logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 7 Magical Questions

POV: Uno
Tahimik lamang silang kumakain pagkatapos ng usaping iyon. Mabuti na rin lang dahil wala siya sa mood na sagutin ang mga katanungan nito tungkol doon.
Ngunit umiral na naman talaga ang kakulitan nito dahil ilang sandal pa ay muli na namang nagsalita ito.

“Uno, bakit ka pala nagmumura?” maya-maya ay biglang tanong na naman nito.
“Expression,” maikling sagot niya.
Wala siya sa mood, pero sa maikling panahon na magkasama sila ng babaeng ito ay tiyak niyang wala sa bokabolaryo nito ang salitang ‘mood’ at pakikisama sa mood niya. Tiyak niyang mas lalo lamang siya nitong kukulitin.
“Kasali kaya sa listahan kong bawal magmura,” nakalabing saad nito.
“Anong magagawa ko? Parte na yun ng pagkatao ko,” inis na sabi niya rito.
“Oh, high blood ka na naman. Hindi mo ba pwedeng pigilan man lang yun?” inosenteng tanong nito.
Ewan ba niya pero may kung anong kumalabit sa puso niya ng makita ang ekspresyon niyang iyon.
“Tsk! Anong gagawin ko kung nakasanayan ko na?” inis pa ring balik niya rito.
“Pwede namang baguhin kahit nakasanayan mo na,” mabilis na komento nito.
“Oh, di parang hindi na rin ako humihinga nun,” natatawang sabi niya.
Sumimangot naman ito.
“Ganito na lang. Ibibilhan kita ng candy kapag hindi ka nagmura,” nakangiting sabi nito habang tumatango-tango pa.
Bumunghalit siya ng tawa sa sinabi nito.
“T*angina! Ano ako? Bata?” natatawa pa ring aniya rito.
Mas lalo naman itong napasimangot dahil sa ginawi at pagmumura niya.
“Sige. Ganito na lang. Babawasan ko ng isang libo ang dalawang libong ibibigay ko sayo sa bawat murang sasabihin mo,” nakangiting sabi nito saka uminom ng tubig.
Nanlaki ang mga mata niya.
“T*ngina. Hindi pwede!” bwesit na sagot niya.
“199,000 na lang ang ibibigay ko sayo,” parang batang sabi pa nito habang tila nanginang pa ang mga mata nito.
“Bwesit! Hindi pa nga ako pumapayag ah,” pakikipagtalo niya.
“Then fine. I-reset natin. Kailangan mong makipag-compromise, Uno. Kasali yun sa bingay kong kondisyon,” seryosong sabi nito.
Naasar na siya pero kailangan niyang gawin yun.
Matapos lang talaga ito.
“Sige pero pwede bang magbigay ka naman ng kahit isandaang palugit. Hindi ko basta-bastang mawawala ito sa sistema ko,” asar na sabi niya.
“Fine. Lima lang,” babala nito.
Bwesit talaga!
Kunot noong bumaling siya rito.
“Sige. Payag na ako.”
“Yehey!” parang batang binigyan ito ng kendi.
Napailing na lamang siya.
“Ang cool ng eskwelahan niyo. Ang cool ng teacher niyong magturo kahit tinulugan mo lang. You have a lot of friends at school… and you actually… well, wag kang ma-offend ha… you’re an honor student,” hindi makapaniwalang sabi nito maya-maya habang kinakain nito ang isaw na binigay ni Mang Tonits.
“So sumama ka na sa school, natapos na tayo sa isang nasa listahan mo,” balewalang sabi niya rito.
“Hindi noh! Dalawang linggo kaya ang usapan natin,” mabilisang sagot nito.
Gusto niyang magmura ngunit iniisip niya ang perang kailangan niya.
Bwesit na buhay!
“Kaya pala ang lakas ng loob mong hindi pumasok, ang talino mo pala,” dagdag pa nito at bakas pa ang katuwaan sa mukha.
Para namanng ito ang siyang nagpapaaral sa kanya.
Nakita niya kung paano magningning ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Bakas doon ang di-makapaniwalang pagkamangha sa kanya.
Napailing na lamang siya sa kanyang isipan.
“Ano? In love ka na sa akin?” nakangising tukso niya rito.
“H-hindi ah! W-we’re f-friends! Isa pa hindi ba may girlfriend ka na?” namumulang sagot nito.
Natawa siya sa reaksyon nito.
“Talaga lang ha… bakit parang paulit-ulit ang issue mong yan? Nagseselos ka?” natatawa pa ring komento niya.
“Hindi ako nagseselos noh!” matinis ang boses na tanggi nito.
Kunot noo naman niyang tila nilinisan ang tenga niya gamit ang hinliliit.
“Oo na. Hindi na kung hindi. Ang ingay mo,” sabi niya dahil ang ingay nito kapag tinutukso.
“Eh kasi, ikaw ee,” nakangusong sabi nito.
“Kumain ka na lang.” pambabalewala niyang saad rito.
“Ano nga?” pangungulit pa rin nito.
“Anong ano nga?” kunot noong tanong niya rito.
“Girlfriend mo ba yun?” muling tanong ng makulit na White Lady.
“Tang---” ngunit natigilan siya sa akmang pagmumura. “---sang gala naman eh…bakit ba ang kulit mo,” naiinis na dugtong niya.
“Eh ano nga?” hindi pa rin paaawat na pangungulit nito.
“Tsk! Wala. Hindi ko siya girlfriend. Feeling niya lang yun,” napapailing na sabi niya.
“So, paasa ka lang talaga?” taas kilay na komento nito.
Kunot noong tiningnan niya ito.
“Hindi ako paasa. Siya ang kusang umaasa. Kumain ka na nga lang! Paulit-ulit ka rin eh!” bulyaw niya rito.
Muli naman itong napanguso.
Bahagya niyang hinila ang kanyang buhok sa inis.
Bwesit! Tatanda siya ng maaga rito.
“Saan ka mag-c-college, Uno?” matamis ang ngiting tanong nito maya-maya habang pumupunta sila sa likod ng karindirya ni Mang Tonits. May mga bangkong kahoy kasi ito roon.
Napatigil siya sa pagkain ng Betamax sa tanong nito saka nagkibit ng balikat.
“Sige na, saan nga, tsaka anong kukunin mo?” pangungulit nito.
“Kasali ba to sa listahan mo? Kasi kung sakaling ito na ang tinatawag mong “10 magical questions” sasagutin ko para mawala na rin yun sa listahan mo,” mahabang aniya.
“Ok. Fine. Let’s start my 10 magical questions. Bawal kapag hindi mo sinagot ang tanong ko, madadagdagan lang yun,” babala nito saka umupo sa isang sementadong bangko roon.
“At kapag nasagot ko, tatanungin din kita,” nakangising sabi niya rito.
“Ayoko nga, ibibilhan na lang kita ng Betamax o kaya isaw,” nakangusong sabi nito.
Napailing na lang siya.
Ayaw na niyang kulitin pa ito dahil tiyak na siya lang ang mapeperwisyo.
“Ok. Question no. 1: Can you tell me 10 things about yourself?”
“Kailangan talaga sampu?” natatawang at napapailing na sabi niya.
“Eh, siyempre. Knowing you, napaka mo. Baka mamaya sabihin mo lang sa akin ang first name mo. Sayang ang question,” taas noong sabi nito.
Napailing siya ngunit napapangiti. Ilang araw pa lang niya itong nakikilala pero alam na nito ang takbo ng isipan niya.
Napag-isip siya habang nagbibilang.
“One, my nickname is UNO at Oriales ang apelyido ko. Hindi ko pwedeng sabihin sayo ang buo kong pangalan kahit kaibigan pa kita dahil maski sina Gani hindi alam yun. Second, I don’t want to talk about my family. Third, meron akong photographic memory kahit na g*go ako…”
“Wag ka ngang magmura. Apat na lang,” putol nito sa sinasabi niya.
“Bwesit naman.” Mahinang bulong niya.
Tinaasan lang siya nito ng kilay.
“Tsk! Oo na.” napipilitang saad niya.
Napabuntong hininga na lamang siya.
Matapos lang talaga iyo… pupunuin niya ang mura ang buong eskwelahan nila.
Tsk!
“Fourth, uhmmmm, pumapasok lang ako pag may nabalitaan akong exam kaya ako pumapasa. Fifth, gusto ko ng kulay itim. Sixth, magnanakaw ako pero minsang tumutulong dito sa karindirya ni Mang Tonits kapag wala na akong makain. Seventh, ayaw ko sa mga tulad mong madaldal. Eighth, marami akong kaaway. Ninth, nakulong na ako noong bata pa ako pero pinalabas din at dinala sa DSWD pero tumakas ako. And lastly, mahilig akong makipag-away,” bored na sabi niya saka kumain ng Betamax.
“Ang haba ng sinabi mo,” nakangiting sabi nito.
Umiling na lang siya habang kumakain ng Betamax at hindi na nagkomento pa sa sinabi nito dahil baka mas lalo lang siyang mainis at makapagmura pa.
“Ok. Question No. 2, ano ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa?”
“Tumalon sa bangin,” seryosong sabi niya.
Lumipad naman ang kamay nito sa balikat niya para hampasin siya.
“Aray, t*ngina…ang sakit ha,” inis na sabi niya rito.
“Eh nagmura ka na naman eh. Tatlo na lang,” naningkit lalo ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
“Eh anong magagawa ko? Nakasanayan ko na,” inis na sabi niya.
“Kasama sa list ko na huwag kang magmura,” sabi nito.
“Anong gagawin ko? Nadudulas ang bunganga ko. Psshh…” paingos na saad niya.
“Fine. Kapag nagmura ka, bukod sa mawawalan ka ng isang libo ay bawal kang manigarilyo ng isang araw.” Ani ng makulit na White Lady.
“Ano?! Hindi pwede!” kontra niya.
Napangiti ito ng maluwag. Tila nakaisip ng isang napakagandang ideya.
“Tama. Kailangan mahirap para hindi mo na gawin. Ayan, kendi. Smoking is not good for your health and to other people’s health, too,” seryosong sabi nito sabay bigay sa kanya ng kendi.
“Hindi rin ito pwede sa ngipin,” asar na sabi niya rito.
Inirapan lang siya nito. At least naman okay pa rin ang lungs mo.
“Pero kawawa naman ang ngipin ko…” mahinang bulong niya.
“Basta. Isang mura, isang araw na walang sigarilyo at tatlo na lang ang palugit ko…kungdi!” napalakpak pang sabi nito.
“Bwesit na kondisyon yan…” mariing bulong niya.
“Ano?” nakangusong tanong ng bibeng White Lady.
“Wala!” inis na bulyaw niya rito.
“Hmp! Huwag ka ngang sumigaw diyan! Anyway, back to the topic. Ayusin mo nga ang sagot mo, anong tumalon sa bangin. Baliw ka ba?” kunot noong tanong ng Anghel.
“Eh, yun ang sagot ko eh.” Kibit balikat na aniya.
Napabuntong hininga ito.
“Fine. Question No. 3, nasubukan mo na bang pumunta sa ibang lugar? Like Tagaytay?” excited na saad nito.
“Hindi pa,” ngumunguyang sagot niya.
“Wala ka pang ibang lugar na napuntahan bukod dito sa Maynila?” di-makapaniwalang tanong nito.
“Question No. 4 na ba yan?” bored na tanong niya.
“Hindi ah, follow up question.”
“Kung ganun, hindi ko sasagutin.”
Inirapan siya nito.
“Fine. Question No. 4, wala ka pang ibang lugar na napuntahan bukod dito sa Maynila?” napipilitang sabi nito.
Gusto niyang mapatawa pero huwag na lang at baka matuwa pang lalo ang White Lady na ito.
“Wala pa,” bored na sagot niya sa walang kwentang mga tanong nito.
Inirapan siyang muli nito saka umingos.
“Question No. 5, anong talent mo?” biglang tanong nito.
Nangunot ang noo niya sa sumunod na tanong nito.
“Isasali mo ba ako sa contest?” nanlaki ang mga matang saad niya.
Bigla itong humagalpak ng tawa sa sinabi niya.
“Of course not. Gusto lang kitang makilala. Kaibigan kita eh,” natatawa pa ring sabi nito.
Ngunit wala siyang tiwala sa sinasabi nito.
“Magnakaw ang talent ko,” malamig na sagot niya.
“Baliw ka talaga. Pwede kang joker,” nakangusong sabi nito.
Bigla itong huminga ng malalim. Namumula na ito.
Pinagtaasan niya ito ng kilay. Mukhang hindi ito sanay sa mainit. Sabagay. White Lady ito. Baka bigla na lang itong malusaw. Natawa siya sa naisip.
“W-wait lang. CR lang ako,” biglang sabi nito saka nagmamadaling pumunta ng CR.
“Huwag kang tumae diyan!” natatawang paalala niya.
Ilang minuto pa ay hindi pa lumalabas si Angel sa loob ng CR.
“Tumatae na ba talaga yun?” bulong niya sa sarili.
Napailing na lamang siya.
“Uno, pinapasabi ni Angel na uuwi na siya. Sumakit daw bigla ang tiyan niya. Pinapasabi niya bukas na lang daw kayo magkita,” sabi ni Mang Tonits nang biglang lumapit ito sa kanya.
Humaglapak siya sa tawa.
“Sabi ko na nga ba…natatae na yun eh,” natatawa pa ring sabi niya rito.
Matipid at pilit na ngiti lamang ang sinagot ng matanda.
“Sige, Mang Tonits salamat sa pagkain. Sa susunod po ulit,” paalam na rin niya rito.
Ibinuka nito ang bibig ngunit agad ring tinikom saka tinapik ang kanyang balikat.
“Sige. Mag-ingat ka Uno,” sabi na lamang nito.
Nagkibit balikat na lamang siya saka umalis sa lugar.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (9)

  • avatar
    RoxasAriel

    ganda nang story write more

    5d

      0
  • avatar
    Adrian Franco

    iohs

    17/06

      0
  • avatar
    Margie Agustines

    it's so pretty

    29/01

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด