logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 1

Monday and Science. Pangalawang subject na namin 'to after ng math kanina. Also, another day at Nouvaunde University, Junior High Campus.
As usual Math, madali lang kung magfofocus at makikinig ka talaga. Well, our adviser is a great teacher and she really explains everything well. Ang tinuturo niya ay 'yung mas madaling paraan kaya wala ring nahihirapan sa amin.
"There are three types of convergence: The two-continental convergence, the two-oceanic convergence, and the oceanic-continental convergence." I listen to what our teacher was saying.
Well, kinda.
Nag advance study na ako kahapon after kong mag-grocery. That's how I spend my weekends. I don't do social media too because I find it really boring.
Pero kapag tinamaan ng katamaran, wala. Sira ang study schedule.
May biglang bumato ng papel na lukot sa aking harap. Lumingon ako galing sa gilid. Natagpuan ko ang nakangiti na sa aking si Leticia.
Ano bang gusto nito?
She was whispering and doing gestures like opening the paper. I just rolled my eyes at her tsaka bumaling sa harap. May bumato na naman kaya sinamaan ko na 'to ng tingin. Annoyed, I picked up the paper and open it.
Pakopya sa ARPAN please!!!
She always do this every day. I never give her my homework, tho. I'm not dumb. Hindi ko alam kung papansin o walang magawa sa buhay. Maybe both.
Nilukot ko lamang ang papel at tumayo. Tahimik ko 'yon tinapon sa basurahan. I glanced at her and saw how her eyes widened. Pake ko sa kaniya.
Ilang segundo pagkatapos kong umupo ko ay binato na naman niya ako ng papel. Huminga ako nang malalim. Nanggigil na ako ah.
Hinarap ko siya at nakangisi na ito.
"Can you stop. the. fuck. up.?" I said marking it with finality. She looks stunned. Napahawak pa siya sa dibdib.
"Grabe sa mura!" Sigaw na bulong niya sa akin.
"Ms. Fernandez, do we have a problem here" tawag ng teacher.
Napapikit ako nang mariin at bumaling kay Ma'am. Ako pa ngayon ang mapapagsagot!
"No, Ma'am," I said with no emotion. Tumango ito bago ituro ang libro.
"Okay, can you answer the question? On page 74. Number 1."
Tumango naman ako at kinuha ang libro ko. Alam ko na ang sagot dito.
"Read the question, too." Dugtong niya.
Tumango lang ulit ako. I read the question and followed it with the answer.
"Oceanic Ridges, ma'am"
She dismissed the class. Recess na kaya agad akong nagligpit at kinuha ang wallet ko. I was about to go out when someone taps my shoulder.
"Ba't 'di mo ako pinansin kanina!"
It was Leticia. Her voice was so high-pitched. Kabisado ko na.
I looked at her with bored eyes. Feeling close naman 'to.
"I did" sabi ko at umalis ngunit pinigilan na naman niya ako.
"Pakopya na kasi!" Pangungulit niya. I raised my eyebrows at her.
"Nagdaan ang Sabado't Linggo, ba't di mo ginawa?" She smiled innocently and hold onto my forearm. Hinawi ko iyon. I'm not used to affections.
"Nagdate kasi kami ng boyfriend ko" maharot niyang sagot.
I scoffed. "E 'di sa kaniya ka kumopya. And please, we're not close" I said irritatingly and went out. She keeps on calling me but I ignored her.
Puno ang canteen. It's Monday kaya gano'n. I went to my usual food. An egg and nugget sandwich. Pumila ako kasunod ang mga lalaking magkakaibigan na nagtatawanan.
A guy, a bit taller than me, looks at me. Nasa harap ko siya. Hindi ko na 'yon pinansin at pinanatili lamang ang tingin sa harap.
"Uh miss, mauna ka na" he said with a smile. I looked at him in the eyes. Nawala ang ngiti niya. What did I do?
"No, It's okay" sabi ko at humalukipkip.
"Sakit sa ilong ah" narinig kong bulong niya. I look at his side view. He looks like a teacher's pet. Clean cut and a neatly-ironed uniform.
He looks cute tho. Kausap niya ang isa niyang kasama. His teeth were showing. Bunny teeth. Iba rin ang kulay ng uniform nila. Special class.
"Uh miss, crush mo ba ako?" Anito.
Nagulantang ako at kumunot ang noo. Ang kapal ah.
"Hindi" I said as if it was ridiculous.
"Pero nakatitig ka--"
"I wasn't! Okay?" Tumaas nang bahagya ang boses ko. Nagulat siya roon at para bang natakot pa.
I sighed. Baka nagbibiro lang 'to pero ang kulit kasi!
"Uh, s-sorry" hindi ko alam kung bakit ako nautal?
Natawa siya at tumango.
"It's oka--"
"Lomi, tara na!" Nabitin ang sasabihin niya nang tawagin siya ng kaibigan. Hinila na siya ng mga ito.
"Wow, Bro! Type mo?" Pang-aasar ng isang may dimples.
"H-hindi ah! Pinapauna ko lang!" Namumula ang mukha nito at umalis na sila.
Tahimik akong napairap. Mga gwapo sana kaso assumero.
Napabaling ako sa nagtitinda nang tawagin ako nito. Pagkaabot sa'kin ng order ko ay nagbayad agad ako at umalis. Pagkadating ko sa upuan ko ay tahimik akong kumain. Binuksan ko ang bag para sana ibalik ang wallet ko nang matigilan dahil magulo ang loob noon.
I gritted my teeth. Nasaan ang babaeng 'yon?
Padabog kong binaba ang mga libro ko sa mesa. Gulat na napabaling sa akin ang iba ngunit wala na akong oras para bigyan sila ng pansin.
Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko sa sulok si Leticia na abalang nagsusulat sa kanyang notebook. Siyempre, kasama ang notebook ko.
Nilapitan ko siya at tumayo sa gilid niya. Inis na rin ako at naiirita sa kaniya. "I pity your parents for working their ass out just to pay for your tuition Leticia yet there's you, copying someone's hard work" I spat at her calmly.
She stopped writing and faced me. Her eyes were so sad and she looks so embarrassed. Bahagya naman akong natigilan.
Luminga-linga siya at gano'n din ang ginawa ko. Lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa amin. Tumikhim ako at hinarap siya.
Nagliligpit na siya ng gamit. Huminga pa siya nang malalim at humarap sa akin bago inabot ang notebook ko.
"U-uh, s-sorry Ayessa. P-pasensya na" aniya na tila ba'y iiyak na. Agad siyang nag iwas ng tingin.
Naguilty ako pero anong magagawa ko? I just did what I have to!
Tinanggap ko ang notebook. Magsasalita sana ako nang umalis siya at pumunta sa upuan niya.
My mouth were left hanging.
Sandali nga, masyado bang masakit mga sinabi ko? Nakakaguilty naman! Pero, ginawa ko lang naman ang tama. Binawi ko lang ang notebook ko since ako naman talaga nag hirap para sa assignment na 'yon! Tapos iba ang makikinabang?
I went back to my seat and ate my food. Nagpatay malisya na lamang ako sa nangyari ngunit nililipad ng isipan ko ang nangyari kay Leticia.
Why is she that affected? Did I say something that hurt her butt?
Sumulyap ako sa gawi ni Leticia. She has a book. An Araling Panlipunan book. 'Yon ang assignment namin.
Ayan naman pala. Kaya naman gawin kailangan pang mangopya.
Hindi ko napansin na nakatingin na din pala siya sakin. Agad naman akong nag iwas ng tingin at inubos ang pagkain.
After a day of lecture and discussion, finally, I'm gonna be home again.
Group of friends. Lovers. Iyan ang nakikita ko ngayon habang naglalakad sa hallway ng school. They were very loud and full of laughter. Something I haven't done yet for the past years.
Hindi ko alam kung nang-aasar ang buhay sa akin at may nangbangga pa sa akin na grupo ng kalalakihan. Mga nagmamadaling tumakbo at nasagi ako.
"S-sorry!" Anang lalaking naiwan at nanlalaki ang mata'ng nakatingin sa akin. Then I realized who it was. Siya 'yung lalaki kanina sa canteen.
His doe eyes that match his shocked face looks like he's too young to be in high school. O dahil lang sa kaniyang inosenteng mukha. And I can't help but admire his features. They were soft and even his skin has no signs of imperfections except for that one scar on his cheekbone.
"Lomi! Tara na!" Tawag ng kasamahan niya na binalikan pa siya. Tila nagulat at kalauna'y nang-aasar na titig na ang binigay nila sa akin at nung lalaking nagngangalang Lomi.
Sumimangot lang ako at sinamaan sila ng tingin. Nilagpasan sila at binangga pa ang isa sa kanila. Kung hindi ba naman sila magagaslaw, hindi nila ako matatabig!
I calmed myself. They're childish, Ayessa. Boys are childish.
Dumaan ako sa madalas kong binibilan ng takoyaki sa malapit sa sakayan at bumili ng dalawang order.
Pinanood ko kung paano ito lutuin. I want it a bit toasted kaya medyo matagal. Luminga-linga ako sa paligid. Nagkalat na rin ang mga estudyante at civilians.
I've been living like this for the past two years. Noong nga unang taon ko kasi ay hindi pa ako sanay at nag aadjust pa dahil sa new environment. Pero hindi ako nahirapan lalo na't maaayos naman ang mga tao dito.
A tall figure stands beside me. Hindi ko na ito pinansin at mukhang bibili lang din kaya gumilid ako. Naghalo ang amoy ng niluluto at ang kaniyang pabango. He's very manly. I glanced a bit at him for a second.
He's wearing a different uniform but has the same design as mine. Maybe a college student.
"90 pesos" napabalik ako ng tingin sa harap nang magsalita ang tindero.
Nagbayad ako at kinuha iyon. Feeling ko'y nakatingin sakin ang lalaki kaya nilingon ko ito.
The first thing I saw was his eyes. Those familiar ruthless eyes mirrored mine.
I folded my arms. Tinaasan ko ito ng kilay. Ganoon din ang ginawa niya. Unti-unting bumaba ang tingin niya sa bandang dibdib ko. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.
"Stop checking on me, frick" sabi ko.
"I'm not, chill. There's a stain right there" he said and point his finger at it. Mabilis ko itong tinignan at tama nga siya.
"Fuck" Bulong ko at ipinatong ang binili ko sa mesa. Agad kong kinuha ang alcohol ko sa bag at tissue.
Bago ko 'yon punasan ay kinuha niya ang kamay ko.
"You're doing it wrong. Kakalat lang 'yan" pagmamarunong niya.
I glared at him and removed his hands from mine harshly.
"Stop touching me, we're not close" I ignore what he said and wipe the stain using the tissue.
Kumalat nga iyon pero wala akong pake. Ayokong mapahiya kaya pinakapunasan iyon. I even heard his chuckle that made my blood boil.
Keep calm, Ayessa. May mga tao talagang papansin.
Pinigilan ko ang sarili kong mag alburoto dahil sa nangyari sa damit ko. Well, it was my fault too but I don't care!
I marched away from him after I get my order. Agad akong sumakay sa tricycle. Napuno din agad kaya agad akong nakauwi.
Bakit ba ang epal ng mga lalaki?! Isa kanina, masyadong isip bata. Tapos ngayon naman, itong lalaking matangkad na feeling close ay akala mo kung sino!
"You know what, Dos? Ikaw lang ang lalaking mabait na kilala ko..." parang bata akong nakikipag-usap sa aso ko.
He's playing with his toys and didn't even bother looking at me. I chuckled. Masyado na ba akong mag-isa para kumausap na ng aso? Well, siya lang ang kasama ko. May magagawa ba ako? At kung kaibigan man, ayaw ko. Hindi ko naman kailangan. Masaya na akong kausap ang sarili o 'di kaya'y si Dos.
Pero ang totoo, natatakot lang akong mangyari ang trahedya sa buhay ko na maiiwan lang din naman akong mag-isa.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (57)

  • avatar
    Tenchavez Angelo

    give me robux

    11/07

      0
  • avatar
    Mark Deivin Magno

    ang ganda neto

    06/06

      0
  • avatar
    NocalanPaul

    iiiiiiiiioiiooooooooiiooiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiuuuiiuuuiiiiiiiiiiiiuyuiuuiiuuiiiuuuuiiiuuuiiiiiiiuuuuiuuuuuuiiiuuiuuuuuuuuuuiiuuiiiiuiiiiiiiiiuiiiiiuuuiuuuiiueueueuehrhryeyeyeyeueueueyeeueueueueueueueuehehehehehehejheehshshheeheheueuejejejejejejehejdjjddudjjssjjsussjjsjssjsjussjjssjsjjsjssjjsjsjssjsjjsjssjsjjsdjeejjsjdjsjieisisisjsjdjdjjsjsjsjdjdjsjjsjsjsjsjdhjwjduhskfgishd his shdius gf dhejodhdowjdbueljdhduwbodhwofhyfb kekdgiwhfjiqgdoyejidgeodgodhw ka owgdb do whfisjehjrowidhhsjwiwjejejjejw

    03/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด