logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2: STRANGE DEMEANOR

Ilang segundo pa seguro bago ako naalimpungatan sa mga nangyayari, amoy na amoy ko talaga ang mabango niyang suot at ramdam na ramdam ko rin ang kanyang hininga sa ibabaw ng aking ulo! Napakahigpit pa ng yakap niya sa akin. B-bakit niya ba ako niyakap?
Napakunot ang noo ko at agad siyang itinulak papalayo sa akin, dahilan ng muntikang pagkatumba niya sa mahipid at gawa sa batong daanan.
"Wa-wala kang karapatang yakapin o hawakan man ako, i-isa iyang ka-kapusukunan!" nauutal kong sabi habang hindi tumitingin sa kanyang mga mata.
Kasi bakit niya ba ginawa iyon? Eh Kahapon lamang niya ako'y sinigawan at pinalayas sa kanyang munting bahay! At isa pa, hindi naman kami magkasintahan upang gawin niya ang bagay na iyon.
"B-bakit mo iyon g-ginawa ha?!" tanong ko sa muli pero napapipikit naman ako sa inis dahil sa aking sarili, isa sa ayaw ko talaga sa lahat, ay ang mautal sa harapan ng isang lalaki! Napatikhim ako bago taas noo nang napatingin sa kanya.
"Sa palagay ko ako'y iyong sinundan isang lalaki" saad ko nang pumunta ang tingin niya sa aking mga paa.
Ibinalik niya rin naman agad ang tingin niya sa akin bago napatikhim at napaiwas ng tingin. "Miss, hindi kita sinusundan okey? Pumunta ako dito upang bumili ng bulaklak and please tama na nga ang pananalita mong yan ang lalim kasi, tama na ang cosplaying naku!" napataas ang isa kong kilay dahil isang bagay lang ang aking napansin.
Bibili siya ng bulaklak? Kung gayun may nililigawan na siya pagkatapos... Yinakap niya pa ako kanina? Anong klaseng! Isang napaka---
"Miss" nabigla ako ng lumapit siya sa akin. Ang lapit niya! "Kung ano man ang inutos niya sayo, don't go any further he's not taking that painting" napakunot naman ang noo ko, mukhang napansin niyang naguguluhan ako.
Napakamot naman siya sa kanyang batok "Ah, hindi ka ba marunong mag-ingles?" nanlaki ang mga mata kong sabihin niya iyon, ano? Ako? Napatawa ako ng mahina bago taas noong hinarap siya muli.
"Kung alam mo lang isang lalaki. Tila hindi ka seguro makakapaniwala na maruno akong magsalita ng iba't-ibang klaseng wika, hindi naman sa lahat ng wika pero naniniwala akong kaya ko iyang matutunan sa higit lamang dalawang araw" sambit ko ng tiningnan niya ako na parang hindi kapani-paniwala ang aking mga pinagsasabi.
"Tss, sabi ko na nga ba" bulong ko.
Napakurap ang aking mga mata sa kabiglaang linampasan niya lamang ako at dumeretso na doon sa loob. Na-napaka--
"H-hoy!" tawag ko pero kinakausap niya na ang isang matandang lalaki, mukhang binalewala niya lamang ang aking mga sinabi? Napasingkit ang aking mga mata.
Wala siyang karapatang gawin iyon sa akin! Tsk! Sa bagay nga naman hindi niya ako kilala. Pero ano ba ang lugar na ito? Sino ang nagdala sa akin dito?! Napahawak ako sa aking tiyan.
"Nagugutom na rin ako" napatingin ako sa kanya ng matalim sa di kalayuan. Hmp, kung pwedeng lang sanang maging tigre kakainin ko talaga hanggang sa maubos ko ang lakaking iyan! Ipadanas ko sa kanya ang matitinding sakit!
Pumasok ako doon ng sa laking gulat ko'y hinawakan niya ako at pinaupo sa isang silya.
"Diyan ka muna, apakarami ng sugat ng mga paa mo e, oh ito gamitin mo, gamutin mo yang kawawang paa mo" napakunot naman ang noo ko sa muli. Hindi ako makapaniwala kung bakit ba niya ginagawa ang mga ito sa akin?
"Naaawa lang ako sayo miss ha, wag kang feeling o assuming diyan" biglang saad niya pa. Tss ano ba ang mga sinasabi niya, bakit sinasabay niya ang wikang Ingles at Filipino? Pwede ba yun? Magsasalita na sana ako nang magsalita ang matandang lalaki.
"Ito na ang mga bulaklak mo iho" napalingon ako sa kanya at parang--ako'y agad binuhusan ng napakalamig na tubig! S-siya ang matandang lalaking nakausap ko kahapon! Agad akong napatayo at tulalang napatingin sa kanya.
"May kailangan ka ba iha?" tanong niya na nakangisi kaya napalunok ako.
Iha, iyan din ang unang tinawag niya sa akin. Kinilabutan ako at napakuyom ng kamao.
"Oy miss, kilala mo ba si Mang Pedrito?" napatulala lamang ako nang biglang napatawa nang mahina ang matandang lalaki.
"Ibigay mo na nga muna ang binili ko sa iyong painting iho, dalian mo baka manakaw pa iyan sa labas" saad niya at napaalerto naman ang lalaki.
"Ah oo nga pala! Wait lang po kukunin ko sa labas naku!" sambit niya nang mapatingin ang matandang lalaki na si Mang Pedrito sa akin. Ang mga matang napakamisteryo at nakakapangilabot!
"Ibig kong malaman mo na ikaw muna ang magtuklas ng mga pangyayari at kung saan ka talaga nararapat, mahal na prinsesa" napaatras ako sa mga salitang binitawan niya.
"A-ano"
"Mang Pedrito! Ito na po, birthday ko naman ngayon so, ibibigay ko na lang po yan sa inyo, for free!" masayang saad ng lalaki at napangiti naman si Mang Pedrito.
"Maraming salamat iho, pagpalain ka ng marami ng diyos" nahihiyang napangiti rin ang lalaki pabalik at napatingin sa akin.
Magtatanong na sana ako kay Mang Pedrito nang napakaraming tao na ang bumibili at nagtatanong sa kanya, natutulak ako papalayo.
"A-aray!" saad ko nang inilayo ako bigla ng lalaking iyon papalabas.
"Saan na ba ang sapatos mo?" tanong niya at napalunok ako, hinubad ko kasi kahapon at di ko na alam kung saan ko na iyon nilagay! Hayst.
"Bahala na nga sumakay ka sa aking likuran, papasanin kita" saad niya at tumalikod sa akin sabay yuko, nanlaki ang mga mata ko sa mga pinagsasabi niya.
Ano?! Papasanin niya ako? Sa mga binabasa kong nobela, kapag magkasintahan lamang ginagawa ang mga iyan o tila may gusto ang isang lalaki sa isang babae.
Pwede rin naman sa magkapatid na babae at lalaki pero--hindi naman kami magkadugo at tila hindi rin ako nakakakita sa totoong buhay na ginagawa nga ang mga bagay na ito!
Hindi naman ako lumalabas sa palasyo.
"Haystt" sambit niya pa at napatingin sa akin. "Bubuhatin na lang kaya kita?" saad niya at sa ikinagulat kong binuhat niya nga talaga ako! Yung parang pangkasal?
Hindi ko alam kung bakit uminit bigla ang aking pagmumukha sa pinanggagawa ng lalaking ito! Bigla naman akong nahiya sa mga taong nakatingin sa amin. Mas lumala pa yata dahil pangkasal ang pagbuhat niya sa akin! Banal na baka!
"Huwag ka ngang mag-alala, kilala ako sa pagiging matulungin na tao" saad niya pang nakangisi kaya napairap ako.
Ganito ba sila lahat dito? Naalala ko bigla ang mga suot ng kababaihan kahapon, ang iiksi!
Normal nalang ba talaga gumanun-ganun? Nakakapanibago talaga. Pati rin ba mga hindi magkasintahan gumaganito? Napatingin ako sa sitwayson namin.
Napaawang naman ang bibig ko dahil pagkaharap ko ay nakita ko kaagad na pinapasan ng isang lalaki ang isang babae sa di lamang kalayuan!
"Banal na baka! Normal nangalang talaga!" napatingin si hindi ko kilalang lalaki sa akin kaya napaiwas naman ako kaagad dahil sa lapit ng mga mukha namin, waa! Banal na baka! Pinakalma ko ang aking sarili.
Naamoy ko ang hininga niya!
Ilang saglit ay nakarating kami sa isang kainan, puro mga hindi ko alam ang mga kinakain nila pero mukhang masarap. Bigla namang umilab ang aking tiyan kaya napakurap na naman si hindi ko kilalang lalaki. Hayst! Hindi naman ako nakaramdam ng hiya mula pa noon pero bakit nahihiya ako ngayon?
"D-dahil birthday uh--kaarawan ko ngayon ililibre kita" napatikhim siya bago ako pinaupo sa malambot na silya. "Mag-oorder lang ako" saad niya muli bago pumunta doon sa tapat ng mga babae, inuulit ko naman ang sinabi niya
"O-order?" nakita kong pumipili na lamang siya sa mga nakadikit na imahe habang tumatango-tango naman ang babaeng kinakausap niya ngayon.
Napataas ang isa kong kilay ng mahina siyang hinampas sa dibdib ng babae habang mahina ding tumatawa-tawa ito, napatawa naman ako ng tinapik niya ang kamay nito dahilan ng pagkasimangot ng babae.
Grabe ganito sila lahat dito? Kahit saang parte ng katawan ay pwedeng hawakan? Ang pusok naman ng mga tao dito! Hmp!
Nakita kong papalapit na siya at bahagyang napakamot pa sa kanyang batok. "Hintayin na lang natin yung order" mukhang nahihiya niyang saad, bakit nga ba? Napagtanto niya na bang isa talaga akong prinsesa? Napaisip ako, mukhang hindi naman.
"Um sir and miss ito na yung order niyo" biglang saad ng babae at pagkakita ko ng mga pagkain, nanlaki ang mga mata ko. Nakakaengganyo! Parang tutulo tuloy laway ko! Pero siyempre hindi iyon mangyayari, dapat mapapaniwala ko talaga ang lalaking ito na isa akong prinsesa. Dahil isa naman talaga akong prinsesa!
"Feeling ko magugustuhan mo ang mga ito--"
"A-anong klaseng pagkain ang mga ito!" nasindak siya sa pagkasigaw ko at napatingin-tingin pa sa palibot, napansin ko rin na napahinto ang babaeng nag-aasikaso ng mga pagkain namin at napatingin sa akin.
Napatikhim naman siya bago umalis. "Excuse me" saad niya pa.
Napakamot ang lalaking ito sa kanyang ulo. "Ayaw mo pala ng mga ito? Sige mag-oorder--"
"Hindi! Ang ibig kong sabihin ay anong klaseng mga pagkain ito? Hindi pa ako nakakakita ng mga ganitong klaseng pagkain, anong tawag ba dito?" tanong ko at napalunok naman siya bago mahinang bumulong.
"Miss, uh--" napakamot siya ng kanyang ulo bago hindi makapaniwalang napatingin sakin. "Ito ay fried chicken, sushi, squids, vegetable salads, chicken filet, cordon blue, and this simple cute cake for my birthday" sabi niya sabay turo ng mga pagkain bago napatawa ng mahina.
Anong nakakatawa?!
"Alam mo miss maswerte ka, hindi talaga ako nagcecelebrate ng birthday ko kahit kanino, kahit nga sa family ko tss, mula kasi ng--" hindi ko alam kung bakit siya napahinto, pero tumingin pa muna siya sa'kin at ngumiti. "Ah--wala! Kumain kana nga, may pag-uusapan pa tayo di pa tayo tapos!" sabi niya pa at nagdasal bago muna kumain.
Tinikman ko na rin ang mga pagkain dahil nagugutom narin naman ako. At pagkatikim ko--nanlaki ang mga mata ko sa sarap pala ng mga ito!
"Huy, dahan-dahan lang miss" nabilaukan ako dahil sa lamon ng lamon ng pagkain. "O tss, uminom ka" ipinapainom niya ako ng masyadong hindi pamilyar sakin, kulay itim na parang may lumulutang na kemikal.
"Ano ba yan baka mamatay ako!!" reklamo ko.
"Inumin mo na kasi, hindi ka mamatay niyan, nako!" saad niya pa kaya sa walang pag-aalinlangan agad ko itong ininom.
Banal--na--baka, ang sarap pala! Kaso parang may kung ano sa aking lalamunan. Hindi ko nanaman tuloy mapigilang magtanong.
"Anong klaseng inumin ito?" nagtatakang tanong ko at napakamot siya sa kanyang batok sa muli. Bakit kasi kabago-bago lamang akong nakatikim nito? Akala ko ba kami sa lahat ng mga lugar ang may pinakamasarap na pagkain at inumin? Pero bakit ganoon? Bakit mas masarap ang mga ito?
"Grabe ka, hindi ka pa talaga nakatikim at nakakainom ng mga ito? Coke tawag diyan! Weird mo" saad niya't puno pa ang bunganga niya ng mga kanin. Mukhang naiinis na siya sa akin at ako nama'y nandiri sa itsura niya, wala bang kaugalian ang lalaking ito o ano mang respeto? Tss, sa bagay nga ako rin naman, magkaiba lamang kami sa pagagamit nito.
Ilang minuto ang nakalipas bago tapos na rin kami sa aming kinakain. Nabusog na rin ako, hay grabe ang lamig pa dito't ang ganda! Mabuti at binigay sa akin ng lalaking ito ang kanyang tsaketa dahil kung hindi nanginginig na seguro ang buo kong pagkakatawan. Parang nakaramdam na rin ako ng hilo. Ano toh? Baka lagnatin ako! Sana ay hindi lang, naulanan pa naman ako!
Napatingin ako sa kanya na nakatingin na pala sa akin. Napasandal pa siya sa kanyang kinauupuan habang nakatingin ng deretso sa akin, napataas naman ulit ang aking isang kilay. Bakit parang paiba-iba ang emosyon ng lalaking to? Ang hirap niyang basahin.
"Sabihin mo na ang iyong dapat na sabihin" tugon ko ng mapabuntong hininga siya at napailing-iling.
"Alam mo miss apaka fierce mo parang isa ka talagang secret agent! Ang galing mo ding umaway tss" isang katahimikan muli ang nangyari bago siya napatingin ng seryoso sa akin. "Pero hindi kita papalampasin noh, hinding-hindi niniyo mananakaw ang painting! Sabihin mo sa kanya yan ha!" napakunot ang noo ko. Ano ba ang pinagsasabi ng lalaking ito? Iyan nanaman ang nakaw na iyan!
"Isang lalaki, pagpasensiyahan mo na pero hindi kita mauunawaan, ano ba ang iyong ibig sabihin? Ako ba ay pinagbibintangan mong magnanakaw?!" di makapaniwala kong sabi, at napasabunot siya sa kanyang sariling buhok.
"Haha! Apaka! Oy miss umayos ka na nga, anong nakain mo miss ha? Ang weird talaga eh, lalim! Kanina ka pa ha, nababadtrip ako! Pinipigilan ko lang ang inis ko, kanina ka pa ha, alam kong pinadala ka niya sa bahay namin upang nakawin iyon!" nakahimas sa noo niyang sabi. Ang hirap talaga basahin ang lalaking ito!
"Hayst ito nalang" sabi niya pa at ipinatong ang mga braso niya sa mesa't bahagyang lumapit saking nakangisi. "May naiwan ka pala sa aming bahay, gagamitin ko iyon as evidence---" hindi na siya nakapagtapos ng bigla na akong tumayo at nagsalita. Alam ko kasi kung ano iyon!
"Ang aking korona! Ibalik mo iyon sa akin, hindi mo ba alam na mas malaki pa ang halaga niyon sa iyong buhay?" sigaw ko pabalik at napanganga naman siya sabay hindi makapaniwalang napatingin sa akin!
Ayan nanaman siya eh!
"What the heck? Miss, paano mo naman nasabi yan ha? Nagcosplay ka lang naman eh, hindi totoo ang koronanag iyon! Di nga mabigat yun eh nahawakan at nakita ko iyon sa dalawa kong mga mata at isa pa, saan ka naman kukuha ng totoong korona ha? Like, miss okey ka lang? Nanalo ka ng miss U ganoon?" umirap siya at napataas ng kanyang mga kamay. Naguguluhan na ako! Bakit ba ang hirap niyang papaniwalain!
"Basta't ibalik mo sa akin sa ayaw mo mang maniwala!" sigaw ko din kahit alam kong nakatingin na ang mga tao sa paligid. May ibinulong naman siya sa kanyang sarili muli! Mahilig talagang magbulong sa sarili ang lalaking ito.
"Hayst! Mababaliw na yata ako" wika niya't hinatak ako papalabas. "Wag mo na akong sundan dinala lang naman kita dito upang malaman kung ikaw nga ay isa sa mga tauhan niya, di lang ako segurado dahil ang layo ng mga sagot mo at mukha kang inosente sa mga bagay-bagay, kaya umalis ka nalang at bumalik sa inyo. Pero kung sa oras man na malaman kong kasabwat ka nga. Sa prisinto nalamang tayo magkikita" seryosong saad niya't tinalikuran ako.
Buong akala niya ba talaga ay isa akong kriminal na sunodsunuran lamang at tangkang magnakaw ng isang bagay? Parang uminit ang buo kong pagkakatawan!
"Isang lalaki! Ako ay prinsesa at hindi ako nagpapautos lamang!" sigaw ko ng derederetso pa rin siya sa paglalakad.
"Hoy! Teka!" tumakbo at sumunod ako sa kanya. "Ang korona ko!" sigaw ko kung kaya't napatigil na siya at napabuntong hiningang napatingin sa akin.
"Sumunod ka" tugon niya pero napahinto siya sa kasalukuyan at napatingin sa akin, napunta na naman ang mga tingin niya sa aking mga paa. Di ko rin inaasahang lalapitan niya ako at buhatin sa muli. Hindi na lang ako umimik.
Nakarating kami sa isang simenteryo. B-bakit kami nasa simenteryo? Nakita ko na pumunta siya sa isang libingan at inilagay ang mga bulaklak doon.
Ka-kaya pala bumili siya ng mga bulaklak. Umupo siya doon at napangiti ng konti, kita pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Pa, happy death anniversary, miss na kita" tumulo ang luha niya habang sinasambit iyon. Di ko namalayang umupo na rin pala ako doon sa kanyang tabi. Kahit kanino hindi pa talaga ako nakaramdam ng awa! Pero sige na nga naaawa ako sa kanya.
Nakaranas rin kasi ako sa ganito at iyon ay ang hinding-hindi ko malilimutan.
"Melevi Juan Davila" basa ko sa nakaukit.
"Ka-kaya hindi ako nagcecelebrate ng birthday ko, kasi simula ng m-mamatay si papa, parang hindi na ako naging masaya sa tuwing aking kaarawan, parang napalitan pa nga ito ng galit eh, hindi siya kasi namatay ng normal kagaya ng iba, namatay siya dahil may pumatay sa kanya!" galit na saad niya.
"Hinahanap ko pa nga kung sino ang pumatay sa kanya, dahil kahit kasi mga pulis, mga detectives ay hindi pa din alam! They had suspects before pero wala rin silang nakuhang impormasyon sa kanila, they were all proven innocent. And I'm scared that they'll end the case just like before. To give up the case... A-Alam mo yung unfair? Ano ba ang nagawa ng aking ama upang gawin nila 'yun sa kanya? Napakabait ng aking ama kaya paano—" sabi pa niya muli at pinunasan ang kanyang luha.
"Pagbabayaran nila to" galit niyang saad. "Kailangan kong bigyan ng hustisiya ng pagkamatay ng aking ama" tinapik-tapik ko siya sa kanyang likuran pero binawi agad iyon.
Ano ba ang ginagawa ko?
"Hayst, bakit ko nga ba sinasabi ang mga ito sayo?" napatawa siya ng mahina.
"Dibale na nga ibabalik ko sayo ang pekeng korona mo tss, nakakapagtataka lang kasi ang seryoso mo kanina kaya parang nag-aalinglangan ako tuloy kung peke ba talaga iyon o hindi" napatingin siya sa libingan at bahagyang pumikit. Nagdadasal siya.
Napatitig ako kung paano siya magdasal. Hindi ko namalayang natulala na rin ako.
"Miss?" napalimpungatan ako, tapos na pala siyang magdasal tila
hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanyang ganoon katagal.
"Let's go, sa labas ka lang ha, nag-aalinglangan pa ako" nanatili lang akong tahimik at sumunod baka magalit pa siya at hindi ibigay yung korona ko. Minsan di ko maiintindihan ang lalaking toh eh.
Nakarating na rin kami sa tapat ng bahay niya pagkatapos sumakay ng sabi niya daw ay isang taxi, kagaya nung mga nakita ko kahapon. Tss Grabeh ganoon pala yon, papara ka lang pagkatapos maghihinto yung sasakyan at ika'y magbayad lamang. Ibang-iba din yung itsura ng salapi nila tss, kakaiba.
"Ops! Sa labas ka lang wag kang papasok" napakunot ang noo ko, kung ayaw niya edi huwag. Hindi ko alam kung bakit ba ako sumusunod sa utos ng lalaking ito, pero ano pa ba ang magagawa ko? Hindi ko pag-aari ang lugar na ito! Humanda sila dahil pag makauwi na talaga ako, bibilhin ko ang lugar na ito! Haha!
Naghintay ako ng saglit ng lumabas na rin siya. "Oh! Ito na, pwede ka nang umalis" saad niya pa habang kumakain, kaya masaya naman akong tumakbo papalabas ng bigla akong napahinto, may naalala pa pala akong isang napaka-importanteng bagay!
Hayst. Agad ako bumalik at kumatok-katok doon. Di makapaniwala sa ano man ang maaaring mangyari.
Binuksan niya ako."What the--ikaw na naman? Ano? Bakit ka bumalik?" tanong niya at napakagat naman ako ng aking ibabang labi. Tama ba ang aking magiging desisiyon?
"M-may nakalimutan ako" napataas ang kanyang kilay at parang nagtataka kung ano naman iyon.
"Mukhang wala ka namang naiwan dito ha, ano naman yun? Anong nakalimutan mo?" nagtataka niyang tanong, ano ba ito? Bakit parang pinagpawisan ako at hindi masabi agad ang mga dapat kong isabi? Maasahan ko bang ligtas ako sa lalaking ito? Hayst, nag-aalinglangan ako pero bahala na nga!
"Miss ano na nga?" tanong niya sa muli at sa pagkakataong iyon nasabi ko na ang dapat kong sabihin.
"Pwede bang dito na muna ako ng mga ilang araw?"
"Huh bakit?!"
"Hindi pa ako pwedeng makabalik sa'min, may... May tinatakasan lang ako." napakuyom ako ng kamao. "At pagkauwi ko... Samahan mo ako sa mga barko kung saan pwedeng makabalik ako sa amin."
"Taga saan ka ba?"
"Kaharian ng Aguivas..."
Nalaglag niya ang kanyang hinahawakang pagkain habang hindi maalis ang mga nanlalaki niyang tingin sa akin.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (44)

  • avatar
    CabisoJohnaries

    good

    14/12/2024

      1
  • avatar
    MamarilReven

    good

    02/11/2024

      1
  • avatar
    PahunangAiza

    thanks

    15/10/2024

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด