logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 3 Tatlong yugto

Alas kwarto palang ng madaling araw ay dilat na ako. Hindi ako mapakali sa harapan ng aking tukador. Kanina pa ako naghahanap ng magandang susuotin para mamaya sa kasal ng Gobernador Luis. Gusto ko na isa ako sa magandang dilag na dadalo roon.
Sumapit na ang liwanag at rinig ko na ang ingay sa baba nila Ina at ate Franches. Sinuot ko ngayon ay ang pinaka magandang saya na binili pa ni Ama sa Europa nang minsan na dumayo sila roon para sa pagbili ng isang kagamitan na kailangan namin dito sa bahay.
"Señorita, Ikaw ba ay naka gayak na?" tanong ni Manang Mamita sa labas ng pinto.
"Opo, lalabas na rin po ako." sigaw ko mula rito.
"Ikaw nalamang ang hinihintay Señorita." Kinuha ko ang abaniko na binili ko sa palengke. Sinuklay ko pa ng ilang beses ang aking mahabang buhok bago tumulak palabas ng aking silid.
"Pasensya na po Manang." Ani ko at humarap na sakanya.
"Napaka gandang dilag mo naman talaga Señorita." ngumiti ako ng matamis at bahagyang nahiya sa kanyang papuri sa akin.
"Halika na at paniguradong hindi na makapag hintay ang iyong Ama." nagmadali kaming bumaba at nakita ko na panay ang pag-ikot at lakad ni Ate Franches suot ang kanyang makulay na baro't saya. Huminto lang ito ng makita niya akong lumapit kay Ama para yumakap.
"Maraming salamat ama sa pagsama sa akin sa kasal ng Gobernador." masaya kong saad bago binalingan ang Ina ko at ate.
"Dapat dito kana lang sa bahay." Ani ni Ate Franches bago ako inirapan.
"Baka magbago pa isip mo Florentino, maaaring dumito nalang si Marife." Ani naman ni Ina na ngayon ay inaayos ang damit ni Ate.
"Hindi na, tingnan mo naman si Marife, siya ang pinaka magandang dilag na dadalo doon, panigurado ako." Ani ni Ama sabay halakhak. Binalingan ko ng tanaw ang aking Ina na masama ang tingin sa akin.
Hindi ko batid ang kanilang tinuturuan. Nais kong ayusan din ako ni Ina gaya ng pagkalinga niya kay Ate Franches pero bakit parang ang aking kapatid nalang ang nasa isip niya pati pagtingin ay naka Ate Franches ang tanaw. Kailan ba ito babaling sa akin at ako naman ang makaramdam ng pagmamahal ng isang Ina.
Lumapit ako kay Ina habang sinusuklay ang buhok ni Ate.
"Maari niyo rin po ba ako suklayan Ina?" malambing kong sabi.
"Kay Manang Mamita ka magpasuklay, nakita mo namang sinusuklayan ko ang aking anak." sagot nito sa akin at nagpatuloy muli sa pag ayos ng buhok ni Ate. Tinitigan ko ang aking kapatid na palihim na nagagalak.
Tagos sa aking puso ang kanyang sinabi na ang tanging anak lang niya ay si Ate Franches, anak niya rin ako baka nakakalimutan niya. Imbis na isatinig ay tumalikod ako at tinawag si Mamita. Kagaya nga ng sabi ni Ina kay Mamita nalang ko nalang pinaayos ang buhok.
"Paniguradong magugustuhan mo ang okasyon na iyon." masayang saad ni Ama sa akin. Nasa loob kami ngayon ng aming kasela. Katabi ko si Manang Mamita habang katapat namin si Ate at Ina. Nasa bungad naman si Ama.
"Panigurado po iyon Ama." sagot ko at sinulyapan ang aking Ate na panay ang ayos sakanyang postura.
"Maganda kana ate." matamis ang ngiti kong saad.
"Mas maganda sa'yo." aniya, bago ako tumango sakanya.
Halos wala pang kalahating oras ng makarating kami sa simbahan ng St. James church. Isang puno ng mga kalesang magaganda at mga taong naka suot ng makukulay na ayon sa mga nakasabit na palamuti sa paligid ng simabahan. Ibang iba ito sa nakaraang araw na puro mga tindahan ang nandito. Ngayon ay kalesa lamang ang makikita mo at mga taong naglalakad at ang iba naman ay kausap ang kani-kanilang pamilya.
Katabi ko ngayon si Manang Mamita samantalang si Ama at Ina ay nasa tabi ni Ate Franches. Kagabi palang ay napag usapan na namin na hindi kami sasabay sakanila sa pagpasok ng simbahan. Sa iba rin kami uupo at hindi sakanila, agad ko naman iyon tinanggap dahil ang mahalaga sakin ay makasama ako sa lakad na ito.
"Marife, huwag kang lalayo kay Mamita. Dito din tayo magkikita-kita kapag tapos ng seremonya at patulak sa kanilang bahay para sa isang salo-salo." bilin ni Ama bago ako niyakap. Hinintay ko pa ang sasabihin ni ina ngunit si Ate Franches pa din ang kanyang inatupag.
"Paniguradong mapapaibig na saiyo si Heneral Agustino sa kagandahan mo anak." maligayang anunsyo ni Ina na agad na kinagalak ng aking kapatid.
Hindi ko talaga maiiwasang makaramdam ng paninibugho sa pagbigay ng atensyon ni Ina sa aking Ate. Gusto ko rin na gawin niya ang bagay na iyon sa akin. Pero alam ko naman na magagalit lang ito sa akin kapag inamin kong ako'y nakakaramdam ng inggit sa aking kapatid.
Umalis na sila at dumiretso na sa loob. May mga guardia civil na nakapalibot sa buong simbahan. Maayos at seguridad ang kasalan ni Gobernador Luis.
Nakapila na kami ngayon ni Mamita papasok ng simbahan. Habang isa-isang sinisigurado ng mga guardia na ligtas at walang mangangahas na sumira ng kasal.
Tinanaw ko ang bawat guardia na nakaharang sa pagpasok ng simbahan. Pilit kong hinahanap na baka makita ko si Lopez.
"Señorita, umayos na po kayo dahil tayo na ang susunod." bulong ni Mamita sa akin bago ako bumalik sa tabi niya.
Nakayuko akong lumakad ng kami na ang sisiyatin bago makapasok.
"Bakit siya nakayuko?" dinig kong tanong ng isang malalim at seryosong boses.
Mabilis ko iniangat ang ulo para makita ang nagtatanong.
"Paumanhin po, Heneral." sagot ni Mamita at agad akong nakadama ng kaba.
Tumingin ako sa Heneral na nasa aking harapan. Kanina ay wala siya dito ngayon ay siya pa mismo ang humaharang sa mga pumapasok.
Isang malamig na titig ang kanyang ibinigay sa akin, bago niya sinenyasan ang ibang guardia civil.
"Salamat po, Heneral Lopez." sabi ko bago yumuko at nagpatuloy sa pagpasok ng simbahan. Hindi ko alam kung narinig ba niya ako dahil naging abala agad siya sa sumunod sa amin.
"Mag-iingat ka Señorita Marife, masyadong mahigpit ang mga bantay. Lalo sa mga pumupuslit na makapasok at makadalo sa kasal ng Gobernador. Maraming tulisan ang nagkalat dahil sa okasyon na ito." mahabang paliwanag ni Mamita. Puwesto kami sa bandang dulo na hindi nakikita kung saan nakaupo sila Ama.
Marami ang dumalo at halos mapuno ang loob ng simbahan. Marami pa rin ang tao sa labas na hindi nakapasok dahil walang imbitasyon na dala.
Nandon pa rin ang halos guardia, pinagmasdan ko ang bawat kilos nila. Kung paano makisalamuha sa mga tao. Hindi kagaya ko na madalang ang paglabas kaya hindi alam kung paano makitungo ng maayos sa bawat nakakaharap.
"Magsisimula na Señorita." bulong sa akin ni Mamita. Ngumiti lang ako at diretso na ang tingin sa harap.
Nagsimula na ang kalembang at nagsimula na din ang paglakad ng mga abay, natapos ang abay at mga tanyag na Heneral ang lumakad. Mukhang sinama talaga sila ng Gobernador sa paglakad sa pulang karpet.
Nakita ko agad si Heneral Lopez na nasa likod at seryosong nakatingin sa harap. Diretso ang tayo at lakad na walang nililingon.
Hindi ko talaga maitatanggi ang lakas ng kanyang dating, gwapong heneral at may matangos na ilong, makipot na labing namumula, may kutis kastila at hindi mo masasabing purong tagalog siya. Bawat pagpikit at dilat ng kanyang mata ay kitang kita mo ang mahahaba niyang pilik mata.
Habang pinagmamasdan siya mula rito ay isang sulyap ang ibinigay niya sa aming puwesto. Mas lalo akong napatitig sakanya ng tumama ang mata niya sa akin. Isang matamis na ngiti ang aking ibinigay sakanya bago siya muling humarap sa nilalakaran niya. Naghintay akong muli sa pagsulyap niya pero nakalagpas na siya ng hindi bumabaling dito.
Tinanaw ko nalang ang kanyang likod mula rito bago siya tuluyang umupo sa harap. Napabuntong hininga nalamang ako at nanuod ng seremonya hanggang sa matapos.
Hinanap ng mata ko sila Ama pero hindi ako nagtaggumpay. "Hindi mo sila makikita sa dami ng tao Señorita." Ani ni Mamita sa akin. Hindi pa rin kami nakakalabas sa sobrang daming nakatayo at sumisiksik sa paglabas.
"Dito na muna tayo, hintayin nalang natin na humupa ang tao." dugtong pa nito.
"Opo Mamita." sagot ko. Pinanuod ko ang bawat tao, may mga ngiti sa labi at rinig ang kanilang halakhak. Masaya ang bawat isa sa paglabas ng simbahang ito.
Ibinaling ko ang aking mata sa harap ng altar at nakita ko na nandon pa ang limang heneral kabilang doon si Lopez. Hindi ko na nga napigilan na mapatitig sakanila lalo na kay Heneral Lopez.
Kumunot ang noo ko ng matanaw na dito nakatingin si Heneral Lopez nakita ko pa ang pagbuka ng kanyang labi bago siya naglakad papunta sa amin.
Hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam ba ito, halos wala akong marinig na ingay ngayong marami pa rin ang lumalabas. Tila pagtibok ng aking puso lamang ang aking naririnig habang nakatitig sa ginoo na papalapit sa aming pwesto.
"Bakit nakaupo pa rin kayo dyan?" mariin niyang tanong sa amin.
"Paumanhin Heneral, hinihintay lang po namin humupa ang tao bago lumabas." sagot ni Mamita.
"Hindi niyo ba kayang makipagsiksikan sa mga tao?" tanong ni Lopez bago bumaling ng tingin sa akin. Isang titig at isang sulyap galing sakanya ay nagbibigay ng samu't saring pakiramdam.
Akala ko ay iiwas siya ng tingin sa akin ng makita niya ang pagtitig ko sakanya ngunit tila nilalabanan niya ang aking mata.
"Kaya po Heneral, pero ang aking alaga ay hindi." nahimigan ko ang kanyang pangamba dahil sa hindi pa rin tumitigil ang Heneral sa pagtanong.
Kahit man ako ay nakaramdam ng hiya at pag-aalinlangan. Dapat nga ay si Mamita ang nahihirapan dahil siya ay matanda na pero ako itong malakas ang katawan ang hindi kayang makipagsiksikan.
Tumaas ang isang kilay niya at muli akong pinagmasdan ng mabuti. "Maaari ko kayong ihatid sa labas, sa iba tayo dadaan." sagot niya bago inalis ang titig sa akin.
Halos nakahinga ako ng maluwag ng siya at tumalikod para imwestra ang dadaanan namin.
Nagsimula na kaming maglakad at nilagpasan ang mga taong nagsisiksikan sa paglabas sa dalawang pintuan ng simbahan.
Pumasok kami sa isang pintuan na iniluwa noon ay ang isang daan na sobrang tahimik. May isang gate pa doon na nakalock at isang hardin pala
ang nasa loob non.
Halos bumagal pa ang lakad ko sa mangha at ganda ng hardin. Ngayon ko lang nasilayan ang hardin sa likod ng simbahang ito.
Gusto ko ulit bumalik dito para masulyapan ang hardin na 'yan. Napahawak ako sa aking pisngi para pigilan ang pag'ngiti ko sa mga nakikita.
"Señorita Marife." tawag ni Mamita. Mabilis ko siyang nilingon na malayo na pala sa akin. Tiningnan ko din ang Heneral na seryosong nakatanaw sa hardin bago ibinalik sa akin.
Isang sulyap pa ang aking ginawa bago lumapit sakanila.
"Paumanhin, ngayon ko lamang nakita na may magandang hardin pala sa likod ng simbahang ito." nahihiya kong tinuran.
"Pagpasensyahan ninyo na po kami sa abala Heneral." maliit na boses ni Mamita.
"Hindi ko akalain na may tao pa palang hindi nasisilayan ang hardin sa simbahang ito." malamig na sabi ni Heneral Lopez bago nagpatuloy sa paglalakad.
Nakayuko akong naglakad hanggang sa kami ay makalabas. Hanggang labas niya lamang kami inihatid at nagpaalam ng umalis.
Tahimik akong nakaupo sa aming kalesa habang pinakikinggan ang mga kwento ng aking Ate Franches.
"Napaka gwapo niya Marife, kahit sino ay mapapalingon sakanyang taglay na kakisigan." aniya habang kinikilig.
"Kahit pa hindi ko siya nakausap kanina kahit pa nasa harap namin siya ay masaya na ako doon." tumingin ako sa daan at pinagmamasdan ang mga bahay.
"Konti nalang anak at mahuhulog din sa'yo si Heneral Agustino." si Ina.
"Kung magkaganon ay ikaw ang maswerte na dilag sa ating bayan." nakangiting saad naman ni Ama.
"Panigurado iyan Ama. Hindi na ako makapag hintay para doon." sabi niya at tsaka kinuha ang kanyang abaniko na kulay pula.
"Kamusta ang pakiramdam na nakapanuod ka ng kasal Marife?" nakataas ang kilay niyang tanong sa akin.
"Ayos naman ate." ngiti kong sagot.
"Wala bang umaligid sa aking anak Mamita?" nakangising tanong ni Ama at tila ba gusto niyang marinig na mayroon.
"Wala po Señor Florentino." nag-aalangang sagot ni Mamita. Isang halakhak ang aking narinig at nakita ko si Ina at Ate na tumatawa.
"Wala manlang nag-aksaya ng oras na makausap ka?" natatawang tanong ni Ina.
"Masyado kasing pihikan ang ating anak." Ani ni ama habang tumatango-tango.
Ngumiti ako sakanya bago yumuko. "Kahit manlang kutsero, wala?" nahimigan ko ang pang-iinsulto doon. Umiling lang ako bilang sagot.
"Pagpasensyahan mo na ang Ate at ang Ina mo anak." saad ni Ama sa akin ng sa wakas ay nakarating na kami sa mansyon ni Gobernador Luis.
"Ayos lang iyon Ama. Hindi lang sanay na makarinig na hanggang ngayon ay wala pa rin ginoo ang nakakapansin sa akin." hindi ko pinahalata ang kalungkutan sa aking boses.
"May nakakapansin anak, nasisiguro kong nahihiya silang makalapit sa'yo dahil sa kagandahan mo na iyan." Kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam sa sinabi ni Ama hindi niya talaga hinahayaan na magkaroon ako ng kahit anong sama ng loob o tampo sa aking Ina at Ate Franches.
"Salamat Ama. Bumalik na po kayo doon. Dito na lang muna ako, tsaka iyon lang si Mamita kaya wala po kayong dapat ipag-alala." sabi ko at nasisiguro kong nakumbinsi ko siya.
Sumapit na ang hapon at ganon parin kadami ang tao. May mga nagsasayaw na sa gitna habang hawak nila ang kanilang mga kasintahan.
"Mag-iingat ka anak at huwag lalayo ha." dugtong pa niya bago siya tumalikod.
Nandito ako ngayon sa likod ng mansyon ni Gobernador Luis. May mga tao din dito ngunit kakaunti lang, may dalawa pang magkasintahan ang nasa aking likod. Mukhang dito nila napag usapang magtago.
Minsan talaga hindi ko maiwasang hindi mapaisip at makaramdam ng inggit sa mga taong nakikita kong malaya sa lahat ng bagay.
Pakiramdam ko ay naiiba ako sakanila, pakiramdam ko sa aking sarili ay bata pa rin ako na dapat ingatan.
Kapag naiisip ko na si Ate Franches ang kanilang pinapaburan at binibigyang laya ay pakiramdam ko ay ampon lang ako at natatakot silang mahanap ako ng tunay kong magulang kaya kinukulong nila ako.
Tinanaw ko si Mamita na kausap ang isang matanda din at ayon sakanyang kasuotan ay isa rin siyang tapaglingkod gaya ni Mamita.
Nakangiti akong pinagmasdan ang nag-alaga sa akin simula bata. Sakanya ko naramdaman ang tunay na pagmamahal ng isang Ina na hindi pinaramdam sa akin ni Ina dahil kay Ate lang siya nakatuon hindi sa akin.
Napayuko ako at pinagmasdan ang bakyang suot ko. Habang ginagawa ko iyon ay isang itim na sapatos ang tumapat sa akin.
Nagtataka akong tumingin sa ginoong nakatayo sa aking harapan. Dahil madilim dito ay hindi ko agad ito nakilala.
Matagal ko siyang pinagmasdan at lumapit pa ng husto para mas makita ang kanyang mukha, nang tumama ang mata ko sakanyang mata ay halos mapaatras ako. Dahil kilala ko ang matang iyon, ang paraang ng kanyang pagtitig.
"Heneral Lo-lopez?" nanginig ang aking boses habang nakatingin sakanya. Habang siya ay humahakbang papalapit sa akin.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (88)

  • avatar
    HernandezWheng

    ganda ng kwento

    17/05

      0
  • avatar
    Quillosa Shane

    Good quality at maganda pa ang pagkasunod²

    16/05

      0
  • avatar
    Junrey Decatoria Salsona

    ggyg

    16/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด