkatapos inabot niya sa akin ang pills kasunod ang basong may lamang tubig. Ininom ko ito, at ang akala ko'y bubuti ang pakiramdam ko pagkatapos, hindi pala. Nanlabo ang paningin ko. Marami-rami rin ang nasubo ko kaya siguro nahihilo ako.
Tumayo ako nang biglang na out of balance ako, buti't nasalo ako ni Soo-joon kung hindi basag ang bungo ko sa sahig.
Nagising ako. Sumuot sa ilong ko ang pabango ni Soo-joon kaya nahulaan ko na agad na sa kanya itong kwartong aking kinaruruonan. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito, pero sigurado ako na si Soo-joon ang nagdeposeto sa akin dito. Kapag naiisip ko na binuhat niya ako parang hihimatayin ako sa kilig.
Napakagat ako sa kumot na nakabalot sa kalahating katawan ko habang abot tainga ang ngiti. First, he smiled at me, nakasama ko siya sa hapagkainan at ngayon nakahiga ako sa bed niya. OMG! Worth it ang pinagdaanan ko sa kamay ni kamatayan. Haha!
Namilog ang aking mga mata nang may biglang pumihit sa doorknob Ng pinto sa kwartong kinaruruonan. Nais ko sanang magkunwari na tulog parin ako dahil sa ginawa kong nakakahiya. Marahas akong humiga sa kama, nalukot ang mukha ko nang mauntog ang ulo ko sa headboard. Ang sakit!
Sapu-sapo ko ang aking ulo habang papasok si Soo-joon sa loob. Laglag ang paningin ko nang umupo siya sa gilid ng kama. Hindi ako makatingin sa kanya. Umayos ako, tinigil ang pagsapo sa ulo habang tinitiis ang hapdi nito.
"How's your feeling?" He asked. "Meron ka bang nais sabihin? Sabihin mo na."
Dahan-dahan akong tumingala sa kanya. Nalaglag ulit ang aking paningin nang makita ang masungit niyang ekspresyon. "I'm okay," simula ko, lumunok muna bago pinagpatuloy ang pagsasalita. "Soo-joon, i-im sorry. Ang totoo allergic ako sa monggo." Nahihiya kong pahayag.
Tumingin ulit ako kay Soo-joon, mukhang galit parin ito. Nginusuan ko siya, natigil nalang ako nang mayroon akong naisip. Agad akong nagulat nang pumasok sa aking isip ang klase ko.
"My gosh, late na tayo!" Sigaw ko. "Alis na tayo!'
Dali akong bumaba sa kama. Tumayo na rin si Soo-joon, tinalikuran niya ako sabay labas ng kwarto. Mukhang wala parin ito sa mode at sigurado ako na dahil ito sa ginawa ko kanina. Kinusot ko ang sarili saka sumunod sa kaniya. Nadatnan ko siya sa labas na kasalukuyang nagsusuot nang jacket.
"Ihahatid na kita sa inyo," malaming niyang sabi. "Baka ano pang gawin mo sa labas."
Napasimangot ako. Ano bang tingin niya sa akin? Pakiramdam ko, tingin niya sa akin immature. Gosh, matured na ako!
"Okay, tanging nasabi ko.
Pagkatapos niyang isuot ang jacket, umuna na naman siyang lumabas sa condo niya. Nag-isip muna ako kung anong gagawin ko para mawala ang galit niya sa akin. Feeling ko kasi galit talaga siya sa ginawa ko. Paano kaya kung ibibigay ko na mamaya ang bayad sa pc?  Pero baka hindi na niya ako kakausapin kapag ginawa ko ito. Kailangan magkakagusto muna siya sa akin bago ko  bayaran 'yon. I don't no what to do!
Kunot ang noo ko nang sumunod kay Soo-joon. Pagdating ko sa labe ng condo lalong Kumunot ito nang hindi ko siya makita. Tumingin ako sa labas, gabi na pala. Ilang oras ba akong nakatulog?
Hindi ko na inisip kung ilang oras akong nakatulog, ang iniisip ko kung asan si Soo-joon. Tumingin ako sa aking pinanggalingan, wala akong makitang Soo-joon talaga. Saan ba siya pumunta?
I wa busy finding Soo-joon when a group of strangers came closer to me. Kung pangit ang mga naging kausap namin  kanina, mas pangit ang mga ito.  Kung ang grupo ni Raffa mukhang mga gangsters, ito naman mukhang kayang kumain ng tao.
"Miss, diba ikaw yung kasama nung koreano?" Tanong sa akin nang isa, mukhang ito ang lider nila.
"Oo, bakit?" Taas noo kong sagot. "Anong kailangan n'yo sa kanya?"
Walang sumagot sa kanila. Ngumisi lamang ang lider saka meron siyang sinenyas sa kasama niyang nasa kanyang likuran.  Hindi ko alam kung anong sinenyas niya dito, basta bigla na lamang akong hinawakan nang dalawang tauhan niya sa bawat balikat ko.
I was panicked. "Ano bang kailangan n'yo sa'kin?! Mga pangit, bitawan n'yo ako!"
Sinubukan kong makawala sa kanila pero hindi kaya ng lakas ko, ang  titibay nila. Nagpumidlas ako, ganoon parin. Asan ba si Soo-joon!?
"Soo-joon! Help me!" Sigaw ko. "Tulong! Help!"
"Take your dirty hand out of her!" Hindi magkamali sa Bose's niya, si Soo-joon iyon. "Try to hurt her, I'll bury you deeper in hell!"
Nasa bandang likuran nanggaling ang boses. Binitawan ako ng mga ito may hawak sa akin. Tumakbo agad ako kay Soo-joon at yumakap sa kanya. Humagulhol ako, grabe ang kabang nararamdaman ko.
"Soo-joon, they want me to hurt," I said.
Nagtatagis ang bagang ni Soo-joon na nakatingin sa harapan niya, sa mga pangit. Tinanggal niya ako sa pagyakap sa kanya at inilagay sa kanyang likuran.  At mula sa likuran niya, sumilip ako sa mga taong nasa harapan namin. Mukhang sa nakikita ko may mangyayaring rambulan. Sana naman mali ako.
"Akala mo ba matatakasan mo kami?!" Pangisi-ngising sabi ng lider. "Pwes nagkakamali ka!"
"Bakit ba ako ang inaabala n'yo, Garry?!" Inis na tanong ni Soo-joon sa mga ito. "Hindi naman ako ang may atraso sa inyo ah!"
"Pero ikaw ang tinuro ni Raffa na magbabayad sa utang!" Sagot naman ng lider, siya yata ang tinutukoy ni Soo-joon na Garry.
Napatingin ako sa kamay na isiniklop niya ang aming mga kamay. Ramdam na ramdam ko pumumula ng aking pisngi. Hindi ko alam kung bakit pa ako kinikilig sa ganitong sitwasyon. Taas-noo akong tumingin sa mga kaharapan namin sabay higpit nang pagkahawak sa kamay niyang hawak ko.
"Sundin mo lahat ng sasabihin ko ha," may pabulong-bulong pang nalalaman si Soo-joon. Kahit hindi niya sasabihin, susundin ko naman talaga siya.
"At kailangan mong magbayad ngayon na," dagdag ni Garry.
"Run, Bellina!" Sigaw ni Soo-joon. "Takbo!"
"Ha?! Paano!? Saan?!" Sigaw ko habang natataranta. Sa taranta nabitatwan ko ang kamay ni Soo-joon. Nakatakbo na siya pabalik  habang ako naman ay hindi alam kung anong gagawin. Gulong-gulo ako. Lilingunin ko pa sana siya, hindi iyon nangyari nang hinil niya ako. Binalikan pala niya ako.
Tumatakbo kami habang habol-habol nila. Hinila ako ni Soo-joon hanggang palabas ng exit hanggang sa pasilyo na tahimik at medyo makulimlim. Hingal na hingal na ako, lumingon ako sa mga nakasunod sa amin, nandoon parin sila. They're still chasing us. Hindi ba sila napapagod? My gosh, I'm so tired!
"Hoy! Tumigil kayo!" Sigaw ni Garry. "Napapagod na ako sa kakahabol sa inyo!"
"Alangan naman kami ang mapapagod sa kakahabol, eh kayo ang  humahabol!" Balik sigaw ko kay Garry, iritado.
Bobo rin pala ito eh!
Gusto ko na talagang huminto, hindi ko na kaya pero hila-hila parin ako ni Soo-joon. Paano ako hihinto, ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. Nangingibabaw na ako sa pagod, hinubad ko ang aking kamay sa kanya at napaupo sa semento. Napahinto narin siya at tumingin sa akin. Nang makita niya kung gaano ako napagod, hinarap niya ang mga humahabol sa amin. They're tired too.
Sinugod si Soo-joon nang isang tauhan ni Garry, sinipa lamang niya ito. Lima ang kasama ni Garry, lahat sila isa-isa lamang niya itong sinapa habang sumusugod ang mga ito. Para akong nanunuod nang action movie, sa nasaksihan ko ngayon. Ang lider ang huling sumugod kay Soo-joon, pinaulanan niya ito ng suntok saka sipa. Bumulagta si Garry, natawa naman ako. Buti nga sayo, pinagod mo ako!
Sinubukan kong tumayo nang lumapit si Soo-joon sa akin ngunit nabigo lamang ako. Inalalayan n'ya ako at biglang binuhat pabalik sa condo. Ngumiti ako habang seryosong-seryoso siyang naglalakad. Walang masisilayan ekspresyon sa kanya, mukhang hindi siya nabibigatan sa akin.
"Soo-joon..." Tawag ko sa kanya. "Ibaba mo na ako, mukhang kaya ko nang maglakad."
Walang sabi-sabi niya akong binaba pero dahil nanginginig pa ang paa ko dahil sa haba ng tinakbo namin, Inalalayan  na lamang niya akong maglakad. Muli na naman akong napangiti nang hawakan niya ang kamay ko at ang isa ay nasa aking baywang. Seryoso parin siya at tahimik, tumikhim ako kaya ko naagaw ang mga mata niya.
"M-may masakit na sayo?" Tanong ko. "Tell me, I can give you pain reliever."
"No, Bellina," simula niya. "Uwi muna tayo sa condo, kukunin lang natin ang motor ko tapos nun ihahatid na kita."
Nakita ko ang sugat sa kamay niyang nakahawak sa akin. Nakuha niya siguro Ito nang paunalan niya ng suntok si Garry. Nakatitig ako sa sugat niya kasunod ay tumingala ako mukha niya, nakatingin pala siya sa akin. Malapad na ngiti ang ibinahagi ko sa kanya, naiilang naman siyang tumingin sa kawalan.
"Why you're always smiling like that?" He asked. "You know, you look like sintu-sinto..."
"Wow! Nakakadami kana ha! Kanina tinawag mo akong drug adik ngayon sintu-sinto na naman!" Singhal ko sa kanya. "Nakakasakit kana ng pusong nagmamahal."
Nakakasama na siya nang puso. Tumakbo ako nang ganoon kahaba para sa kanya tapos sintu-sinto lamang na word ang makukuha ko. Take note, that was my first time. My gosh!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (14)

  • avatar
    Ghean De Jesus

    so great these bokk is good

    2d

      0
  • avatar
    Eiramesor Kom

    good 👍👍😊😊

    06/06

      0
  • avatar
    Rod Rod

    good writer and topic

    01/03

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด