logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 1: THAT SUMMER

Xamel's POV
"Xandrea Potter po?"
Rinig kong tanong ng rider sa mga bata sa kalye na kakahinto lang sa tapat ng street namin.
Ngunit walang pumansin sa kanya dahil, patuloy lang sa paglaro ang mga bata. Parang walang narinig, ang babastos talaga.
Kailan kaya magkakaroon ng improvement 'tong community namin? 'Yang mga bata na 'yan, hindi 'yan naka enroll last school year. Parang okay lang sa mga magulang nila na maging laman ng lansangan ang mga anak nila. Hindi man lang nila pag-aralin para kahit papaano, magkaroon ng pagbabago.
Napailing na lang ako at inalis sa isip ang problema ng lipunan namin.
Tinuloy ko ang paglalakad para makauwi na sa bahay. Alas kwatro na ng hapon at kakagaling ko lang sa napag-extra-han ko. Ni-contact kasi ako n'ong teacher ko n'ong preparatory at pina-tutor niya sa 'kin 'yong anak niyang grade 7 pa lang. Kahit 'di ko na masiyadong matandaan ang lesson n'ong grade 7 ay, pumayag na ako dahil, kailangan ko ng pera.
Noong marating ko ang pwesto ni kuyang rider ay ako naman ang tinanong niya.
"Miss, may kilala ka bang Xandrea Potter?" tanong nito sa 'kin.
Halos mabasa na ang suot nitong mask dahil sa pawis sa mukha.
Sasagutin ko na sana siya nang biglang may sumigaw na babae.
"AKO 'YON KUYA!"
Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses, at grabe na lang ang pagkalaglag ng panga ko sa nakita ko.
'Yong magaling kong kapatid pala.
Kailan pa siya naging Potter?!
Kaya pala parang familiar 'yong pangalan, susme.
Naguguluhan ko siyang tiningnan pero, parang hangin lang ako sa kanya dahil 'di niya ako pinansin at abot tenga niyang inaabot mula kay kuya 'yung parcel.
"Miss Xandrea Potter po?"
Muling tanong ni kuyang rider.
"Correction kuya, MRS. XANDREA POTTER po." apila nito at hinawi pa ang buhok.
Kahit naguguluhan ang rider ay tuluyan nang inabot sa kanya ang parcel. Binayaran naman siya ng kapatid ko. Sinabihan siya ng rider na kukuhaan siya ng picture para sa proof na na-receive na niya.
Agad na nag-pose ang buang kong kapatid saka malawak na ngumiti sa camera ni kuya.
Napatawa na lang ako ng bahagya. For proof and transparency lang naman bakit may posing pa 'tong nalalaman 'tong babaeng 'to?
Ang lakas pa ng trip, pati last name pinalitan.
"Thank you kuya!" saad nito at tinalikuran na kami.
Tuwang-tuwa ang bruha habang tinitingnan ang parcel.
"Magkakilala po kayo?" biglang imik ng rider.
"Ah, oo kuya. Actually kapatid ko po 'yon at hindi po Potter ang apelyido namin, Pillado po."
Sagot ko sa kanya nang nakangiti.
Napakamot si kuya sa batok niya at pinaandar niya na 'yung motor niya saka umalis.
Dali-dali kong sinundan ang kapatid ko at sinabayan siya sa paglalakad.
Napatingin ito sa 'kin pero umiwas agad ng tingin. Ayos ah? Saan ba galing 'yang pera na pinang order mo?
"Hoy Xandy? Kailan ka pa naging Potter ha? Potter Potter ka diyan, ano ka low budget na Wizard sa Hogwarts?!" inis kong saad.
Inirapan niya ako.
"Hay nako Xamel, buti nga apilyedo lang ang ginamit ko, 'yong iba nga self-proclaimed na asawa raw sila n'ong character!" sarcastic nitong sagot at binilisan ang paglalakad kaya naiwan ako.
Hindi ba siya self-proclaimed sa pag gamit ng Mrs. imbis Miss?
Tss. Ewan ko sa 'yo Xandy.
Akala mo naman may permission siya mula d'on sa author para gamitin 'yong last name ng character.
Mahirap talaga 'pag na-obsessed sa fictional characters. 'Wag niyo pong tularan.
Mabuti na lang at naniwala pa rin 'yung rider, kahit hindi halata sa expression ng mukha niya na, convinced siya sa sinabi ni Xandy na hindi siya Miss kundi Mrs.
Mrs. siya n'on e, ang bansot bansot niya? Okay na sana e, ang pangit lang gumanap.
Mas ahead lang ako ng isang taon kay Xandy kaya halos same age lang kami. Pero never akong tinawag na ate ng babaeng 'yon. Ewan ko ba d'on. Tapos kapag may kailangan, ang galing manghingi.
Hay, ang hirap maging panganay. Sa 'kin nakaasa buong pamilya ko. Nakatatak sa mga isip nila na ako ang mag-aahon sa kanila mula sa kahirapan. Tapos ang masaklap pa roon, never akong nakatanggap at kuha ng support mula sa kanila.
Ang unfair lang.
I sighed hard.
Mula sa nilalakaran kong maliit na pasilyo ay natanaw ko ang mga binatilyong nakatambay sa harapan ng bahay namin.
Nakasuot sila ng loose shorts at loose shirts. Akala mo mga gangster na low budget. May dala pa silang speaker na ginagamitan ng bluetooth.
Nang makalapit ako ay narinig ko 'yong pinapatugtog nila.
Ikaw ang binibini na ninanais ko,
Binibining marikit na dalangin ko
Awit naman. Buong araw ko nang napapakinggan 'yang kanta na 'yan susme. Tiktok nang tiktok 'yung ate nung ni-tututor ko tapos ayan 'yung tugtog, pati ba naman pag uwi ko, Marikit pa rin?
Agad kong nakita si Xavier nang makalapit ako sa kanila. Ang bunso kong kapatid na pasimuno ng umpukan nila dito.
"Xavier, pwede pakihinaan niyo 'yang tugtugan niyo? Or mas maganda 'wag niyong gawing tambayan 'tong tapat natin?" iritable kong sabi at nag umpisa nang naglakad para pumasok sa bahay.
Nakita kong nag-alisan na ang mga kabarkada niya, pero nilapitan niya ako bago sumunod sa mga kaibigan niya.
"Ate, baka may lima ka diyan.." saad nito at bakas sa mukha ang pagpa-paawa.
'Di ako agad nakasagot dahil nag-interupt si Xandy at dumungaw mula sa pintuan.
"Nako Xamel, 'wag ka magpa-uto diyan kay Xavier. Ipapambili niya lang 'yan ng yosi tapos tatambay sila n'ong mga tropa niyang kulang sa ligo sa riprap ng sapa."
"Weeh, epal ka? Isip ka na lang nang pang content sa YouTube channel mo, baka madagdagan pa 'yung subscriber mong bilang lang sa daliri." pang-aasar nito at binelatan pa si Xandy.
Ginantihan naman siya ni Xandy gamit ang pagtaas ng middle finger nito.
Ano ba 'yan parehong immature.
Hinarap akong muli ni Xavier at muling namilit.
"Sige na 'te, wala kasi akong miryenda. Bibili lang ako n'ong mangga na may bagoong doon sa labasan." pagsusumamo niya sa 'kin.
Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya dali-dali kong kinuha ang pitaka sa bulsa at binigyan siya ng limang piso.
Abot tenga ang ngiti nito nang mahawakan ang barya.
Nagulat ako sa sunod nitong ginawa.
"Salamat ate!" aniya at hinalikan ako sa pisngi at naglakad na paalis.
Kahit ganiyan 'yang bunso kong kapatid, may kaunting lambing 'yan sa 'kin.
Magkaibang-magkaiba talaga sila ni Xandy. 'Pag may kailangan kasi si Xandy, minsan pagalit pa siya kung manghingi. 'Di man lang marunong manuyo. Tsk.
Dahan-dahan akong pumasok ng bahay. Pinakiramdaman ko kung ano ang ginagawa ng mga tao sa loob ng bahay.
Nakita ko si papa na nakahiga sa banig, at busy sa panunuod ng tv habang nasa gilid niya ang astray niyang lata at naninigarilyo.
Hindi niya napansin na dumating na ako dahil hindi pa siya nagre-react.
O baka alam niyang dumating na ako, pero wala lang talaga siyang amor para tanungin o kumustahin ako?
'Di pa ako nasanay.
Habang nagtatanggal ng sapatos ay narinig ko 'yung flash report mula sa tv.
Kakapasok lang ng balita. Pumanaw na ho ang former spokesperson ng ating former President Gamboa na si Mrs. Vermosa. Ayon sa report ng mga pulisya, natagpuan ang labi ni Mrs. Vermosa sa loob ng sarili nitong pamamahay kanina bago mag-alas kwatro ng hapon na naliligo sa sarili nitong dugo. Nakitaan ng ilang saksak ang katawan ng biktima ngunit walang nahanap na patalim ang mga pulisya sa lugar ng krimen. Sa ngayon, hindi pa mabatid ng kapulisan ang motibo dahil wala namang nawalang gamit sa loob ng bahay ng retiradong spokesperson...
"Ayan! Dahil sa kabulokan ng gobyerno, nagagalit na ang bayan at iniisa-isa na kayo, tsk." imik ni papa saka isinubo ang yosi at hinithit ito.
Hinayaan ko na lang ang side comment niya. Wala namang magbabago kung mag-rant ka about sa katiwalian ng gobyerno. Kapag magsalita ka, kahit totoo naman ang sasabihin mo, ikaw pa ang lalabas na masama. Tapos kapag eleksyon ang gagaling manuyo, ang gagaling mang-uto.
Sana sa susunod na eleksyon, hindi na bobotante ang mga Pilipino.
Ipinatong ko sa patungan ng sapatos 'yung rubber shoes ko. Papasok na sana ako sa kwarto naming wala namang ding-ding dahil kurtina lang ang nagsisilbing division, nang bigla akong tinawag ni papa.
"Nandito ka na pala. Tamang-tama paubos na 'tong sigarilyo ko, timplahan mo muna ako ng kape." utos nito sa 'kin without asking how my day went.
Mahirap bang mangumusta? Nakakabawas ba 'yun ng dignidad?
"Wala ng kape, creamer at mainit na tubig diyan, share ko lang." sabat ni Xandy mula sa kwarto.
Mula sa kinatatayuan ko ay kinuha ko ang pitaka ko at naglabas ng pera.
Tsk, kung mamalasin ka nga naman. Ikaw na nga mauutusan kahit 'di ka pa nakakapagpahinga, wala pang kape at init tubig.
Pumasok ako sa kwarto at nakita kong nakapirme ang magaling kong kapatid at parang bi-video-han niya ang sarili niya kasama n'ong parcel na dumating.
Inabot ko sa kanya ang pera pambili.
"Bumili ka muna ng kape kay kuya Louie, Xandy. Magpapalit pa ako ng damit." request ko sa kanya habang naka-extend ang braso sa harap niya.
Napakamot ito sa ulo at inis na sumagot.
"Mag a-unbox pa ako dito, ikaw na lang, ikaw naman ang inuutusan ni papa." sagot nito ng hindi man lang tumitingin sa 'kin at sinimulan ng ayusin ang set up ng maliit niyang ring light at cellphone niyang magsisilbi niyang camera.
Kahit ang sarap manakal ng bastos ay pinilit kong kumalma.
Narinig ko ang pagtayo ni papa at umimik ito.
"Ano? Magtutulakan na lang kayo diyan sa loob at 'di kayo kikilos?" tanong nito saka pinatay ang tv gamit ang remote.
Pamilya ko sila. Oo, pamilya pero ganyan sila makitungo sa 'kin.
"Saglit lang pa, magpapalit lang po ako ng damit." mahinahon kong sagot mula sa loob at nagbihis na ng pambahay na damit.
Shorts na lagpas tuhod at t-shirt ang sinuot ko. Doon kasi ako mas komportable.
Inayos ko ang mahaba't wavy kong buhok saka ito itinali ng mataas.
Ang init ha! 'Di naman ako na-inform na may rehearsal dito sa Earth para immune na once mapunta sa impyerno?
Tuluyan na akong lumabas ng bahay namin na kung titingnan sa labas ay, halatadong mahirap ang nakatira.
Paano ko nasabi? Kalahating gawa sa semento/ hollow blocks, kalahating gawa sa tagpi-tagping yero.
'Pag tumingala ka, makikita mo 'yung mga wires na hindi magkanda ugaga sa pagkabuhol at sapaw dahil sa pakikikabit sa may sariling kontador ng meralco.
Kami lang ata ang ganito ang bahay dito sa lugar namin. Nasa squater area kami, pero lahat ng bahay rito gawa sa bato. 'Yung sa 'min kasi muntik lang, napilitan pa ata.
Habang naglalakad, nakasalubong ko 'yung bunsong anak ng kapitbahay namin na si Fernanda.
Nadapa ang bata at umiyak.
Agad siyang nilapitan ng nanay niya. And guess what? Imbis na i-comfort ang anak e, pinagalitan pa.
Medyo buang rin e 'no? Mag aanak-anak tapos kaunting pagkakamali lang ng anak, papaluin kaagad.
"Ang kulit kulit mo kasi! Sabing d'on ka lang sa bahay 'di ba? 'Di pa ako nananalo sa tongits namin kaya 'wag mong dagdagan ang inis ko, umuwi ka d'on, bilis!" Bulyaw with matching hampas pa sa anak nito.
Kawawang bata. Umuwing may sugat sa tuhod tapos nabulyawan pa ng nanay.
Ang cute pa naman sana ng anak niya tapos, pinapalo niya? Tsk.
Mas priority pa ang pagsusugal e.
Nang makarating ako sa tindahan ni kuya Louie ay bumili ako ng tatlong stick na kape, 'yung tig kwatro, saka tatlong tig-dos na asukal. Para hanggang bukas may pangkape si Boss.
Oo, boss ang tawag ko kay papa. Siya kasi ang nasusunod sa lahat sa bahay.
Pero.
Siya lang ata ang boss na walang connection at walang income.
I grinned with that thought.
Naglalakad na ako pabalik sa bahay nang biglang tumunog ang phone ko.
I immediately check it, baka may blessing na dumating or what.
Pero napasimangot na lang ako nang mabasa kong mula lang sa smart ang text na na-received ko.
"Expire expire pa kayong nalalaman, akala niyo naman ang bilis ng network niyo?" Badtrip kong saad habang nakatingin sa screen ng phone ko.
*bulukbulukbulukbuluk*
Bigla akong napalingon sa mga pabong dahang-dahang naglalakad pauwi sa bahay nila kuya Louie.
"Oo tama kayong mga pabo, bulok talaga ang Smart! Ang bagal-bagal, kasing bagal ng ekonomiya ng bansa!"
Muling tumunog phone ko at nang tingnan ko kung kanino galing ang kararating na text message ay biglang nawala ang inis ko.
Kay Dean galing ang text.
Ang harot. 'Di ko pa nga alam kung anong laman ng text pero ba't kinikilig na agad?
Xamel let's meet. ASAP.
Iyon lang ang laman ng text pero bakit parang napawi lahat ng stress at pagod ko ngayon araw?
Meet raw kami? Bakit? Anong meron?
Mabuti na lang palaging may balance na load 'tong sim ko kaya, makakapag reply ako. Pero magrereply pa lang sana ako kay Dean, naka-receive ulit ako ng text message pero this time, mula naman kay Maru.
Xamel, on the way ako sa terminal ng jeep. Wait me there. Sabay na tayong pumunta sa Village nila Charm.
Anong meron? Bakit sabay akong gustong kitain ng dalawang 'to?
Dahil unang nag text sa 'kin si Dean, siya ang una kong ni-reply-an.
Dean, anong meron? Kakauwi ko lang rin kasi. Emergency ba?
Minute had passed at nag reply kaagad ito.
Yes, Xamel. This is 9:11AM. Please come over. Someone's trying to kill Charmagne!
Napangiwi ako sa nabasa. Hindi ko pa alam ang dapat i-react. Si Charm? May gustong pumatay?
Nagmadali akong umuwi sa bahay at si Xandy na ang pinagtimpla ko ng kape ni papa. Nagdahilan akong may biglaan akong raket ngayong gabi at hindi ako makatanggi.
Pumayag naman si boss at pinaalis agad ako. Syempre ang alam niya magkakapera. Pero kung sinabi ko ang totoo, hay nako ayoko na lang mag-salita.
-----
Third Person POV
Sa loob ng kwarto ng dalagang nag-ngangalang Charmagne ay makikita ang nag-aalalang mga mukha ng tatlong magkakaibigan.
Habang hinihintay nilang magkamalay ang nahimatay na dalaga ay sinabi ni Dean ang naging usapan nila nito.
"Noong una talaga, akala ko pinaprank na naman ako ni Charm e. Kasi 'di ba? April fools day kahapon?"
Sabay na tumango ang dalawang kausap at patuloy na tahimik na nakinig.
"Pero nakumbinsi niya akong hindi prank, kasi ginamit niya 'yung emergency code natin! E nasa rules natin na bawal 'yun gamitin sa walang kabuluhan na bagay, kaya naniwala akong 'di siya nagbibiro."
Pagpapatuloy ng binata.
Sa kabilang banda, unti-unti nang bumabalik ang malay ni Charmagne.
"MERRY CHRISTMAS!" bulalas nito at napabangon mula sa pagkakahiga.
Kung dati natatawa sila sa behavior ni Charmagne na everytime na, mag-ppassed out at once magising ay kung hindi 'Merry Christmas' at 'Happy New Year' ang mga salitang mabibigkas, ngayon iba.
Hindi nila iyon binigyang pansin at in-interrogate kaagad nila ang kakagising lang na dalaga para ma-verify nila, kung totoo ngang someone's threatening her life.
Inabutan ni Xamel ng isang basong tubig ang kaibigan, at hinayaan muna nila itong mahimasmasan bago pinag kwento.
At mula sa 'pag browse ng dalaga sa app na Radio Garden ay, ikinuwento niya ang lahat ng nangyari. 'Yung murder. 'Yung game n'ong killer at 'yung threat nito kay Charmagne.
Mula sa pagkakasandal sa cabinet ay umimik si Maru.
"Baka naman prank lang talaga? Baka bored lang 'yan, at gusto lang manakot kasi sawa na sa buhay kaya nangti-trip?" pangungumbinsi nito sa kaibigan.
Pero sa dulo ng kama ni Charmagne ay sumagot si Xamel.
"Guys, totoong may krimen na nangyari." She said with a serious yet afraid tone in her voice.
Ang tatlong kaibigan niya ay napatingin sa kanya at hinihintay siyang tapusin ang sasabihin.
She sighed before saying the news.
"Kanina may flash report, at sinabi sa balita na pinatay raw ang former spokesperson ni former President Gamboa."
Dahil sa narinig na balita, kitang kita ngayon ang takot at pangamba sa mukha ng bawat indibidwal sa loob ng kwarto.
Ngunit, tumayo si Xamel at kinumbinsi ang mga kaibigan.
"We need to solve this case para wala nang mamatay." She said with full of determination in her eyes.
Hindi rin alam ng dalaga kung bakit niya gustong maresolba ang kasong ito. Pero isa lang ang alam niya, walang pwedeng manakit sa mga kaibigan niya.
Kahit hibla ng balahibo nila, walang may karapatang humawak nito.
Handa siyang protektahan ang kaibigan, kahit wala siyang kasiguraduhan kung mahuhuli ba nila ang murderer.
"Let's join his game. For him to know how dirty player we can be..."
Xamel uttered and curved a little smirk from her lips.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (81)

  • avatar
    Bai Nisan Digla Unotan

    so amazing

    9d

      0
  • avatar
    Eil Maurice Perez Dudass

    godjob

    17d

      0
  • avatar
    Trixia Omandam

    Goods story

    16/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด