Chapter 4 Teaching The Twins "YOU TWO! Look at your grades! They are all fail! Jusko! Ano bang pinagagawa niyo!?" Ang sigaw na iyon ng Dean ang sumalubong sa amin pagkarating namin sa office niya. Binalot pa ako ng kaba dahil akala ko para sa amin iyon. Sinuyod ko ang paligid at agad akong nabunutan ng tinik nang makita kung para kanino talaga iyon. Nagulat pa ako nung unang makita sila dito pero ipinagsawalang bahala ko na lang. "Mom, we can settle our grades. Just calm down! Nakakahiya sa kanila, oh!" kamot-ulo ni Jordan kay Mrs. Anita habang duro duro kami ni Summy na papunta pa lang sa bakanteng habang sofa hindi malayo sa kanila. Sa itsura niya ngayon, halatang pikang pika na siya. Mukhang kanina pa sila nagtatalo dito. "We can fix it Mom. So please. Stop shouting," binalingan ko nang tingin si Alz ng sumabat siya. Nakasimangot ang itsura niya ngayon habang tamad naka-upo sa solong sofa. Si Jordan ang nakatayo para harapin ang Dean. "Grabe, ang intense naman dito," bulong ni Summy sa akin nang maka-upo kami. Kinurot ko siya sa balakang at pinanlakihan ng mata para patahimikin. Were in the middle of a family fight, you jerk! Wag ka ng mausap d'yan kung ayaw mong madamay! Iyon sana ang gusto kong sabihin kay Summy. Pero sa mukha pa lang ni Mrs. Anita at ng kambal. Imposible ko nang magawa 'yon. Sa palagay ko kasi, anong mang salita ang mang-gagaling sa akin ay maari kong ma-attract ang atensyon nila. At baka mamaya kapag nangyari 'yon, mapasali pa ako sa away pamilya na meron sila. Kaya wag na lang. Gusto ko pang makalabas dito ng buo at buhay. Kinalampag ni Mrs. Anita ang desk niya dahilan para mapatalon ako sa gulat. "No! This time. Hindi n'yo susubukan. Gagawin n'yo na!" madiing deklara nito na ikinaigting ng panga ni Alz at Jordan. Sabay pa talaga ang dalawa! Kambal talaga! "Mom, please. Don't do this to us," "Jordan is right, Mom. Kaya pa naming humabol. Just let us!" pagsusumamo rin ni Alz. Na ikinatawa ko ng mahina. Mabilis na lumipad ang siko ni Summy sa tagilirin ko. Napangiwi ako sa sakit. Masama ko siyang sinipat. "Aray, ano ba!?" "Gaga ka! Nakatingin si Alz sa'yo!" Inirapan niya ako at tinuro ang puwesto kung saan naka upo si Alz. Agad kong pinilig ang ulo ko para kumpirmahin kung totoo ba. Napulunok ako ng sariling laway sa kaba nang makitang totoo ngang madilim akong tinititigan ni Alz ngayon! Pinilit kong labanan ang titig niya kahit hindi ko siya matitigan ng deretso sa purong itim niyang mga mata. Pinagtaasan ko siya ng kilay para kwestunin kung anong tinitingin tingin niya. Umigting ang panga niya at napa-iling na lang. Pansin ko rin ngayon ang unti unting pamumula ng pisnge niya. Napangisi ako dahil mukhang galit na ata ang isang ito sa akin. What's up now, pasikat? Kahapon ngiting ngiti pa 'tong si Alz sa akin, ah? Waging wagi kasi nakuhaan niya ako ng panget na litrato. Ano nang nangyayari ngayon? Bakit sa itsura niya para na siyang papatay ng tao? Ay, oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan... Bagsak pala ata siya pati ang kambal niyang si Jordan sa katatapos lang na 2nd quarter! Hay, na'ko. Ang bilis talaga ng karma. Sana magpatuloy tuloy na 'to para naman bumagsak na talaga siya! "Mom, last one. Promise! Mag-aaral na kami ni Alz," Si Jordan na kanina pa hinihikayat si Mrs. Anita pagbigyan ulit sila ng isa pang pagkakataon. Umiling si Mrs. Anita. "Hindi na 'nak, I don't want to risk anymore. Masyado kayong untamed. Alam kong hindi kayo mag-aaral tulad ng sinasabi n'yo sa'kin ngayon. I know you both. Manang mana kayo sa ama n'yo, kaya wag na," Pagkatapos sabihin iyon ni Mrs. Anita ng may panghihinayang umupo na siya sa swivel chair niya at hinilot ang sintido. Doon. Napagmasdan ko na kahit sobrang stressed ang itsura ni Mrs. Anita. Hindi pa rin nawawala ang natural niyang ganda. May mahaba at bagsak na wavy hair ang Dean. Magandang kilay, bilugang itim na mga mata, mahabang eye lashes, matangos na ilong, at pulang mga labi. Sa 40's niyang edad ay ang lahat ng iyon ay litaw na litaw pa rin na para bang edad lang ang tumatanda sa kanya. Talagang hindi na kataka-taka kung bakit ganito ka perpekto ang kambal niya dahil sa mukha pa lang ni Mrs. Anita ay tiba tiba na sila sa gandang lahi. Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang baritonong halakhak ni Alz. Napabaling ang atensyon ko sa kanya. Mali. Kami pa lang lahat ay napabaling sa kanya sa bigla niyang pagtawa. "Mom, just confess already that you miss dad. Puwede naman natin siyang tawagan," Ngising aso niya sa Ina matapos maubos ang tawa. Namula naman agad ang pisnge ni Mrs. Anita at napaiwas ng tingin sa anak. Natawa si Jordan dahil sa sinabi ng kambal niya. "How rude Alz. Dad is on the business trip in Europe. Don't disturb him. Mommy will not hang-out the phone once you call our father," panunuya rin nito sa Ina bago sila nag-apir ni Alz at sabay na humalakhak na animo'y sila yung mga nasa commercial sa TV na ang pe-perpekto kung makatawa. "Omg, ang gwapo talaga nila!" dagdag pa nitong katabi ko na tahimik na kinikilig sa napapanood. Napa-iling na lang ako. "B-Both of you! Tigilan n'yo ang kaka-asar sa'kin kung ayaw niyong idention ko kayo! For the reason of disrepecting me!" Pagbabanta na ni Mrs. Anita sa kambal niya na agad rin namang tumigil sa kakatawa. Nang tumahimik... "By the way," Nakangiting pasadang tingin sa amin ni Mrs. Anita na para bang walang nangyaring ano man. Napakurap kurap ako at napalunok dahil sa kawirduhan ng Dean. "Sorry for seing our family quarrel. I know its very unprofessional. Pero, mahirap lang kasi talaga kapag kambal na lalaki ang mga anak mo. Its hussle at nakakatanda ng maaga. So I advice to both of you. Na wag mag-aanak ng kambal kung ayaw n'yong magaya sa'kin," Payo pa niya. Na ikinasama nang mukha ng kambal at mukhang nainsulto sa narinig mula sa Ina. Napabuntong hininga ako. Kahit naman kasi hindi sabihin ni Mrs. Anita hindi ko pa rin hihilingin ang magkaroon ng kambal na anak balang araw kung mag-aasawa man ako. Tuwi kasing nakikita ko si Alz at Jordan. Nagtataasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan kapag iniisip na magiging katulad sila ng mga anak ko, kung sakali mang kambal nga ang ilalabas ko kaya sinasama ko talaga sa panalangin ko gabi gabi na sana kung magka-anak ako, wag kambal dahil baka matulad sa dalawang ito ang pag-uugali! "Anyway, payo lang 'yon. Let's get back to the real topic kung bakit ko ba kayo pinatawag na dalawa ngayon dito," pag-iiba ng topic ni Mrs. Anita para mawala ang kaninang intense na hangin na bumabalot sa amin. Tumayo si Alz. "Can we leave now, Mom?" tanong niya pa bago ako titigan. Kumalabog ng malakas ang puso ko ng magtama ang paningin naming dalawa. Iiwas na sana ako ng tingin ang kaso ay inunahan niya na ako gawin 'yon. Napakunot ang noo ko. Umiling agad si Mrs. Anita. "No, stay here. Alz and Jordan. Our topic will be cycled to both of you. So you better listen," Wait, what? Ignoranteng tanong ko sa sarili. Bumalik ang tingin ko kay Mrs. Anita. Tumikhim si Summy. "Ano po ba talagang kailangan n'yo sa amin ni Chyla, Mrs. Anita?" malawak niyang ngiti kay Mrs. Anita bago ipabalik balik ang tingin sa kambal. Mukhang maging si Summy naguguluhan na rin at gustong na ring malaman ang sagot kung bakit ba talaga kami pinatawag at nadawit sa away pamilya nila. Tinitigan ko ang kambal at nagbaka sakaling may mahitang hint kung may alam ba sila sa nangyayari. Namatay agad ang pag-asang binuhay ko sa sarili ng makita sa ekspresyon ng mukha nila na pati sila rin ay walang alam sa plano nang kanilang Ina. Tumikhim ang Dean kaya napabaling ang atensyon naming apat sa kanya. "As far as I know, you... Mr. Gonzales and Ms. Liwanag are both runners for valedictorian this upcoming senior high graduation, right?" Sasagot na sana si Summy pero inunahan ko na siya. "Yes, po. We are both candidate. And if you please Dean. Can you straight to the point? We have classes to attend pa po kasi," sa mabilis at sa desperadong paraan. "A-Ah, yes! Sorry, I'm trying to be cool there. Whoo! You're so intimidating talaga Ms. Chyla Maxine! Kaya walang maka-pormang boys sa'yo, e!" Pilit na tawa ni Mrs. Anita. "Mom, don't dig another tunnel for another topic. Just tell us what you want from us," agap ni Alz sa mama niya na ikinasimangot nito. "Ok, dahil hindi na kayo makapag-antay, then fine! Sasabihin ko na!" Irap niya samin lahat bago niya balingan ang kambal ng seryosong tingin. "I want Maxine and Summy tutor the both of you from now on-" "Ano!!!" sabay-sabay naming sigaw na apat sa Dean dahilan para hindi niya na matuldukan ang isinawalat na kahibangan! Halata ang gulat sa mukha ni Mrs. Anita ng sabay sabay pa talaga kaming sumigaw at tumayo sa harapan niya. Lumunok siya at tumayo na rin para mapantayan kami. "W-Well, Jordan and Alz. Umupo ulit kayo. Ako ang masusunod dahil ako ang mama n'yo!" "F*ck!"-Jordan "Sh*t,"-Alz "Ano!?" "D*mn it!"-Jordan "Tsk!"-Alz "Dean, wala na po bang iba d'yan na pedeng maging tutor ng dalawang 'yan?" histerikal kong complain agad habang duro duro ang kambal na busangot ang mukhang nakatingin sa akin ng balingan niya kami ng tingin. Sinamaan ko rin sila ng titig. Kung ayaw niyo, mas lalong ayaw ko, no! Alam kong kapag tinuruan namin kayo. Aaksayin n'yo lang ang pagod at oras namin kaya ngayon pa lang, pipiligan ko na ito mangyari! "Maxine, ijah. Kayong dalawa na lang ang pag-asa ko para makapasa ang mga anak ko. So please, lend me a hand," masuyong sabi ni Mrs. Anita sa akin. Napangiwi ako at napa-iwas ng tingin sa kanya. Bigla akong nilusob ng konsensya ko sa pagtaas ko kanina ng boses sa kanya nang makita ko ngayon sa mukha niya kung gaano siya ka desperado para lang mahikayat kaming turuan ang kambal niya. Kinalabit ako ni Summy. "Sis, pumayag ka na. Kawawa naman si Mommy Dean," tinitigan ko ang mukha ni Summy na nag-mamakaawa na rin sa akin na pumayag ako. Pinasadahan ko ng tingin ang kambal at mas lalong nadagdagan ang inis ko sa kanila ng makitang parang wala lang silang paki sa nangyayari. Umawang ang labi ko. Paano nagagawa ng mga 'to maging ganito, gayung. Nagmakaka-awa na ang mommy nila sa akin at si Summy para turuan lang sila? Paano? Paano nila napapanood ang ganitong eksena na ang mommy nila ang nasa bingit ng desperasyon dahil sa kagagawa nila? Hindi ba sila nagi-guilty? Kumuyom ang panga ko. Mas lalo lang akong nanlulumo sa dalawang ito. I hate them! I hate the both of them. I sware! "Anong kapalit kapag pumayag kami?" malamig kong tanong nang lumipad ang mata ko kay Alfonso na nakatitig rin sa akin ngayon ng mariin. Pagbabayarin ko siya... "Ahm, allowance ofcourse and bonuses if may improvement! Ano? Ok na ba 'yun?" sagot agad ni Mrs. Anita na umaliwalas na ang mukha. Suminghap ako bago bumuntong hininga. "Fine, I accept it. Tuturuan ko si Alz. Si Summy kay Jordan. Ang Sched namin is 5:00 PM to 9:30 PM. Monday to Friday. We will start next week agad," Napatayo si Jordan. "Are you freak?" Inis niyang tugon. Si Alz naman ay masama lang akong tinitigan habang naka dekwatro at naka-ekis ang mga braso. "Are you sure, Ijah? Papayag ka na?" dagdag pang tanong ni Mrs. Anita na may unting pagkatuwa. Hindi ko na tuloy alam kung sino ang sasagutin sa dalawa. "Yes Dean," sagot ko habang nilalabanan pa rin ang madilim na tinging pinupukaw ni Alz sa akin. Pumikit siya ng mariin bago tumayo. "Hindi namin kaya 'yon. Its almost even late. Its impossible, Chyla," Napangisi ako ng matabang. "Nakakapag overnight hang out nga ang mga mayayamang katulad niyo, dis oras ng madaling araw hanggang umaga. Tapos simpleng 4 hours and 30 minutes lang na study, hindi n'yo magagawa?" puna ko. Umigting ang panga niya. "Baliw ka na," Walang takot ko siyang sinagot. "Saka mo na akong sabihang baliw kapag nakapasa ka na," Inirapan niya ako at narinig ko pa siyang bumulong ng iilang mura bago ako lagpasan ng nag-a-alboroto. Iniwanan naman ako ng masamang tingin ni Jordan bago sundan si Alz umalis ng Dean's office. Wagi kong nginisian ang iniwan nilang pintuan na nakatiwang-wang bago ibalik ang tingin kay Mrs. Anita na tuwang tuwa sa pag-payag ko. "Ok! So its a deal. Gosh! Im so thankful! Thank you Chyla! Thank you rin Summy! I owe you both!" "No Problem. Can we go now na po?" sagot ko. "Yeah, sure! Go ahead. Wag kayong mag-aalala! Dodoblehin ko ang allowance n'yo kinsenas, once naka pasa ang kambal ko this grading, ok?" Iyon ang huling sinabi ni Mrs. Anita bago kami tuluyang umalis ni Summy sa opisina niya. "Hindi ba parang sobra naman ata 'yun, sis?" Nakokonsensyang usal ni Summy habang naglalakad kami sa walang katao taong hallway. Inilingan ko siya. "Nah, they deserve it. Make sure you kill that Jordan in his study. Pahirapan mo para naman magtino and I do the same for that jerk Alz," galit kong ani at naalala na naman ang bwisit na lalaking 'yon sa utak ko. Tipid akong tinapunan ng ngiti ni Summy bago tumingin ng deretso sa dinadaan. "S-Sure, sabi mo, e." Nginitian ko rin siya pabalik at hindi na nagsalita pa pagkatapos. Now, Its time para ilugar ang Alz na 'yon kung saan siya nararapat. Makikita niya... Lagot siya sa 'kin! Itutuloy...
na pakasaya at na paka ganda nito! salamat
20/10
0I needd
04/10
0Good story
16/06/2025
0ดูทั้งหมด