logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 5 Limang yugto

Hindi ko na gawang sumagot sakanyang tanong. Tila tulala lang ako habang pinagmamasdan ang mga kabahayan na nadaraanan namin.
Hindi ko rin batid na kung bakit niya pa kami hinatid, kahit pa dadaanan nila ang aming bahay. Isa siyang heneral at parang hindi magandang tingnan na nag-alok siya ng ganitong bagay.
"Maraming salamat po Heneral." saad ni Mamita habang nakayuko. Pinagmasdan ko rin ang kanyang pagyuko sa harap ni Mamita at mabilis na nag-angat ng tingin para salubungin ang aking titig.
Doon ko lamang napagtanto na hindi manlang ako nagbigay ng galang at pasasalamat. Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Mamita. Kunot noo naman na nakatitig sa akin si Heneral Lopez.
Mabilis akong nag iwas ng tingin at nagbigay galang sakanya. "Maraming salamat po sa magandang kalooban ninyo Heneral Lopez." nahihiya kong saad.
"Señorita mali an--" hindi na natapos ang sasabihin ni Mamita.
"Walang anuman iyon. Kami ay tutulak na." aniya sabay talikod sa amin. Pinagmasdan ko ang kanyang likuran. Ang kanyang balikat na kita mo ang maayos nitong pagtindig.
Bago sumunod sakanya ang kanyang kutsero ay binaba niya ang kanyang sombrelo at itinapat iyon sakanyang dibdib bilang pag bigay galang.
"Paalam po."
Dumaan sa amin ang kalesang sinasakyan ni Heneral Lopez nang ito ay nakalagpas na sa amin ay tsaka palang kami pumasok sa bahay.
Dumeretso agad si Mamita sa kusina para mag ayos ng mga kasangkapan. Ako naman ay dumeretso na sa aking silid upang muling magsulat sa aking talaarawan.
Setyembre 25, 1901
Ang aking ikaapat na paglabas. Nais ko lamang ibahagi ang aking pagkamangha sa Heneral Lopez. Hindi lang dahil sakanyang kakisigan at kagwapuhan. Nais ko rin hangaan ang kanyang kabutihan. Hindi ko mawari ang aking nararamdaman kapag aking nasisilayan ang kanyang mukha. Para bang gustong lumabas na aking puso sa aking dibdib. Oo, yata. Tila ako ay nahuhulog na sa Heneral na iyon.
Nagdaan ang isang araw at ngayon ay nandito ako sa aking silid. Bumaba lang ako sandali at bumalik na agad dito.
Nakasilip ako ngayon sa aking bintana at tanaw na tanaw ko ang mga kababayan namin. Ang iba ay napapasulyap sa akin at ngumingiti. Akin naman iyon sinusuklian.
Tanaw na tanaw ko si Ina mula rito na kausap ang kutsero ni Heneral Lopez.
Laking pagtataka ko ng lumabas si Heneral Lopez at agad siyang sinabayan ni Ina na pumasok sa aming bahay. Mabilis akong nagsara ng bintana at akmang lalabas na nang may kumatok sa aking silid.
"Señorita, huwag muna daw po kayong lalabas at nandyan po sa baba ang Heneral Agustino. Pinapasabi ni Donya Mariela." si ina.
"Sige po Mamita." sagot ko at naglakad sa aking higaan. Bagsak ang aking balikat na naupo doon.
Kung ganon ay nandon din pala ang Heneral Agustino na iniibig na aking Ate. Akala ko ay si Heneral Lopez lang. Sila ay magkaibigan kung ganon?
Nais ko sanang lumabas para aking masilayan si Heneral Lopez. Ngunit malaking imposible iyon dahil nga hindi ako pinahihintulutan na lumabas manlang ng silid kapag sila ang aming panauhin.
"Mukhang ipagkakasundo na kami ni Ama." galak na galak na saad ni Ate Franches habang siya ay nagsusuklay sa harap nang aking tukador.
"Kanino ka ipagkakasundo?" kunot noo kong tanong.
Humarap ito sa akin. "Heneral Agustino. Sino paba?" tumaas ang kanyang isang kilay at sinimulan ulit ang pagsusuklay sakanyang buhok.
"Paano mo nalaman, wala naman si Ama kanina.." sagot ko.
"Kahit wala si Ama ay alam kong doon din ang punta non." irap niya.
Dahan dahan akong tumango at parang kumirot ang aking puso. Ipagkakasundo siya kay Heneral Agustino? sa ganoong kabilis? bakit tila parang ayaw kong pumayag na ipagkasundo siya. Ako'y may Lopez, siya naman si Agustino. Anong mali doon.
"Masaya ako para sa'yo Ate Franches." sabi ko. Hindi nga lang niya ako pinansin pa at lumabas na siya na aking silid na wala manlang paalam.
Bumagsak muli ang aking balikat sa hindi maintindihang nararamdaman. Bakit ayaw kong maikasal siya sa isang Heneral na iyon? Anong klaseng kutob ba ito. Mabuti ba o masama?
Kinaumagahan ay sumama muli ako kay Mamita. Nagtataka na rin ako dahil nadadalas na ang pagpayag ni Ama na ako'y lumabas ng bahay at sumama kay mamita sa pamimili.
"Señorita, maari mo ba akong ihanap ng kamatis?" aniya habang nahihiya pa sa akin. Ngumiti ako dito at tumango bilang sagot.
Nakita ko rin kasi siya na kanina pa naghahanap ng kamatis ngunit mukha atang kaunti lang ang nagtitinda non ngayon. Iaabot na sana niya akin ang pambili ng tinanggihan ko 'yon.
"Ako na ang bibili, may dala akong pera dito." sabi ko.
"Salamat Señorita, napaka bait mo talaga." mas lalo akong ngumiti bago siya tinalikuran at nagsimula nang maghagilap ng nagtitinda ng kamatis.
Ilang tindahan na ang aking dinaanan at wala pa rin. Halos nakapunta na ako sa dulo ng pamilihan at doon lamang ako nakakita ng kamatis at halos paubos na rin.
"Isang mangkok pong kamatis." agad kong sabi.
"Ano pa Binibini?" tanong nang nagtitinda.
"Wala na po." sagot ko. Iniabot na niya sa akin ang kamatis at inilagay ko na sa aking dalang bayong.
"Magandang Umaga Heneral." napatingin ako sa pinagbilhan ko ng kamatis at nakita kong nakayuko ito.
Hindi ko alam pero mabilis na gumalaw ang aking katawan at laking gulat ko nang si Heneral Lopez ang nasa aking likuran.
"Magandang Umaga." bati nito. Halos manghina ang aking tuhod sakanyang pagbati.
Hindi agad ako nakabawi kaya muntikan pa akong mawalan ng balanse.
"Paumanhin, magandang u-umaga rin po Heneral Lopez." nahihiya kong saad bago tumingin sa tindera na gulat ang mukha.
Muli kong hinarap si Heneral Lopez at akmang magpapaalam na.
"Sino ang iyong kasama?" tanong nito.
"Si Mamita po." sagot ko. Nakayuko lamang ako kapag tapos kong sumagot sakanyang tanong.
"Bakit ka niya hinayaan na mag-isang bumili rito?" nagtakaka nitong tanong.
"Ako po mismo ang nagprisinta." sagot kong muli.
Nakita kong pinagtitinginan kami ng mga tao napansin din iyon ni Heneral Lopez kaya umayos siya ng tindig bago bumaling sa akin.
"Sumunod ka sa akin Binibining Marife." aniya bago tumalikod sa akin at sumakay sa kalesa.
Ngayon ko lang napansin na nasa gilid lang pala namin ang kalesa. Hindi ko agad nagawang kumilos nang marinig ko ang pag banggit niya sa pangalan ko. Tila bagay sakanyang boses ang pangalan ko. Kung paano niya ito sinalita ay mas lalong nagbibigay ng saya sa aking puso.
Pero ako'y nagulat din dahil paano niya nalaman ang aking pangalan? Nabanggit ba ako ni Ama o kaya ni Ina?
"Binibini, kayo po ata ang hinihintay nang Heneral." nagulat ako ng kausapin ako ng pinagbilhan ko ng kamatis.
Mabilis akong naglakad papunta sa kalesa. Sinilip ko lamang siya dahil baka may sasabihin pa siya sa akin.
"Sumakay ka." iyon lamang ang kanyang sinabi pero nagbigay agad ito ng kakaibang pakiramdam sa akin.
Hindi ko manlang nagawang umangal dahil kusang gumalaw ang aking paa at sumakay sa kalesang sinasakyan niya.
"Ihahatid kita sa iyong Mamita." aniya habang nakatingin sa daan.
"Malapit lamang po iyon Heneral." sagot kong mahina.
"Alam ko." matigas niyang sagot.
Kinabahan naman agad ako sa paraan ng kanyang pagsagot. Tumahimik nalamang ako dahil ayaw ko nang kontrahin ang kanyang sinasabi.
Wala pang isang minuto nang huminto ang kalesa kung saan dinig ko ang mga nagsasalita at bumibili.
"Nandito na tayo, naghihintay saiyo sa labas ng kalesang ito si Mamita mo." seryoso niyang sabi. Humarap ako sakanya at yumuko.
"Maraming salamat po ulit Heneral." saad ko.
Nakita ko ang kanyang paninitig ng nag-angat ako na nang tingin. Mabilis siyang nag-iwas at huminga ng malalim.
"Mauna na po ako, salamat po ulit." tumayo na ako at bababa na sa kalesa.
Muli akong humarap sakanya ng makababa na ako, nakita ko na rin si Mamita na nakatanaw sa akin. Ibinalik ko ang tingin kay Heneral Lopez na nakadungaw sakanyang kalesa.
"Mag-iingat kayo binibini." malamig at seryoso niyang pagkakasabi bago mabilis na lumakad ang kalesa.
Hindi ko namalayan na hawak ko na ang aking dibdib sa lakas ng kabog nito. Sinabi niya ba ang katagang iyon o ako ay namali lang ng dinig?
"Señorita, jusme. Akala ko ay naligaw kana. Mabuti at dumating ang Heneral at tinanong niya kung may kasama ako. Sinabi kong ikaw muli ang aking kasama, tila alam niya agad na ikaw ang baguhan sa lugar at agad ka niyang hinanap." mahabang sabi nito. Hinawakan niya pa ang aking mga kamay at kita ko sakanyang mata ang pag-alala.
"Napaka buti talaga ng Heneral na iyon. Labis ang aking pagkabalisa na baka ay naligaw kana o nawala kana sa lugar ng pamilihan na ito." aniya.
Ngumiti ako sakanya bago siyang niyakap. "Makakabisado ko din ang lugar natin." sabi ko bago ko ibinigay sakanya ang kamatis na pinapahanap niya.
"Dapat ay hindi na kita pinabili at ako nalang ang naghanap." aniya nang nada kalesa na kami. Sumakay kami dahil masyadong marami ang pinamili namin ngayon.
"Ano kaba Mamita. Ayos lamang iyon dapat na masanay na ako sa ating lugar. Huwag mo na pong isipin ang bagay na iyon." malambing kong tugon sakanya. Mas lalo niyang hinaplos ang aking buhok.
"Napaka swerte ng ginoo na iyong iibigin." bigla niyang sabi. Tumingin ako sakanya ng seryoso.
"Talaga po, Mamita?"
"Oo, Señorita, napaka buti ng iyong kalooban at napaka masunurin ninyong anak. Alam kong walang magiging problema ang makakatuluyan mo saiyo." Hindi ko naman napigilan na hindi mangiti sa kanyang tinuran.
"Talagang iyon ang nasa inyong isipan." sagot ko.
"Oo naman, kaysa sa iyong Ate Franches na walang ginawa kundi ang masunod ang lahat ng gusto niya." nahimigan ko ang kanyang poot doon.
"Huwag niyo pong hayaan na magkaroon kayo ng inis sa aking kapatid. Ganon lamang iyon at alam kong mabuti rin siya." Hindi ko na narinig pa na sumagot ito dahil sakto na nandito na kami sa tapat ng bahay. Tinulungan pa kami ng kutsero na sinasakyan namin na magbuhat ng pinamili namin.
"Maraming salamat." dinig kong sabi ni Mamita. Pumasok na ako sa kusina para ibaba doon ang mga bitbit Kong pinamili.
"Maaari ka nang mamahinga Señorita. Salamat sa iyong pagsama sa akin." aniya.
"Gusto kong gawin ang mga ito." saad ko.
"Babalik na muna ako sa aking silid Mamita. Tawagin mo lamang ako kung may nais ka ipagawa sa akin." sabi ko bago ako tumalikod.
Nagpasya akong magpalit ng suot at pinili ko ang dilaw kong bistida at isang puting abaniko. Binuksan ko ang aking bintana at hinayaan na pumasok ang sariwang hangin.
Kaunti lamang ang tao na naglalakad ngayon kaysa sa mga nakaraang araw. Ganito ang aking tagpo sa tuwing wala na akong gagawin.
Malayo palang ay tanaw ko na ang dalawang kalesa. Pinagmasdan ko iyon hanggang sa huminto mismo sa aming bahay.
Hinintay ko kung sino ang lalabas doon at nakita ko si Ama at Ina na lumabas doon. Sunod ay si Ate Franches. Nakita ko kung paano tumawa si Ate Franches at Ina habang hinihintay na bumaba ang sakay sa isang pang kalesa.
Nakita ko na ang sapatos nitong kulay kayumanggi na mukhang panauhin namin nang may kumatok sa aking silid.
"Señorita, nandyan na iyong Ama at Ina. Sumabay kanang kumain sakanila." dinig kong sabi ni Mamita. Mabilis ko iyon binuksan at nakita ko si Mamita na nakangiti na sa akin ngayon.
"Tapos na po kayo?" tanong ko.
"Opo Señorita." aniya.
"Napaka galing niyo talaga Mamita, mabilis ninyong natapos ang lutuin." galak kong saad bago isinara ang pintuan ng aking silid bago sumabay sakanya sa pagbaba.
Pero wala pa man ako sa kalahati at napahinto ako. Nagtaka naman si Mamita kaya agad niya akong nilingon.
"Bakit Señorita?" nagtataka niyang tanong.
"Batid kong may panauhin sila, hindi dapat ako lumabas."
"Wala silang panauhin Señorita, umalis din agad si Heneral Agustino." aniya. Mabilis akong nakabawi at nagsimula na muli maglakad.
Sa gitna ng hapag kainan ay puro tungkol sa negosyo at politaka ang kanilang pinag-uusapan.
"Alam naman natin na walang makakatalo kay Gobernador Luis sakanyang galing sa pamamahala." si Ina.
Isinubo ko ang ginisang kamatis ni Mamita at muling pinakinggan ang kanilang usapan.
"Sa ngayon siguro, pero lahat ay may hangganan Mariela." makahulugang sagot ni Ama.
"Huwag muna politaka ang inyong pag-usapan dapat ay tungkol naman sa amin ni Heneral Agustino." kinikilig na singit ni Ate Franches.
Natawa agad si Ina at napakunot naman ng noo si Ama.
"Ikaw talaga anak, hindi ka talaga titigil hangga't hindi mo nakukuha ang Heneral na iyon." halata din kay Ina ang galak at tuwa.
"Kung nais niyang maipagkasundo kay Franches ay siya mismo ang lalapit sa akin." si Ama na nagsimula na ulit kumain.
"Oo nga Ama, pero kailangan din nating kumilos." nanliit ang aking mata sa tinig na aking Ate.
"Tama ka dyan anak." si Ina na talagang suportado kay Ate Franches.
"Mariela, maari bang kumain na muna tayo bago pag-usapan ang bagay na iyan." si Ama na ngayon ay seryosong seryoso na.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (88)

  • avatar
    HernandezWheng

    ganda ng kwento

    17/05

      0
  • avatar
    Quillosa Shane

    Good quality at maganda pa ang pagkasunod²

    16/05

      0
  • avatar
    Junrey Decatoria Salsona

    ggyg

    16/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด