logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 2 Dalawang yugto

Hindi ko maalis sa isip ko ang lalaking heneral na iyon. Lopez...napaka gandang pangalan. Bagay sa kanyang mukha. Ito ang unang labas ko sa buwang ito at hindi ko napagsisihan ang pagsama kay Manang Mamita.
Nandito akong muli sa aking silid upang sumulat sa aking pangalawang talaarawan kung saan ko isusulat ang araw na ito hanggang sa wakas.
Septyembre 15, 1901
Unang liham para sa aking paglabas.
Hindi ko inaasahan na ang araw na ito ay magiging masaya. Kahit papaano ay naibsan ang aking sama ng loob kay Ama dahil ako'y kanyang pinayagan. Nasilayan kong muli ang bayan na aking tinitirhan, ang bayan na puno ng saya. Plaridel Bulacan. Naghahangad pa ako na mauulit ito. Nawa'y makita kong muli ang lalaking Lopez..
- Marife Marquez.
Isinara ko na ang bago kong talaarawan. At binuksan ang bintana ng aking kwarto. Palubog na ang araw, palitaw na rin ang buwan. Kita na ang mga gasera sa mga mumunting bahay na nakapaligid sa amin. Kakaunti nalang din ang mga taong naglalakad dahil ilang minuto nalang ay papatak na ang curfew at lilibot na ang mga guardia civil na nagbabantay sa lungsod.
Habang malalim ang aking iniisip bigla nalang kumatok si Manang Mamita.
"Señorita kayo'y bumaba na upang makakain na. Ikaw nalamang ang hinihintay sa hapag kainan." aniya.
Isinara kong muli ang bintana at bumaba na upang makapag hapunan. Sa gitna ng pagkain nagsalita si ama.
"Marife, batid kong galak ka dahil muli kang nakalabas." sasagot pa lamang ako ay sumingit na ang aking Ate.
"Pinayagan ninyong lumabas si Marife ama?" gulat nitong tanong sabay baling ng tingin sa akin.
"Oo hija, kasama naman niyan si Mamita, lubos kong pinagkakatiwalaan siya na hindi mapapabayaan si Marife sa labas." ngumiti ako sa aking ama.
"Maraming salamat ama sa inyong tiwala." masaya kong sabi. Binalingan ko si Ina at Ate Franches na tahimik at masama ang tingin sa akin.
"Yon na sana ang Una at ang Huli." lintanya ni Ina. Bumuntong hininga nalang ako at pinilit na intindihin sila.
Nasa hustong edad na ako upang pagbawalan nila. Sapagkat si Ate Franches ay dalawang taon lamang ang tanda nito sa akin. Pero malaya siyang gawin ang gusto. Samantalang ako ay ikinukulong nila sa bahay na ito.
Natapos ang hapunan ng hindi ako kinibo ni Ina at ate. Niyakap ko si ama bago ako tuluyang pumasok sa aking silid.
"Magandang Gabi ama." at isinara ko na ang pintuan ko.
Nakasindi na ang lampara sa aking silid, handa na akong matulog at kalimutan ang tinuran sa akin ng dalawang babaeng mahalaga sa akin.
Ako'y hihiga na ng bumukas ang pintuan ko ng wala manlang isang katok.
"Ano ang iyong kailangan Ate Franches." tanong ko rito na ngayon ay nakatingin lang sa bintanang nakasara na.
"Kapag pinayagan kang muli ni ama na lumabas ay sabihan mo ako. Pero sana ay hindi na 'yon maulit pa. Sapagkat alam mong mahigpit na pinagbabawal na ikaw ay lumabas ng ating tahanan." aniya na para bang galit ito. kumunot ang aking noo sakanyang tinuturan. Hindi ba dapat ay masaya siya para sa akin, dahil sa wakas ay nakalabas na muli ako. Bakit parang ayaw niya yata na ako ay nakakalabas.
"Alam kong hindi ako maaring lumabas, ngunit hindi ko batid ang dahilan kung bakit ba ganito kayo nila ama sa akin."
"Ako ba'y iyong sinusubok ng 'yong tanong?" sabay tingin niya sa akin.
Huminga muna ako ng malalim bago muli siyang sagutin. "Hindi ate, nais ko lamang malaman ang dahilan ng inyong paghigpit sa akin. Yon lamang." pagsuko ko at hinayaan na muli ang sariling gumawa ng mga dahilan upang ito ay maintindihan ko.
"Hindi ka maaring lumabas, hindi ka maaring makita ng mga tao. Sundin mo nalamang ang gusto namin para sayo." walang pasintabi ay nilisan niya ang aking silid.
Hindi ko alam kung anong oras na ba ako nakatulog sa kakaisip sa suliranin ko sa bahay na ito. Kalayaan ko lamang ang nais ko, bukod pa roon ay wala na.
Lumipas ang dalawang araw na wala akong ginawa kundi libangin ang sarili ko sa kakaburda at pagbabasa ng aklat tungkol sa isang pag-ibig.
Nandito ako ngayon sa aming sala habang nagbabasa, nasa aking tabi ang meryendang inihanda sa akin ni Manang Mamita.
Sa kalagitnaan ng aking pagbabasa ay nakita ko si Ate Franches at Ina na nagmamadaling bumaba sa hagdan upang salubungin si ama na ngayon ay nasa pintuan na. Akmang tatayo na rin ako upang salubungin si ama ngunit hinawakan na ni Ina ang aking kamay upang ilayo doon.
Narinig ko pa si Ate Franches na nagsalita bago namin tahakin ang daan papunta sa aking silid.
"Magandang Hapon Heneral Agustino." si Ate Franches na nagagalak ayon sakanyang boses na aking narinig.
Nandito na kami ngayon sa tapat ng aking kwarto. Tiningnan ko si Ina na ngayon ay nakatingin pa rin sa pinanggalingan namin.
"Sige na Ina, bumaba na po kayo." nakangiti kong sabi.
"Wag kang lalabas hangga't hindi umaalis ang heneral na iyon. Dyan kana nga!" pagsusungit nito. Tumango nalamang ako bilang pagsagot.
Nandito na naman ako, tanging silid ko lamang ang karamay ko sa lahat ng kalungkutan na dinaranas ko. Hindi ko maiwasang magtaka, o manibugho kay Ate Franches, dahil sa lahat ng bagay siya ang pinagbibigyan, siya ang pinapaburan. Pakiramdam ko nga minsan ay hindi nila ako anak. Dahil ang magulang, kaligayahan lamang ng anak ang mahalaga sakanila. Ngunit ngayon ay parang Hindi na ako naniniwala sa kasabihan na iyon.
Dahil sa aking dinadanas ngayon ay malayong malayo ang salitang kaligayahan sa katulad ko. Si Ate Franches na masaya dahil muli siyang dinalaw ng kanyang napupusuang heneral, Heneral Agustino. Ako naman ay nakakulong at lungkot lang ang nangingibabaw.
Madilim na nga napagtanto kong nakaalis na ang heneral. Humarap muli ako sa hapagkainan na tahimik samantalang silang tatlo ay masayang nagkwentuhan tungkol sa pagdalaw ng heneral at mga matataas ang posisyon sa bayan.
"Nakakagalak naman talaga iyon Florentino, mukhang dadalas ang kanyang pagbisita dito dahil sa ating anak na si Franches." masayang sabi ni Ina. Isinubo ko ang gulay na siyang ulam namin.
"Nako Ina, Sana nga at mapadalas." Kilig na lintanya ni ate.
"Hindi rin natin masasabi, sapagkat kilala si Heneral Agustino bilang masipag at tapat sa bayan. Hindi natin alam na sa susunod ay may pinagkakabalahan na pala ito. Mas mabuti ng huwag masyadong umasa si Franches." nakayuko ako ngayon at itinago ang ngiti sa aking labi. Hindi ko alam pero masaya ako sa inihayag ni ama.
"Huwag mong isipin yan, malulungkot si Franches kung magkaganon." si Ina.
"Gumawa po kayo ng paraan ama, upang hindi niya makaligtaan ang pagdalaw dito sa atin." Ganon ba niya kagusto ang heneral na iyon? at pati ang bagay na yon at pribadong buhay ng Heneral Agustino ay pakikielaman pa nila?
"Kung tunay mong iniibig ang Heneral na iyon, dapat iyong intindihin ang kanyang mga ginagawa o pagkakaabalahan sa ngalan ng ating bayan." Pinagsisisihan ko ang aking pagsingit ngunit hindi ko na napigilan na makisali sakanilang usapan. Para bang ako ay isang hangin lamang dito kung sila lamang ang nagkakaintindihan.
"Wag kang makielam dito, hindi ka kasali sa usapang ito. Mabuti pa ay tapusin mo na yang kinakain mo at umakyat kana saiyong silid." Ani ni Ate Franches na masama ang tingin sa akin, gayon din si Ina na mukhang magsasalita pa sana kung hindi pinuri ni ama ang aking pagsabat.
"Walang mali sa sinabi ni Marife, napahanga mo ako sainyong sinabi hija, Ikaw ba ay may napupusuan na?" tanong ni ama dahilan para mahiya ako ng bahagya.
"Paano yan iibig, eh hindi naman siya maaring lumabas o masilayan ng iba." pagtataray ni ate, Nakita kong ngumiti ng maliit si Ina. Gustong gusto niya talaga si Ate Franches kaysa sa akin.
"Tama po si Ate, at wala po akong napupusuan." Sagot ko.
"Mabuti naman kung ganon." Si Ina.
"Hindi ko rin yata kaya na makita kang umiibig maliban sa akin anak." si ama at binalak kong yakapin, Nang hinarangan agad ako ni Ina.
"Umakyat kana, may pag uusapan pa kami." yumuko nalamang ako at nagpaalam ng maayos.
-
Tanghali na nga makabalik si Ina at Ama sakanilang dinaluhang pagpupulong. Wala rin naman si Ate Franches at kasama ang kanyang kaibigan. Ako lang at si Manang Mamita ang nandito. Hindi ko naman masisisi na kung bakit wala akong kaibigan sa edad kong ito. Kanina lamang ay pinangaralan ako ni Mamita. "Hayaan mong dumaloy ang buhay at ito'y iyong sabayan hanggang sa marating mo ang tamang daluyan."
Ganon naman ang aking ginagawa sa buong buhay ko. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nararating ang tamang daluyan ko. Umaasa na isang araw ay makita ko ang tunay na dahilan at tunay na pagdaloy ng buhay sa mundong ito.
Nakasilip lang muli ako sa bintana, naghahanap ng paglilibangan sa pamamagitan ng pagtanaw sa mga puno at ibon na malayang lumilipad sa himpapawid.
Hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili kong nakatingin sa kalesa na huminto muli sa aming bahay. Hinayaan kong pagmasdan ang kalesang iyon hanggang sa hindi ko na maialis ang mata ko sa lalaking bumaba doon na minsang kong nakita sa simbahan na nakapang heneral at kung hindi ako nagkakamali ay siya si Lopez. Ayon sa aking narinig.
Nakatayo lamang siya doon at malalim ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung sino ang kanyang kausap dahil kahit pa sa akin siya nakatingin ay bumubuka ang kanyang labi.
Ilang segundo kaming nakatitig sa isa't isa tila kinikilala ng aming mata, nang matanaw ko na si ama na binati si Lopez. At kumatok naman si Mamita.
Agad akong bumitaw ng tingin at mabilis na isinara ang bintana ng aking silid. Mabilis ang bawat tibok ng puso ko. Para bang bago ito ngunit pamilyar ang bawat pagkabog.
Lutang kong hinarap si Mamita. "Nandyan ulit ang mga heneral, wag ka munang lalabas Señorita." aniya. Hindi ko rin alam kung paano ko siya kinausap sa sobrang tulala at iniisip ang itsura ni Lopez.
Bisita sila ni ama, kaibigan ata siya ng Heneral Agustino na napupusuan ni Ate Franches, Dahil sa pagkakabanggit ni Mamita mga heneral nga ang panauhin nila ama at ina. At isang Heneral nga talaga si Lopez. Akala ko ay ganon lang talaga ang kanyang uniporme. Hay nako Marife, iisa lang ang palatandaan ng uniporme ng isang Heneral, bakit mo naman iisipin na simple lang iyon at hindi yon mahalagang damit.
Inubos ko ang oras ko sa kakasuklay at pag bahagi ng nararamdaman ko ngayon sa bago kong talaarawan.
Septyembre 22, 1901
Hindi ko kilala ang ginoo, o ang Heneral Lopez, ngunit kilala ko naman ang tibok ng puso ko. Hindi maaari na sa maikling panahon ay iibigin ko ang Heneral, ninais kong makita siyang muli pero hindi sa ganitong paraan at pandama. Maaaring maagapan pa ito, dapat ko itong kalimutan gaya ng mga araw na lumilipas sa akin. Dapat kong limutin ang kanyang malalim na Mata at tingin, limutin ang bawat pagbuka ng kanyang labi. Limutin ang kanyang taglay na kagwapuhan at kakisigan.
- Marife.
Iminulat ko ang aking mata at sinag ng araw ang aking nasilayan. Umaga na at naririnig ko na ang mga tilaok ng manok, mga kalesa na nagdadaanan, mga taong nagkukwentuhan habang naglalakad sa kalye. Ako na bagong gising at haharapin muli ang bagong araw na nakakulong sa bahay.
Labis kong kinatuwa na makita sila ama at ina na magkayakap. Kahit papaano ay naiibsan ang kalungkutan ko dito.
Lalapitan ko na sana sila ng may isang lalaki na pumasok sa amin upang iabot ang sobre kay Ama.
Bago ito tuluyang umalis ay napatingin ito sa akin at ibinaba niya ang sumbrelo na gawa sa banig at itinapat iyon sa dibdib niya bilang pag galang o pag bati. Ngumiti lamang ako at nakitang nakatingin na sa akin si Ama at Ina.
Namumukhaan ko ang lalaking iyon, teka saan ko nga ba siya nakita? noong sumama ako kay Mamita mamalengke, tama nga ako siya yung kutsero ni Lopez, ano ang kanyang ginagawa dito? ano ang laman ng sobre na iniabot niya kay Ama?
Bago pako makapag isip ng kung ano ay nagsalita na si Ina.
"Bakit parang mga Kutsero lang ang nakakapansin sa iyo?" himig na insulto. Babalewalain ko nalang Sana dahil sanay naman na ako sakanya ngunit nagsalita siyang muli. "Ayokong magkaroon ng manugang na galing sa pamilya ng isang Kutsero Marife." natatawa nitong sabi.
"Wag ho kayong mag-alala Ina, hindi Kutsero ang aking mapapangasawa kung magkagayon." Heneral Ina ang sisiguraduhin kong mapapangasawa ko. Gusto ko man itong idagdag ay hindi na bale. Sa ngayon ay hindi ko na muna iyon iniisip, hindi pa nga ako nagkakaroon ng laya, paano ako makakahanap ng Heneral na mapapangasawa hindi ba?
Pero bakit kapag binabanggit ko ang Heneral ay si Lopez ang nakikita ko. Bakit siya agad ang unang pumapasok sa aking isipan? Batid kong dapat na itoy limutin na pero kusang bumabalik sa aking ala-ala.
Hapon na at maagang nagpaluto si ama kay Mamita. May sasabihin na mahalaga si Ama kaya't kailangan itong paagahin.
Nasa hapag kainan na kami ng magsimula si Ama na magsalita.
"Bukas na bukas ay dadalo tayo sa kasalan ng ating Gobernador Luis, sa patak na alasnuebe ng umaga, sa simbahan ng ating bayan." 'St. James Parish,'
Pagka-banggit palamang ni Ama ay nabuhayan ako. Naalala ko tuloy yung eksena sa simbahan noong una kong makita si Heneral Lopez. Binanggit niya na ikakasal nga ang Gobernador at mukhang siya ang mamumuno sa pag sasaayos ng mga tao na kung sakali mang gulo o iasaayos ang lahat. Kaya pala yung Kutsero niya ang nagpadala ng sobre kanina, yon pala ang liham na iyon.
"At isasama natin si Marife." paulit-ulit na nag eko sa aking tenga ang huling sinabi ni Ama.
Mas nabuhayan ako ng loob dahil sa wakas ay kay ama na mismo ng galing na maaari akong sumama sakanila. Hindi ako maiiwan dito sa bahay, na madalas ay ganong ang nangyayari. Ngayon ay hindi, nakakatuwang isipin na hindi ko ito hiniling sakanya, o nag dahilan na makalabas ako. Dahil kusa itong ibinigay ni Ama sa akin.
"Hindi maaari ama." apila ni ate Franches na ginatungan naman ni Ina.
"Oo nga Florentino, akala ko ba ay napag usapan na natin ito? Baka sabihin nila na bakit ngayon lang natin inilabas si Marife, maraming tanong at agam-agam ang magaganap."
Hindi ko maitatanggi na tama si Ina. Magtataka sila kung bakit ngayon ay isinama nila ako. Hindi naman ako itinago, alam ng lahat na dalawang babae ang anak ni Ama, alam nila na hindi ako mahilig lumabas, kaya kakaunti lang din ang nakakakilala ng aking mukha at pangalan.
"Kasama si Manang Mamita, silang dalawa ni Marife ang magkasama." pinal na sabi ni Ama. Walang ng nagawa si Ate at Ina dahil hindi na nagsalita si Ama at nagsimula na itong kumain.
Sa sobrang tuwa ko ay gusto ko nalamang matulog na upang sumapit agad ang kinabukasan at masilayan muli ang labas.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (88)

  • avatar
    HernandezWheng

    ganda ng kwento

    17/05

      0
  • avatar
    Quillosa Shane

    Good quality at maganda pa ang pagkasunod²

    16/05

      0
  • avatar
    Junrey Decatoria Salsona

    ggyg

    16/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด