logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

chapter 4

With badboy features of Soo-joon, he looks more handsome with his black ducuti. Excited ako na medyo may maliit na kaba sa dibdib dahil ito ang kauna-unahang sasakay ako ng motor. Hindi ko mapigilan ang aking utak na maisip na baka anong mangyayari sa amin. Lapitin pa man daw ng aksendente ang sasakyan na two wheels.
Huminga ako nang malalim para ilabas sa utak ang lahat ng negatibong naiisip ko. Nagtitiwala ako kay Soo-joon, walang mangyayari sa akin at sa kanya. That's it!
"Ayaw mong sumakay?" Malamig na tanong ni Soo-joon.
"Sasakay," I said, ashamed.
Iniwanan ko ng matamis na ngiti ang mga estudyante na nakatingin parin sa amin bago tinanggap ang helmet. Ngumisi-ngisi ako habang hindi mawala-wala sa'king isip ang pagmamaktul sa selos at inggit ang tatlong babaeng kina-iinisan ko sa tanang estudyante sa STII.
Ini-start ni Soo-joon ang kaniyang motor. Umangkas ako sa likuran niya at humawak sa balikat sabay ang pag-ingay ng mga estudyante na nasa paligid. Siguro kung hindi ko kasama si Soo-joon, bugbog na ako sa mga ito. Galit sila, parang lalapain nila ako nang buo.
Papalayo na kami sa mga estudyante. Nang makarating sa gate ng paaralan bigla siyang nag-over take kaya nasubsob ako sa kaniyang likuran at napayakap sa baywang niya. Nabigla ako, napakurap-kurap habang hindi ko namalayaan na huminto ang aking sinasakyan. Napalunok ako habang napahawak nang madiin sa jacket na suot ni Soo-joon.
Tumikhim si Soo-joon. Dali-dali kong hinawi ang mga kamay ko sa kaniya at medyo umusog palayo sa katawan niya. Ibinalik ko ito sa kanyang balikat, una'y nagdadawalang isip pa ako na humawak roon pero nang muling tumakbo ang motor ay walang anu-ano akong kumapit. Mahal ko pa buhay ko, no... At pa'no kung malaglag ako, edi basag ang  ulo ko sa semento!
Ang aking pagkabigla ay napalitan ng ngiti. Kilig na kilig ako, halos wala nang masisidlan ng aking kilig. Kumabog ang puso ko, sa subrang lakas ng kabog, naririnig ko na ang pintig nito. I feel like I'm ready to go in heaven anytime, pero basta kasama si Soo-joon.
Subrang tulin ng pagpapatakbo ni Soo-joon. Halos ilipad na ako nang hangin na pumapalo sa buong kong katawan pero heto parin ako subrang lawak ng ngiti. Naglaho lang ito nang huminto ang sinasakyan ko sa paradaham ng isang simpleng condo . It is so really simple! Anong gagawin namin dito?
"Baba!" Padabog na sabi ni Soo-joon. "We're here."
May pagmamabilis akong bumaba. Nang naka-apak na ako sa lupa Iniliwaliw ko ang aking paningin sa paligid habang hinuhubad ang helmet sa'king ulo at ibibigay sa kanya, isinakbit naman niya Ito sa manobela. Wala na bang pera na ipa-renovate ang may-ari ng condo na'to? Kawawa naman ang mga nakatira dito.
Kumunot ang noo ko nang mahagilap ng aking mga magagandang mata ang grupo ng kalalakihan na papalapit sa amin. They're look like a gangsters. Ang papangit ng mga mukha! Akala ko ba guwapo ang mga gangster, iyon ang palagi kong nababasa sa mga novel. Sa totoong buhay pala, ang papangit!
Nasa harapan na namin sila, nakatayo. "Soo-joon, kailan mo ako babayaran sa utang mo?" Tanong ng leader. "Ilang buwan na'yon ah!"
What? Nangugutang siya sa mga taong ito! Hindi siya natakot? Ang papangit ng mga mukhang ito, parang anytime pwedeng mangangain ng kapwa tao.
"Don't worry Raffa, dala ko na." Sagot ni Soo-joon saka tingin sa akin.
Naintindihan ko agad pinupunto ni Soo-joon. Napahakbang ako ng dalawang beses sa takot. I was so scared. Dahil sa obsession ko sa gwapo ito na napapala ko... Ipangbabayad utang na ako! My god, Is this my last day as a virgin? Wag naman.
"Please, don't!" I almost cry. "My parents can afford anything you want. Ibibigay nila sa inyo lahat wag nyo lang akong saktan."
Tumawa na parang demonyo ang mag-gugrupo, halata sa klase ng tawa nila na sayang-saya. Si Soo-joon naman ay nakatalikod sa akin, parang walang mukhang ihaharap dahil sa ginawa niya. He sold my previous virginity! How dare him!
"Please don't stole the thing that I really treasure," umiiyak na ako, nanginginig sa takot. "Please, don't rape me," I begged.
Kung ganito lang naman pala mawawala sa'kin ang iniingat-ingatan kung puri, edi sana binigay ko nalang ito kay Harvey. Kahit ayaw niya, ibibigay ko parin.
Nasa utak  ko nang tumakbo pero nang humarap si Soo-joon sa akin, hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan. Napakatulis ng mga titig niya sa akin. Nakakatakot. Alam ko na nakakatakot talaga siyang tumingin dahil parang palaging seryoso ang mga mata niya pero ngayon, ito'y iba. Kakaiba ang takot na nararamdaman ko.
"What are talking about? Are you using drugs?" Mga tanong ni Soo-joon.
Ha? Gumagamit ako ng drugs? Oo, sometimes. Umiinom ako ng sleeping pills kapag hirap akong makatulog at kapag may sakit ako. Ano bang klaseng tanong iyon?
Pinahiran ko ang aking mga luha gamit ang palad. Nagugulaluhan na nagpasalin-salin ang aking paningin kay Soo-joon at kay Raffa.Matapang akong sumagot sa tanong niya. "Oo, kapag may sakit ako. Bakit?"
Hindi ko alam kung anong nasabi kong kina-irita ni Soo-joon. Natatakot man, sumilay parin sa akin ang kaguluhan habang tumingin kay Raffa, tumawa ito saka nagkibit-balikat. Ibinalik ko ang aking mga mata kay Soo-joon, ganoon parin siya, iritado. Ano bang ginawa kong mali para mairita siya sa akin ng ganito?
"Nagti-trip ka ba?! What kind of brain you have?" Mas iritado pa ito. "Ang ibig kong sabihin... Illegal drugs!"
My Gosh! Ano ba talaga ang tingin niya sa akin? Binibenta niya ako tapos ngayon nagdudrugs ako sa tingin niya...
"How dare you thinking me a drug addict!" I shouted. "Binebenta mo na ako nga tapos ngayon—"I clipped my own words.
Marahas akong bumuntong-hininga at   humakbang papalapit kay Soo-joon, sinalo ko bawat titig niya sa akin nang taas noo. Sinipatan niya ako bago inilayo ang paningin sa akin. Akala naman niya porket crush ko siya hindi ko siya lalabanan. Asa ka!
"Mamaya ko nalang ibibigay sayo ang bayad ko," sabi ni Soo-joon.
Dinampot ni Soo-joon ang aking pulsunan saka hinila palayo sa grupo. Ngiwi nang ngiwi ako dahil sa bilis ng aming paglalakad. Kinagat ko ang aking babang labi saka inagaw ang pulsunan kong hawak parin ni Soo-joon. Huminto siya sa paglalakad napahinto narin ako. Humarap siya sa akin na iritado, taas-noo ko rin siyang tiningnan.
"Ano?!" Singhal ko.
"Alam mo hindi ko alam kung anong laman ng utak mo," tumingin siya sa kawalan. "Pero hula ko— what so ever!"
"Say it!" Kumibot ang bibig ko sa inis. "Wag mong putulin ang sasabihin mo! Say it in my face!"
Nanggagalaiti ako sa inis. Nais nang sumilay ang luha ko sa mata dahil sa galit, pinipigilan ko lamang ko. Hindi ako iiyak sa harapan niya. Hinding-hindi iyon mangyayari. Gosh, I can't believe, nagka-crush ako sa isang 'to!
Umiling-iling siya saka tumingala na parang nagpipigil na tumawa. At nang ibinalik niya sa'kin ang kanyang paningin, ngumiti siya nang nakakasilaw. Lumukso ang puso ko sa kilig, halos hindi ko ito mapigilan at napangiti nalang rin ako. Ano kaba puso... Isang ngiti lang niya,  nababaliw ka na naman.
"I have nothing to say, Bellina." He smiled. "Let's go?"
Ngumiti ulit ako, ito ang naging sagot ko kay Soo-joon. Umuna siyang humakbang, sumunod rin agad ako na nakabalot parin ang mga labi sa ngiti. Nawala lamang ito nang mayroong naalala. Tinawag niya ako sa pangalan ko! Ang sarap marinig.
Hindi ko matanggal ang ngiting nakaplaster sa'king mga labi. Huminto si Soo-joon sa tapat ng isang pinto, may kinuha siyang susi sa bulsa at ini-unlock ang pintuan. Binuksan niya ito at pumasok roon na wala man lang sinabi sa akin kaya ako nalang ang nagdesisyon na pumasok sa loob.
Pagtapak ko sa loob ng kwarto, iginala ko agad ang aking paningin sa loob. Simple lamang ito at katamtaman lamang ang laki. At sa loob makikita na lahat ang pwedeng makita sa isang bahay. Kusina, living room at bedroom. Ang cool, ngayon lang  ako nakakita nang ganito. One room in all.
"Follow me, I'll show you the pc." Rinig kong sabi ni Soo-joon.
Tulad ng sabi nya, sumunod ako sa kanya nang naka-liwaliw ang paningin sa paligid. Amoy na amoy ko ang pabango niya  na nakabalot sa buong kwarto. Huminto siya sa paglalakad nang hindi ko namalayaan kaya nasubsob ako sa kanyang likuran. Dali-dali akong humakbang ng isang beses, humarap naman siya sa akin.
"Ito siya," tinuro niya ang pc na ngayon ko lang namalayan na nandoon sa gilid. "Bago pa 'yan... Kakabili ko lang last month."
Sinuri ko ang pc kahit wala naman akong alam sa ganito a base sa nakikita ko mukhang bago pa nga. Muli akong humarap kay Soo-joon  at walang nagpaligoy-ligoy na itinanong sa kanya ang presyo nito.
"Ayaw mong itesting?" Tanong niya.
Tumingin ako muli sa pc. Para saan pa? Sira man yan O hindi bibilinhin ko pa rin. Walang makakapag-pabago ng desesyon ko. So, I don't need to test it.
"No need," I smiled. "I trust you."
"It's your decision," iniwan niya ako at nagtungo sa refrigerator at kumuha roon ng watercontainer, uminom siya mula rito pagkatapos ibinalik niya Ito sa ref. "50k, pwede kang tumawad." Sabi niya nang muling niyang pagharap sa akin.
"Okay na 'yan... Ibibigay ko nalang sayo ang money bukas at bukas ko na rin to kukunin." Sagot ko, sabay turo sa pc nang bigkasin ko ang huling salita.
Umuo si Soo-joon bago umalis sa harapan ko. Sumunod rin ako sa kaniya nang walang kaniyang pahintulot. Nagtungo siya sa isang maliit na mesa, binuksan niya ang rice cooker na nakalapag sa gitna at ang bowl na may lamang— ano 'yan? Damo?
Napalunok ako habang pinagmasdan si Soo-joon. Hindi ko inaakala na sa hitsura niya parang nagmamay-ari ng naglalakihang kampanya ay ganito ang buhay niya. I cani believe he is poor. Pero parang lalong humahanga ako sa kanya.
Inubserbahan ko ang paligid. Mukhang siya lamang ang nakatira dito. Napakunot-noo ako nang maalala ang kaniyang mga magulang. Pwede ko kayang tanungin siya tungkol sa mga magulang niya? Ba't hindi, wala namang masama, magtatanong lang naman.
Magsasalita na sana nang naunahan niyang tawagin ang pangalan ko. At tulad kanina, ang sarap nitong marinig. Tumingin ako sa kanya, nabaling na lamang ang aking mga mata sa mesang may nakalapag na pagkain. Napalunok ako sa ulam na naroroon. Lunch with Soo-joon is romantic but seeing the food in the table, I guess if it is romantic this is my last romantic dinner with him.
"Kain tayo," yaya niya.
Mapipilit ko pa sana na kumain ang sarili kung ibang ginataan ang nasa aking harapan pero ginataang monggo, parang ako mismo ang kumuhukay sa sariling libingan. Tatanggihan ko na sana siya nang muli na naman niya akong naunahan.
"Nang una kong kain dito sa pilipinas, ginataang monggo ang  unang kong natikman." Entro ni Soo-joon. "At naging favorite ko na ito."
Napangiwi ako sa narinig. Umupo si Soo-joon sa upuan at tumingin muli siya sa akin, lumapit ako sa mesa saka umupo sa kaharap niyang silya. Tumingin ako sa plato na nakahanda para sa akin, lumingon ako sa kasama nang maramdaman ko ang mga mata niya sa akin. Pilit akong ngumiti, siya naman ay naglagay na ito nang kanin sa kaniyang plato.
"R-really... Me too," dali kong sagot na hindi ginagamit ang utak.
Minsan talaga wala akong utak. Naiinis na nga ako sa sarili ko. I'm so stupid! Hindi ako makapaniwala na nasabi ko iyon. Talaga Lang ha... fovorite? My god, RIP ako! Ang sarap ipukpok ang ulo ko sa sahig.
Ngumiti siya sabay abot ng plato na naglalaman ng ginataang monggo. Nagdadalawang isip pa akong tanggapin ito, nang lumukot ang noo niya dali-dali kong kinuha at naglagay sa plato ko bago ibinalik sa kinunan ni Soo-joon. Nangangatal ako habang hawak ang kutsara at nakatitig sa laman ng aking plato.
Mommy, please help me! God, ikaw na bahala sa akin. Ayaw ko pang-mamatay.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (14)

  • avatar
    Ghean De Jesus

    so great these bokk is good

    2d

      0
  • avatar
    Eiramesor Kom

    good 👍👍😊😊

    06/06

      0
  • avatar
    Rod Rod

    good writer and topic

    01/03

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด