logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Have you gone mental?

Nanikip ang dibdib ng dalaga. Di siya makahinga habang pinagmamasdan ang lalaki. Grabe! Parang isa itong aparisyon. Isang biyaya mula sa langit, bumaba sa lupa para patuluin ang laway ng mga mortal na tulad niya.
Hinapit niya ang krus palapit sa kanyang dibdib. Ayaw niyang kumurap. Ayaw na ayaw niyang kumurap dahil baka maglaho ito sa harapan niya. Kung ito ang magsasama sa kanya sa kabilang buhay, pwede na bang kuhanin ang kaluluwa niya mula sa katawang lupa? Papayag siya kung ang lalaking ito ang magdadala sa langit.
Langit. Parang ibang klaseng langit ang pagdadalhan nito sa kanya. Hindi naman ito mukhang anghel. He looked like a sex icon. Baka dadalhin siya nito sa bulid ng kasalanan. Ang masama ay baka ialay pa nito ang virgin na tulad niya sa kampon ng kasamaan.
Ipinikit ulit niya ang mga mata. “Diyos ko, ilayo po ninyo ako sa tukso. Huwag po ninyo akong hayaang mabulid sa kasalanan ang kaluluwa ko.”
Pigil niya ang hininga nang marinig ang mga yabag nito palapit sa kanya. Nagtatayuan ang mga balahibo niya. Naramdaman niya ang pagtayo nito sa harapan niya. “H-Huwag po… Huwag po…” nausal na lang niya. Huwag siya nitong hahawakan dahil baka bumigay siya.
“Miss, anong ginagawa mo dito? At anong niluluhod-luhod mo diyan?”
Hinigpitan niya ang hawak sa krus at mariing pumikit. “Kailangang matahimik na ang kaluluwa mo. Kailangan mong magkaroon ng kapayapaan. Hindi ka dapat manatili sa malungkot na mundong ito. Pumunta ka na sa may liwanag.”
“Liwanag?” Naramdaman niya ang pagpantay ng mukha nito sa kanya. Naamoy niya ang mabango nitong hininga at ang sabong ginamit nito sa pagligo. Hmmm… yummy! Hindi ito amoy ng bangkay o bulaklak sa patay. Kung ganito kaguwapo at kabango ang multo, wala talagang matatakot. Kaso mukhang masungit ang multong ito. Hindi ito nakakatakot dahil multo ito pero naroon ang himig sa boses nito na parang di niya pwedeng salungatin ang sasabihin nito. Na parang sanay itong nasusunod. “Saang liwanag naman ako pupunta? Sa patay-sindi ang liwanag kung saan ka nanggaling? Sinong nagsugo sa iyo? Sila Cougar? Tell them that I don’t need you here.”
Cougar? Sinong Cougar? Leader ba iyon ng isang kulto?
Nanatili siyang nakapikit. Natatakot kasi siya baka pagdilat niya ay isa na itong naagnas na bangkay. “Ano… walang ibang nagsugo sa akin. Basta pumunta ka na sa kabilang buhay. Hindi ang mundong ito ang mundo mo.”
Humalakhak ito nang nakakainsulto. Tumama sa mukha niya ang mainit nitong hininga. Parang di iyon galing sa isang ispiritu. Parang kausap niya ay taong buhay. “Miss, anong mundo ang sinasabi mo? And what is with that cross?”
Bigla niyang idinilat ang mga mata. “Hindi ka ba natatakot sa krus?”
“Ano ako? Bampira? Aswang?”
“Hindi. Di ba multo ka? Di matahimik ang kaluluwa mo kaya nandito ka. Nandito ako para sa katahimikan ng kaluluwa mo.”
Napatitig siya sa pagkuwapo-guwapo nitong mukha. Saan ba nanggaling ang guwapong-guwapong multong ito? Bakit ganoon ito makipag-usap sa kanya? At bakit kakaibang init ang nagmumula sa katawan nito? Hindi niya magawang matakot dito. Parang nate-tempt nga siyang haplusin ang muscles nito kaso natatakot siya na baka biglang matunaw at maglaho. Sayang ang aparisyon.
“Bagong gimik ba iyan sa bar ninyo?”
“Bar? Anong bar?” naguguluhan niyang tanong.
“Nightclub. Whatever! At least hindi ka lumabas mula sa higanteng cake. Sorry, miss. Okay sana ang gimik mo kasi bago. Di ko alam kung gusto mo akong i-counsel or gusto mong maging spiritual adviser ko. May paluhod-luhod ka pang nalalaman. So I guess you are ready for action, eh?”
Ikiniling niya ang ulo. “Ha?” Wala siyang maintindihan sa sinasabi nito.
“Sabi ko mukhang handang-handa ka nang gawin ang trabaho mo.” Tumaas ang kilay nito at tumutok sa dibdib niya. “Nakita ko na ang sample mo.”
Nahigit niya ang hininga at dali-daling isinara ang butones ng blouse niya. “At bastos na…” Bastos na multo ‘to! Nanatili pa rin itong nakatitig sa kanya at nakangisi habang isinasara niya ang butones ng blouse niya. “Huwag mo nga akong tingnan.”
“Ano bang meron ka ang di pa nakikita ng iba?”
Tumaas ang kilay niya. “Excuse me?”
“I am sure hindi ako ang unang lalaking nakakita ng katawan mo. What the heck is with that prude act? Nagpapataas ka ba ng presyo dahil umaarte kang inosente?” Tumayo ito at naglakad palayo. “I am not buying it. Hindi rin ako interesado sa katawan mo, Miss. Kahit maghubad ka pa diyan, lumuhod, sumayaw, tumula, kumanta, hindi kita papatulan. Sorry. Hindi katulad mong babae ang pinapatulan ko, Miss. May taste naman ako.”
Napamaang siya. Ano daw? Iniisip nito na mababang klase siyang babae. Na nagbebenta siya ng aliw. Umakyat ang dugo niya sa ulo. Ang tigas ng mukha nito na isiping bayarang babae siya. “Gago ka pala! Hindi ako prostitute!” sigaw niya at sinugod ito. Kahit multo ito ay papatulan niya ito.
Plano niyang itutok ang krus sa noo nito para tuluyan na itong maglaho at manahimik. Pero nasobrahan siya ng pagtakbo. Sumigaw siya. Akala niya ay tatagos siya sa katawan ng lalaki. Sa halip ay bumangga siya sa isang matipuno at matigas na katawan. Pumulupot ang mga bisig nito sa katawan niya. Nanlaki ang mata niya nang bumagsak sila sa sahig.
“Ugh! That hurts like hell,” ungol nang lalaki nang bumagsak sila sa sahig. “I am not used to aggressive women, Miss. I want gentle...”
“N-Nasaktan ka?” gulat na tanong ni Alondra.
“Sinong di masasaktan? Ikaw kaya ang matumba at daganan?” angil ng multo sa kanya.
“P-Pero multo ka,” mahinang usal niya.
Nagdilim ang anyo nito at gumulong hanggang nagkapalit sila. Siya na ang nasa ilalim nito at ang galit pero guwapong mukha nito ang tinitingala niya. “Anong multo? Miss, pinaglololoko mo ba ako? Have you gone mental?”
Mental? Parang mababaliw na nga siya sa nangyayari.
Nakakulong ang katawan niya sa mainit nitong katawan. Mainit. Hindi naman mainit ang mga multo. Malamig nga ang mga ito. Dama niya ang bigat ng katawan nito na nakadagan sa kanya. Hindi tumagos ang kamay niya tulad ng nangyayari kung isa itong multo. Lumapat ang palad niya sa mainit nitong dibdib at naramdaman niya ang tibok ng puso nito.
Nanlaki ang mata niya. “Buhay ka?” Hindi ito multo. Isa itong tunay at buhay na lalaki. At halos hubad ito at magkadikit ang mga katawan nito. At iniisip nito na isa siya ngayong bayarang babae. At ano ba ang ginagawa ng isang bayarang babae? Hindi ba ibinibigay ang katawan nito sa lalaki… Isang malakas na tili ang pinakawalan niya. “Rape! Rape!”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (47)

  • avatar
    Felly Velasco Mejos

    ang Ganda ng kwento, nakakabitin lang🥰🥰🥰🥰🥰 salamat po author 🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰

    12/07

      0
  • avatar
    ortegaromelyn

    Nice story

    16/06

      1
  • avatar
    DeskilChariza

    Sobenag ganda ng story thank you pooo! 🫶

    26/05

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด