Hingal na hingal na ako kakahanap kung nasaan na si Mang Pedrito, nasaan na siya? Mukhang naligaw na rin ako at wala ng mga estudyante dito, kung kaya't sumandal muna ako sa pader at bahagyang pinikit ang aking mga mata. Medyo hinampas-hampas ko pa ang ulo ko dahil sa inis pero pagkamulat ko— Nakita ko si Mang Pedritong lumalakad papunta sa kung saan sa di lamang kalayuan! Nakatalikod siya sa akin. "Mang Pedrito!" habol ko at nakitang pumasok siya sa isang kwarto. Pumunta din ako doon at dahan-dahang binuksan ang pinto pero, tila umiba yung lugar na hindi ko mawari. Biglang sumirado ang pinto sa ikinagulat ko at napalitan pa ito ng simentong pader na may mga bulaklak na nakasabit! Napaisip ako dahil parang nakita ko na ito. H-Hindi kaya... Napalingon kaagad ako sa likuran ng makitang nasa hardin nga ako muli ni Mang Pedrito! Napaatras ako sa kabiglaan kaya tumama ang likuran ko sa pader. Gayun paman—sumilay ang mga ngiti ko sa labi at agad na tumakbo upang makauwi na sa amin! Pero sa kasalukuyan, napahinto ako ng may makitang nakadikit-dikit na imahe sa mga bahay at mga palengke. Napawi agad ang aking mga ngiti sa nakitang—imahe ko pala ang mga ito. Agad na linapitan ko ito dahil may mga nakasulat, nanlumo ako nang mabasang kapag nakita o bumalik man ako muli. Itutuloy pa rin nila ang kasal. Ang mga tao ay parang nagtataka sa aking presensya at doon ko lamang napagtantong iba nga pala ang aking kasuotan, naka-uniporme pa rin ako kaya yumuko at tinakpan ko ang aking pagmumukha baka may makakilala pa sa akin. Lumayo na din ako doon baka isumbong pa ako nila sa mga guardia at mapagkamalang lumalabag sa lugar na ito. Sa kasalukuyang paglalakad na nanlulumo, nakita ko ang aking kapatid na si ate Ysabela sa di lamang kalayuan, mag-isa lamang siya na naka-upo sa ilalim ng malaking puno at tila mukhang malungkot pa ang kanyang itsura. Nakita ko ang mga hinahawakan niyang mga kwadro na aking iginuhit at ipininta pa noon, yinakap niya pa ito kung kaya't napabuntong hininga ako. Hindi ko pa nakitang nagkaganoon ang aking kapatid. Sadyang napaiwas naman agad ako ng tingin dahil sa nakitang nandoon din pala si Kaegan. H-Hindi nila ako pwedeng makita! Tumagilid ako at nanlaki ang mga matang nakita na naman muli si Mang Pedrito! May kinakausap pa siya at mukhang papalayo sila ng papalayo. Sa gusto ko mang isigaw o tawagin ang kanyang pangalan hindi ko agad magawa dahil tila mapalingon sa akin sina ate Ysabela at Kaegan, agad na lamang akong tumakbo ng makabangga ako sa kung sino mang tao. Tila napasandal ako sa isang kalesang nakahinto dito kaya nagulat ang isang kabayo na lumikha nang malakas na tunog at nawa'y nakaagaw ng pansin ng mga tao sa paligid! Sa gulat ko'y nanlaki ang aking mga matang nagtama ang mga tingin namin ni Kaegan sa di kalayuan! Nabaling ang tingin ko sa isang lalaking sumulpot sa harapan ko na kinamusta pa ako kaya yukong napatango lamang ako at sinabing ayos lamang ako na hindi tumitingin sa kanyang mga mata. "Ang pamilyar ng pagmumukha mo binibini, subalit ang suot mo'y nagpapakitang hindi ka tagarito at nawa'y parang hindi iyan kayang suotin ng isang prinsesa, labi na sa prinsesang nagngangalang Velvita na hinahanap ngayon" saad niya pa at napangiti lamang ako, ni hindi ako ngumingiti kahit kanino dito pero kailangan kong gawin ito. "Tama ka, hindi nga ako iyon ginoo, hindi ako tagarito at tila hindi ko kilala kung sino nga ang prinsesang iyon" madali at mabilis na sambit ko sa nakitang papalapit dito si Kaegan! "S-sige aalis na ako" sambit ko at tinago na agad ang aking pagmumukha hayst, sino ba kasi ang bumangga sa akin?! Parang masuka nanaman ako sa aking mga pinagsasabi. Hindi talaga ako nagtatawag ng ginoo sa kahit kaninong lalaki. Napahawak ako sandali sa aking braso at likuran dahil sa sakit at agad ng tumakbo muli, sa kabiglaang may humawak sa akin kaya napahinto ako. "Velvita na tila aking iniibig" sambit pa nito kaya parang may kung anong bumara sa aking lalamunan. K-kaegan?! Ito na ba talaga? Magpapakasal na ba talaga ako sa hindi ko naman iniibig? Huli na ba talaga ang lahat sa akin? Hindi ko siya hinarap at nagsalita lamang na nakatalikod. "Kaegan sige na't pakawalan mo na ako, hindi kita kayang ibigin. Paumanhin" saad ko pero napansing hindi siya sumasagot, doon ako dahan-dahang humarap at sa laking gulat ko'y galit na galit na nakatingin sa akin si Melody! Yung isang kasama naman niya'y kinukwelyo doon si Ericka sa likuran! N-nasa Unibersidad na ako muli? A-anong nangyari?! "Are you out of your mind?!" sabi ni Melody na tila sa aking pagkagulat. "You bumped into me and would walk away just like that, and like nothing had happened at all?!" galit na saad niya pa at inayos ang kanyang suot. "I was talking to you!" sigaw niya muli. "Anong ginawa niyo sa kanya?" kalmang tanong ko nang mapatawa siya ng sarkastiko at sinampal ako. Napangiti naman ako ng sarcastiko dahil sa ginawa niya at bahagyang pinahid ang sugat na lumikha sa aking ibabang labi. "You're actually the one that we wanted, but your silly sickening friend won't tell us where you are" tinutulak-tulak niya pa ako ng kanyang hintuturo sa dibdib habang sinasambit ang mga iyon. "V-velvita!" sabi ni Ericka pero bigla siyang tinulak ng isang babae. "Ano ba kasi ang kailangan mo?" naiirita ko nang saad. "Ikaw! Ikaw ang kailangan ko! You must pay for what you did to me earlier, pinahiya mo ako sa buong klase" napataas ang isang kilay ko at bahagyang pinaglalaruan pa ang aking dila ko loob ng aking labi. "At ano naman ang maibabayad ko diyan?" nakangiting saad ko dahil nasisiyahan ako sa expresyong pinapakita niya. Tangkang sasampalin niya naman ako nang madakip ko ito at pinatalikod siya sa akin sabay hila ng buhok niya papalapit sa akin. "A-ah!" pumipiglas-piglas siya pero napahinto dahil sa sakit ng aking pagkakahawak ng kanyang buhok. Tinaasan ko rin ng kilay ang isa pa niyang kasama pero agad itong tumakbo pinabayaan ang Melody na ito. "Pasensya Melody!" sigaw pa nito habang tumatakbo palayo. Tss isang duwag. "M-martha!" sigaw ng aww, kawawang pusa. Pinapalabas talaga nila ang kalupitan ko ha? Kaya ito, mas hinila ko pa siya papalapit hangga't sa maabot ko na yung tenga niya. "Ah! ang sakit na please pakawalan mo na ako!" napatawa ako dahil naiiyak siya. Tsk tsk tsk. Di naman pala kaya e. "Kaya nga tandaan mo Melody, nagkakamali ka sa kinakalaban mo. Kagaya nito, parang tila ikaw na isang magandang pusa, kinakalaban ang isang ako, ang tigreng reyna ng mga hayop, ang kilalang reyna ng masama, at kalupitan, at walang awa ay hinding-hindi magpapatalo sa isang ikaw na tila wala nga kaalam-alam sa tunay kong pagkatao. Gayun paman na alam mo na..." napangiti ako dahil umiiyak na siya. "Sige nga pagbibigyan kita, tila kawawa ka namang pusa" napatango-tango ako sabay tawa nang mahina sa kanyang tenga. "Sa oras na gagawa ka pa muli ng kung anong masama sa amin--aasahan mong puputulan ko iyang magandang buhok mo, hangga't sa ika'y makalbo, naiintindihan mo?" binitawan ko na siya nang makaramdam akong may humawak sa akin at inilayo pa ako ng tuluyan kay Melody. "Velvita anong ginawa mo!" sigaw sa akin ni Levi at agad namang napayakap sa kanya si Melody. "Levi, thank goodness you're here, she's threatening me! She's also so wierd, the way she speaks I hate her!" umiiyak niyang sabi habang mahigpit na nakayakap pa rin sa kay Levi tss. Pinipigilan ko ang sariling mapairap. "K-kuya" agad na inilayo ni Levi si Melody ng makita niya si Ericka. "Velvita ano ang ginawa mo sa kanila!" galit na saad sa akin ni Levi na aking ikinagulat. Ano? "Wala akong—" pinutol agad ako ni Melody. "Levi just saw what you did to me! We and Ericka did nothing wrong Levi, pero nabigla na lamang kami noong sinampal niya si Ericka at sinabunutan! Dahil seguro sa nainggit siya sa amin dahil kami yung nakasagot ng oral kanina" nabigla ako sa mga pinagsasabi niya. Ano?! Binaliktad niya yung istorya! Ang galing ng bruhang to a! "Anong pinagsasabi mo—" "Velvita tama na please, huwag mo nang itanggi dahil nakita ko sa dalawa kong mga mata ang ginawa mo kay Melody! Napakasama mo!" biglang sigaw niya sa akin muli, pero di ko naman alam kung bakit kumirot bigla ang aking damdamin. Pinagkatiwalaan niya ba talaga ang Meloding ito? "K-kuya hindi po iyan ang nangyari!" saad ni Ericka pero pinutol na naman agad siya ni Melody. Napabuga ako ng hininga at napatingin sa malayo. "Stop it Ericka! Just tell the truth to Levi already, she blackmailed her that's why Ericka is acting that way, please Levi believe me, nakita mo yung ginawa niya sa akin!" umiyak siya muli kaya niyakap din siya ni Levi. Napatawa ako ng sarkastiko dahil doon. "Ang galing" pumalakpak ako. "Ang galing, galing. Sige, ako na talaga dito yung masama, masaya ka na?" kalmang saad ko kay Melody. Napakunot na naman ang noo niya nagtatago sa likuran ni Levi. Napakagaling niyang umakto at napakasinungaling! "At ikaw" saad kong kalma kay Levi. "Pagkatiwalaan mo ang gusto mong pagkatiwalaan, ni hindi mo naman talaga ako pinaniniwalaan mula sa una nating pagkikita diba? kaya sige, magsama kayo diyan" tumakbo na ako agad papalayo dahil parang may kung anong bigat akong nararamdaman, at sa di inaasahan, hindi ko alam na biglang may tumulo na pala sa aking mga matang luha. Sa bagay nga naman, ni ako nga ay kinamumuhian ang salitang iyan... Ang salitang 'tiwala' Ni hindi ko pa naranasang umiyak muli sa napakahabang panahon kaya, parang nakakapagpanibago tuloy ang karamdamang ito. Napansin ko na lamang ang sariling nakatanaw sa labas ng bintana sa loob ng kwarto. Nakapasok naman kaagad ako sa bahay na ito dahil andito yung manang. Hindi naman ako agad-agad nagagalit kapag sa mga ganyang sitwasyon. Pero bakit ako nasaktan? Biglang bumukas na naman ang pinto pero hindi ko nilingon kung sino ito. Naramdaman kong tumabi ito sa akin kung kaya't umusog ako sa pinakagilid para hindi magtama yung mga bisig namin. Nawa'y nakilala ko siya agad ng dahil sa kanyang pabango. Gayun paman, nanlaki ang mga mata kong lumapit din siya sa akin kaya tuluyan nang tumama ang mga bisig namin! Napabuntong hininga ako at napatingin sa kanya. Nakatingin rin siya sa malayo kaya nasuri ko ang kanyang pagmumukha ng mabuti, kahit nakatagilid siya'y di maipagkait na napakaganda niyang lalaki, matangos ang kanyang ilong at ang haba pa ng kanyang mga pilik mata. Ang mga labi din niya'y kulay rosas na napakalambot tingnan, agad akong napaiwas at napailing-iling sa aking mga pinag-iisip. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko lamang. "Pamamahay ko to kaya pupunta ako sa kung saang sulok mang gusto ko" napairap ako at napatawa ng mahina. "tss" mahinang sabi ko ng mapangiti siya't bigla akong hinawakan sa ulo. Natigilan naman ako dahil doon. "Pasensya" pagsambit niya pa na mas lalong ikinatigil ko. "Pasensya dahil agad-agad akong naniwala sa maling akala. Pasensya dahil hindi ikaw ang agad-agad kong pinaniwalaan" saad niya pa kaya napalunok ako at napatingin sa malayo. Seguradong sinabi na sa kanyang lahat ni Ericka. Medyong tinulak ko naman siya gamit ng aking bisig dahil naiipit na ako dito, napatawa siya ng mahina at bahagyang napakamot pa sa kanyang batok. "Sorry" paghihingi niya pa ng tawad muli at ginulo ang aking buhok. Inayos ko na naman agad iyon at napahawak pa sa aking ulo ng sandali tss. Nabaling naman ang tingin ko sa isang hawak niyang bagay na inilahad niya sa akin. Tiningnan ko siya ng nagtataka. "Gamot yan, s-sa ibaba mong labi" tinanggap ko naman agad iyon at naglagay ng konti sa aking ibabang labi. Napansin, niya pa pala ito? "S-salamat" pagpapasalamat ko at napangiti naman siya. "Grabe ang tagal na nating magkasama pero di pa tayo nag papakilala ng maayos no? Paano ko nga pala nalaman ang pangalan mo? Ah, pagpakilala mo lang kay ma'am Parcon. Eh sa akin pala paano mo nalaman? Noong dumating kina Ericka?" napataas ang kilay ko at umiling. Nagtaka naman siya. "Sa mama mo" tanging saad ko at tumingin sa malayo. "Pumunta siya noong binilhan mo ako ng mga gamit, ginawa ko naman ang inutos mo na huwag siyang sagutin, basta't humingi siya ng tawad sayo, di ko lang nasabi agad dahil mukhang ayaw mo siyang pag-usapan" pagtatapos ko, napatahimik siya. "I'm Levi Matthieu Davila" biglang saad niya at inilahad ang kamay. Napataas ang dalawa kong kilay dahil hindi ko na talaga mapigilang magtanong. "Bakit ba sa tuwing magpapakilala kayo inilalahad niyo ang inyong mga kamay?" tanong ko ng mapakurap siya at mapatawa. Kasi totoo naman e, bakit ba? Naalala ko yung Felix na iyon. "Gawin mo nalang din kasi, basta tuturuan kita, in english din dapat magpakilala ha" sambit niya pa kaya ginawa ko nalang rin. "I'm--I'm" "Ayusin mo!" tugon niya pa kaya napairap ako tsk. "I'm Velvita Monte Aguivas" inilahad ko din ang aking kamay nang bigla niyang hinawakan iyon. "A-anong" napaputol ako nang magsalita siya. "Nice to meet you Velvita" tinaas baba niya ang mga kamay namin nang paulit-ulit kaya napagtanto kong ganito pala talaga dito sa kanilang magpakilala. Napatawa ako dahil doon. "Bakit?" nagtatakang tanong niya. "Sa amin, hinahalikan yung kamay ng mga babae ng isang lalaki kapag nagpapakilala, minsan nga'y yumuyuko na lamang bago ibaling muli ang mga tingin sa amin lalo na kapag kayo'y nakaupo lamang" saad ko nang mapatango-tango siya. "Ang weird mo parang pang 1890's pero sige nga try" nabigla ako ng bigla niyang kinuha ang aking kamay at hinalikan ito. Nanlaki na naman ang mga mata ko doon. "Ikinagagalak kitang makilala, binibining Velvita" natigilan ako sa mga sinabi niya. Napatawa na lamang ako ng mahina, at yumuko. "Ikinagagalak din kitang makilala, ginoong Levi" napakunot ang kanyang noo at napangiwi siya nang mapait. "Ampangit ng pangalan ko! Hindi bagay!" tawa niya. "Parang nasa lumang panahon ka kapag nagsasalita no? Nagtravel ka ba dito mula sa past haha! Ang weird lang kasi e tss" sambit niya na ikinatigil ko. Hindi ko nga alam pero parang ganoon na nga. Ayaw ko lamang isipin na ganoon talaga dahil may isang bagay na aking tilang iniiwasan, at hindi pa kayang tanggapin. Ang isiping isa lamang akong babae na naninirahan sa kwadro na ipininta noong ilang siglo na ang nakalipas. "Kain na tayo" naalimpungatan ako sa alok niya kaya tumango't lumabas na kami. Bigla naman akong niyakap ni Ericka pagkakita niya sa akin. "Salamat" sambit niya pa, nagulat ako... "Tara na" sabi ko. Nakaupo na kaming lahat sa hapagkainan upang kumain kaya inilapag na ni manang ang mga kanyang inihandang luto, nang tinikman ko ito, hindi ko talaga mapagilang magpuri sa sarap ng mga ito. "Sadyang napakasarap mo palang magluto Aling Dona" napatingin siya sa akin at bahagya pang nagulat pero napangiti naman pagkatapos. "Paano mo nalaman ang pangalan ko iha?" nakangiting sabi niya ng tinuro ko ang nakasulat sa gilid ng kanyang suot. Napatawa siya dahil doon. "Ay, Oo nga pala. Nakalimutan kong nakalagay pala dito ang aking pangalan, pero, salamat sa pagpuri mo ng niluto ko iha, I highly appreciate it" sabi niya pa. "China ol manang! Haha!" sambit ng isa sa kambal at natawa na din yung isa. "Chase" suway ni Levi, napagtanto kong si Chase yung may butas sa pisngi ang lalim pa nito kapag siya'y ngumingiti. Si Hase na naman ay wala pero sadyang napakagwapo niya. "Walang ano man Aling Dona, tila hindi ko nga inaasahang magkasing galing pala kayo ng aming punong alipin sa kaharian— a-ang ibig kong sabihin ay sa bahay. Iyan nga din ang isa sa mga dahilan kung bakit siya'y naging punong alipin dahil tila hindi maipagkait na ang galing-galing niyang magluto" uminom ako ng tubig at napansin ang kanilang mga tikhim. Inilapag ko muli ang baso nang makitang puno ng pagtataka ang itsura ni Aling Dona. "S-salamat iha, ni hindi pa ako nakarinig ng ganoong puri, pero gusto ko lang sabihin to..." napangiti siya na parang nahihiya. "Daig mo pa ang pananalita ng mga kalolohan at kalolahan ko iha" maikling sambit niya lang at tinapik-tapik ako. "Napakalalim at ang pormal mo ding magsalita, para kang nagmula sa isang lumang panahon na napadpad sa mundong to" napakurap ako sa mga sinabi niya, pero nginitian niya pa muna ako sabay alis. Napatingin na naman agad ako kay Levi na napakamot sa kanyang batok habang ang kambal at si Ericka ay nakangisi lamang. Pagkatapos naming kumain agad akong hinila ni Levi papunta sa bahagi ng bahay na may mga libro. Umupo kaming dalawa sa mga bakanteng upuan. "Ano?" tanong ko. "Tsk, gusto lang kitang turuang magsalita ng kasual at isa pa, napansin kong pormal nga at malalalim ang mga pinagsasabi mo pero hindi ka gumagamit ng po at opo, okey naman sana yun e" magsesermon niya na naman sa akin. Napairap ako at tangkang aalis nang mahawakan niya ako. "Oy Velvita, bumalik ka dito" "Hay naku Levi, bakit bang--" pinutol niya ang mga sasabihin ko. "Mas matanda ako sayo ng tatlong taon kaya matuto kang magrespeto, tatlong taon ha, tatlo" mariing sabi niya pa kaya napairap ako sa muli. Kanina parang ayos lang kami a? Di ko talaga naiintindihan kung bakit bigla-bigla nalang umiiba yung modo niya tss. "Eh ano naman pala ang gusto mong itawag ko sa iyo, kuya?" sambit ko ng parang matigilan siya. "O-Oo p-parang ganoon na nga" "Bakit ka nauutal?" tanong ko pa nang tiningnan niya ako nang masama. "Basta magrespeto ka!" singhal niya sa akin na ikinagulat ko, aba? "Umupo ka na diyan" utos niya pa kaya sinunod ko na lamang, ewan ko ba kung bakit sumusunod ako agad sa kanya e. Hayst, minsan hindi ko rin naiintindihan ang aking sarili! Tinuruan niya na ako kung paano magslita ng kasual at yung 'taglish' na namang iyan, kaya napilitan na lamang akong sundin iyon. Madali lang naman kaso hindi ako komportable, kapag kasi ako'y nagtatagalog, tagalog lamang ang lahat kong sasabihin. At kapag ako'y magiingles, ingles lang din naman dapat tsk! Hindi ba pwede iyon? Hay nako. Narito na ako ngayon sa kwarto kanina pang nag-iisip kung imahenasyon ko lamang ba ang mga nangyari kanina. Pero hindi naman, sadyang mapaglaro lang talaga ng mundo sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako at ipinikit ang aking mga mata kaso... Hindi talaga ako makatulog, ilang oras na ba akong nag-iisip dito? Lumabas na lamang ako ng may maapakang papel. Kinuha ko ito at may nakasulat? Agad na binasa ko ito at sadyang hindi makapaniwala at bahagyang napatakip pa sa aking labi. 'Gustong bumalik kaya pinagbigyan. Subalit nang makabalik tinalikuran' Nabitawan ko ang sulat...
good
14/12/2024
1good
02/11/2024
1thanks
15/10/2024
1ดูทั้งหมด