logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

I'm Crazy In Love With A Runaway Badboy Prince

I'm Crazy In Love With A Runaway Badboy Prince

Mischievous Rose


chapter 1

First day as a new student of STII. So irritated! Para akong taga ibang planeta na napadpad sa mother-earth. Dahil nga transferee ako hindi ba, kaya wala akong kilala kahit man lamang isa sa mga estudyante. I feel like I'm not part of STTian.
Wala bang pa welcome party?
Naglalakad ako sa entrance ng school. Hindi ko mapigilan ang sarili na magbaba ng tingin dahil sa hiya. Pakiramdam ko ang liit-liit ko at ito ang isa sa mga ayaw ko kapag magtatransfer ng paaralan. Nakaka-Out of place, at kasalanan ito ng babaeng iyon.
Speaking of past, kumusta na kaya si crush Harvey? I missed him so much.
Humingos-hingos ako habang pinagpatuloy ang paghakabang. Parang gustong tumulo ang luha at sipon ko nang maalala ko ang aking Harvey. Days na rin kasi kaming hindi nagkita. Hindi man lamang ako dinalaw sa bahay.
Hayst... Is he didn't missed me?
Nawala sa isip ko si Harvey nang mayroon akong narinig na hiyawan ng mga babaeng parang mga pusang maharot-ang lalagkit ng mga boses sa bandang likuran. At lahat sa kanila ay iisa lamang ang bukang-bibig na pangalan. Soo-Joon? Seems like a Korean name.
Mayroon bang korean-actor dito?
Marahan akong lumingon kung saan ang ingay. Pakiramdam mo naglaho ang lahat ng bagay sa paligid nang makita ko ang guy na halos hindi na makadaan dahil sa nakapalibot at nagsisiksikang mga babae sa kaniyang daraanan. My heart beating faster and faster. Ito ang kauna-unahang pagkabog ng aking puso na halos sasabog.
"So handsome," Hindi ko inasahang pabulong na masambit.
"Please, tabi muna kayo." He said, fluently.
I can't believe he can talk tagalog fluently. Sa anyo niya, sigurado akong foreign siya. Maybe, he is half american- half Korean. Oh, forget about his nationality. Let's proceed how handsome he is. Gosh, he looks like a Korean model. His brown hair, pointed nose, almond thin eye, a perfect height and body makes lot of girls fall for him. And I'm one of them.
Binigyan daan siya ng mga estudyante na nakaharang sa kanyang daraanan. Kasalukuyan siyang papalapit sa akin na may hawak na isang kumpon ng pulang Rosas. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Wearing a white longsleeve, black shoes and black slacks he looks stunning. Para siyang anghel na bumaba sa langit para angkinin ang puso ko.
Gosh, kung panaginip lamang ito ayaw ko nang magising pa!
Now, nasa harapan ko na siya, nakatayo at may ngiti sa labi. Pakiramdam ko naglaho ang lahat ng bagay sa paligid namin habang Ang dibdib ko ay halos bumuka na sa lakas ng kabog nito. Parang nais nitong lumabas. Kaloka! Ito ba ang sinasabi nilang love in first sight...?
Napabuntong-hininga ako upang mabawasan ang pagkabog ng aking puso. Mukhang hindi kakayanin ng puso ko, aatakihin ata ako nito. Kasunod ay kumurap ako, at dito ko lamang namalayan na napapalibutan na pala kami ng mga estudyante. Gosh! Ang haba ng hair ko!
Inabot niya ang dalang bulaklak sa akin. Hindi ako mapaniwala, ramdam na ramdam ko nga ang pambibilog ng aking bibig. Dali ko itong tinikom, kasabay ng gusto ko nang gumulong sa semento sa kilig. And although, hindi ako nakatingin sa mga mukha ng mga nakapaligid sa amin, ramdam ko ang inggit nila sa akin.
Mainggit lang kayo!
"S-so beautiful! Thank you..." I said while blushing my cheeks.
Kumunot ang noo niya. Ang nagniningning niyang mga mata ay sa isang iglap nag-iba. Dumilim ito. Ngunit hindi ko iyon pinansin. Inabot ko pa rin ang bulaklak na kaniyang hawak nang biglang binawi niya ito. Nanginginig ako na ibinaba ang sariling kamay habang napakagat labi.
"Ms. Hindi ko sinabing para 'to sayo." He smiled, a perfect pair of dimple shown. "I sign you para tumabi ka sa daraanan ko."
Wow, ang tabang magsalita!
Tulala akong tumabi. Nagpatuloy sa paglakad si singkit. Nakasunod naman ang mga estudyante na parang pusa ang mga boses. Para akong nalaglagan ng langit sa subrang hiya. Gosh, so embarrasing! Akala ko pa naman sa akin niya ibinigay ang rosas, hindi pala! Favorite flower ko pa naman.
Walang anu-ano may tumapik sa aking balikat mula sa likuran. Nilingon ko ito at tatlong babae ang nahagilap ng aking paningin, mayroon ang mga itong pang-aasar na ngiti. Nawala ang hiya kung naramdaman kanina, napalitan ito ng inis.
"Yack!" Maarting saad ng nasa gitna. "Nakakaawa naman, taas ng pangarap!"
Yes, I admit! Masyadong makapal ang mukha ko. Kasing kapal ng lupa. Pero wala siyang karapatan na sabihan ako ng ganitong words. Hindi ko hahayaan, in the second time, may magpapahiya sa akin sa araw na ito!
Matatalas na mga tingin ang ipinukol ko sa mga ito. Sinusuri ang kanilang mga kabuuhan. Nakauniform sila, at base sa kanilang mga appearance mukha namang simpleng studyante lamang sila sa paaralang ito. At kung makapagsalita sa'kin mukhang sino!
"You!" Duro ko sa babaeng Maarte. "Maarteng mukha namang palaka! Ang lakas ng amats mo para sabihin niyan sa akin... Sino ka ba?" Umuusok na ako sa inis.
Tumawa lamang sila saka sumunod ang dalawa sa mga naghihiyawang mga studyante. At iyong maarteng mukhang palaka naman ay tinapik ang ulo ko ng tatlong beses bago sumunod sa mga kasama. Gusto kong sumigaw sa inis pero hindi ko magawa dahil ayaw kung makita nila na affected ako.
I'm Bellina Celestina Barcelona, the beautiful and magnificent. No one can bully me!
I bit my lower lip, sabay takbo papasok hanggang third floor kung nasaan ang room sa akin first subject for today. Pagtungtong ko dito, hinanahap ko agad ang room213. Nang nasa pinto na ako dito, napakapit ako sa aking tuhod dahil sa pagod. Biruin mo, tinakbo ko ang first hanggang third floor... meron namang elavator. Ang tanga 'di ba!?
Masyado akong hinihingal at namumutla sa pagod sinantabi ko ito. Umayos ako sa pagtayo, saka ko lamang namalayan na ang lahat ng nasa loob ay nakatingin sa akin. Pati ang professor. Lagot ako, I think, I'm late!
"You're ten minutes late!" The Prof shouted and looked dangerous pale at me.
Umalingawngaw sa tainga ko ang boses ng babaeng guro habang hindi nakapagsalita upang ipahayag ang aking point of view kung bakit ako na-late. Ang aking bibig ay parang tinahi ito sa pagkabigla.
"Leave! You don't have permission from me to join my class!" Bulyaw ulit ni Prof.
Napangiwi ako. Kung ayaw niya akong pasalihin sa klase, edi don't! Akala naman niya gusto kong tingnan ang mukha niyang parang mukhang kabayo. Ang taas ng panga, kasing taas ng buhok niyang rebonded na walang kabuhay-buhay! Siguro Matandang dalaga 'to.
Ha-ha! Makapagliwaliw nga!
Mabilis ang takbo ng oras. Ala una na ako naka-uwi ng bahay, nalibang talaga ako sa pamamasyal sa bago kong paaralan. Ang laki nito, mas malaki pa sa dati kong pinapasukan. Pagkarating ko dito buti't wala si mommy at daddy sa bahay kung hindi magkakaroon na naman ng Q and A kung bakit ako umuwi ng ganitong oras. Hayst, I love my parents so much but sometimes naiirita ako dahil sa kanila.
For sure nasa business namin sila. Not to brag but we owned a hug luxury hotel. Balang-araw ako ang magmamana nito dahil ako lang naman ang anak nila. Unika ija yata ako. And that is one of the reasons why I became brat.
Pumasok agad ako sa kwarto ko, malaki ito at kahit saan tumingin sa loob kulay rosas na pader at mga gamit ang makikita. Nagbihis at magpahingi ako, humiga ako sa'king family size na kama, pinikit ang mga mata at sinusubukan na kalimutan ang bad vibes na nangyari sa araw na ito. Siguro dahil sa puyat, nakatulog ako at sa kalagitnaan ng sleeping beauty ko nang masamang panaginip.
Again, I was walking at the entrance in STII, my heart pounding when I saw Moon Soo-Joon carrying three white roses. Papalapit siya sa akin at nang nasa tapat ko na siya inabot nya ang mga bulaklak. I was so happy but when his annoying smile flash it was faded away.
"This is for you... nakakaawa ka naman, mukhang hindi ka pa nakatanggap ng bulaklak," he said with his annoying smile.
Nais kong giitan ang leeg ko sa hiya dahil nagtatawanan ang lahat ng mga estudyante sa paligid namin. Pati rin siya ay nakikitawa na rin.
"Anak ng tuyo ito, oh!" Sigaw ko habang umarangkadang umupo sa kama.
Pawis na pawis ako kahit na aircon naman ang aking kwarto. Tiningnan ko ang aking sarili, sinusuri kung mayroon bang akong pasa o kahit ano sa marahas kong pag-upo sa kama. Laking pasasalamat ko na wala naman akong makita, pero hindi parin mawala sa aking utak ang aking napanaginipan. That was a really scary nightmare!
Kailanman hindi ako nanaginip ng ganoon. Kailanman hindi iniistorbo ng pangit na panaginip ang tulog ko, ngayon lamang! At dahil ito sa Moon Soo-Joon na iyon! Pero bakit kinikilig ako?
Bumaba ako sa kama, nagtungo sa studying table ko. Nasa harapang gilid ito nang kama naroroon. Umupo ako sa malambot na upuan saka binuksan ang loptop na nakapatong sa mesa. Nasa kalagitnaan ako ng pag-scroll-scroll sa facegram nang mayroong akong naisip.
Nagsearch ako. I typed the 'STII international school' then enter. Super daming lumabas na result pero isa lamang ang nakakuha ng aking pansin. Ang isang post na picture na may caption 'Say yes for the handsomeness of Moon Soo-Joon', and the STII facegram page was tagging. Wow, is this true?!
Namilog ang aking mga mata sa larawan ni Soo-joon na may hawak siyang bola habang ng three points. Feeling ko nakaw ang pag-capture ng picture na ito... Kasi paano niya magawang mag-selfie habang naglalaro?
Parang balik akong napangiti. Natigilan lamang ako nang may naisip akong plano. I have a plan and I'll make sure it would be the best plotted plan in 2021. To get Moon Soo-Joon's attention.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (14)

  • avatar
    Ghean De Jesus

    so great these bokk is good

    2d

      0
  • avatar
    Eiramesor Kom

    good 👍👍😊😊

    06/06

      0
  • avatar
    Rod Rod

    good writer and topic

    01/03

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด