logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 02: ANG KASUNDUAN

"What?" naguguluhang usal ko.
"Nothing, so... It's final, you're officially one of us that's why you should be acknowledged. Come with us," anyaya niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
"A-ano ang iyong ibig sabihin..."
Masyado akong naguguluhan lalong-lalo na't ang bilis ng lahat. Ito na ba ang sinasabi ni Nanay Annie na aalis din ako?
"Come with me, I'll take you at the Hunters' mansion," anyaya niya at naglahad ng kamay.
Kumunot naman ang noo ko at napayuko. Can I trust him? Should I trust him?
Huminga ako ng malalim. Ipinatong ko ang isa kong kamay sa nakalahad niyang kamay at saka iniangat ang mukha ko at sinalubong ang walang buhay na mga mata niya.
No, I will not trust him. I just... need him.
Walang imikan kami sa loob ng kotse, nakaupo ako sa backseat habang siya naman ang nagmamaneho. Mga ilang minuto na rin ang itinatagal namin sa byahe.
"Saan ba matatagpuan ang Hunters' mansion? If I'm not mistaken we're heading through in the forest?" tanong ko para sirain ang katahimikan na namamagitan sa amin.
"Hunters' mansion is really in the middle of this forest," sagot niya at
bahagyang tumingin sa salamin na nasa unahan niya.
"Okay..." naiusal ko na lamang at tumingin na lang sa labas ng bintana na nasa gilid ko.
"So, it's really true that there are another worlds where another races lived. Amazing..." walang sa sariling usal ko.
"How about you? Do you really know yourself?" he asked randomly.
"I... don't... know... either," wala sa sariling sagot ko naman.
"Don't worry, I will help you," aniya dahilan nang paglingon ko sa kanya.
Nakahinto na pala ang sinasakyan naming kotse at ngayon nakangiti siyang nakatingin sa akin. A genuinely smile.
Naunang akong nag-iwas ng tingin. "We should go inside," aya ko at binuksan ang pintuan sa backseat.
Nang inaangat ko naman ang mukha ko ay agad akong natulala sa bumungad sa mga mata ko. Isang napakalaking bahay na may apat na palapag, kulay puti at itim ang pintura nito, bumaling naman ako sa likod ko at napanganga naman ako sa nakita kong napakataas na parang pilak na tarangkahan. Hindi ko ito napansin kanina dahil sa lumilipad ang isip ko sa katanungan hindi ko rin masagot.
Ibinalik ko ang tingin sa bahay na napakalaki talaga, malayo pa ang direksyon namin sa bahay at ilang minuto pa bago kami nakarating doon, sementado ang daanan sa may parking lot na malapit sa gate at may napakagandang bermuda grass sa magkabilang bahagi ng mansion kung saan nakatayo ang dalawang fountain at mga ilang metro ang layo ay may malawak na field naman na dadaanan bago maabot ang napakagandang mansion.
"Ang ganda!" pagpuri ko.
"It is, let's go. By the way, we need to walk going there, pinagbabawal kasi ni Mistress na dalhin ang kotse sa may tapat ng mansion lalong-lalo na't karamihan ng myembro namin ay reckless kung magmaneho," paliwanag niya. Tumango-tango naman ako at nilibot ang tingin ko sa paligid.
May mga nakasalubong kaming mga babae at lalaki na nag-jo-jogging, girls wearing black boxer bra, brown pants and combat shoes while the boys are topless and wearing brown pants and combat shoes as well. But, I noticed their weird tattoo on their neck, nape and shoulder. It's look like cross daggers coated by a blood.
"Ellesor..."tawag sa akin ni Frost.
"Ah, yes?" Bumaling naman ako ng tingin sa kanya na nasa unahan ko na pala.
"Come on!" Tumango naman ako at naglakad na ulit at sinundan siya hanggang sa tumigil na kami sa napakalaking nakabukas na front door.
"Sir Frost," bati ng mga nadadaanan naming mga maids na bahagya pang yumuko gano'n din ang mga myembro ng organisasyon base sa mga nakita kong tattoo nila.
"Where's Mistress?" tanong ni Frost sa dumaang babae.
"She's outside doing missions," sagot ng babaeng kasapi rin ng organisasyon base sa tattoo na nasa leeg niya.
"Okay, assist her to her room," utos niya rito na tumingin naman sa akin at ngumiti.
"As you wish, Sir Frost," sabi nito na nakatingin kay Frost at saka tumingin ulit sa akin.
Hindi na nag-aksaya ng oras si Frost at agad naglakad paalis na tila may importante pang gagawin dahil sa mabilis niyang paglalakad.
"Follow me...?"
"Ellesor, Eli for short."
"I am Ria. Nice to meet you," pagpapakilala niya na kinatango ko naman.
Ngumiti ito at naglakad na at tulad ng gusto niya ay sinunod ko siya sa paglalakad at habang naglalakad kami ay nilibot ko ang paningin ko sa loob ng mansion.
Sa first floor kung saan pagbukas mo ng pintuan ng front door ay bubungad sa 'yo ang napakalaking espasyo at sa kaliwang bahagi nito ay makikita mo ang kulay silver na hagdan.
Umakyat kami sa pilak na hagdan at mayamaya ay nakarating na kami sa pangalawang palapag, may nakakasalubong kaming mga kasapi ng organisasyon na kalalabas pa lang ng mga kwarto nila sa second floor, maraming pinto akong nakita at nadaanan hanggang sa umakyat ulit kami ng panibagong hagdan.
Tumigil kami sa paglalakad nang makaabot na kami sa pang-apat na palapag at sa isang kulay itim na pintuan na para bang iyon ay nakareserba na para sa akin.
"You may take a rest. Katukin na lamang kita kapag andiyan na si Mistress," aniya na kinatango ko na lamang.
Nakatulala lamang ako sa door knob ng kwarto.
Tama ba itong ginagawa ko? Tama ba ang pinasukan ko? Tama ba ang pinili ko?
Huminga naman ako ng malalim saka hinawakan ang door knob at binuksan ito.
Inilibot ko ang tingin ko sa kwarto. A plain red and black paint of wall, red color of bedsheet and blancket and black pillows. May kulay pulang lampshade rin.
"What's with this room?" natanong ko na lang sa sarili ko.
Malawak ang kwarto at may iba pang mga gamit na nasa loob tulad ng isang lamesa na may mga salamin, a book shelf with books, a toilet and also there is a walk in closet. Pero ang malaking bintana ang umagaw sa atensyon ko kung saan kitang-kita ang mapunong tanawin ng kagubatan.
I wish I know myself, I wish I can meet my real parents. But... how? I don't even know who I am, I don't know who really I am. Did I really belong here?
"Eli?" Agad naman akong tumingin sa nakasaradong pintuan ng kwarto ko.
Binuksan ko ito. "Oh, great! You still awake. Andiyan na si Mistress, gusto ka niyang makausap." Si Ria ito na sinalubong din ako ng ngiti.
"Okay," sagot ko at naglakad na palabas ng kwarto at isinarado ang pinto.
"Where she is?" tanong ko, pertaining to the woman they called 'Mistress'.
"She's at garden," sagot niya na kinatango ko naman.
Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa tumigil kami sa isang napakalawak na taniman ng mga rosas. Ang ganda!
"Lady Eli is here, Mistress," anunsyo ni Ria na bahagyang yumuko pa.
"You can leave us," ani Mistress na nakaupo ito sa gawa sa kahoy na upuan, may maliit na pabilog na lamesa rin sa kanyang harapan. Nakatalikod siya sa gawi ko at may hawak na baso.
"Have a seat," aya niya na sinunod ko naman.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa upuan na nasa harapan niya at saka umupo rito.
"You accept our invitation... I'm glad," sabi niya habang nasa malayo pa rin nakatingin.
"Sabi ni Frost may alam daw kayo kaya sumama ako."
"Yes. Marami kaming alam," aniya at tumingin sa akin habang nakangiti.
"I'm happy to see you," malumanay na sabi niya habang nakangiti.
Napalunok naman ako. Hindi ako sanay sa mga ngiti niya. It bothered me a lot.
"Sabi rin ni Frost na kayo raw ang organisasyon na nagproprotekta sa mga tao laban sa ibang nilalang..."
"Yes we are and now you're one of us."
"So, ibig sabihin totoong may mga bampira at werewolves?"
"Oo pero hindi lang sila ang nabubuhay sa mundong ito, witches or wizards and elementalist or the people who has a special abilities, kasama sila sa mga nag e-exist sa mundong ito."
"Mistress... Bakit ako?"
Ngumiti siya at tumingin ulit sa malayo at saka binaba ang hawak niyang baso sa maliit na pinggan.
"Hindi ba gusto mo akong makilala? I'm granting it now, tutulungan din kitang makilala ang sarili mo."
"Mistress..."
"Tomorrow at night, ipapakilala kita bilang bagong Elite Hunters ko, isa sa mga matataas na ranggo ng mga hunters na siyang isinasabak ko sa mga importanteng misyon. Makakatulong din ito para mas makilala mo ang sarili mo."
Huminga naman ako ng malalim at saka tumango.
"As long as you're here, I will help you to know yourself, your true identity."
Tumayo na ako. "Paano kung umalis na ako?"
Tumingin ulit siya sa akin at seryoso akong tiningnan ng diretso sa mga mata ko.
"I will not let you leave." Napakurap-kurap naman ako sa sinabi niya.
"I'll excuse myself, Mistress. It's nice to meet you," magalang na sabi ko at bahagyang yumuko saka naglakad na paalis pero natigilan ako sa huling salitang binigkas niya.
"I will kill them for you."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (92)

  • avatar
    Marco Cristobal

    a so fast it is easy to me

    27d

      0
  • avatar
    Sudais AJ

    It so beautiful story

    28d

      0
  • avatar
    Ladylyn Punongbayan

    okay na sige

    03/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด