logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Hacienda Del Puedo #1 Hara

Hacienda Del Puedo #1 Hara

Magic Heart


PROLOGUE

"I'm back!"
Masayang bungad ni Hara sa mga kamag-anak na kumakain sa kubong katabi ng kanilang mansiyon. 
"Ikaw na bata ka, ginulat mo kami," masayang wika ng kaniyang lolo sabay yakap sa kaniya. 
Matagal na hindi umuwi si Hara sa Hacienda Del Puedo kaya sabik na sabik siyang makita ang mga taong nandito. 
"Oh, sino siya?" pagkuway baling ni Hara sa lalaking paparating na may dalang mga buko. 
Napakakisig ng binata sa suot nitong short at manipis na sandong puti. Lalong pina-angat ang kagwapohan nito ng kaniyang buhok na basa ng pawis. 
"Pinsan, si Xandro yan," wika ng kaniyang Kuya Ryan.
"Nadampot ni lolo sa tabing kalsada. May amnesia kaya kinupkop na muna ng pamilya." 
Napatango-tango si Hara. Masaya siyang nakabalik na siya sa paraisong kaniyang kinalakihan. 
Nagagalak rin ang mga tauhan nila na makitang  muli ang kanilang Senyorita Hara. Ang babaeng ito lang naman ang pinakamabait sa mga apo ni Don  Ernesto. 
"Are you staying for good?" tanong ni Mia. Ang pinsan niyang napakaganda pero madalas na hindi napapansin sa pamilya dahil sa mahina raw ang ulo nito sabi ng kaniyang mga tito at tita. 
"Well... I'm not sure yet. I really wanted to become a nun but before I do that I want to stay here for a while. Gusto kong ihanda ang sarili ko sa vocation na pipiliin ko." 
"Hindi ka bagay magmadre. Kahit ipakasal kita kay Xandro bukas na bukas ay gagawin ko para lang matigil ka diyan sa kahibangan mo," tutol ng ama. 
"Hay, pwede ba pakainin nyo muna ako bago ninyo ako ipakasal sa may amnesia."
Nagkatawanan ang buong mag-anak sa tinuran ng dalaga. 
Siya si Hara Del Puedo, ang babaeng iniingatan ng lahat dahil sa madilim na trahedyang kanyang pinagdaanan. Mahal siya ng marami kahit noong kan'yang kabataan kaya naman may mga taong lihim na may galit sa kan'ya.
"Matagal ko nang gustong bumalik ka rito. Mabuti at naisipan mo nang harapin ang kahapon," naluluhang pahayag ni Don Ernesto.
Ngumiti si Hara sa kan'yang lolo. Ngiting may halong pait. Maraming tumatakbo sa isip n'ya ngunit wala siyang balak na buksan ang kaniyang sarili sa lahat. Hindi madali ang pagtagpuin muli ang kahapon at ngayon subalit handa siyang sumugal para sa kapanatagan ng isip at puso n'ya.
"Don't worry, lolo. I'm gonna stay here ng matagal. Or baka hindi na talaga ako tuluyang umalis pa," wika ng dalaga.
Ang mga mata niya ay napako sa lalaking naghubad ng damit sa harapan nila at kinuha ang isa pang damit na nakasampay lang sa kubo. Isinuot iyon ng lalaki na para bang walang ibang tao kun'di siya lang.
Napaangat ang kilay ni Hara habang pinanood ang lalaki sa ginawa nito. Sa tagal n'ya sa kumbento ay hindi siya sanay makakita ng lalaking basta na lang naghuhubad ng pang-itaas.
"Be sensitive naman. Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo," puna ni Hara kay Xandro.
"Bakit? Ano ba ang ginawa ko, miss?"
"Pwede ka namang magbihis sa silid mo mo, bakit dito pa sa harapan namin?" naniningkit na tanong ni Hara.
"Iha, masanay ka na kay Xandro. Gan'yan talaga ang batang iyan. Halika ka na Xandro, kakain na tayo," wika ni Don Ernesto.
Magsasalita pa sana si Hara dahil inaalibadbaran talaga siya pero minabuti niyang manahimik. Sumenyas kasi si Klein na itikom n'ya na ang kan'yang bibig.
"'Yaan mo na, yummy naman. Masarap na pang-ulam," bulong ni Mia.
Muntik nang maibuga ni Hara ang tubig na nasa bibig niya. Hindi siya makapaniwala na magsasalita ng ganoon si Mia lalo at kilala ito sa pagiging manang. Natatawa na napabaling siya rito.
"Kailangan ka pa naging liberated?" bulong n'ya rito. Hindi kasi pwedeng marinig ng mga kahampang nila sa mesa ang pinag-uusapan nila.
"Liberated agad? Narinig ko lang iyon sa mga malalanding anak ng mga magsasaka," sagot ni Mia.
"Kayong dalawa, anong pinagbubulungan n'yo riyan?" sita ni Don Ernesto. "Kumain na tayo para makapagpahinga ka na, Hara."
Mula sa gilid ng mga mata ni Hara ay nakita n'ya ang pasimple na pagtingin ni Xandro sa gawi n'ya. Hindi n'ya gusto ang klase ng tingin nito. May kung ano roon na hindi n'ya masabi. Pananabik? Gulat? Takot? Hindi matiyak niya kung ano iyon.
Habang kumakain ay panay ang kwentuhan ng bawat isa. Si Hara ang sentro ng usapan pero walang gustong magbukas ng isang paksa na pilit iniiwasan ng lahat.
"May mga gagawin ako sa muli kong pagbabalik dito sa Hacienda Del Puedo," sabi ni Hara. "Nais kong suportahan n'yo ako."
"Kung makabubuti para sa lahat, laging nasa likod mo lang ako, apo," wika ni Don Ernesto.
Ngunit hindi lahat ng nasa harapan ni Hara ng mga oras na iyon ay sumasang-ayon sa muling pagbabalik ng isang Hara Del Puedo sa hacienda. Bawat isa sa kanila ay may iba't-ibang plano at intensyon. Kung saan dadalhin si Hara ng kan'yang kapalaran ay walang nakakaalam. Ang sigurado lang ay may isang pusong matagal ng nanghihintay.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (353)

  • avatar
    MendozaAlexis

    The story was great. I keep on reading and didn't notice that I finished it already. Keep up the good word. Thanks for sharing your idea. Highly recommend!

    5d

      0
  • avatar
    TullasMadelyn

    hello napasayang basahin ang story na to

    8d

      0
  • avatar
    Ana Lirio

    good story

    19d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด