logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

Chapter 6:
Natigil ang pagbalik ko sa nakaraan ng maramdaman ko ang isang payong malapit sa ulo ko.
"Nababaliw ka na ba?" Takang tanong nito sa akin.
Hindi ko namalayan ang pagbagsak ng ulan, ang tanging ginawa ko lang naman ay ang maglakad. Pero hindi ko alam na kasabay ng kalungkutan at paghihinagpis ko ang pagbagsak ng ulan.
"Hoy!" Sigaw ng pamilyar na tinig.
Nang harapin ko ito, nakita ko ang kaklase kong lalaki.
"Ano bang pake mo?" Seryosong saad ko.
"Tsk! Ano nga ba?" Usal nito.
Ramdam ko namang napapa-isip siya kung bakit, wala siyang responsibilidad sa akin kaya bakit kailangan niyang gawin 'to?
"Ayshh... Wala akong pake sa 'yo pero sa grades mo meron," saad nito.
Palusot... Alam kong may sumasagabal sa isip niya na kailangan niyang malaman para mapanatag ang kalooban niya.
"Hindi ko kailangan ang pake mo..."
Seryosong saad ko, sabay talikod sa kaniya at hahakbang na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kanang braso ko dahilan para mapalingon akong muli sa kaniya.
"Ano ba'ng kailangan mo?" Nakangiwing tanong ko.
Hindi niya ako sinagot sa halip ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako, tumakbo siya sa kung saan at dahil hawak-hawak niya ang kamay ko, pati ako napapatakbo.
Ang payong na hawak niya ay nabitiwan niya, dahilan para pati siya, mabasa nang ulan.
"Ano bang kailangan nito sa 'kin?" Takang tanong ko sa sarili ko.
Takbo lang ginawa namin, pagod na ako sa kakatakbo, at bakit ba ako nagpapahila rito?
Marahas kong binawi ang mga braso ko, at tumigil sa pagtakbo. Napalingon naman siya sa akin habang nakangising hinihingal na nakatingin sa akin.
"Ano bang kailangan mo sa 'kin para patakbuhin mo ako nang pagkalayo-layo?" Naiiritang tanong ko.
"Ano bang nararamdaman mo pagkatapos nating tumakbo?" Balik nitong tanong sa 'kin.
"Bakit ko kailangang sagutin 'yang tanong mo?" Seryoso ngunit naiiritang tanong ko sa kaniya.
"Bakit hindi mo na lang sagutin para malaman mo kung ano ang sasabihin ko?" Mapang-asar nitong tanong sa akin.
"Tsk! Nonsense," usal ko sabay para nang taxi.
"Iyong problema mo, para lang isang pagtakbo. Parang marathon kung baga... When you're tired of running then stop but still face the race and finish it..." Malumanay ngunit dama ang seryoso sa mga katagang sinasabi niya.
"At sa tingin mo ba marathon 'tong pinagdaraanan ko?" Seryoso kong usal.
"Wala kang alam kaya 'wag kang make-alam!" Na-iiyak na saad ko.
"Tsk! I said its like..." Saad nito.
Hindi ko na pinakinggan pa ang sinasabi niya, nang makapara nang taxi ay agad-agad akong sumakay doon.
"Nag-break ba kayo nang boyfriend mo, iha?" Tanong ng manong driver.
"Wala po akong boyfriend," walang ganang sagot ko.
"Ayy, akala ko boyfriend mo 'yong lalaking kasama mo."
"Wala pong kami, kaklase ko lang po 'yon" paglilinaw ko.
"Bakit ka nagpa-ulan, iha? Akala ko kasi nag-break kayo nang boyfriend mo tapos nagpa-ulan ka dahil do'n..."
Paulit-ulit na lang pinagsasabi nitong ni manong, hindi ko nga 'yon boyfriend!
"Parang sa teleserye lang, haha..." Saad pa nito.
Natawa naman ako sa sinabi niya, suki pala 'to si manong ng mga teleserye haha... Parang nasa trenta ang edad niya, at mukhang hindi siya kailanman nakaranas ng problema sa buhay. Masaya lang siya, at mukhang parating nakangiti...
"Oh siya nga pala, saan kita ibaba, iha?" Tanong nito.
"May alam po ba kayong tahimik na lugar?" Tanong ko.
"Eh wala bang klase sa inyo? Sa pagkaka-alam ko, ikalawang araw ngayon ng eskwela..." Malumanay nitong saad.
"Maingay po kasi do'n, at saka paniguradong hindi na po ako papapasukin kasi sobrang late ko na." Usal ko.
"Gano'n ba?"
"Oh siya sige... 'wag mo na lang ulit gawin ang gagawin mo ngayon." Dugtong nito.
Tumango na lamang ako at saka dumungaw sa labas ng bintana.
"Sigurado ka bang hindi mo boyfriend 'yon?" Pagbabalik na tanong ni manong.
"Hindi po," seryosong saad ko.
"G'wapo naman siya iha, paniguradong magseselos ka kapag jowa mo 'yon sa palagay ko lapitin 'yon eh..." Saad pa ni manong.
"Wala po akong pake sa kaniya..." Seryosong saad ko.
"May pinagdadaanan ka yata." Saad nito ngunit hindi lang ako kumibo pa.
"Okay lang naman mag-share nang nararamdaman iha, mas nakakagaan ng loob 'yon." Seryoso ngunit malumanay nitong saad.
"Manong ano pong pangalan niyo?" Tanong ko.
"Wilbert Salcedo," sagot nito.
"Puwede ko po ba makuha cellphone number niyo?" Tanong ko.
"Ayy nako! Baka magselos misis ko niyan." Birong saad nito.
"Ngumiti ka lang palagi iha, mas maganda ka tingnan kapag gan'yan" saad ni manong.
Hindi ko namalayang nangiti pala ako sa pag bibiro ni manong...
"Mamaya ko na ibibigay kapag, naibaba na kita."
Usal nito at nag-focus na sa pag-d-drive, habang binaling ko naman ang mga mata ko sa labas ng bintana.
Ilang sandali pa nang makarating kami sa isang lugar. Maraming puno, mahangin, may mga upuan at sobrang ganda nang tanawin, pagbaba ko sa taxi ay napahanga ako sa ganda na meron sa paligid.
"Anong lugar po ito manong?" Tanong ko sabay baling sa kaniya na bumaba rin sa taxi.
"Hindi ko alam eh, natuklasan ko lang din 'to." Nakangiting sagot nito sa akin.
Pagkatapos niyang sagutin ang tanong ko ay nanaig na sa pagitan namin ang katahimikan, para kang mabibingi sa katahimikan ng paligid pero mukhang makakapag-isip ka nang mabuti dahil sa katahimikan.
"Na-miss ko ang lugar na 'to..." Biglang saad ni manong na nagpakawala nang buntong hininga.
"Hindi na po ba kayo nakakapunta rito?" Tanong ko.
"Mmm... Parte nang pag-m-move on haha..." Natatawang saad nito.
"Bakit po?" Takang tanong ko.
"Gusto mong malaman?" Pabalik nitong tanong sa akin.
Tumango na lamang ako habang napangisi naman siya.
"Kunin mo na 'yong number ko iha at mukhang nandito 'yong boyfriend mo," parang nangangasar na saad ni manong.
Iniabot niya sa akin ang keypad niyang cellphone, agad ko naman in-add sa contacts ko ang number niya.
"Oh siya, tawagan mo na lang ako kapag gusto mong sumakay sa taxi ko, o ang mag-share sa akin ng problema mo..." Nakangiti nitong saad sa akin.
"Salamat po manong, ingat ka po." Saad ko.
Pumasok ng muli si manong sa taxi niya habang kinawayan ko naman siya. Bihiri na lang ata ang ganitong taxi driver...
Pagkaalis niya ay binaling kong muli ang kapaligiran, naglakad ako papalapit sa isang puno na may katabing upuan. Nang makalapit ay napabuntong hininga akong napa-upo, sobrang tahimik ng lugar, sobrang ganda ring pagmasdan ng mga ito.
Sumandal ako sa kina-uupuan ko at ipinikit ang mga mata. Ramdam ko ang lamig, dahil sa pagkabasa ko sa ulan at paniguradong basang-basa rin ang mga gamit ko sa bag kaya kailangan ko na namang bumili nang mga bagong gamit.
Habang nakapikit, dinaramdam ko ang preskong hangin na dumadampi sa katawan ko. Hanggang sa maramdaman kong may tumabi sa akin.
Pagdilat ko nang mga mata ay nakita ko na naman ang kaklase kong lalaki.
"Anong ginagawa mo rito?" Seryosong tanong ko.
"Bawal ba ako rito?" Mapang-asar nitong tanong.
"Tsss..."
"Oh..." Saad nito sabay abot sa akin ng damit at jogging pants.
"Suotin mo baka mapa'no ka," dugtong pa nito.
"Saan naman ako magbibihis?" Kunot noong tanong ko.
"Abat problema mo na 'yan," usal nito.
"Tsk! Siguraduhin mo lang na nakapikit 'yang mga mata mo at baka madukot ko ang mga 'yan." Seryoso kong saad.
Hindi ito kumibo kaya naman pumunta ako sa likod ng puno. Wala naman akong nakikitang mga tao na dumadaan dito kaya palagay ang kalooban ko.
Ilang sandali ang ay natapos na ako sa pagbibihis kaya naman bumalik na ako sa kina-uupuan ko.
At katulad ng utos ko sa kaniya ay pumikit nga siya, natakot yata, mabuti kung gano'n...
"Salamat," saad ko nang maka-upo.
Nakita ko namang idinilat na niya ang mga mata niya.
"Welcome," usal nito.
Tiningnan kong muli ang kapaligiran, para sa akin hindi 'to nakakasawa at hindi ako masasawang tinganan ang kapaligirang meron sa lugar na 'to.
"Bakit mo 'ko sinundan?" Seryoso kong tanong.
"Actually, nakita kita pati 'yong babaeng kausap mo kanina, para bang nagtatalo kayong dalawa."
"Ano namang ginagawa mo ro'n?" Tanong ko pa.
"Binisita ko lolo ko, bakit?"
"Sinisurado ko lang na hindi ka stalker," seryoso ngunit sarkastikong saad ko.
"Tsk, kapal."
"Bakit ba parang galit na galit sa 'yo 'yong babae?" Takang dugtong nito sa sinasabi.
"Huwag kang chismoso," biro ko.
Natigil naman siya at mukhang hindi na gusto pang magtanong. Dahilan para manaig ang ktahimikan sa aming dalawa.
"Okay lang naman mag-share nang nararamdaman iha, mas nakakagaan ng loob 'yon."
Pa-ulit-ulit na nagpabalik-balik sa utak ko ang mga sinabi sa akin ni manong ng manaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Ano nga bang pangalan mo?" Pagbabasag ko sa katahimikan.
"Didn't you listen when I introduce myself?"
"Hindi ako interesado eh," seryoso saad ko.
"Pero ngayon interesado ka na? Tsk!"
"Hindi naman kita pinipilit na magpakilala kaya 'wag kang kuda nang kuda, tsk." Sighal ko rito.
"Blaze," biglang saad nito.
"Mmm..." Tugon ko.
Pagkatapos niyon ay nanaig na naman sa aming dalawa ang katahimikan, nakatingin siya sa malayo at gano'n din ako. Sa dami kong iniisip hindi ko alam kung saan ako dapat magsimula...
Kailangan kong mabigyan ng hustisya si Zeb at pati na rin ang sarili ko. Gusto ko nang matapos ang lahat ng mga 'to pati na ang pangbibintang nila sa akin ng maling paratang.
Habang nag-iisip ako kung paano ko mareresolba ang mga problema ko ay naramdaman ko namang tumayo si Blaze at naglakad papalayo. Hindi ko na siya pinigilan o tinanong man lang, alam kong na-b-boring-an na siya kaya masaya akong umalis siya.
Nang hindi ko na siya mahagip ng paningin ko ay nagpatuloy na ako sa pag-iisip.
Sa tingin ko binu-bully siya kaya posibleng kasangkot ang step sister ko sa pagkamatay niya, pero paano ko mapapatunayan ang hinala ko?
Ayshh...
Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at isinandal ang buong katawan ko sa upuang kina-uupuan ko. Gusto ko nang matulog... Habang buhay na matulog...
Bakit ba ang gulo nang mundo?
Bakit hindi siya patas?
Mabait naman ako...
Kulang pa ba?
Ano ba dapat ang dapat kong gawin para maging patas sa akin ang mundo?
Ang dami ko nang problema,
Na dapat sa edad kong ito kaya kong maging masaya,
Bakit sa edad kong 'to ang dami ko nang problemang dinadala?
Ano bang akala sa akin ng mundo?
Hindi naman ako ang pinakamalakas sa mundong 'to,
Bakit ba ang daming problemang dumdating sa buhay ko!
"Bakit ka umiiyak?" Biglang tanong ng lalaking akala ko umalis na.
Idinilat ko ang mga mata ko at doon namalay ang pagtulo nang mga luha sa mga mata ko. At doon ko rin nakita si Blake, na mukhang nagtataka kung ano ang iniiyakan ko.
"A-akala k-ko b-ba u-umalis k-ka n-a," saad ko habang pinipigilan ang pagtulo nang mga luha ko.
"Hindi mo naman sinabing ayaw mo palang iwan kita," saad nito.
Hindi ko na sinagot pa ang mga sinasabi niya at pinahiran na lamang ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko, at pilit na pinipigilan ang pagtulo nang mga 'to.
Habang ginagawa ko 'yon ay bigla niyang hinawakan ang mga pisngi ko gamit ang malalambot niyang kamay, iniharap niya ang mukha ko sa kaniya at pinahiran ang mga luhang pinipigilan ko ngunit pilit pa ring tumutulo.
"Okay lang naman mag-share nang nararamdaman iha, mas nakakagaan ng loob 'yon."
Bumalik na naman sa isip ko ang sinabi sa akin ni manong.
"Iiyak mo lang 'yan 'wag kang mahiya sa 'kin," seryoso ngunit ramdam ko ang kalungkutan sa tinig niya.
At dahil sa sinabi niya ay hindi ko na napigilan pa ang pagtulo nang mga luha sa mga mata kong gusto nang kumawa.
Agad naman niya akong niyakap at tinapik-tapik ang likod ko, alam kong sinusubukan niyang pagaanin ang kalooban at mukhang epektibo naman, ngayon ko lang 'to naranasa at sa isang tao pa talagang hindi ko pa masiyadong kilala at kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na katulad nito.
Patuloy lang siya sa pagtapik ng likod ko habang patuloy naman ako sa pag-iyak. At sa palagay ko basang basa na ang manggas ng damit niya, ilang sandali pa ay kumawala na ako sa pagkakayakap niya sa akin at tymigil na rin sa pag-iyak.
"Salamat...." Saad ko.
"Okay lang mag-share, makikinig ako." Saad nito.
"Bakit mo 'to ginagawa?" Seryosong tanong ko.
"Kasi alam kong kailangan mo ako, feeling ko kasi ako lang nakakaramdam ng kalungkutang meron ka," paliwanag pa nito.
"Salamat," ulit ko pa.
"Makikinig ako," ulit din nito.
Tumango na lamang ako...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (32)

  • avatar
    Christian Napoles

    Wow

    10d

      0
  • avatar
    Diane Alcosaba

    good

    07/07

      0
  • avatar
    Adriane Deang

    pogi nga ako eh.

    05/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด