logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7

"Saan ko ilalagay itong mga de lata Dylan?" tanong ko sa kanya habang ipinapatas na ang mga pinamili namin kanina.
Umuwi na rin kami kasi wala naman akong iba pang gustong puntahan, masaya na ako sa pamamasyal namin kanina sa mall. Tunay na nag enjoy ako sa mga bagong lugar na aking nakikita dito sa syudad. Galing ako sa isang maliit na baryo lamang at malayo pa sa maliit na bayan, kaya maraming bagay na hindi ako sanay na matatagpuan dito sa syudad.
"Ako na bahala dyan Ry, dito kasi sa taas yan nilalagay, kaso di mo naman abot," ngisi pang sabi niya sakin, inaasar na naman ako dahil ang liit ko. Hindi ko naman kasalanan na hindi ako nabiyayaan ng extra height. Hindi katulad niyang higante. Hindi pa kasi umabot sa balikat nya ang height ko, tapos ang payat ko pa.
"Kaya nga naimbento ang HAGDAN," inis na tugon ko naman sa kanya, sabay alis.
"Haha joke lang Ry, wag ka magalit lalo kang liliit niyan," tawang-tawa pa niyang dagdag.
Lakas talaga mang asar nito, hindi ko na lang sya pinansin balak ko na rin kasi magluto ng tanghalian namin pagkatapos ko dito.
Bigla kong naalala ang binili naming graham nang makita ko ito sa loob ng plastic. Napangiti ako dahil sa kasabikan habang iniisip ang mga pagkain na pwede kong magawa gamit ito.
----------------------
"Mas masarap pala ang luto mo pag may sapat na sangkap," sabi niya sabay subo ng ulam na niluto ko.
Sa lakas kumain nito ay kaya nyang mapangalahati ang malaki naming kaldero na puno ng kanin.
"Ry kumain ka ng marami para tumaba ka naman," makulit na turan niya sabay lagay ng kanin at ulam sa aking plato.
Simula ng unang nagsabay kami kumain ay lagi na niya akong pinipilit kumain ng marami. Kinukuha din niya ang aking plato at siya mismo ang naglalagay ng laman nito. Napapailing na lamang ako dahil sa kanyang ginagawa, pero wala naman akong lakas ng loob na pigilan siya dahil na rin siguro sa nakikita kong masayang ngiti sa kanyang labi kapag napagsisilbihan niya ako.
Minsan naiisip ko kung tunay bang katulong o kasambahay ang tingin niya sa akin. Pakiramdam ko kasi ay parang isang kapamilya ang turing niya sa isang katulad ko.
Napangiti pa ako nang makitang sarap na sarap siya sa pag kain, sabay inom ng ginawa kong cu-cum-ber shake.
"Wow, sarap nito ah sobrang refreshing, sarap inumin nito pagsummer."
"Akin na yan," turo ko sa iniinom niya.
Binigyan naman niya ako ng tingin na may halong pagtataka bago magsalita. "Bakit?"
"Ako iinom ngayon tapos pag nagsummer na saka kita igagawa," sabi ko naman na ikinangiwi nya. Hinagisan pa niya ako ng sibuyas galing sa ulam.
'Oras ko naman para inisin siya.'
----------------------
"Ano pa kayang masarap na flavor ng shake Ry?"
"Melon at pwede ring Orange," sagot ko naman habang naghuhugas ng pinagkainan namin.
"Hindi ba mapakla yung Orange?"
"Bakit naman papakla yun?" tugon ko sabay taas ng kilay, nagawa ko pang lumingon para silayan siya.
"Mapakla ang balat nun diba, pag blinender mo yun papakla talaga."
'Huh? ano sinasabi nito.' nagtatakang saad ko sa aking isipan.
"Bakit mo naman isasama ang balat pag blinender?"
"Hindi ba?" tanong pa nya na may pagtataka, kaya hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa kanya.
Ikinailing ko naman ang sinabi nya, paano kaya nabuhay ng ganto katagal sita na hindi alam ang ganung bagay. Iba talaga kapag mayaman, siguro ay hindi siya ang gumagawa ng mga ganung bagay. Sanay na may Yaya o kasambahay.
Maya-maya pa ay bigla na siyang natahimik, kaya akala ko ay tapos na siyang mangulit. Nang marinig ko muli ang kanyang boses ay alam kong may kalukohan na naman siyang iniisip.
"Ano pa ang gusto mong gawin Ry? hindi pa naman tapos ang day-off mo, hapon palang oh."
Saad pa niya habang pinapanuod ako sa paghuhugas ng pinggan. Nakaupo siya sa may likod ng island counter at nakahalumbaba.
Napaisip naman ako, tama naman kasi siya bukod pa dun ay hindi na ulit ako makakalabas ng bahay mula bukas, kailangan ko na ulit maghintay na sumapit ang linggo.
"Ah Dylan! di ba may basketball court dito?" Pagkakanda ko ay may nadaanan kami kanina habang pauwi.
"Oo, nadaanan nga natin kanina diba? bakit manunuod ka ng basketball?" tanung pa nito sakin.
"Hindi ako manunuod," sagot ko naman, habang napapailing.
"Ano gagawin mo dun?"
"Eh di maglalaro, oyy marunong ako ha," pagmamayabang ko pa sa kanya.
"Ikaw? nagbabasketball? buti hindi ka napapagyapakan," turan pa niya sabay tawa nang malakas.
Gago talaga, sa inis ko ay binasa ko nga ng tubig sabay layas at baka di ko mapigilan ang sarili ko at masakal ko pa siya.
"Oyy Ry !!! Joke lang naman, wag ka na magalit sasamahan pa kita doon," saad niya sabay habol sakin. Nandito ako sa sala at naka upo sa sofa.
"Gusto mo turuan din kita magbasketball?" aniya, habang nakangisi bago umupo sa tabi ko.
"Marunong ako di ko kailangan ng pagtuturo mo!" Inis ko pa ring saad sabay hampas ng unan sa kanya. 'Kainis talaga ang lalaking to.'
"Joke lang Ry, mga kakilala ko na naman yung mga naglalaro dun papakiusapan ko sila na isali ka okay ba yun," saad niya na medyo seryoso na kaya napatingin ako sa kanya.
"Talaga?" nagdududang tugon ko pa.
"Oo naman ikaw pa." Siya sabay pisil sa aking pisngi.
"Maaga pa naman nasa opisina lang ako Ry tawagin mo ako pag gusto mo na mag basketball," paalam naman niya sakin.
"Sige lang," sagot ko na lang.
Nang makaalis sya ay bumalik ulit ako sa kusina upang isakatuparan na ang kanina ko pa iniisip na gawin gamit ang graham.
-----------------------------
"Dylan, ipasa mo na sakin ang bola!" sigaw ko sa kanya.
Pawis na pawis na kami dahil sa paglalaro dito sa court kalaro ang ibang kalalakihan at kabataan na taga rito.
"Eto oh!!!" sigaw niya sabay hagis sa akin ng bola.
Pumunta naman ako sa 3 point line at binitawan ang bola sa ere titig na titig silang lahat sa paglipad ng bola sa ere ngayon, lahat sila naghihintay ng mangyayari parang nag slow motion ang lahat . Malapit na ang bola sa ring ayan na...
At bigla itong lumampas at dumeretso sa kalsada sa likod ng basket.
Napatanaw na lang ako habang tinitingnan kung san nagpunta ang bola. Napanguso naman ako ng bigyan ako ni Dylan nang hindi makapaniwalang tingin.
"Wow, hindi ka lang marunong, napakagaling mo pa," puno nang pang aasar na aniya, sabay hawak sa basa kong balikat.
Ang totoo nya hindi naman talaga ako magaling, di ba sabi ko naman sa kanya kanina ay marunong ako magkaiba ang marunong sa magaling.
Pauwi na kami ngayon at hindi parin sya natigil sa pagtawa, kanina pa ito eh, bahala sya pagsumakit ang tyan sa katatawa. Hindi ko na lang pinapansin.
"Ang galing mo talaga Ry, the best ka talaga," pag-aasar parin niya.
Nung natatanaw ko na bahay namin ay tumakbo na ako iniwan ko na sya, lakas mang asar eh nang tumakbo ako ay humabol din naman sya.
-------------------------
Nang makauwi kami ay bigla siyang naghubad ng suot na sando, basang basa na kasi talaga ito. Ewan ko pero kahit anong sabi ko sa isip ko na wag syang tingnan ay hindi ko magawa, nakatingin lang ako sa malapad at napaka gandang likod nya, halatang nag gy-gym siya, pawis na pawis ito na may lumutulo pang ilang butil ng pawis pababa...
Naputol ang pag iisip ko ng maramdaman kong itinaas nya ang mukha ko sa pamamagitan ng paghawak sa baba ko.
"Nandito sa taas ang mukha ko Ry, bakit sa baba ka nakatingin?" nakangisi pa nyang sabi.
Bwisit!! nahuli na naman nya ako, ramdam ko na naman ang bilis ng tibok ng puso at pag iinit ng mukha ko. kaya minabuti ko na lang na tumalikod na at dumeretso sa kwarto ko.
Nang makapasok ako ay bigla na lang akong napaupo sa pagod at sa bilis ng tibok ng puso ko. Malala na ata ang sakit ko Nay.
"Ry, gutom na ako," pagpapa-awa naman sya sakin habang nakaupo sa pwesto nya kanina.
Kung hindi ko lang to amo, hindi ko ito papakainin dahil sa inis ko sa kanya. Tumingin na lang ako sa relong nakasabit sa pader, 3:30 palang at siguradong nawala na lahat ng kinain nya dahil sa pagbabasketball kanina.
"Ito oh." Sabay lapag ng ginawa kong graham cake sa harap nya. Sabay talikod dahil gagawa pa ako ng mango shake, na-addict na kasi siya dun.
"WOW!!! ang sarap!" sigaw nito.
Nabigla ako sa sigaw nya, muntik ng mahiwa ang daliri ko dahil sa gulat luko talaga, haharap na sana ako para pagalitan sya, pero di ko inaasahan ang makikita ko.
Ang ngiti nya ay walang katulad, napaka ganda nito at ipinapakita ang tunay nyang nararamdaman.
Napangiti na lang din ako dahil mukhang nagustuhan talaga nya ang graham cake ko.
"Masarap ba talaga?"
"Oo naman, tanungin mo pa itong plato ko," aniya sabay pakita sa malinis nyang plato na parang ilang minuto ko palang na naipapatong sa harap nya.
"Ry~ gusto ko pa," pangungulit pa niya sa akin. Buti na lang at marami-rami ang ginawa ko, ilang tupperware din yun. Nilagyan ko ulit ang plato niya at ibinigay na rin ang mango shake niya.
"Salamat Ry," sabi niya na may kasamang isang malapad na ngiti.
Sinagot ko na lang din siya ng isang tipid na ngiti,  kasi di ako makapaniwala na nagustuhan talaga nya ang inihanda ko. Sobrang proud naman ako sa sarili ko, siguro nga at hindi ko siya kayang pahangain sa pagbabasketball kaya babawi na lang ako sa pagluluto.
"Ry gusto mo tikman? sigurado ako hindi mo nanaman tinikman ito nung ginagawa mo," aniya kaya napalingon ako.
Tunay yun nakasanayan ko ng hindi tikman ang mga luto ko ewan ko kung bakit, pero sa huli naman ay masarap parin naman daw. Siguro magaling lang ako magtantsa kaya tama parin ang lasa.
"Oh." Sabay subo sakin ng graham cake, masarap nga kaya di ko mapigilang mapangiti at ganun din naman sya at katulad kanina ay bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
---------------------------
"Dylan, may padalahan ba ng pera dito?" tanong ko kay dylan na nakaupo sa sofa.
"Oo sa tindahan, may smart padala dyan." sagot naman niya.
"Ganun ba, pwede pa ba akong lumabas?" paalam ko pa.
"Sige basta bumalik ka agad." Pagpayag niya sabay tango.
Naisipan ko kasi na ipadala na lang kay nanay yung 500 na allowance ko ngayon, hindi ko naman kasi iyon nagastos.
"Ito po yung number na dadating sa inyo pag dumating na yung pera sa padadalhan nyo," paliwanag sakin ni ate sa tindahan.
"Okay po, salamat."
Pagkatapos kung magpadala ay bumalik na ako sa bahay para makapagluto ng hapunan.
Habang naghihiwa ako ng papaya para sa niluluto kong tinola ay biglang nagvibrate ang  bulsa ko, pagtingin ko sa luma kong cellphone ay ito na pala yung number na sinasabi nung tindera kanina, mukhang nakarating na ang perang pinadala ko. Napangiti naman ako sana ay makatulong yun kahit kaunti.
Maya-maya pa habang hinahalo ko na ang tinola ay biglang may tumawag, kinuha ko naman agad ang cellphone ko sa bulsa, ah si nanay masaya kong banggit sa aking isipan.
"Nay!! hello po," magiliw ko pang pagbati.
"Hello anak, naku salamat sa pinadala mo makakatulong ito samin," saad ni nanay mula sa kabilang linya.
"Nay, maliit na halaga lang po iyan, pag pasensyahan niyo na, pagsumahod po ako ay ipapadala ko agad sa inyo."
"Naku anak, ano ba ang sinasabi mo, malaking tulong na ito, kanina nga lamang ay iniisip ko pa kung san ako kukuha ng pera para sa pangbaon ng mga kapatid mo, tapos bigla ka nagpadala kaya naman nasagot na nag problema ko. Salamat talaga."
"Ganun po ba, masaya po ako na makatulong sa inyo." Miss na miss ko na talaga sila.
"Sige po, babye Nay." At nai-baba ko na ang tawag.
Gustong-gusto kong sabihin kay nanay ang mga bagay na gumugulo sa isip at puso ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (113)

  • avatar
    Elijohn Dela Cruz

    This Chapter, Damn. It makes me goosebumps and scared at the same time.

    26/07/2022

      0
  • avatar
    Yewon Kim

    super love the story and may bago nanaman akong pangarap at yun ay mahing kasambahay opo 😊

    11/04/2022

      1
  • avatar
    Jenny Cruz Pampula

    nasa kasambahay ang true love,Dylan 😍😍

    05/04/2022

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด