LEVI'S POV "Levi! Malaking halagang pera na yun ano ka ba?" "Hayst basta pre ayaw ko nga, at alam mo namang ayaw rin yun ng lahat kong pamilya lalong-lalo na ni lola diba?" napairap ako habang sinasabi iyon at nagpatuloy na lamang sa pagpipinta. "Eh pano yan? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mommy mo, naiipit kana, tinutulungan lang naman kita dude" saad ni Jax, tss ito talaga masyado lang nag-aalala sa'kin e. "Correction dude, mama ang tawag ko sa kanya, and please nga, wag ka ngang masyadong mag-alala, I know my decisions" mariing sambit ko nang biglang tumunog ang aking cellphone, sinagot ko naman ito. "Oh lola?" inipit ko ang aking cellphone sa ginta na aking ulo at balikat, baka kasi malagyan ng pinta ang aking cellphone, may mga konting mantsa na nga eh. My left hand is using the brush while my other hand is holding a cotton. I like using cottons because it makes it really easy for me to mix the colors on a canvas. "Nak, andito si mommy mo--" "Mama, lola" I corrected her, napatawa lang si lola nang mahina bago sabihin iyon. "O siya sige, andito na mama mo, punta ka na daw dito may pasalubong siya sa iyo seguradong magugustuhan mo ito" sambit niya kaya napangiti lang ako ng konti. "Tell her that--pupunta ako diyan" saad ko, pero parang may kumirot sa aking damdamin. I cannot believe na may pasalubong pa siya sa akin, sa lahat nang ginawa niyang pag-iwan sa amin, sa akin! "Ayaw mo ba siyang kausapin sa phone?" tanong niya kaya nag-aalinlangan ako. "Um, mamaya nalang po pagkarating ko diyan lola" saad ko, nang biglang mahina akong hinampas ni Jax, binigyan ko lang siya ng ayaw look dahil alam ko ang tinutukoy niya. Napairap lang siya at napahiga muli sa kama at nagpatuloy ng laro niya sa ML. "Ah, sige, sige" saad ni lola. "Geh po lola bye" "hm, sige bye" call ended. Napatingin muna ako sa aking pinipinta bago napatingin kay Jax. "Shweet nemen sha lola niya, lolash boy?" sabi niya habang hindi lumilingon sa'kin. Tutok na tutok sa cellphone, baliw. "Pre kunin mo nga muna ang Cp ko" utos ko nang kinuha niya naman ito nang hindi maalis ang mga mata niya sa kanyang cellphone tss, ML is life pa nga naman. Tumayo na ako at pumunta sa banyo upang hugasan ang aking mga kamay. Lumabas at bumaba naman ako galing kwarto at hinugasan ang aking mga gamit pangpinta sa kusina. "Dude! Uwi na muna ako, hinahanap na ako doon sa bahay eh, hayst di talaga maiwasang hanapin ang bunso sa pamilya haha!" sabi ni Jax habang pababa sa hagdan. Napatawa na lamang ako nang mahina. "Next time gala tayo nina Theo sa mall hanap tayo chix! Di joke" kumindat pa ang baliw, tss isasama pa talaga ako sa kabaliwan niya ha. Napatawa na lang ako sabay irap sa kaabnoyan niya. "Libre mo na lang kaya ako ng pagkain mabubusog pa ang mahal kong tiyan!" dinilaan niya ako sabay tawa. "Ay teka sure pala, upang mawala na yung abs mo!" baliw talaga tss. "Hindi yan mangyayari!" tutol ko at pinakita ang pinakamamahal kong abs, yeah baby. "Wew, parang magtratransform ako into girlalu ha" tinapunan ko siya ng brush na hawak ko kaya agad na siyang lumabas. "Alis na nga ako dude!" sambit niya pa kaya agad ko namang nilock yung pinto, mag sesneak-in yan minsan at kukuha lang ng chocolate sa ref eh, abnormal! Umakyat na ako upang magbihis, sprayed perfume at agad lumabas ng bahay, agad naman akong lumakad papalabas ng aming village ng biglang may isang sasakyan na huminto sa aking giliran. "Levi Davila" napabuntong hininga ako nang makita 'na naman' si mister, Martin Tanner. "Get in and let's have a cup coffee somewhere" di ko siya pinansin pero binosenahan niya ako ng sasakyan paulit-ulit! "Come on, mag-uusap lang naman tayo" napatawa ako at napabulong sa sarili. "Usap my butt" bulong ko bago napatingin sa kanya. "Sir I already know what we are going to talk about so please, let's end this. I'm not going to let you take that painting and it's final" lumakad ako nang mabilis pero sinusundan niya pa rin ako. Seriously? Di ko maiwasang mapatingin muli sa kanya. "As you can see mister Tanner, I declined your offers multiples of times, and yet---" "Hindi pa rin ako humihinto" pagtatapos niya ng aking mga sasabihin kaya mahina akong napatawa ng hindi makapaniwala. He is not really getting over this. "Yes, so you know!" I paused. "I'm sorry mister Tanner, but I'm going to decline your offer once again" mariing sabi ko at pumara ng taxi nang bigla naman siyang magsalita. "I'm still not going to stop offering you Davila!" saad niya pero tuloy-tuloy lamang ako sa paglalakad papunta sa loob ng taxi. Crap no! Not my very great grandfather's painting noong ilang siglo na ang nakalipas. I can't let them buy it, even if it's worth millions yung i-offer nila sa akin! Binigyan ako ng malaking tiwala ng aking mga pamilya na sa akin ipabahala yung painting na iyon, and it's not only that. There's just a big reason kung bakit ayaw namin iyang ibenta, a very precious and fragile reason. Ilang sandali ay nakarating na ako sa bahay nina lola, nagmano ako muna kay lola bago humalik nang pilit sa mga pisngi ni mama. Ngumiti siya sa'kin nang matamis at napangiti lang naman ako nang mapait. Hindi ko lang maiwasan na masaktan kapag nakikita ko siya. It really crap hurts... "Levi anak, dahil uh--birthday mo na bukas--I have something special f-for you. Sana magustuhan mo" saad niya habang nakangiti nang konti. Hindi ko alam pero parang may pumipiga na talaga sa aking damdamin. "Ma--" "Sige na pumikit ka na nak, aalalayan kita palabas" sambit niya kaya wala akong magagawa, ipinikit ko na lang ang aking mga mata habang hinahawakan ako ni mama sa aking bisig, napansin kong dinala niya ako sa likuran ng bahay at doon ako pinakawalan. "O sige anak, mulat na" saad niya at pagkamulat ko, hindi ako makapaniwala sa aking mga nakikita. She gave me-- "A car!! Woah mommy you gave kuya Levi a car?" biglang saad ni Ricky ang aking bunsong--kapatid. My step brother... "Ricky! Come here nga oy! Ang bigat ng baby ko, kiss ka nga kay kuya mo birthday niya na bukas o, advance Happy birthday kuya Levi! I miss you na! Sabihin mo nga ky" I swallowed hard bago nagpahalik kay Ricky sa aking pisngi. "Advance happy birthday kuya Levi, I miss you" saad din ni Ricky pagkatapos akong halikan sa pisngi. "Aw so sweet naman!" saad pa ni mama habang hindi maalis ang kanyang mga ngiti sa labi habang pabalik-palik ng tingin sa amin. Isang katahimikan muna ang nangyari bago ako magsalita. "Lombarghini?" sabi ko ng mapatango-tango si mama. I just laughed at myself sarcastically, hindi makapaniwala. "Ma" napatingin siya sa'kin kaya napalunok na lamang ako. "I'm sorry but I can't accept this" napalitan agad ng pagtataka ang kanyang expresyon. "Levi anak, why--" "I can't accept it" sabi ko sa muli bago umalis ng nagdadabog. "Levi!" sigaw nila pero nakalabas na ako ng bahay. Tumakbo at tumakbo lamang ako habang hindi mapigilan ang mga luha na dumadaloy sa aking mga mata. Hindi ako sumakay ng taxi kaya pawis na pawis akong nakarating sa aking bahay. I sounded gay tsk, I don't really care because this is what I truly felt. Hinihingal-hingal ako habang paakyat ng hagdan papunta ng aking kwarto, gusto ko maligo muli! Hayst badtrip. Naalerto naman ako ng tumunog ang aking cellphone. "Oh?" sagot ko kay Jax. "Si Mister Tanner oy! Tumawag sa'kin! Dinecline mo na naman daw siya?!" di makapaniwalang sabi ni Jax kaya napairap na lamang ako sa muli. Pakialam ba nito hayst ayan na naman siya palagi tss! "Seriously Jax tama na nga!" inend ko ang call bago pumasok na sa Cr nanlalagkit ako hayst, makaligo na nga! Pinaandar ko na ang shower at agad naligo doon. I felt fresh agad uy! Pinababayaan ko na lang ang calls ni Jax kahit minsan naiirita ako sa tunog, pansin ko ring palagi siya tumatawag sa'kin tuwing naliligo ako tss. Ilang segundo ay parang nakarinig ako ng boses ng isang babaeng sumisigaw tss, ganito na ba ako ka single? Nag-iimagine na ng mga boses ng babae, kakanta na ngalang! "Wise men say! Only fools rush in, but I can't help falling in love with you" kanta ko sabay pakalma ng aking sarili. Don't mind your mother Levi! You're---dinig kong biglang tumunog na naman ang aking cellphone sa labas. Sira moments ang baliw! "Aish! Anak ng pusa! Bakit ba kasi sa tuwing naliligo ako! Pucha naman ni pare tawag ng tawag!" sigaw ko habang napahawak sa aking buhok. Kumuha ako ng tuwalya at ibinalot iyon sa'kin. Pagkalabas ko ay kaagad akong napaatras, tila hindi ako makapaniwala, pucha! Sinong babaeng ito!? Trespassing!! "Si-sino ka!?" tanong ko, nakita ko namang napalunok siya hindi makapagsalita. Parang natulala kami sa isa't-isa bago siya umiwas ng tingin at tumalikod! Bigla ko naman siyang pinuntahan at hinarap sa akin. VELVITA'S POV Nabigla ako ng bigla niya akong iniharap sa kanya "Sino ka ha!? Paano ka nakapasok dito!?" napalunok ako at di makagalaw at nanlalaki ang mga matang nakatingin ng deretso sa kanyang mga mata. Napahinto siya sa pagyugyog sa'kin nang mapansin niya ang kanyang sarili. "Hayst!" saad niya at napabitaw sa pagkakahawak sa'kin. Kukuha na sana siya ng kanyang mga panamit dito sa loob, nang makita niyang andito pa rin akong nakatingin sa kanya, kung kaya't hinatak niya ako palabas ng kanyang kwarto. "Diyan ka lang at wag kang aalis!" sigaw niya pa at parang hindi ako makapaniwala. Sino siya upang sigawan ako?! Akala ko ba siya ang nagdala sa'kin dito?! Kumatok-katok ako ng malakas sa nakasaradong pinto. "Hoy! Kung sino kamang prinsipe ka, wala kang karapatan na sigawan ako! Kilala mo ba kung sino ako?!" napatigil ako ng bigla niyang buksan ang pinto at hinila ako papasok habang hindi makapaniwalang nakatingin sa'kin. "Excuse me lang miss ha, ikaw yung trespassing sa pamamahay ko dito, at ano ba ang mga pinagsasabi mo, nababaliw ka na ba? Prinsipe? Pfts" napahinto siya nang makita ang aking kasuotan. Oo iyan nga! Mabigla ka sa akin, ako ito ang ikalimang prinsesa na karapat dapat mong takutan! Pinitik ko pa muna ang aking buhok bago tumingin sa kanya na nakangiting sarkastiko. Bago paman ako makapagsalita, sa laking gulat ko ay napatawa siya ng sa hindi ko alam! Tiningnan niya ako mula ulo hanggang sa paa bago tumawa ng malakas sa muli. Anong problema niya? Hindi niya ba talaga ako nakikilala? Tinuro-turo niya pa ang mukha ko! "Oy miss! Masyado ka naman yatang obsess sa painting ng aking lolo, yes alam kong famous na iyon sa buong Pilipinas pero sobra ka naman yata haha! Oh my gosh!" napahimas ako sa aking noo, pinipigilan ang inis. Oh my gosh?! "Pero nakakamangha lang kasi nakuha mo talaga ang lahat, yung suot, pati ang mukha, powers of makeup pa nga naman" sinukat-sukat niya pa ako. "Kulang nalang talaga ikaw yung ilagay ko doon haha! Tss makeup pa nga na naman talaga, pfts plano mong nakawin yon noh? Sus! Wag mong sabihin na tauhan ka ni---" di na siya nakapagtapos ng kanyang mga sasabihin ng bigla ko na siyang sinampal ng malakas! Anong karapatan niyang sabihin iyon sa'kin?! Magnanakaw? At ano ba ang mga pinagsasabi niya? Hindi ko siya minsa'y naiintindihan! Mukha rin siyang baliw kapag tumawa at hindi ganoong tumawa ang isang prinsipe! Humakbang ako papunta sa kanya at seryosong nakatitig lamang sa kanyang mga mata. "A-anong ginagawa mo--" hinawakan ko ang kwelyo niya at pinaluhod sa'kin. "A-aray miss, ang lakas mo pala—" napatahimik naman siya nang takpan ko ng aking hintuturo ang kanyang malambot na labi. Nilapitan ko ang kanyang mukha kung kaya't mas lalong nanlalaki ang mga mata niya sa akin. Nakahanap na rin akong paaran upang takutin siya, haha! "Isang lalaki, hindi mo ba talaga ako nakikilala?" napakurap ng tatlong beses ang kanyang mga mata kung kaya't napangisi ako at napahawak sa kanyang baba. "Hmm, mukhang hindi nga" mahina kong sambit bago tumayo ng tuwid at inilibot ang aking mga paningin sa paligid. "Sino ang nagdala sa akin dito, sabihin mo na dahil tila kailangan ko ng makauwi sa aming kaharian" utos ko at lumakad-lakad. "At ano ang mga bagay na ito? Ngayon lamang ako nakakakita ng mga ito kaya't medyo ako'y naailiw. Alam mo bang halos lahat na mga lupain ay nasasakupan namin? At higit pa, alam mo din bang minsan lamang ako naaaliw sa mga bagay na aking nakikita?" tanong ko at napataas ang dalawa niyang kilay. "A-ano." "Marahil ang mga lupain dito ay isa rin seguro sa mga lupaing nasasakupan namin, o hindi kaya" napatingin ako sa kanya. "Sa ikalawang kaharian dahil kabago-bago talaga ito sa aking mga paningin. Nakakapanibago rin na hindi mo ako kilala isang lalaki" sarkastikong saad ko nang mapakunot na ang kanyang noo, nakita ko pa na parang may ibinulong siya sa kanyang sarili bago tumingin sa akin. "Miss—" tatayo na siya sana pero agad ko siyang pinaluhod sa muli gamit naman ng aking mahabang binti na nakapatong sa kanyang balikat, medyo napasigaw naman siya sa sakit dahil inilagay ko ang aking paa sa kanyang balikat at dahan-dahang idiniin pa ang takong, ng umiidlak-idlak kong sapatos. "Sabihin mo kung hindi paparusahan kita sa pamamaraan ng garotte!" nasindak siya at napahawak pa sa kanyang dibdib. "Shocks!" napukunot ang noo ko, at napalunok naman siya bago magsalita "M-miss hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo, and please this is already an abuse! And you're freaking threatening me! Ni hindi nga kita kilala my goodness miss!" May ibinulong na naman siya sa kanyang sarili kaya't nabigla siya ng may kinuha ako sa likuran ng aking panamit at isa iyong latigo na bahagyang hinampas pa sa kanyang kama at bahagyang napunit ang mga tela doon. "Ayaw mong sabihin?!" sigaw ko. "M-miss t-teka lang miss huminahon ka, saan mo nakuha yan! Crap, jeez what the---" sambit niya habang hawak-hawak pa rin sa kanyang dibdib. "Heck, asan na ba ang cellphone ko, crap, crap, crap it." sa ngayon nasampal ko siya at dumugo na ang kanyang ibabang labi. Isa sa ayaw ko sa lahat, ang pinaghihintay ako! Isang katahimikan muna ang nangyari bago siyang napatingin sa'kin ng matalim, medyo napaatras naman ako dahil kinilabutan ako sa kanyang mga titig. Wala'y sinuman ang may nakakakagawa pa niyan sa'kin! Tumayo siya at sa di inaasahang laking pwersang idiniin ako sa isang malaking aparador! "Sumusobra ka na miss ha, lumabas ka na bago pa ako tumawag ng pulis!" hinila niya ako papalabas pero pumipiglaspiglas ako, muntik pa ako matapilok sa hagdan habang kami ay bumababa. Ang lakas-lakas pala ng lalaking ito! "Huwag mo akong hawakan! Hindi mo akong pwedeng hawakan! Alam mo bang labag sa batas iyon! H-hoy--" ako na naman ang kanyang pinutol. "Labas na baliw! Isang baliw na napakalalim magsalita! Magpasalamat kang mabait ako dahil kung hindi, ipapadakip na talaga kita sa pulis! Hayst! Kaya alis na go! Get lost before I could find you again!" Malakas niyang isinarado ang pinto habang ako ay hindi pa muna mauunawaan ang mga pangyayari. Alam ko ang mga sinabi niya, maruno akong mag ingles, pero ano ba ang mga nangyayari!? Nasaan na ako!? Inilibot ko muli ang aking paningin "Bakit lahat ng bahay ay gawa talaga sa bato at tila hindi nasa ordinaryo lamang na mga disenyo?" napabuntong hininga ako. Lumakad ako ng medyo malayo nang mapansin kong sumasakit na ang aking mga paa dahil sa aking mataas na sapatos, hinubad ko ito at sa di inaasahan, may mga malalakas na tunog sa aking kagiliran. Pinapatunugan ako ng mga sasakyan? Parang mabingi ako sa daming nagpapatunog. Dali-dali naman akong lumayo at pumunta sa giliran kung saan may napakaraming tao, mukhang may hinihintay. Tinitingnan ako nila at nagbubulungan, alam kong kadalasan nang mangyari sa akin ito pero, kakaiba ang mga titig nila? Parang nagtataka at parang nakakita sila ng baliw! Napagtanto ko na ibang-iba din ang kanilang mga kasuotan! May hinahawakan rin silang rektangular na bagay kagaya ng nakita ko doon sa lalaki kanina! Ang iba mas malaki pa nga at may mga magagandang disenyo. Lumapit ako sa kanila. "Isang binibini, bakit kayo may mga ganito? Para saan to?" napaatras siya sa akin pero nilapitan naman ako ng isa upang kausapin. "Ano pong maitutulong namin sa inyo?" tanong niya tss. "Ano yun?" turo ko muli sa hinahawakan ng babae, napatikhim naman ang babaeng kausap ko. "Um ate, It's a cellphone po." "Sa ano ba ginagamit iyan? Hindi pa ako nakakakita ng mga ganiyang bagay." "Umm, ginagamit po for emergency like calls, texts pero kadalasan talaga ay ginagamit ito for your own personal satisfactions, more like libangan like social medias. Pero teka nga wait, grabe sure po ba ate di pa po talaga kayo nakakakita nito?" sambit niya habang ako naman ay hindi makapaniwalang nag-iingles din ang babaeng ito sa harapan ko. Prinsesa rin ba siya? O ganito lang ba sila talaga lahat dito. "Naguguluhan na ako!" sigaw ko ng napaiktad ang babaeng nasa harapan ko. Nagsimulang magbubulong-bulongan ang iba habang pinagmamasdan pa ang aking kasuotan. Inikot ko nalang ang mga mata ko sa kanila dahil naiinis ako, di naman ako seguro nila kilala sapagkat hindi ko na alam kung nasaan ako. Napatingin ako muli sa kanila at sa gulat ko'y inirapan din ako ng mga babae tsk! Lumakad na lamang ako at iniwan ang babaeng nasa harapan ko. Habang sa paglalakad ngayon ko lang napansin na ang mga sinasakyan dito ay hindi kalesa! May nakasulat pa nga ang iba sa itaas na 'Taxi' at yung iba naman ay pahaba na may mga kulay! Minsan Itim minsan nakita ko puti, may mga katamtaman lang din na ang mga kulay ay pula! Sari-saring klaseng sasakyan! May mga malalaki at matataas ring pagtatayo at edipisyo na kay taas abot langit! "I-ibang klase" di makapaniwalang saad ko. Ilang segundo ay may napansin akong kakaiba sa aking ulo, bakit parang hindi na mabigat? Nanlaki ang mga mata ko. "Hi-hinde, hindi pwedeng mawala ang aking korona!" dahan-dahan kong inilagay ang aking mga kamay sa ibabaw ng aking ulo, at--hayst! Pumiglas-piglas ako. Tumangka akong bumalik kaso nakalimutan ko na kung saan na ang daanan pabalik! Napabuntong hininga nalamang ako, bakit nga ba ako umalis? Ang kitid ng isipan ko ngayon, hayst "Malas!" naiiyak ko nang sabi. Lumakad ako ng lumakad hanggang sa nakaramdam na ako ng gutom at pagod. Sa buong buhay ko ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito, wala pa naman akong salapi. Ayaw ko namang ipagpalit ang mga alahas kong sinusuot ko ngayon, ibinigay ito ng lola ko noong bata pa ako at ayaw ko itong ipagpalit lamang kapalit ng aking kakainin. Nangungulila ako sa kanya. Hayst kung sa oras na makakabalik man ako, hinding-hindi ko talaga kakalimutan ang lalaking iyon! Hinde! "Magbabayad siya" malademonyang saad ko ng biglang may umiyak na bata sa aking harapan, inirapan ko lang siya ng biglang malakas akong hinila at iniharap ng isang babae, hayst! Napapitik nanaman ako sa aking buhok. "Oy! Babae! Anong ginawa mo sa kapatid ko ha!? Hali ka na nga Chels, wag kang lalapit diyan, baliw yata yan eh!" tumakbo agad sila at dahil doon, hindi na naman ako makapaniwala sa aking mga narinig. Ganito ba talaga sila dito lahat palagi? Lumakad na lamang akong nagdadabog hangga't sa sumasakit na ang aking mga paa, may mga galos at sugat na dahil tila ilang kilometro na ba ang aking nalakad?! Ang init pa ng mga daanan mukhang namumula na ang aking mga paa. Kung sa araw na makakabalik talaga ako walang pag-aalinlangang papatayin ko sila! Pumunta ako sa isang pamilihan ng mga bulaklak na mukhang magseserado na dahil gumagabi na. Nagugutom na ako! Ang sakit pala sa tiyan. Ilang sandali ay umupo ako at doon muna nagpahinga sa labas dahil sarado na, kahit paman hindi ako sanay umupo sa sahig ay umupo ako! Ano pa ba naman ang magagawa ko? Bakit wala akong maalala kung bakit ako nahimatay? Sa kabiglaan ko ay umulan ng napakalakas, nawalan ako ng lakas tumayo at maghanap ng masisilungan. Parang nanghihina ako at gusto lang na magpahinga o di kaya matulog, ang gabi nadin at ang lamig. Napayakap na lamang ako sa dalawa kong tuhod bago mariing ipinikit ang aking mga mata. Napabangon ako dahil sa may gumigising sa akin. Liningon ko naman kung sino ito at isang pamilyar na lalaki kaagad ang nakita ko sa aking mga paningin. Di ako makapaniwala na sa hanggang dito ay siya ang aking makikita. Nagkatitigan kami at sa di inaasahan... Tinayo niya ako at sinuotan ng isang malaking tsaketa, di ko rin alam kung bakit niya ginawa 'yun at isa pa, nagulat din ako dahil bigla rin niya akong hinila papalapit, at yinakap ng mahigpit!
good
14/12/2024
1good
02/11/2024
1thanks
15/10/2024
1ดูทั้งหมด