logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5: SUSPICIONS

Xamel's POV
"HINDI KA PA TAPOS MAG-ARAL, PERO KAL*NDIAN NA ANG INAATUPAG MO?!"
Bulyaw at sampal ni Papa kay Xandy ang naabutan ko pagkarating ko sa bahay.
Dali-dali akong lumapit sa kanila at inilayo si Xandy kay Papa.
Hawak nito ang kaliwang pisngi niya. Masakit 'yon alam ko. Mabigat ang kamay ni Papa, kaya sigurado akong mahapdi iyon sa balat.
"Pa? Ano bang ginagawa mo? Bakit mo sinasaktan si Xandy?" nanggagalaiti kong tanong.
Siguro naubusan na naman 'to nang pasensya sa trabaho niya? Parati kasi 'yan ganyan. Kapag may hindi nagustuhan sa trabaho, pag-uwi, kami rito sa bahay ang pagbubuntungan niya ng galit at inis niya.
Napaka-irrational e 'no?
Bigla niya akong tiningnan sa mata. Galit na galit ito. At kitang-kita sa talim ng tingin niya sa 'kin.
"IKAW! ISA KA PA! GABI NA, PERO NASA LABAS KA PA RIN? LUMAL*NDI KA RIN BA?! HA?!" nanggagalaiti nitong tanong na ikinagulat ko.
Grabe.
I can't believe he's accusing me that I'm a whore.
Ganiyan ba talaga kababa ang tingin niya sa'kin? Hindi ko matanggap na ang sarili kong ama ay ganiyan ang tingin sa 'kin.
Ang sakit.
Never akong nakatanggap ng suporta mula sa kanya. Never akong nakarinig nang mga encouraging words mula sa kanya everytime na may problema at malungkot ako.
Tapos?
Tapos ganito?
Ang sarap mag mura. Ang sarap niyang murahin sa mukha!
Hangga't maaari, ayokong ipakita na nasasaktan ako sa mga paratang niya. Hindi naman dapat ako masaktan kasi hindi naman totoo. Pero 'yung isipin na ganon ang tingin niya sa 'kin? Parang nakakabastos na 'yon bilang anak.
Ang nakakainis minsan sa mga magulang natin, porqúe sila ang magulang at mas matanda, iniisip nila na ang lahat ng sasabihin at gugustuhin nila ay TAMA.
Nakakairitang mind set.
Tao rin naman ang mga anak nila. May damdamin rin at nasasaktan. Hindi man lang nila i-consider 'yong opinyon ng mga anak nila. Hindi man lang nila isipin na 'yung iba nilang desisyon para sa anak nila, ay nakakasakit na.
Kahit nasaktan ako sa sinabi ni Papa ay sumagot pa rin ako ng malumanay. Ayokong sumagot ng pabalang dahil, magulang ko pa rin siya.
"Hindi po, Pa, galing po ako kila Teacher Jenni. Tinuturuan ko po 'yung anak niya 'di ba?" pangungumbinsi ko sa kanya pero walang bakas nang pagiging kumbinsdo ang mukha niya.
Tumalikod ito at sinabunutan ang sarili. Nang muli itong humarap ay dinuro kami ni Xandy.
"ALAM MO, XAMEL? HINDI AKO PINANGANAK KAHAPON PARA GAWIN MONG TANGA!" sigaw niya sa 'min na naging dahilan para mapaiyak lalo si Xandy.
Walang magawa si Xavier. Hindi siya makaawat dahil alam niyang 'pag sumali siya, baka pati siya, madamay sa sermon.
Umupo si Papa sa pwesto niya at kinuha ang pakete ng sigarilyo niya.
I scoffed.
Sagad-sagad kung mang-akusa akala mo napakaperpekto niyang tao.
Nang masindihan niya ang stick ng sigarilyo ay nagsalita ito.
Mga salita na naging dahilan para lalo akong hindi makagalaw aa pwesto namin ni Xandy.
Muli niya kaming tiningnan sa mga mata.
"Ginagaya niyo 'yung nanay niyong b*rik*t?! 'Yung nanay niyong ginawang p*hunan ang ari para magkapera at mabuhay?!"
Ang sakit na ng mga sinasabi niya. Akala ko todo na ang lahat nang pangit na pag-uugali na ipinapakita niya sa araw-araw na magkasama kami, hindi pa pala.
"Nangakong magsusustento 'yung t*ng*nang nanay niyo mula sa Canada, pero may pinadala ba kahit butas na piso?! Wala!"
Sumusobra na siya.
"Tama na, Pa, pwede ba?!" giit ko at may luhang pumatak sa kaliwang mata ko.
Oo masama ang sumagot nang pabalang sa magulang. Pero hindi ko na maatim ang mga lumalabas sa bigbig niya.
Gabi na at nakakahiya na sa mga kapitbahay namin. Mga boses na lang namin ang umaalingaw-ngaw sa lugar namin.
Padabog itong tumayo at nilapitan kami ni Xandy.
Sa tapat siya ni Xandy siya huminto at si Xandy naman ay lalong nagtago sa likuran ko.
"Hiwalayan mo 'yung boyfriend mo na 'yun Xandy, ngayon na! Bilis!" utos nito sa kapatid ko.
"A-Ayoko po! Mahal ko siya!" nauutal na sagot ni Xandy kay papa na lalong nag pa-trigger sa kanya.
Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Walang anu-ano'y pumasok si Papa sa loob ng kwarto namin at may kinuha.
At nang makita namin ito ay talaga namang nanlaki ang mga mata namin.
Mga gamit ni Xandy sa eskwela ang kinuha niya. Ikinalat niya ang laman ng bag sa kahoy naming mesa.
May hinugot siya sa likod ng pintuan namin.
'Yung matalas niyang itak?
'Wag mong sabihing pipira-pirasuhin niya 'yung mga gamit ni Xandy?!
Napaatras kami ni Xandy nang buong pwersang pinagtatadtad ni Papa ang gamit ng kapatid ko. Walang nagawa si Xandy kung 'di ang umiyak.
Hindi na rin ako nakapigil dahil baka ako naman ang tagaain niya. Mahirap nang pumigil lalo na sa mga taong maiksi ang pisi ng pasensya.
Niyakap ko na lang si Xandy para 'di niya makita ang kinahinatnan ng mga gamit niya.
Hapong-hapo ang tatay naming walang puso't konsiderasyon matapos niyang masira ang mga gamit ng anak niya.
Hindi man lang sumagi sa isip niya na dahil sa ginawa niyang paninira ay may nasira rin siyang nakaabang na kinabukasan.
Matapos ang nangyari ay umalis ito na parang walang ginawang kasahol-sahol.
Nakakapagtaka at nakakapanlumo na may mga taong katulad niya.
Sinubukan kong patahanin ang kapatid ko buong gabi. Tinanong ko si Xavier kung ano ang naging puno't dulo ng pagwawala ng tatay naming siraulo.
"Nahuli niya sa labas si Xandy. May humalik na lalaki sa pisngi niyan, kaya ayan, galit na galit tuloy si Papa," salaysay nito habang nakasandal sa pader namin gamit ang unan niya.
Bumaling ito sa pwesto ni Xandy.
"Ikaw naman kasi, gagawa na nga lang ng bagay na labag sa batas ni Papa, magpapahuli pa!" inis na saad nito pero hindi siya inimik ni Xandy.
Ngayon paano na? Hinhinto na talaga si Xandy sa pag-aaral niyan kasi, wala nang libro ang pwede pang mapakinabangan. 'Yung mga notebook niya na pwede pa sanang magamit sa susunod na school year, gula-gulanit na lahat.
Hindi ko na alam kung anong salitang makakapagkumbinsi ang sasabihin ko sa kanya. Pati ako nawalan ng pag asa dahil sa nangyari.
Sana lang hindi nararanasan ng ibang anak ang nararanasan namin mula sa tatay namin.
Hindi sapat ang salitang masaklap para ilarawan ang buhay at kalagayan ng pamilya namin.
Ang hirap-hirap ayusin ng isang pamilyang alam mong matagal nang sira.
Ang hirap baguhin ng mga taong kahit anong pilit mo sa kanila, kung wala talagang balak magbago, wala kang magagawa.
Ang hirap tanggapin na isang amang katulad niya ang naging tatay namin.
Ang hirap alisin sa isip na kahit gaano pa ako kapositibo sa buhay, kung ang pamilya kong pinanghuhugutan ko ng lakas ay mahina ang pundasyon.
Nakakapanghina.
Ang sakit palang mabuhay.
Kung totoo man ang reincarnation, sana, sana lang, hindi kagaya ni Papa ang magiging tatay ko sa susunod na buhay.
Masama ang maniwala sa paniniwala ng ibang relihiyon, pero alam kong alam ng Maylikha kung gaano kahirap ang sitwasyon ng pamilya ko ngayon.
Nawa'y gabayan niya kami. Nawa'y mas maging matatag pa ako sa kahaharapin kong pagsubok. Nawa'y mas maging maunawain pa ako sa lahat ng sitwasyon.
Sana bukas paggising ko, sana kahit papaano, umayos na ang lahat.
Sana.
-----
Third Person's POV
Naiwan si Maru, Dean at Charm na naguguluhan sa biglaang pag-alis ni Xamel.
Ilang beses nila itong tinawag nung palabas ito nang bahay, ngunit hindi man lang ito lumingon at nagpaliwanag kung ano ang nangyayari at kung bakit siya aalis nang biglaan.
Naalala ni Maru na may nakausap sa phone ang kaibigan bago ito patakbong lumabas ng bahay nila Charm.
"Kanina may tumawag sa kanya, pero hindi ko kilala kasi hindi ko naman narinig ang usapan nila," Maru stop for a second, "pero no'ng may tumawag sa kanya, bigla na lang siyang lumabas at nakakapagtaka 'yon," He continued.
Bakas naman ang pag-aalala ng mga kaibigan ni Xamel. Kahit ayaw nilang aminin sa isa't-isa ay naiisip nilang involved dito ang killer.
"Let's chat her and check if she's fine," Charm convinced the boys.
Agad naman nilang inilabas ang gadget ng bawat isa.
Habang sila'y nagko-compose nang message para kay Xamel ay sabay-sabay silang nakatanggap ng isang mensahe mula sa hindi kilalang numero.
Napatingin sila sa isa't-isa bago nila binuksan ang message.
never truSt someone wHo
cAn leave you without hesitation,
if they can't bid goodbye
then Maybe,
they havE
pLans,
&
u better HIDE.
- 14iehtil0110001sol
That message made them confused and lost.
Kanino galing ang message na 'yon? Sa killer kaya? Pero paano naman nalaman nito ang mga number nila?
Dean, tried to decipher the message.
He put down all the capital letters and they all gasped because of what Dean got.
S-H-A-M-E-L
Hindi alam ni Maru ang dapat na maging reaksyon. Paanong magiging kakampi ng killer si Xamel? E ito ang nag-assign ng mga tasks nila kahapon?
Imposibleng mangyari 'to. Hindi magagawang traydorin sila ng kaibigan.
Sa kabilang banda ay natakot at nainis si Charm sa nakita nila mula sa nakuhang clue ni Dean.
"Xamel knows something... S-She's hiding something from us!" nauutal nitong saad.
At lalo pang nagpagulo at nagbigay dahilan sa dalawang binata na maghinala nang sabihin ni Charm ang huli niyang pagdududa.
"The kill*r might be using her, to spy on us! Planado na nila 'to! At si Xamel ang gagamitin para mapat*y niya tayo!"

หนังสือแสดงความคิดเห็น (81)

  • avatar
    Bai Nisan Digla Unotan

    so amazing

    9d

      0
  • avatar
    Eil Maurice Perez Dudass

    godjob

    17d

      0
  • avatar
    Trixia Omandam

    Goods story

    16/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด