Simula no'ng huling pumunta dito ang mga Sandejas ay wala na akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa kwarto. I don't even wanna see my Dad kase masasaktan lang ako. I've never been the first choice after all. Sila lang naman palagi. Hindi ko nga alam kung parte pa ba ako ng pamilya na 'to. Kase pakiramdam ko hindi na. Should I run away? I shook my head. Hindi iyon ang tamang paraan. I sighed in frustration. Nasa gitna pa ako ng pag iisip nang makarinig ako ng katok mula sa pintuan ng kwarto ko. Walang gana akong naglakad palapit doon at binuksan ang pinto. Huli na nang mapag alaman kong si Elisse pala ang kumatok. "Well? How's your life going, sis?" mapang asar nitong tanong at ngumisi sa akin. I don't really give a damn about her at wala rin akong balak patulan siya ngayon dahil ayong maulit ang nangyari noon. Ako na naman ang magmumukhang masama. I faked a smile. "I'm good, Elisse. Lalo na noong mga panahong wala ka." Her grin suddenly vanished and her eyes were replaced with irritation. "So, are you happy na ikakasal ka? I've heard pa naman kay Mommy na ako dapat 'yon but sobra akong mahal ni Dad kaya ikaw ang ipinalit niya, " she mocked. Mahigpit akong napakapit sa doorknob habang pinipigilan na sumabog ako sa inis. Kahit labag sa loob ko ang sasabihin ko ay wala akong choice dahil ayoko naman pahabain pa ang usapin namin. "Oh, that? Ayos lang naman sa akin. Tutal may itsura naman si Shaun. Hindi na ako lugi, " nakangiti kong sabi. She blinked her eyes and curiously looked at me. "Shaun? You don't mean Shaun Sandejas, right?" I nod my head. "Uhm,yes. That's his name. Why? Do you know him? " Tumango ito at masamang tumingin sa akin. "You planned this right? Kunwari ka pang ayaw mo pero gusto mo 'tong nangyayari dahil si Shaun ang pakakasalan mo! " My forehead creased. "So, you really know him? Kung gano'n wag ako ang sisihin mo. First of all, si Tita Ysabelle ang hindi pumayag. Kaya nga ako 'yong naipit dito diba? " "Edi sana tumanggi ka rin!" naiinis nitong sagot sa akin. I shook my head. "Come on, Elisse! Para namang hindi mo kilala si Dad. No one can change his decision unless there's another option. Since kompanya ang nakasalalay dito. " Umiling ito. "I can't believe you! I'll talk to Dad, kung si Shaun pala pumapayag na ako." Nagkibit balikat lang ako. "If that's what you want. I don't care, " sabi ko at sinarado ang pinto. Malalim akong napabuntong hininga. Ngayong nandito na naman si Elisse tapos na ang katahimikan ng buhay ko. Buong araw ay akyat baba lang ako sa kwarto. Luckily, hindi ako napapansin ni Tita Ysabelle at Elisse ngayon. Maybe they are too busy talking about marriage. Anyway, wala na naman akong pakialam do'n. It's actually good for me kung papayag na si Elisse. But why? What's with that Shaun at biglang nagbago ang isip ni Elisse sa kanya? Or he's just simply the son of a millionaire? I shook my head and sighed. Hindi ko na dapat pinoproblema 'to. Masyado na akong maraming iniisip para dagdagan ko pa ng tungkol di ko naman kilala. Tahimik lang akong nanonood nang bigla akong makaramdam ng pagkabagot. Sakto namang tumawag si Alexa at nag aaya mag bar. Agad akong nagbihis at naglagay ng kaunting make up. I wore a black halter top paired with white high waisted jeans and black pump sandals. I didn't bother telling my Dad about it kahit alam kong nakauwi na siya. Mabilis akong naglakad papunta sa garahe habang dala-dala ang susi ng kotse. Binuksan ko muna ang gate bago nag drive palabas at pagkatapos ay isinarado ko ulit. Hindi naman ganon kalayo ang bar na sinabi sa akin ni Alex kaya mabilis lang akong nakarating doon. Nauna pa nga ako sa kanya ng kaunti. I parked my car and waited for her outside. Nang masilayan ko na siya ay kumaway ako sa kanya para makita ako. "Naunahan mo pa ako, ah! Hindi ka naman bored na bored sa inyo ano?"aniya. I rolled my eyes. " Kung alam mo lang. Hindi na ako grounded pero wala na akong ganang lumabas pagkatapos ng nangyari. " "Oo nga pala! Pogi naman si Shaun saka bigtime, ano ka ba! Baka naman crush mo rin 'yon—" Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay masama ko siyang tinitigan. She acted zipping her mouth pero wala pang limang minuto ay dinadaldal na naman niya ako. "Hoy! Seryoso ka ba? Hindi ko kilala ang isang Shaun Sandejas?" tanong nito nang makapwesto kami. I shook my head. "Hindi nga! Bakit required ba na kilala ko siya? Isn't he just an ordinary man?" Napatakip siya ng bibig at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. "Omg ka! Hello? Hindi ba dapat kilalanin mo siya kase ikakasal kayo? " "I don't care, " sagot ko at ininom ang margarita na nasa harap ko. Siguro dahil sa kadaldalan ni Alex kaya hindi ko namalayang madami na pala ang nainom ko. I've been drinking continously habang ang kasama ko naman ay maya't mayang umaalis sa pwesto niya para sumayaw. Tuloy-tuloy pa din akong umiinom kahit nakakaramdam na ako ng pagkahilo. I just want to forget all of my problems today. Umiikot na rin ang paningin ko at hindi ko na alam kung kaya ko pa ba magmaneho mamaya. Sinandal ko ang ulo ko sa may sofa at saglit na pumikit. Para akong hinihila ng antok pero ayoko namang makatulog dito kaya tumayo ako at nilibot ng tingin ang buong bar. Nang makita ko sa di kalayuan si Alex ay naglakad ako papunta sa kanya. Kaagad niya naman akong nakita at hinila ako papalapit. "Lasing ka na ba? Lakas mo ah kanina ka pa umiinom do'n. " "What? E, ikaw kanina ka pa yata naghahanap ng pogi dito, " sabat ko. Narinig ko ang pagtawa niya at bahagya akong hinila. Ano ba 'to tug of war? Inirapan ko siya dahil mas lalo lang akong nahihilo sa ginawa niya. Sa sobrang daming tao ay nakipag siksikan pa talaga kami. Napansin kong nakarating kami sa kabilang side kaya nagtataka akong tumingin sa kasama ko. "Anong ginagawa natin dito? " "Guess what? Magugulat ka sa makikita mo! " excited niyang sabi sa akin at bahagyang inikot ang katawan ko para mapunta sa direksyon tinuturo niya. Kunot ang noo ko nang makita ang isang pamilyar na lalaki malapit sa amin. Other girls are ogling at him samantalang siya naman ay nakatingin sa baso na nasa harap niya. What is he doing here? Mayroon siyang ibang kasama na may katabi ring babae sa magkabilaan. Tsk, mga lalaki nga naman. Hindi ko namalayan sa sobrang pagtitig ko ay nakatingin na rin pala siya sa akin. I saw him smirking and shaking the ice in his glass. Umismid ako sa kanya at umiwas ng tingin. Yabang! "Tara na nga! Wala naman magandang view dito, " naiinis kong aya sa kaibigan ko at naglakad palayo. Parang bigla akong nahimasmasan sa ininom ko kanina dahil sa nakita ko. Hindi ko alam pero naiinis ako sa presensya niya. And thinking na madaming babaeng nakapaligid sa kanya ay parang gusto kong umurong sa kasal. I don't want to affiliate myself with a womanizer. They're just a pain in the ass. Anyway, sigurado naman akong makukumbinse ni Elisse si Dad kaya wala na dapat akong ipag alala? Maybe? Or maybe not? Hanggang sa nakabalik na kami sa pwesto namin ay patuloy ko pa rin iniisip ang mga posibleng mangyari kung sakaling matuloy ang kasal namin. Damn! Pa'no naman ang chances ko na makahanap ng knight in shining armor ko? Ilang oras pa kaming nanatili sa bar at nang mapatingin ako sa cellphone ko ay madaming missed calls si Dad. Well, it's already half past eleven in the evening. I'm sure napag alaman na niyang wala ako sa bahay. "Hinahanap na ako ni Dad, " aniya ko. Nakaramdam na naman ako nang pagkahilo dahil uminom ulit ako pagkabalik namin. "Uwi na tayo? " tanong ni Alexa sa akin. I nodded my head and slowly stood up pero hindi ko na kayang tumayo ng tuwid. Feeling ko nga pati paglakad ay hindi ko na rin magawa. Baka matumba nalang ako nang wala sa oras. "Gosh! Ang dami mong nainom grabe kang babae ka, " reklamo ng kasama ko. "Hindi ba ikaw ang nag aya sa akin? " sabat ko. She faked a laugh and put my arm on her shoulder to support me. Dahil kailangan pa naming makipagsiksikan sa madaming tao para makarating sa pintuan ay muntik pa akong matumba. Not until I felt someone's arm on my waist. "Careful," he whispered. It suddenly sent butterflies on my stomach and I turned my head around just to see him. Kahit medyo madilim sa may dancefloor ay naaninag ko pa rin ang lalaking nakahawak sa akin. "S-Shaun?" gulat kong sambit. Naramdaman ko ang marahang pagsiko sa akin ng kaibigan ko kaya sinuway ko muna siya. "Naks, haba ng hair mo gurl! " bulong nito sa akin na agad ko namang inirapan. Masyadong pahalata! Di ko naman gusto 'tong lalaking 'to. "You're still here, " I said and awkwardly smiled. He nodded his head. "Yeah, uuwi na kayo?" Ako naman ang tumango. "Unfortunately, yes. We already had fun. " "Okay, " sagot nito pagkatapos ay tumalikod at naglakad papalayo. Bastos! "Halika na nga!" "Hala siya. Hindi ka naman galit girl? " pang aasar sa akin ni Alexa. Sinimangutan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Kahit nahihilo ako ay hindi ko inalintana pa dahil gusto ko na makauwi. Nang makarating kami sa parking ay saka pa lang kami naghiwalay at nagpaalam sa isa't isa. I was about to get the keys of my car in my bag when someone talked behind my back. "Miss, baka gusto mo sumama sa amin, " sabi sa akin nang isang humihithit pa ng sigarilyo. "No, thanks. I don't have time for guys like you, " sagot ko. Nang mabuksan ko na ang pintuan ng kotse ko ay pumasok na ako pero bigla akong hinila ng dalawang lalaki palabas. I don't have strength to fight back pero nagpupumilit akong pumiglas sa hawak nila. Medyo madilim rin sa parteng ito kaya imposibleng may makakita sa amin. Maybe it's because of the alcohol kaya nanghihina ako pero hindi sumuko. Gamit ang sandals ay madiin kong inapakan ang paa ng isang lalaki kaya napahiyaw ito at naalis ang kamay niya sa bibig ko. "Tulong!" sigaw ko. I didn't even noticed the tears rushing down my cheeks dahil sa sobrang kaba ko. Ang tanging gusto ko lang ay makaalis dito. "Palaban kang babae ka, ah. Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo mamaya—" Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay biglang may sumuntok sa kanya para mabitawan niya ako at ng isa pang lalaking kasama niya para sumugod. Nag aalala akong tumingin sa lalaking tumulong sa akin pero hindi ko siya maaninag kaya wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak. Bakit ba ang malas malas ko? Nang marinig kong tumigil na ang ingay ay agad akong napatigil sa pag iyak lalo nang lumapit sa akin ang lalaki. Nanginginig pa ang kamay ko at malabo rin ang paningin ko dahil sa pag iyak pero nawala ang pangamba ko nang mamukhaan ko si Shaun. Seryoso ang mukha nito at may bahid na galit ang mga mata niya. "Fuck! Are you okay? " he asked. I nodded my head. I'm not okay. 'Yan ang gusto kong sabihin sa kanya but I feel so tired and exhausted. He didn't even bother to ask me again but instead he pulled towards him and caged me his arms. Parang biglang bumuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko at hindi ko na napigilan ang umiyak. "Shh, it's gonna be okay. " He whispered to calm me down and caressed my hair. It's weird but I suddenly felt comfortable around him. Kahit nahihiya ako dahil nabasa ko na ng luha ang damit niya ay hindi pa rin ako umalis sa pagkakayakap niya. Maya maya pa ay umangat ako ng tingin at bahagyang lumayo sa kanya. I wiped my tears away and sadly smiled at him. "Pasensya na. You're not supposed to see me like this. Naabala pa tuloy kita. " He didn't answer and just stared at me with a stoic face. Inantay ko pa siyang magsalita pero hindi na naman kaya nagpaalam na ako. "Then…Mauna na ako. I'll just see you around—" "I'll drive you home." Natulos ako sa kinatatayuan ko at gulat na bumaling sa kanya. "W-What?"
nice story, waiting for the next chapter 💖
12/05/2022
0It's amazing story ..... ........
29/03
0wow😍😍
12/11/2024
0ดูทั้งหมด