logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

KABANATA 2

Saturday 8:00 pm
Tahimik na kumakain ang mag-ama sa hapag kainan alas otso ng gabi. Pareho itong nakatuon lamang ang mata sa kinakain at parehong lumilipad ang isipan sa malayo.
Hindi naman gustong magtanong ng batang si Draken sa kan'yang ama ukol sa kan'yang ina ngunit sadyang hindi niya iyon maalis sa kan'yang isipan. Lubos siyang nababagabag doon.
Napapansin man ni David ang pananahimik ng anak ay isinawalang bahala na lamang niya ito, likas na madaldal ang kan'yang anak lalo pa tuwing nadating ang sabado at linggo.  Lagi itong mayroong baong kwento pag-uwi galing sa eskwela ngunit ngayon ay kabaliktaran. Siguro ay pagod lang ang kan'yang anak at gusto nang matulog upang salubungin ang bukas ng may lakas.
Piniritong tilapya at ginisang pechay ang ulam ng dalawa, ang lampara sa gitna ng kahoy na lamesa ang nagsisilbing ilaw sa kabuuan ng kusina. Mula sa malaking bintana ng sala ay dumadampi ang sariwang simoy ng hangin sa kanilang balat.
Heto ang ikinaganda ng gabi sa kanilang barrio, madilim man ngunit kaysarap nitong salubungin. Mahangin at tahimik, ganoon ang gabi. Walang sasakyan, walang katuwaan, lahat ay namamahinga na sa ganitong oras.
Maliit ang barrio kaysa sa baranggay, tila nasa apat na daan lamang ang tao sa Barrio ng Caballero.
Mahinang buntong hininga ang pinakawalan ni David bago inabot ang baso at nagsalin ng tubig galing sa pitchel. Mataman niyang pinagmamasdan ang anak habang umiinom. Tila lantay ito at tamad kung kumain.
Inilapag niya ang baso sa lamesa at pinunasan ng tuyong bimpo ang labi, bago muling tumingin sa anak.
“Masamang paghintayin ang pagkain, Draken. Bilisan mo na riyan at linisin mo ang lamesa pagkatapos, ako na ang maghuhugas ng plato mamaya bago matulog.” Ayon lamang at diretso nang tumayo ang kan'yang ama upang bumalik sa silid nito.
Alam ni Draken na marami itong trabaho ngayon, hindi niya ito gustong tanungin dahil baka magalit lang ito sa kan'ya. Sinilip niya ang pinto ng kusina kung wala na ang kan'yang ama at nang mapagtanto niya na siya na lang mag-isa sa hapag ay saka niya ibinagsak ang ulo sa lamesa. Ipinilig niya ang ulo na tila ba pinipilit niyang alisin ang mga tumatakbo sa kan'yang isipan.
Siguro ay sasabihin naman iyon sa kan'ya ng kan'yang ama. Tama, hihintayin na lamang niya dumating ang araw na ito na mismo ang lalapit sa kan'ya upang sabihin ang ukol sa kan'yang ina.
Inisod niya ang kahoy na bangko at tumayo na upang limpisin ang lamesa. At dahil kanang kamay lamang niya ang nagagalit niya ay mas tumagal siyang kumilos.
Kinuha niya ang baldeng kulay itim sa ilalim ng lababo at dinala iyon palabas ng kusina, diretso sa likod ng bahay patungo sa pinakamalapit na balon.
Dumampi ang nanunuot na lamig ng hangin sa kaniyang balat, nakasuot siya ng kulay puting sando at lambutin na short pantulog. Ang cast sa kaliwang kamay niya ay naging sagabal lang sa kan'ya. Tinalian niya ang balde sa tangkay nito at ibinagsak sa balon upang lamanan ng tubig.
Dilim at ingay ng kuliglig ang namayani sa lugar. Hindi naman ganoon kalayo ang balon sa kanilang bahay, at mas lalo namang hindi siya natatakot na mag-isa. Wala naman siguro sa barrio nila si Corazon ang unang aswang.
Nang maramdaman ni Draken na bumigat ang balde ay tila matik na gumana ang kamay niya upang higitin iyon paangat. Nahihirapan siya lalo pa’t isang kamay lang niya ang gamit sa pagbatak nito.
Ilang saglit pa ay naiangat na niya ang balde, ngunit hustong lumapat ang balde sa lupa ay naulilinigan niya ang hikbi ng bata dahilan upang makapagpatayo sa kan'ya ng tuwid. Hikbi iyon ng bata hindi siya maaaring magkamali.
Inilibot niya ang paningin sa paligid at binitawan ang pagkakahawak sa balde. Madilim man ngunit aninag na aninag niya ang kabuuan ng paligid.
Nagpatuloy ang hikbi na kan'yang narinig, napilitan siyang ihakbang ang paa upang hanapin ang hikbi na iyon. Natatakot na siya sa puntong ito, ngunit mas nanaig ang kuryosidad niya.
Hindi naman siya ang palaging nag-iigib sa balon, ngunit ito ang unang beses na gabihin siya ng ganito. Hindi siya ang maghuhugas, ngunit nagpasya siyang siya na rin ang gagawa ng bagay na 'yon. Hindi naman mahirap maghugas ng plato, para kay Draken ay nalilibang siya sa gawain na 'yon.
Napalunok ng matunog si Draken nang maaninag na niya sa damuhan ang babaeng nakaupo at nakabestidang kulay puti. Nakasubsob ang muka nito  sa palad at patuloy na humihikbi.
“B-Bata, bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong niya. Lumapit pa siya rito at marahang umupo sa kaliwang banda ng bata.
Sinilayan niya ang muka nito upang makita ang itsura, kaso ay nakayukyok pa rin ito sa palad.
“G-Gusto kong mag-aral, kuya Draken,” munting sambit ng bata habang patuloy sa pag-iyak.
Nagtaka si Draken sa narinig. Kilala siya ng bata kahit hindi pa siya nito tinitingnan.
“Paano mo ako nakilala? At saka malapit na ang pasukan sa elementarya huwag kang mag-alala sasambitin ko sa ama ko ang hiling mo,” ani niya rito. “Iyon ba ang iyong iniiyak? Hindi mo ba alam na delikado rito sa labas kapag gabi?” dagdag niyang tanong.
Sa wakas ay nilingon na siya ng bata. At sa kagandahang palad, kilala din niya ang batang babae na iyon.
“Isabela,” pagbanggit niya sa pangalan ng kaharap.
“Kuya Draken, paanong delikado e, barrio natin ito?” iyak pa rin nito.
Napasulyap sa paligid si Draken.
“Hindi mo ba alam ang alamat ng itim na baboy? Tuwing gabi lumalabas ang mga ganoong uri ng hayop, Isabela. Kaya nilang kainin ang isang buong bata,” kwento niya rito.
Natigilan ang batang babae at napalitan ng takot ang muka. Pinahid nito ang mga luha at lumingon sa paligid. “Talaga po kuya Draken?”
Napatango naman si Draken bilang sang-ayon. “Oo, kaya naman umuwi kana. Pangako sasabihin ko sa aking ama ang ukol sa pag-aaral mo.”
Napanganga ang bata. “Gagawin mo iyon, kuya Draken?” mayroong pag-asa ang umahon sa bilugan nitong mata.
Tumango si Draken. “Oo naman, Isabela.”
Dahil sa tuwa ay napatayo si Isabela sa pagkakaupo sa damo at nagtatalon sa tuwa. Natatawang tumayo rin si Draken.
Tila libo-libong bituin ang nakaukit sa mata ni Isabela sa tuwa. Mabilis siyang niyakap nito nang mahigpit, at dahil matangkad si Draken ay hanggang tiyan lang niya ang maliit na batang babae.
“Salamat kuya Draken! Salamat po talaga!” ani nito.
Saglit na dumaan ang sakit sa kanang kamay ni Draken dahil sa masyadong higpit ng yakap ng bata sa kan'ya.  Tila namamaga iyon ngunit kahit masakit ay tiniis iyon ni Draken. Marahang nitong tinapik ang balikat ng batang babae.
“Huwag ka munang magpasalamat, wala pa nga akong nagagawa,” tawa niya.
Kumalas sa yakap si Isabela at tiningala siya. Ang mata nito ay medyo natatakpan ng hindi pantay-pantay na gupit ng bangs, gayunpaman hindi maitatago ang natural at makinis nitong muka.
“K-Kung ganon kuya Draken, Gusto ko sanang maging kaklase si kuya Isaac, gusto rin niya mag-aral gaya ko,” nakangusong sambit ni Isabela bago ay nagbaba ng tingin sa kamay nito.
Napakamot sa kilay si Draken. Isang ngiti ang kanyang isinukli sa bata.
“Sige, susubukan kong isama ang kuya mo.” ang kuya nito ay ang kambal niya na matanda lang sa kanya ng tatlong minuto.
Lumaki ang ngiti sa labi ng batang babae, isang beses pa niyang niyakap si Draken bago kumalas.
“Salamat po kuya Draken, umaasa po ako sa’yo!” masigla niyang sambit.
Napatangong hinimas ni Draken ang ulo nito bago ay itinuro na ang daan.
“Sige, Isabela. Pangako. Sa ngayon, umuwi kana muna dahil—” hindi natapos ni Draken ang sasabihin ng makarinig ng sigaw sa hindi kalayuan.
“Isabela!” boses iyon ng batang lalaki.
Parehong natigilan ang dalawa at sabay ding nagkatinginan.
“Isabela! Anak!” boses naman iyon ni Aling Julia.
“Nako kuya Draken, hinahanap na ako nila Nanay,” kabadong sambit ni Isabela.
“Sige, Isabela. Lumiko ka riyan makalampas sa malaking puno ng santol, tiyak makikita mo agad sila,” aniya bago ngumiti.
Dahil doon ay natigilan si Isabela at napabaling sa kaharap.
“Huh? Paano mo nalaman ang masukal na daan na iyon kuya Draken?” gulat na tanong ni Isabela.
Natatawang umiling si Draken. “ Wala akong hindi alam sa pasikot sikot ng barrio natin, kahit punso ng nuno ay bilang ko kung ilan.” sabay silang natawa roon.
“Oo nga kuya Draken, anak ka nga pala ng Kapitan, sige mauuna na ako! Salamat kuya!” huling paalam nito bago binagtas ang daan na itinuro ni Draken.
May ilang minuto pang nanatili si Draken sa pwesto at napaisip. Siguro naman ay hindi tatanggi ang kanyang ama ukol sa hiling niya.
Ngunit hindi naman mapera ang kan'yang ama, saan ito kukuha ng maitutulong? Paano kung magtrabaho kaya siya upang makatulong?
Isang positibong ngiti ang dumaan sa labi ng batang si Draken. Pagkatapos ay lumakad na ito pabalik sa balon. Hinawakan na niya ang balde at nagsimulang lumakad pabalik sa likod ng bahay papasok sa kusina nila.
Natigilan pa siya dahil nangangalay ang kanyang kanang kamay, muli ay binuhat na niya ang balde at medyo binilisan ang lakad.
Marahan niyang binuksan ang pintuan ng kusina upang ipasok ang balde. Kalinsingan ng plato ang  nakapagpabaling sa kan'ya sa kan'yang likuran.
Doon ay natagpuan niya ang kan'yang ama na nagtutuyo ng mga plato at diretsong isinasalansan sa pingganan. Ang lamesa ay punas na, ang lababo ay wala na ring hugasin nang madatnan niya.
“Saang balon ka umigib at ganoon ka katagal bumalik?” tanong ni David na ang paningin ay nakatutok pa rin sa mga tinutuyong plato.
Napayuko si Draken at nangapa ng sasabihin. Binuhat pa niya ang balde at dinala malapit aa kan'yang ama.
“Diyan lang po ama, sa likod—”
“Gabi na at delikado ang labas, Draken. Sa hinabahaba ng araw ay ganitong oras ka talaga mag-iigib ng tubig?” nahihimigan niya ang panenermon sa boses nito. Dahilan iyon upang lalo siyang mapayuko.
“Binalak ko pong maghugas ng plato, ama. Kaya po ako umigib sa labas,” mahina niyang sambit.
Tinapos ni David ang ginagawa at hinarap ang anak. “Dalawang drum ang puno ng tubig diyan sa likod, bakit ka pa mag-iigib ng tubig, anak? At sa ganiyang kalagayan mo pa talaga naisipang gawin ang bagay na iyon?”
Umawang ang labi ni Draken at ilang beses na napakurap, bigla ay naalala niya ang drum na pinupunuan ng kan'yang ama ng tubig sa umaga.  Napakamot siya sa sintido.
Lumakad si David at hinigit ang isang bangkong kahoy na nakapaloob sa lamesa, hinigit niya iyon palapit sa kan'ya at inupuan.
Tiningnan niya ang anak bago ay napabuntong hininga.
“Anong gumugulo sa isipan mo, anak? Mayroon ka bang gustong sabihin sa akin?” tanong nito, ang mga mata ay nanunuri ngunit ramdam doon ang sinsero at pag-aalala.
Napayuko lalo si Draken. 
Gusto sana nitong tanungin ang kanyang ama ukol sa kanyang ina dahil iyon ang gumugulo sa isipan niya kahapon pa. Ngunit paano?
Nanatili siyang nakayuko.
“Draken, anong problema anak? Kanina ka pa tahimik, sabihin mo sa akin ang problema,” pangungumbinsi ni David sa anak.
Ngunit isang buntong hininga lamang ang pinakawalan niya nang hindi siya nakakuha ng sagot sa anak.
Hinawakan niya ang braso nito na kung saan ay walang cast, hindi man niya aminin ay heto lamang ang nakakapagpagaan sa loob niya. Ang kan'yang anak.
“May problema ba sa paaralan?” muli’y tanong niya. Ngunit iling lang ang isinagot ni Draken.
Naguguluhan siyang pinagmasdan ni David. “Kung gano'n ano? May gusto ka bang itanong sa akin?”
Binalingan siya ng anak sa wakas.
“Wala po.” Ayon lang ang isinagot nito sa kan'ya.
Tumayo si David sa kinauupuan bago hinalikan ang kan'yang anak sa noo.
“Kung ganon, matulog kana,” anito bago tumayo at ibinalik ang bangko.
Dumako ito sa pinto ng kusina at iyon naman ang ikinandado.
Akma na itong aalis ngunit hinapit ni Draken ang laylayan ng kanyang damit na suot dahilan upang matigilan ito.
“Wala po akong gustong itanong ama, ngunit mayroon po sana akong gustong hilingin sa inyo,” dire-diretso at malakas ang loob na sinabi iyon ni Draken.
Napasulyap sa lampara si David bago ay muling ibinalik ang tingin sa anak.
“Anong hiling naman ito?” nakangiti man ay batid niya ang pagdadalawang isip sa muka ng ama.
Kinagat niya ang pang ibabang labi bago tinitigan ang ama. “Gusto ko pong sa parating na pasukan ay tulungan ninyo ang kambal na anak ni Aling Julia na pumasok sa paaralan ng elementarya, ama.”
Gulat siyang pinagmasdan ni David, ang mata nito ay nanlaki at umawang ang labi na tila ba sobrang hirap ng hiling niya. Napahawak ito sa sintido at napaisip.
“Draken.” hinawakan nito ang balikat niya. “Hindi madali ang hiling mo, isa lamang akong kapitan at hindi mapera. Hindi mayaman ang barrio natin at mga magsasaka lang tayo—” 
Bumilis ang dambol ng puso ng bata at kunot ang noo na tumingin sa ama.
“Lang? Mahirap ang trabaho natin, ama. Paano niyo nasasabing magsasaka lang tayo? Sa dami ng mga inuungkat na gulay sa atin ay hindi ba iyon maituturing na kaginhawaan?” gulat siyang tiningnan ng ama. “Hindi po ba ay dapat tayong matuwa dahil marami ang nabubuhay natin dahil sa ating mga pananim? Hindi po ba tayo karapat-dapat na magkapera at makatulong sa barrio natin? Kung ganon kailan po tayo uunlad, ama?”
Napasapo sa noo si David. Kahit naman siya ay nauumay na sa kahirapan ngunit dapat lamang siyang magpatuloy.
“Draken hindi mo ako maiintindihan, kailangan nating magtrabaho upang kumita ng pera para maipang tustos ko sa pag-aaral mo. Sa susunod na pasukan ay sekondarya kana, sa ibang lungsod na kita ipapasok. At mas malaki ang kailangan nating pera, hindi ko kayang tustusan ang pag-aaral mo at pag-aaral ng kambal ni Julia. Hindi tayo mapera at gaya ng barrio ay naghihirap din tayo.” ginagap nito ang balikat niya.
“Lahat ng bagay ay mayroong kapalit, pawis at pagod kapalit ng maliit na pera. Kaya nais kitang patapusin dahil hindi ko gusto na maging kagaya mo ako, gusto ko ay makakuha ka ng kurso na mailalayo ka sa ganitong klaseng pamumuhay.”
Kinagat naman ni Draken ang dila at wala sa oras na tiningnan ang ama bago ay buong tapang na nagsalita.
“Naiintindihan ko kayo ama, kung ganon ay magtatrabaho ako upang makatulong kina Isabela at Isaac. Magtatapos ako ng kurso sa kolehiyo at gaya ng gusto niyo ay hindi ako magiging kagaya mo, dahil hihigitan kita ama. Mag-aaral ako upang makatulong sa nasasakupan natin, mag-aaral ako upang maging mayaman ang barrio natin. Magpupursige ako upang isang araw gigising na lamang ako na wala na akong maririnig na kabiguan dahil ang anak nila ay hindi nakapag-aral. Titiyakin ko saiyo na hindi na matatawag na magsasaka lang ang mga gaya natin, ama. Pinapangako ko.”
Buong paghanga siyang pinagmasdan ni David. Isang ngiti ang namutawi sa labi ni Draken. “At magsisimula ako bukas, sana payagan ninyo ako, ama.”
Mahinang buntong hininga ang pinakawalan ni David. “Kapag magaling na ang iyong kamay ay hahayaan na kitang magtrabaho,” anito bago tumalikod at naglakad papasok sa kwarto nito.
Dahil sa sinabi nito ay nagkalakas ng loob si Draken na kumita ng pera sa paraan na kaya niya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (47)

  • avatar
    Geraldine Asonalleba

    nice and so fun ..

    21h

      0
  • avatar
    Hussien Mangondaya

    wonder full story and best story ever I read

    14d

      0
  • avatar
    John Y. Tinggal

    Wow

    24d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด