logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4: UNEXPECTEDLY PRODIGIOUS

VELVITA'S POV
"Pangalan?" tinulak pa ako nang mahina ni Levi pinipilit magsalita sa harapan ng matandang babae na ito. Ayaw ko naman kasi talagang mag-aral, pinilit lang talaga ako ng siraulong to.
"Velvita" napahinto muna ako bago magsalita muli. "Ang pangalan ko ay Velvita Monte Aguivas" sarkastikong pananalita ko pa nang maramdaman ko na lang na kinurot ako ni Levi, sa ilalim ng mesa.
Na-napaka! Nagtalo kaming dalawa nang mahina pero nabaling naman agad ang tingin namin sa matandang babae na napatikhim bago nagsulat sa kanyang kwaderno.
"Edad mo iha" napahinga ako muna nang malalim dahil nakarinig naman ako ng salitang iha na iyan.
"Labing-walo" siniko akong mahina ni Levi. "P-po" saad ko kahit pilit, hayst! Mababaliw na yata ako! Nandidiri ako pagkatapos kong sabihin iyon.
"Hm, she's a first year college, alright" huminto muna siya at tinabi ang kanyang sinusulatan bago tumingin sa amin na parang nagtataka. "Yung sinabi mo pala sa akin kanina iho, that this young lady, ay wala talagang kahit isang record na nakapag-aral since elementary?" tanong niya ng mapailing-iling si Levi.
"Kindergarden ma'am" pagtatama niya. Napapuntong hininga ang matanda.
"Well h-how is that even okey wait" napakunot ang kanyang noo kakaisip habang ako naman ay naiinip na dito, kailangan ko pa ba talagang mag-aral?! Parang nanlalagkit na ako dito, hindi pa naman ako nakaligo dahil sa hindi ako pinapayagan ng bungangang leon na ito kapag makasigaw sa akin kanina! Ang lakas-lakas kasi makasigaw daig pa ako.
Nakasuot lang rin naman ako ng T-shirt at yung maikling maong shorts daw tawag dito, grabe maruno naman akong mag-ingles huh? Pero yung mga bagay-bagay na tinatawag nila ay hindi ko alam.
"Uh ma'am?" saad ni Levi nang mapangiti ang matandang babae na ito. May napagtanto na seguro kung anong gagawin.
"Great! How about she would take some examinations and we the faculty and staff will see if she could pass the tests? Para you know wala ng hassle, this school is very strict but interms of these kinds of matter, we're very happy to help and give you children a chance" kumindat siya sa amin.
"Isn't that right Davila?" tamango naman siya tss.
Tsk! Minsan para siyang banal na tupa sa sobrang bait pero may tinatago rin palang nakakatakot na leon sa loob, napairap ako.
"Kaya nga dito ko siya inenroll ma'am eh" sambit pa niya. "So, who is she Davila, another relative of yours?" tanong ng matanda pero agad naman siyang napailing.
Hindi talaga ako sanay na tahimik lamang ako dito, kailan pa ba magtatapos to? Seguradong masasayang lang naman ang oras ko sa kakasagot ng mga tanong at ipapasagot nila sa akin doon!
Kailangan ko ring hanapin muli yung matandang lalaki, dahil tila nakakapagpabagabag talaga ang mga sinabi niya sa akin. Umuulit-ulit sa aking isipan. Tumatayo ang mga aking balihibo sa tuwing naaalala ko iyon.
"Okey babies balik nalang kayo dito after lunch, kukuha siya ng exams, we'll get it done quickly, goodluck Velveta" kumindat pa siya sa akin pero naway napataas naman ang aking isang kilay sa maling pagsambit niya ng aking pangalan, ano daw? Magrereklamo na sana ako nang pigilan ako ni Levi.
"Velvita po ma'am, Vel-vi-ta" biglang sabi naman niya na ikinatawa ng matanda. Napangiwi naman ako tinatago ang inip na nararamdaman.
"Okey I'm sorry, good luck Velvita" ngumisi siya.
Lumabas na kami at lumakad ng muntikan lamang ako masagasaan! "Anak ng pusa! Nakita mo ba yung green light?" galit na saad niya sa akin.
"Yun, oo yun, yung ilaw" turo-turo niya pa. "It means go sa mga sasakyan, at kapag nagiging pula na naman yan, saka naman tayo pwedeng maglakad papunta doon. Hihinto kasi lahat ng mga sasakyan e, it means hinto sa kanila at go sa atin, naiiintidihan mo ba? Naman eh! Tsk!" bigla niya ako hinila papalapit sa kanya na tila ikinabigla ng aking buong katawan.
"Kumapit ka sa braso ko, para kang bata" napairap siya saka kami lumakad nang magiging pula na muli ang ilaw na iyon.
Napairap naman ako habang nakatingin sa kamay kong nakakapit sa kanyang braso. Seguro, kailagan ko nang masanay dito.
Linakad lang namin papunta sa mall tawag daw, grabe parang mamatay ako sa layo, malapit lang daw?! Ang init na talaga ng pakiramdan ko! Nandidiri ako sa sariling pawis!
"Ang init! Pwede ba muna tayong dalawang bumalik sa pamamahay mo upang maligo na ako?" naiirita nang sabi ko habang naglalakad.
"Hindi ka pa nga pwedeng maligo, mas okey nang nagpunas ka lang kanina, e diba nagpunas ka naman? At isa pa hindi ka pa ba nagugutom? May examinations ka pang kukunin o!" hinawakan ko ang braso niya dahilan nang mapatigil siya sa paglalakad. Tiningnan niya naman ako na parang naiiirita.
"Sige na!" pagpupumilit ko nang mapabuntong hininga siya.
"Hali ka nga!" sambit niya't hinatak ako papasok. "Ang tigas talaga ng ulo mo no!" reklamo pa niya sabay hila pa rin sa akin.
Pagkapasok namin—sadyang napakalamig naman pala dito kaya't parang mapayakap na naman ako sa aking sarili, bakit ganoon no? Bakit ang lamig dito sa loob? Wala namang niyebe o taglamig dito sa Pilipinas diba? At isa pa nakakapagtataka na sa loob yung malamig hindi sa labas! Tangkang magtatanong na naman ako, nang sagutin niya ako bigla.
"Dahil sa mga aircon at mga cooler ay nagiging malamig dito, okey na? Get's na? No more questions na please, okey?" nauna siyang maglakad pagkatapos sabihin iyon.
Sarkastikong napatawa naman ako nang mahina tinitingnan ang likuran niya at tila gusto siyang batukan, hindi pa naman ako nagtatanong a? Ibang klase talaga ang lalaking to.
Kumain kami sa isang Japanese restaurant, at nabusog naman ako, pinainom niya rin ako ng gamot na dala-dala niya pala at tinuruan ako kung paano pa lunukin iyon, napakarami kong tanong sa mga bagay-bagay na mga nakikita ko kaya ang dami ko rin namang natutunan sa mga sagot na ibinabahagi niya sa akin.
Napagtanto ko na rin na mas maganda nga pala talaga ang lugar nila kesa sa amin. Nagtaka na naman tuloy ako.
"O, hindi ka na naiinitan?" tanong niya't napatango ako.
"Hindi na nga pero, gusto ko pa ring maligo. Sa sinabi ko nga isang lalaki, hindi ako sanay na hindi naliligo ng maaga" sabi ko pa lumalayo ng konti dahil nagkakabangga na ang aming mga bisig.
"Sa pananalita mo ang weird talaga taga saan ka ba talaga?" napatawa ako ng mahina. Taga saan na naman ako? Tss ilang beses ko na bang sinabi iyon? Hindi ba talaga ako kapani-paniwala? Napabuntong hininga ako.
"Sa sinabi ko nga ay isa akong prinsesa na naninirahan sa Kaharian ng Aguivas, talagang hindi ko mawari kung bakit hindi mo ako agad makilala bilang isang prinsesa. Subalit hindi lamang ikaw kundi ang buong tao sa lugar na ito, isang lalaki" saad ko na ikinakurap ng kanyang mga mata. Napatingin ako sa malayo.
"Sadyang walang alam ang lugar ninyo sa aming pamamahala at katipunan" pagtatapos ko pa nang magsalita na siya.
"Uh anong oras na ba! Gosh tayo na, malelate ka na pala sa examinations mo!" tumakbo kaming dalawa habang hingal na hingal na nakapasok sa paaralan.
"Bakit ba kasi ang bilis mo—" napaputol ako nang magsalita ang matandang babae.
"Oh, Davila and Monte Aguivas, right on time" sabi ng matanda at dinala ako sa isang kwartong puno ng mga libro, mukhang dinala ako nila sa silid aklatan, ang konti pa nga ng mga libro nila kumapara sa mga libro doon namin sa palyso e. Pinaupo nila ako at binigyan ng mga papeles na aking tatalakayin at sasagutan. Ang dami pala? Di ko inaasahan to a?
"We'll only give you 3 hours to answer that" nginitian niya ako. "Here's a ballpen baby, goodluck! Just go to the next room nandoon lamang kami" sambit niya pa sabay labas nila ng silid ni Levi. Kinindatan naman ako muna ng baliw.
Agad kong sinagutan ang lahat, dahil tila ayaw kong masayang lamang ang aking tatlong oras sa kakasagot ng mga tanong na ito. Nakakatawa lang dahil lahat ng katanungan dito at problema sa matematiks ay wala pang kalahati sa aking nalalaman. Sadyang hindi maipagkait na ang tulis ng aking utak.
"Hay salamat" sabi ko sabay tayo at taas ng dalawa kong mga kamay, inikot-ikot ko rin ang ulo ko't agad lumabas. "Sisiw!" sabi ko pa.
Pumasok ako sa isang silid na tinutukoy ng matandang babae kanina.
"Hala ang bilis mo naman!" reklamo agad ni Levi at dumeretso papunta sa akin. "Sabihin mo mali, mali yung mga sinagot mo no?" tinaasan niya pa ako ng kilay habang nakakrus ang kamay. Ako nama'y wala sa modong pinapakinggan siya.
"Uy sabihin mo! Ah, alam ko na. Baka minali-mali mo talaga para di ka makapag-aral no?" napairap ako at lumabas. Narinig ko pang nag-usap sila saglit ng matanda bago sumunod sa akin si Levi.
"Huy" masama ko siyang tiningnan. "S-sabi ni ma'am Parcon bukas pa daw yung results, Monday o tatawag lang sila mamaya" sabi niya lang sabay kamot sa kanyang batok. Psh! Parang hindi ako makapaniwalang sinagutan ko nga ang lahat ng mga iyon.
Mananatili nga ba talaga ako muna dito? Napagtanto ko rin naman kasi na kapag bumalik ako sa aming kaharian, seguradong magagalit sina Ama at Ina dahil magdadalawang araw na akong hindi nakakabalik
Seguradong hinahanap na ako nila't walang humpay na ang pag-aalala. Naalala ko si Kaegan na gusto akong pakasalan. Kung babalik ako, seguradong itutuloy pa rin nila iyon, hindi ako segurado...
Nakalabas na kami sa paaralan nang magsalita nanaman si Levi. "Ayaw mo ba noon? Makakapag-aral ka na, alam mo bang andami ko nang pinapaaral?" napatingin ako sa kanya.
"Kung gayun, dumagdag pa nga ako sa iyong responsibilidad. Bakit mo ba talaga ako gustong paaralin e ako na nga mismo ang humihindi?" tanong ko pabalik nang mapatawa siya nang mahina bago lumakad ng konti papalapit sa akin.
"Sabi noon ni papa, isang tagumpay daw na makakatulong ka sa isang kapwa mo tao, kahit hindi kaman mayaman" napatingin siya sa akin nakangiti.
"Gusto kong gawin 'yon para sa kanya at siyempre, para din sa inyo. Gusto ko kayong tulungan. Magiging tagumpay tayo sa huli" nakatingin sa malayong saad niya di maalis ang mga ngiti sa labi, napabuntong hininga na lamang ako. Hindi maipagkait na napakatulingin nga talaga ng lalaking ito.
Nakabalik na kami sa bahay niya tapos hinatak niya ako sa isang tapat ng kwarto. "Iyan na yung kwarto mo ha, inorganize ko na 'yan kagabi, di kasi ako makatulog" sambit niya pa at lumakad na papalayo.
Pinagmasdan ko naman ang kwarto na ito at kulay asul na naman dito. Binuksan ko ang malaking kabinet at mukhang kompleto na rin ang mga panamit at gamit ko, gumastos pa talaga ang lalaki na'to para sa akin ah?
Masyado siyang mabait, sabi ko lang naman sa kanya na baka mga ikang araw lamang ako titira dito ngunit babalik na ako sa amin. Napatawa ako, paaaralin pa talaga ako?
Seguro tama nga, segurong dito na muna ako, kailangan kong mapag-isa at hindi muna makita ang aking pamilya.
Naagaw ang pansin ko papunta sa labas ng kwarto dahil ang ingay, parang mga taong nagtatawanan o ano diyan, kaya't lumabas ako at nakitang may isang babaeng kasing edad ko lamang at dalawang lalaki na kambal? Mas bata kesa sa amin, mga labing-limang gulang pa lamang seguro. May isa ring matandang babae na bago lamang pumasok. Sino-sino sila?
"Manang, saktong dating kakadating lang namin!" sabi ng kakambal, pinisil naman siya nito ng matandang babae't agad pumunta sa kusina.
"Kuya Levi?" saad ng babaeng kasing edad ko. "Andito na kami, asan ka na?" nabaling ang tingin nilang lahat sa akin. Tila nakaramdam ng pagtataka.
"Sino siya?" dinig kong tanong ng kakambal sa babae. "Hindi ko alam" sambit naman niya hangga't sa lumabas si Levi at nanlaki ang mga matang nagulat sa kanila.
"Kuya!" saad ng kambal at umakyat papunta dito sabay yakap, ginulo naman niya ang mga buhok nito. Napansin ako ni Levi kaya napangiti lamang siya. "Ericka andyan ka lang pala, kamusta na si Tita?" tanong niya kay Ericka. Siya kung gayun yung Ericka na tinutukoy niya kahapon.
"Okey naman siya kuya, nakahanap naman siya ng trabaho kaya konting tiis na lang, baka next year hehe, kaya niya na kaming paaralin" sabi niya lang at napatango-tango.
"Okey lang yan, tutulungan ko pa rin kayo" saad ni Levi.
Ilang sandali'y namalayan ko na lamang ang aking sarili na nakaupo sabay kumakain sa kanila dito. Hindi ko ba mawari kung bakit panay ang tingin nilang tatlo sa akin? May ano ba sa mukha ko? Panay pa yung bulung-bulungan ng dalawang kambal na ito sa aking harapan, anak ng baka!
Napatikhim si Levi. "Um Chase, Hace, at Ericka. Si Velvita pala---"
"Girlfriend mo kuya?" nabulunan si Levi. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil kahit ako alam ko kung anong ibig sabihin niyon! Ako?! Ayaw ko no!
"Ano? Hindi! Kaibigan ko lang siya Chase, ano ka ba? Ako rin ang magpapaaral sa kanya" pagsasalita niya at tumingin sa akin. "Uh, Velvita sila nga pala yung mga pinsan ko"
"Alam ko" tanging saad ko't natahimik ang tatlo, tumayo naman ako. "Matutulog na ako salamat sa pagpapakain sa akin isang lalaki, babayaran talaga kita sa oras na makakabalik ako sa aming palasyo" napabuga si Ericka ng tubig pero linagpasan ko na lamang sila't dumeretso sa kwarto.
Hindi pa naman talaga ako inaantok, sadyang naiirita lamang ako sa mga tingin na binibigay nila sa akin.
Mga ilang minuto na ako seguro nanatili bago nakarinig ng bulungan sa labas, idinikit ko ang aking tenga sa pintuan. "Seriously parang siya yung babaeng nasa painting kuya!"
"I know Hase, she even had the same dress and accessories" napakunot ang noo ko dahil pinag-uusapan nila ako at yung babae ba daw sa kwaderno parang ako? Napatawa ako nang mahina hindi makapaniwala.
"Ngeks, a cosplay?" dinig kong tawa ng kakambal. "You're right baka cosplay lang, that painting is so famous now there's a huge possibility" sambit nung isa at dinig kong mga yapak nila palayo.
Pero may kakaiba, parang may yapak na mabilis tumatakbo papunta dito! Te-teka biglang nawala?
Idinikit ko pa ang tenga ko sa pintuan nang bigla itong bumukas, napaayos tuloy ako sa pagtatayo. "Hi!" pinigilan ko ang sarili kong mapairap dahil nasa harapan ko ngayon si Ericka. Nakalimutan ko ring isarado ang pintuan!!
"Ano ang kailangan mo?" napanguso siya sa asal ko pero dahan-dahang pumasok sa loob ng silid di maalis ang mga tingin sa akin nakangiti, mukhang nasisiyahang makita ako?
"Naman eh, gusto kita maging prend! Tila naeenggangyo ako sa iyong pananalita mahal na prinsesa" napatulala ako, alam niya? Paano? Teka paano?!
"Chas! Haha! Wala lang ginaya ko lang yung pananalita mo, siya nga pala ito yung uniform mo para bukas kung sakali makapasa ka daw, parehas lang naman seguro tayong size e" napaiwas ako ng tingin.
"Paano mo nalaman na isa akong prinsesa?" agad na tanong ko nang mapakurap siya ng ilang beses.
Paano niya ba kasi nalaman? May kinalaman ba ang babaeng ito kung paano ako napadpad dito?!
"Huh? Ay wala yun, sabi mo kasi kanina nakatira ka sa palasyo diba? Haha! Mukha ka pang seryoso" natatawa-tawa siya sa aking harapan pero bigla namang napahinto ng dahil wala akong kaekspres-ekpresyon. Napaubo siya nang mahina at napangiti sa akin, mukhang nailang.
"Uh hehe, anyways dito rin kasi yung kwarto ko e, so tabi nalang tayo?" agad akong naalarma.
Ano?! Kaming dalawa sa iisang silid? Ayaw ko no! Kahit mga kapatid ko nga ay hindi ko pa nakatabi matulog!
Pinakalama ko ang aking sarili. Kung aawayin ko siya seguradong papalayasin agad ako ni Levi, minsan kasi hindi mo siya mabasa diba? Kung kaya't, huminahon ka lang Velvita.
"P-pwede naman" ngumiti ako kahit pilit. "Great!" sigaw niya sabay higa sa malambot na kama. "Aw, feels nice" saad niya pa. Naiirita ako sa kanyang presensya kung kaya't pumunta ako sa bahagi ng silid kung saan pwede kang tumambay at sumimoy ng magandang ihip ng hangin.
Ganito pala ang karamdamang mag-isa ka lamang at walang may nakakilala sa iyo bilang prinsesa, pero bakit kumirot ng konti ang aking damdamin? Dahil ba sa gusto kong bumalik? O makita man ang aking mga magulang at kapatid?
Napailing-iling ako, gusto ko mang bumalik pero tila nagagalit pa ako sa kanila. Ang tanging gusto ko lamang ay ang malaman kung bakit ako napadpad dito at kung bakit ako'y nahimatay noon.
Alam kong si Mang Pedrito lamang ang makakasagot niyan, dahil tila'y may pinapahiwatig siya sa akin na hindi ko pa talaga nalalaman.
"Alam mo bang naaawa na ako kay Kuya Levi?" nabigla ako sa sulpot ng bruhang ito sa aking gilid, hayst. Imbes na lumayo ako pinili kong na lamang manatili. "Naiipit siya dahil sa amin" mahina niyang saad. "Mas inuuna niya pa kami kesa sa kanyang sarili" napabuntong hininga siya.
"Iniwan kasi kami ng aming ama at hindi kaya ni mama magpaaral sa aming magkakapatid kung kaya siya na lang mismo yung nagpaaral sa amin, ni hindi rin siya humihingi ng tulong sa mama niya, ang hirap no?" inilagay niya yung mahabang buhok niya papunta sa kanyang kanang balikat.
"Si mama kasi, ayaw ding mamroblema pa si Tita Ann sa amin yung mama ni Kuya. Sumang-ayon lang naman talaga si mama kay kuya Vi, dahil sabik tong makatulong sa amin, baliw talaga, nagpupumilit!" natawa siya. Pero may bumabalabag na naman sa aking isipan.
"Vi?" maikling tanong ko.
"Huh? Ah, yung nickname ni kuya Levi, Vi that's his nickname" napangiwi naman ako tsaka napatango na lamang. Ang daming sinasabi ng babaeng ito sa akin tss.
"Pero anyways kailan ba kayo nagkakilala? Bakit biglang nagdesisyon na naman siyang magpaaral—" napaputol siya nang magsalita ako.
"Teka nga isang babae, bakit mo ba sinasabi sa akin ang lahat ng ito? At isa pa, pinaparamdam mo ba na mas naiipit na siya dahil dumagdag ako dito?" tanong ko nang mapatawa siya nang mahina.
"Hindi" sagot niya lang.
"E, ano?" tanong ko muli ng napahinto nanaman siya muna bago magsalita.
"Dahil nakakaramdam ako na parang pwede kitang maaasahan. Gosh, I already felt good and comfortable when I'm with you, isn't that weird?" sabi niya pa sabay tapik-tapik sa aking balikat.
"Paano mo nasabi iyan?" tanong ko naman nakataas ang kilay. Napangisi siya at bahagyang lumayo sa akin.
"May ipapakita ako sayo, sumunod ka lang" saad niya, at pumunta sa gilid na bahagi ng kwarto. "Tingnan mong mabuti ha parang magic!" saad niya pa, at may inikot na bagay bago bumukas ang malaking pader!
Dahan-dahan akong pumasok at nakitang andito na naman ako sa kwarto ng mga kwadro. Lusot lang pala ng dalawang kwarto to? Ngayon ko lamang nakita ng maayos dahil sa pinaandar niyang ilaw. Ang gaganda pala ng mga nito.
"Si Levi--siya ba ang nagpinta ng lahat ng ito?" tanong ko nang mapailing siya.
"Hindi lahat ng ito ay sa kanya, kay lolo ng lolo ng lolo ng lolo namin ito" napatawa siya. "Ipininta ni lolo Manuel ito noong mga ilang siglo na ang nakalipas, binibili na nga ito ng malalaking museum pero ayaw ng lahat ng pamilya dito sa amin. Lahat ng paintings lalong-lalo na ang pinakamalaki dito. Iyan ang bilin ni lolo Manuel noon" napatango-tango ako.
"Yung kay kuya Vi kasi, ibinibenta niya agad kaya konti lang ang nadidisplay niya dito gaya noon" turo niya sa kwadro na may imahe ng isang batang lalaki na kasama ang ama nito na masayang nakangiti. Sadyang napakagaling nga niya ano?
"B-bakit mo nga pala ako dinala dito?" tanong ko na naman nang mapangisi siya. "Nakita mo ba iyon?" turo niya sa pinakadulo, may napakalaking kwadro, di ko pa masyadong mamukhaan dahil tila ang layo pa nito.
"Sabi ko kanina, maaasahan kita dahil nakikita ko si Velvetiña sa iyo, when I was a child, kuya Levi said she's our guardian, our angel" sambit niya habang lumalakad kami papalapit doon.
"Wait... Diba pangalan mo Velvita?" napatango lamang ako sa kanya at napangiti naman siya yung parang nasurpressa, nakatingin lamang ako sa mga ibang kwadro dahil naeengganyo ako ng ramdam kong napahinto na siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako.
"Tingnan mo ang nakaukit dito" napalingon agad ako sa unahan at bahagyang napaatras sa di inaasahang makikita.
Hindi ako napatingin sa tinuro niyang nakaukit na pangalan, naagaw ang pansin ko sa isang babae na may hawak na rosas, yung rosas na kagaya ng pinitas ko! Yung damit niyang pula na bestida na tila palagi kong sinusuot dahil paborito ko ito. Yung korona na kagaya talaga nung sa akin, ang buhok kong hanggang sa balikat, manipis na labi, matangos na ilong at mga matang ika'y sabi nila mahuhumaling. Isang hindi kapanipaniwala na ang ipininta nga na ito ay—
"Ikaw" nabigla ako at kinilabutan pagkatapos sabihin ni Ericka ang mga katagang iyon.
Ako.....

หนังสือแสดงความคิดเห็น (44)

  • avatar
    CabisoJohnaries

    good

    14/12/2024

      1
  • avatar
    MamarilReven

    good

    02/11/2024

      1
  • avatar
    PahunangAiza

    thanks

    15/10/2024

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด