logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Ellesor's Identity

Ellesor's Identity

_Syete_


PROLOGUE

"Ang sakit isipin na ang mundong aking kinabibilangan ay ang mundong sinusumpa ang aking pagkatao."
-
"May isang mahiwagang akademya para sa apat na lahing may makapangyarihang trono. Ang unang lahi ay ang mga bampira, pangalawa ang mga taong-lobo or werewolves, pangatlo ang mga Elementalist na nagtataglay ng mga kakaibang abilidad o mahika at ang panghuli naman ay ang mga mangkukulam."
"Tahimik at nagkakasundo ang lahat dahil sa pinatupad na kapayapaan ng leader ng bawa't lahi ngunit nagsimula itong maputol dahil sa pagpareha ng moon goddess sa isang espesyal na bampira sa isang taong-lobo ngunit ang bampira ay may minamahal na, nagtaksil ito sa kanyang mate ng pang-ilang beses na hanggang isang gabi, ang mated werewolf ay sumuka ng dugo..."
"What happened to her po?!"
"Namatay siya."
"Hala!" sabay-sabay na bulalas ng mga bata na halatang gulat na gulat ang mga ito.
Iniiling ko na lamang ang ulo ko at ini-distribute ang mga order ng mga customer dito sa karenderya nila Nanay Annie.
"Hay naku! Andito na naman si Aling Ida."
"Pabayaan na lang po natin, Nanay Annie," sabi ko at ngumiti. Umiling-iling naman siya.
Lola Ida is a weird woman, she always tell a story to children about the four races and the other worlds. Kinalakihan ko na rin ang mga kwento niya because I am also one of the children who always want to hear her story.
***
Mga pasado alas syete ng gabi nang umalis ako sa karenderya para umuwi sa bahay ng mga adopted parents ko. Hindi naman gaano kalayo ang bahay ko sa karenderya kaya hindi ko na kailangan sumakay ng sasakyan ngunit medyo nakakatakot nga lang dahil kakaunti ang street lights at karamihan pa ay sira na.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakatingin sa daan na aking tinatahak, medyo malamig na ang simoy ng hangin at wala na gaanong mga tao sa labas.
"Lola Ida?" nagtatakang usal ko nang makita ko si Lola Ida na naglalakad sa unahan ko na medyo may kalayuan. Tumakbo ako palapit sa kanya.
"Gabi na po, Lola Ida. Bakit nandito po pa kayo?" nag-aalala na tanong ko.
Maglalakad pa kasi siya papunta sa tuktok ng hindi kataasan na bundok kung saan matatagpuan ang bahay ni Lola Ida.
"May ginawa lang akong importanteng bagay rito," nakangiti niyang sabi.
"Pero, masyado na pong madilim.... Samahan ko na lang po kayo," nag-aalalang pagpresenta ko.
"Hindi na kailangan," pagtanggi.
"Pero po."
"Kaya ko ang sarili ko, El-El. Hindi ba't mangkukulam ako?" aniya na alam ko namang binibiro ako.
"Nag-aalala po talaga ako, eh."
"Huwag mo akong alalahanin, ang sarili mo ang alalahanin mo," sabi niya ulit na ngumiti pa ng kakaiba. Para nga bang kinalibutan ako sa ngiti ni Lola Ida.
"P-po?"
"Magandang gabi, El-El," aniya bago tuluyan ng naglakad papasok sa kagubatan kung saan may bundok na tinitirhan niya.
"Ang weird niya talaga," umiiling-iling na usal ko at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa bahay ng adopted parents ko.
"Ellesor!" Napatingin naman ako sa bigla na lang na sumigaw ng pangalan ko.
"Freya?"
Lumapit naman siya sa akin. May kakaiba sa kanya...
"Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko.
Tumingin-tingin muna siya sa paligid na parang may tinatakasan.
"You need to run. We need to run," seryuso at hindi mapakali na sagot niya at hinigit ang kamay ko patakbo sa loob ng kagubatan.
"B-bakit?" kinakabahan at nagtatakang tanong ko.
"Ahhh!" sigaw ng hindi pamilyar na boses.
"S-sino 'yon?"
"Come on! We don't have much time!" singhal niya at mas binilisan ang pagtakbo niya habang hila-hila pa rin ako.
"Bakit papasok sa gubat tayo tumatakbo? Mas delikado rito!" usal ko habang tumatakbo pa rin kami.
"Just trust me! May tutulong sa atin!"
"Sino?!"
Hindi na niya nasagot ang tanong ko nang bigla siyang tumigil kaya naman napatigil ako at nanlaki ang mga mata nang makita ko ang dalawang lobo na nasa harapan namin. Naglalaway sila.
"Is that a w-wolf?"
"They're not just an ordinary wolf, they are werewolves. RUN!" Kasabay ng sigaw niya ay ang pagtakbo ulit namin pero dahil sa mabibilis ang mga humahabol sa amin ay naabutan pa rin kami.
Itinago ako ni Freya sa likuran niya habang matalim ang mga matang nakatingin sa dalawang werewolves daw kuno.
"Leave!" Freya's yelled.
Umangil lamang ang mga lobo at mas lumapit sa amin kaya napaatras naman kami hanggang sa nahulog kami sa hindi kataasan na bangin.
Nagpagulong-gulong kami, napapasok ang katawan ko sa kumpulan ng mga ugat at sa hindi kalayuan naman ay si Freya. Nakita ko rin na palapit na sa kanya ang mga lobo pero hindi natuloy ang mga ito nang biglang tumalsik ang mga lobo papalayo sa katawan ni Freya.
May tumigil na nakapulang cloak sa gilid ni Freya na pinagmamasdan siya. Gusto ko sanang makita ang mukha ng nasa likod ng pulang cloak pero unti-unti ng nanlabo ang paningin ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.
That's the day, I start to questions my identity.
Who I am?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (92)

  • avatar
    Marco Cristobal

    a so fast it is easy to me

    27d

      0
  • avatar
    Sudais AJ

    It so beautiful story

    28d

      0
  • avatar
    Ladylyn Punongbayan

    okay na sige

    03/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด