logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 3

Chapter Three: Bahala
Sumabog ang nakalugay kong buhok nang umihip ang preskong hangin. Tahimik na pinagmamasdan ang mga ulap nang may ilang pirasong papel ang tumilapon sa ere.
Hagikhikan ang unang narinig ko sa mga batang naglalaro dito sa palikuan. Malawak na pahaba ang palikuan kaya malayang makapaglaro ang mga bata rito.
Tumayo ako galing sa pagkakaupo sa damuhan at pagpagin ang pedal. Umalis na muna ako ng bahay dahil nandoon sina Tiya, at mga bisita niya.
Lumiko ako at nakita sa unahan ang mabagal na takbo ng kareta. Lalagpasan ko na sana iyon nang magkanda hulog hulog naman ang  tong at salaan. Nagbunga rin iyon ng ingay para sa mga sasakyan dahil napunta iyon sa gilid ng daanan.
Hindi na ako nag-atubiling manood lamang kaya mabilis kong dinampot ang tong at salaan. Humingi rin ako ng paumanhin sa tsuper na madali nang maapakan ng jeep ang salaan.
"Heto po," pag-abot ko sa matanda.
"Salamat," malamig niyang tugon bago ako lagpasan.
Sinundan ko siya ng tingin at nakitang hirap na hirap siyang itulak ang kareta. Hindi pa man gaano kalayo ang nilalakaran niya kaya naabutan ko siya, hinawakan ko ang bakal na tubo.
Nakita ko siyang napatalon sa gulat nang makita ako.
"Hindi ko kailangan ng tulong mo."
Nagkunwaring wala akong narinig at tinulungan siya.
Dinig na dinig ko pa ang pagbuntong hininga niya ngunit hinayaan niya lamang akong tulungan siya hanggang sa makahanap ng pwesto na malapit sa labasan ng palengke.
"Salamat."
"Walang anuman po."
Hindi pa rin ako umalis sa kinatatayuan ko dahilan ng pagbaling niya sa akin bago yumuko para kunin sa ilalim ng kareta ang isang gallon ng mantika.
Binuhos niya iyon sa dalawang napailalim na kawali at sinimulang palakasin ang apoy. Tanging simpleng short at t-shirt lang din ang suot niya na pinatungan din ng itim na apron.
May nilabas muli siya galing sa ilalim, isang asul na tupperware at isang pulang tupperware na namamawis. Isa isa niyang hinulog ang maliliit na bilog sa mainit na mantika, ganoon rin sa isa.
Matapos ang ilang minutong paghihintay ko ay doon ko lamang nakita ang golden brown na prinito. Nilagay niya iyon sa salaming estante. Sa katabi naman niyon ay tamang laki lamang na steamer.
May dalawang binata na lumapit para bumili, may isang bata rin ang lumapit. Hindi pa man napupuno ang lalagyan ay madami na ang nag-aabang sa niluluto.
Sa minuto kong panonood sa kanya ay hindi ko mapigilang matakam sa ginagawa niya. Pansin kong hirap siya ngunit masaya rin dahil sa dami ng bumibili.
"Ale, ubos na po Toyomansi." tawag pansin ng isang mambibili.
Tinaas pa nito ang sauce container bottle para ipakita sa matanda ang tinutukoy. Hindi siya agad naasikaso nito dahil nakatuon ang atensyon niya sa pagpiprito.
Tumingin siya sa akin ng madali bago magsalita.
"Nasa ilalim, sa gilid."
Napatayo ako ng tuwid at napangiti, hindi niya man nabanggit na ako nga ang tinutukoy niya ngunit sa tingin niya pa lamang ay alam 'kong ako ang sadya niya.
"Opo," mahina kong tugon.
Nahirapan pa akong hanapin iyon dahil sa dami ng gamit sa ibaba. Masayang inabot ko ang bagong container sa binata.
"Ale, tatlong buko juice nga po," salita naman ng dalaga sa gilid ko.
Tumingin ako sa matanda ngunit abala siya sa pagpiprito, isang beses siyang tumango roon. Napatango rin ako bago hawakan ang plastik na sandok at plastik na baso.
Buong hapon ay nakatayo lamang akong naghihintay sa susunod na ipapagawa sa akin ng matanda. Hindi rin gaano kahirap dahil madali lamang gawin, doon ko lamang napansin na ang piniprito ay siomai at calamares.
Hindi alintana sa akin ang amoy na nanggagaling sa palengke dahil sanay naman ako sa amoy na iyon.
Hindi pa man nag-iisang oras ay marami na ang bumibili at kita. May oras namang nagpapahinga ang matanda kaya ako na lamang ang nagpresintang gawin ang pagpiprito.
Hindi naman siya nagdalawang isip na ipaubaya sa akin lalo na't nakita niyang marunong naman ako. Sa ilang minuto na pinapanood ko siya ay ngayon namang ako na ang gumagawa.
May mga oras na sa akin binibigay ang bayad. Pinapasa ko naman iyon sa matanda bago ipagpatuloy ang ginagawa. Hindi alintana sa akin ang init at pawis dahil sa masikip, matao at maliit na espasyo rito.
"Dito po ba kayo palagi nakapwesto?" tanong ko nang nagsisimula na siyang ligpitin ang gamit.
Saktong alas singko trenta kami natapos ibenta lahat. Masasabi kong may silbi ang pagtulong ko sa kanya at magkaroon din ng sapat na kaalaman sa simpleng gawain na iyon.
"Oo."
"Ikaw lang po talaga ang nagtitinda?" kuryoso kong tanong.
"Oo, may nakikita ka bang hindi ko nakikita?"
Napanguso naman ako bago kamutin ang noo ko.
"Bukas po ba, magtitinda ulit kayo?"
Tanging tango lamang ang sagot niya.
Pinunasan ko rin muna ang mga container bago ilagay sa ilalim.
"Pwede po ba... tulungan ko ulit kayo bukas?"
Tumigil siya sa ginagawa bago ipatong ang kamay malapit sa kawali bago ako tignan.
"Hindi ka ba nag-aaral? Wala akong ipangbabayad sayo."
Napanguso ako nang marinig ang salitang hindi ko ngayon nagagawa.
"Ayos lang po sa akin na hindi n'yo po ako bayaran, gusto ko lang naman pong makatulong."
Hindi pa siya nakapagsalita dahil tinitigan niya pa ako ng ilang sandali bago nagpakawala ng buntong hininga.
"O'sya, ikaw ang bahala."
Nakangiti akong tinatahak ang daan pauwi sa amin. Naisip ko, sapat na sa akin ang pagtulong sa matanda kahit walang kinikitang pera. Alam kong hindi patas, pero iyon ang gusto ko, marami pa namang trabaho ang pwede kong pasukan.
Pagkauwi na pagkauwi ko ay deretso agad ako sa kusina para makapagsaing. Sunod naligo na rin ako, may isang palapag sa tabi ng lababo namin at ang kubeta iyon.
Matapos niyon ay wala pa rin sina Tiya, nagluto na rin ako ng makakain para mamayang gabi. Naglinis at naghugas na rin ako ng mag-isa.
Dala ng pagod ay hindi ko namalayang nakatulugan ko ang pagmumuni muni.
Nagising ako sa tunog ng mga kubyertos. Biglang kumuram ang tiyan ko, ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakakain ng hapunan.
Tahimik na nilakad ko ang malapit na kusina ng bahay, sa maliit na espasyo ay sumilip ako at doon naabutan ang tahimik na pamilyang kumakain.
"Alas syete na ng gabi tulog pa rin 'yang si  Claretta," may halong inis na pagsabi ni Tiya Leonada.
"Kung sino pa ang walang trabaho siya pa ang mukhang pagod," dugtong naman ni Tiyo Wilfredo.
Humakbang ako ng isa dahilan ng pagbaling nila sa akin, tinirikan pa ako ng mga mata ni Tiya bago ibalik ang atensyon sa pagkain.
"Kulang nalang bigyan ka pa ng imbitasyon para lang lumabas ng kuwarto mo," aniya gamit ang sarkastikong tono.
Imbis na magsalita ay dumeretso na lamang ako ng lababo para kumuha ng pinggan bago umupo sa harap ni Tiya.
Kukuha na sana ako ng ulam nang pitikin ni Tiyo ang kamay ko.
"Ang lakas ng loob mo ha, sinong nagsabi na makikisabay ka sa amin kumain?"
Mabagal akong napayuko bago ibawi ang kamay na nasa ere. Mas lalo ko namang maramdaman ang pagkulam ng tiyan ko. Tuyong tuyo na rin ang bibig ko.
"Doon ka kumain sa sala, naiinis ako sa pagmumukha mo."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (8)

  • avatar
    Prince Nash

    wow

    24/04

      0
  • avatar
    GacoteRoxy

    ♥️♥️♥️♥️

    28/01

      0
  • avatar
    Kriz Kaye

    dapat mas intense pa

    27/01

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด