logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

ILMLFY: 5

Inangat niya ang tingin. “Talaga?”
Tumango ito at ngumiti. Kinuha nito ang lifevest. "Isuot mo na lang 'to."
Nahigit niya ang hininga dahil sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. And she became physically aware of him because he could almost brush the top of her breast. May nakaharang lang na makapal na lifevest pero parang aware na aware ang katawan niya dito.
Nawala ang takot niya ng bahagya pero di pa rin iyon tuluyang nawawala dahil patuloy pa rin ang pagbayo ng malakas na ulan sa kanila.
“S-Salamat,” nausal niya subalit nangangatog pa rin siya takot.
“Parang hindi ka naman lumaki sa tabing-dagat. Alam mo naman na kapag ganitong oras umuulan dito. Saka normal lang ang mga alon na ‘yan.”
Tinakpan niya ang tainga nang muling kumidlat. “H-Hindi ko na maalala.”
Mula nang umalis siya sa La Carmella ay di na ulit siya madalas sa dagat o sumakay ng bangka maliban sa Guimaras. Sa kasamaang-palad ay di pa maganda ang alaala niya doon.
Inakbayan siya nito at ihinilig sa balikat nito. “Isipin mo na lang na masamang panaginip lang ito. Ipikit mo ang mata mo at matulog ka.”
Inangat niya ang ulo at tumututol itong pinagmasdan. “Parang ganoon lang kadali iyon. Hindi ko nga alam kung makakatulog pa ako,” aniyang mangiyak-ngiyak ulit. “Paano kung paggising ko nasa kabilang buhay na ako.”
Idiniin nito ang ulo niya sa balikat niya at pumalatak. “Ang kulit! Pikit na!”
Tututol sana siya nang marinig niya ang paghimig nito. “There’s a song that’s inside of my soul. It’s the one that I tried to write over and over again…”
Nahigit niya ang hininga. Paborito niya ang kantang iyon. Hindi ba’t napaos na si Mandy Moore kakakanta no’n para sa kanya. Pero iba pala ang dating kapag lalaki ang kumanta at si Orion. Ipinikit niya ang mata at pakiramdam niya ay ipinaghehele siya. Kumapit siya nang mahigpit sa harapan ng T-shirt nito na parang ito ang tinutukoy sa kanta. Ito lang ang pag-asa niya ngayong natatakot siya. Ito lang ang makakapitan niya.
Wala na siyang narinig na malakas na ulan, kulog o kidlat. Mistulang duyan lang na nagbibigay ng kapanatagan ang mga higanteng hampas ng alon. Ang tanging mahalaga lang sa kanya ay si Orion at ang init ng yakap nito.
Nagulat pa siya nang tumama ang liwanag sa mukha niya. Inangat na pala ang mga tarapal at nasilayan na niya ang araw sa langit. Animo’y wala nang bagyo.
“Sabi ko sa iyo, mawawala rin ‘yang ulan na ‘yan,” wika ni Orion.
Nahigit niya ang magandang tanawin. Bahagya nang kahel ang langit dahil ilang oras na lang ay lulubog na ang araw. Natatanaw na rin niya ang mga kalapit na isla. Payapa na ang dagat na mistulang ginto rin dahil sa pagtama ng sikat ng araw.
“Ang ganda,” usal niya nang mapagmasdan iyon.
“Parang ngayon ka lang nakakita ng ganyan,” wika ni Orion.
Ngayon lang niya na-appreciate ang ganda na dati ay normal lang sa kanya. Kailangan yata niyang umalis ng matagal sa La Carmella para makita ang tunay na ganda ng lugar kung saan siya lumaki.
Huminga siya ng malalim at ngumiti. Masarap mabuhay. Buhay pa siya. “Buhay pa ako. Buhay pa ako!” sigaw niya.
Humalakhak si Orion. “Siyempre. Buhay ka pa nga. Buhay pa tayo. Mabuhay!” Inakbayan siya nito. “Okay ka lang, di ba?”
“Oo naman,” aniya at ngumiti dito. Saka lang niya ito napagmasdang mabuti.
So Orion had become more gorgeous. His maturity gave him a raw appeal. Feeling kasi niya ay pa-cute lang ito noon. Cute naman ito pero mas may lalim na ito ngayon. Parang gusto niya itong halikan nang mga oras na iyon.
“Ano? Gusto mo akong halikan?” tanong nito at inilapit ang mukha sa kanya. “Sure.”
Nanlaki ang mata niya. “Ano? Wala akong sinasabing ganoon!” Malakas ba niyang nasabi? O baka naman nabasa nito ang utak niya. Pinalis niya ang pagkakaakbay nito. “Saka nakarami ka na ng yakap sa akin kanina.”
“Ang lagay nilagyan mo ng malisya iyon?” tanong nito.
“Siyempre hindi. Itulak kita diyan sa bangka!” banta niya at bumalik sa upuan.
Hindi na niya ito tiningnan pa at naggalit-galitan. Pero ang totoo ay gusto niyang batukan at sabunutan ang sarili. Ano bang ginagawa niya? Mukha siyang tanga kanina.
Hormones. It was just hormones. Must be that time of the month that she become amicable to a man. Any man. Nabasa niya sa libro na may ganoon daw tendency ang mga babae. A mating period of sort. At kung sino ang attractive na lalaki sa malapit ay doon nagkakaroon ng reaksiyon ang katawan niya.
Darn hormones! Hindi pwedeng madiliman ang judgment niya. Nagkataon lang na si Orion ang nandoon. Pero oras na makita niya si Vic-Vic, tiyak na mag-iiba ang lahat. Siyempre mas mamamayani ang laman ng puso niya. Ang kailangan lang niyang gawin ay i-sustain ang nalalabing oras kasama si Orion. Makokontrol niya ang hormones niya at magtatagumpay ang pag-ibig. Pagsubok lang ito.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (21)

  • avatar
    Kathelene Mae Albao

    maganda

    30/01

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Wow ganda!

    24/01

      0
  • avatar
    JM Ody

    excellent

    13/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด