logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 03

Shamara's POV:
NAGISING nalang ako sa ingay ng alarm ko.
Inis akong bumangon sa pagkakahiga ko.
"Shamara hija, gising kanaba?!", Sigaw ni manang sa labas ng kwarto ko habang kumakatok.
"Yes manang", Tipid kong saad.
"Sige, mag-ayos kana, dahil sasabay sayo ngayon yung kapatid mo", Saad ni manang dahilan para mainis ako.
Akmang magrereklamo ako ay narinig kona ang yapak ni manang pababa.
'bwisit'.
Nakabusangot ako ng bumaba ako ng matapos akong magbihis.
Naabutan ko si bella na nag aayos ng gamit nya.
Nang mapansin nya ako ay agad sya'ng lumingon sakin at ngumiti.
"Ate, sabi ni daddy sabay daw ako sayo sa pagpasok", Nakangiting saad ni bella.
Walang emosyon ko lang sya'ng tinignan.
"Bilisan mo", Malamig kong saad sabay alis.
Ibang sasakyan ang ginamit ko dahil kasama ko si bella ngayon sa pagpasok.
Ayokong may sumasakay sa kotse ni mommy.
Lalo na sila.
"Ate, bakit hindi yung kotse ng mommy mo yung sinakyan natin?", Tanong ni bella ng makasakay sa kotse.
"Ayoko may sumasakay sa kotse ng mommy ko, maliban lang sakin", Wika ko at pinaandar ng sasakyan.
Tahimik lang ako habang nag mamaneho habang si bella kuda ng kuda.
"Bumaba kana", Tanging saad ko ng ihinto ko ang sasakyan.
Naguguluhan naman sya'ng tumingin sakin.
"Pero ate, malayo layo pa yung school natin", Saad ni bella.
"Wala akong pake, Baba", Malamig kong turan.
"A-Ate", Mahinang sambit nya.
"Sabing bumaba kana!", Malakas kong saad
Mabilis naman sya'ng bumaba dahil sa sigaw ko.
Tumingin pa muna sya sakin bago umalis.
Hindi ko mapigilan na hindi maguilty sao ginawa ko.
Alam kong hindi sya sanay maglakad ng malayo layo pero hindi ko mapigilan ang emosyon ko sa tuwing sumasagi sakin ang pagkamatay ni mommy.
...
Bella' POV / Shamara's sistes
Agad kong pinunasan ang luha ko ng maramdaman kong tumulo ito.
'wala akong pake, baba'.
'Ayokong may sumasakay sa kotse ng mommy ko, maliban lang sakin'.
'pwede ba, h'wag mokong tawaging ate, hindi moko ate, lalong hindi kita kapatid'.
Inis kong pinunasan muli ang luha ko ng sunod sunod itong tumulo.
'h'wag mong sukuan ang ate shamara mo anak, matatanggap kadin nya'.
Gusto kong sumuko dahil sa pakikitungo sakin ni ate.
Ngunit sa tuwing sumasagi sakin ang sinasabi nila daddy, lumalakas ang loob ko na matatanggap din ako ni ate shamara.
Ni minsan hindi ako nakakaramdam ng galit sa tuwing sinisigawan ako ni ate.
Sa tuwing lagi sya'ng masungit sakin at malamig ang pakikitungo.
Matagal ko ng gustong magkapatid.
Yung may madadamayan ako.
At gusto ko kay ate shamara ko lang maramdaman yon.
...
Shamara's POV:
Mabilis lumipas ang oras at Last subject nalang ang papasukan ko.
Napahinto at napatingin ako sa Gym na may parang gulo.
Agad akong lumapit don para tignan kung anong meron.
"Alam mo ang landi mo talaga, akala mo kung sino ka!". Napataas ang kilay ko ng marinig ko ang sigaw ni Beatrice ng malapit ako sa loob ng gym.
Bumaba ang tingin ko sa babaeng nakasalampak sa sahig.
Kung titignan muka na sya'ng pulubi sa itsura nya.
Ang dumi dumi.
"Akala mo talaga magugustuhan ka ni jeyrick? Isang lapit mopa sa kanya, kakalbuhin kita". Galit na saad ni Beatrice.
Akmang sasampalin ni Beatrice si daisy ay mabilis akong lumapit sa kanila at malakas na sinangga ang kamay nya.
"A-Ah ouch, let me go". Inis na saad ni Beatrice.
Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya dahilan para mapa daing nya.
"Sa susunod na manakit kapa na kapwa mo studyante, makaktikim kana sakin". Pananakot ko sa kanya.
Pwersa naman nya'ng inalis ang braso nya sakin at mabilis umalis kasama ang alipores nya.
Napatingin naman ako kay daisy na nagsisimula namang umiyak.
"Tumahan kana, ayusin mo yung sarili mo". Saad ko sabay abot ng panyo.
Agad kong ilahad ang kamay ko para tulungan sya'ng tumayo.
Bahagya sya'ng ngumiti bago tanggapin ang kamay ko.
...
"Tapos kanaba?", Malakas kong saad kay daisy.
Andito ako ngayon sa labas ng cr habang si daisy ay nasa loob nag bibihis.
"Ang tagal naman ng babaeng 'to ", Inis kong reklamo.
Umayos ako ng tayo ng bumukas ang pinto ng cr.
"Ang tagal mo", Inis kong bungad sa dalaga.
Napatingin ako sa soot nitong damit.
Eto ang bili sakin noon ni mommy ng nag birthday ako.
Ayoko sanang ibigay at ipasoot sa kanya kaso wala akong choice.
"Ah shamara thankyou pala dito ah, hayaan mo bibilan kita ng bago". Saad ni daisy.
"H'wag na, hindi na kailangan, sayo nalang yan".sambit ko kahit labag sa kalooban ko.
"Talaga? Salamat ha". Masayang turan ng dalaga.
"Tara, libre kita bilang pasasalamat".Aya nya at hinawakan ang kamay ko.
"Hindi na kailangan", Tanggi ko.
"Hayst tara na, bawal tumanggi sa grasya. Alam kong gusto mo ding kumain", Wika nya.
"Tsk", Asik ko
Kahit ayoko ay wala akong magawa dahil mahigpit nya akong hinawakan sa kamay at hinila kung saan.
Napailing nalang ako dahil inasta nya.
Halata naman sya'ng mayaman pero yung kilos nya hayst nevermind.
...
"Ano ba tama na, tignan mo yung tyan ko ang laki na, tama na busog nako", Inis kong awat sa babaeng kanina pa naglalagay ng pagkain sa plato ko.
Kanina pako naiinis dahil hindi nya ako tinitigilan sa pagbibigay ng pagkain sa plato ko.
Andito kami ngayon sa isang sikat na restaurant.
Akala ko sa cafeteria nya lang ako dadalin pero nagulat ako ng lumabas kami sa gate at dito ako dinala.
"Ano ba! Isa pa kita mo, masasapak kita". Inis kong banta.
"Hehe kaya mo?".biro nya sabay lagay muli ng pagkain sa plato ko.
"Ano ba hindi nako nakikipag biruan". Inis kong turan.
Ngunit hindi sya natinig bagkus ay muli pa sya'ng naglagay ng pagkain sa plato ko.
"Ano ba, Hindi nako natutuwa sayo". Galit kong wika sabay alis.
"Uy wait lang, saan ka pupunta?". rinig kong sigaw ni daisy.
Ngunit patuloy lang ako sa paglalakad hanggang makalabas ako sa restaurant.
"Shamara sandali lang!", Habol sabi ng dalaga.
Ngunit patuloy lang ako sa paglalakad.
"Ano ba!". Inis kong sigaw ng hawakan nya ako sa braso para makaharap ako sa kanya.
"Bakit agad kang umalis, hindi pa nga tayo tapos kumain". Saad nya.
"Anong hindi?halos mabunsol nako sa busog". Inis kong saad.
"Gusto lang naman kitang mabusog, saka pambawi ko na din yun sa pagligtas mo sakin". Paliwanag nya.
"Hindi ko sinabing bumawi ka". Walang emosyon kong saad.
"Shamara gusto lang naman kitang maging kaibigan". Kagat labing turan nya.
"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko kailangan ng kaibigan,at saka pwede ba hindi ulit niligtas kita pwede ka nang umasta na parang kaibigan moko,na parang kilala mo nako, hindi ko kailangan ng kaibigan, hindi kita kailangan". Deretso kong saad sabay talikod at umalis sa lugar na yon.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (48)

  • avatar
    Camilia Damian

    hhhb

    30/06

      0
  • avatar
    Khate Ann Madlangbayan

    jjjj

    24/06

      0
  • avatar
    Mohammad Baquir M Ali

    good

    18/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด