logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Until The Last Harvest

Until The Last Harvest

MidnightPhantom


Simula

"Inay, kailan naman kaya tayo makakatikim muli ng karne at manok?"
"Inay, nais ko sana pumasok sa paaralan ngayong parating na pasukan."
Mula sa itaas ng punong mangga ay tahimik na nakamasid si Draken sa ibaba, naroroon ay ang isang matandang babae na nakayuko at nagpupunla ng binhi ng Baguio Beans. Ang dalawa nitong anak na kambal ay kanina pa siya tinatanong ukol sa naudlot nitong pag-aaral.
Tumayo ang matanda at nagpahid ng pawis sa noo.
"Mga anak, alam niyo naman na kapos tayo sa pera, hindi ba? Pag-aaralin ko kayo sa tamang panahon," pagod na sambit ng matanda.
Napayuko naman ang mga bata.
"Inay, kailan pa po ba ang tamang panahon? Sa susunod na buwan ay pitong taong gulang na ako, ngunit hindi pa rin ako marunong bumilang ng tama."
Nangunot ang noo ng batang si Draken dahil sa narinig. Tumayo siya sa sanga at binalak nang bumaba sa puno.
"Kaya nga inay, napakahirap naman ng barrio natin." Segunda ng anak nitong babae.
Napasinghap ang matanda.
"Isabela! Hindi ka maaaring magsalita ng ganiyan! Paano kung marinig ka ni Kapitan David?"
Sa puntong iyon ay nawalan ng balanse si Draken nang marinig niya ang pangalan ng kanyang ama.
"Aray!"
Dumulas ang paa niya sa sanga at diretsong natumba at nagpasangat-sangat sa mga sanga hanggang sa mahulog siya sa pinaka lupa.
Natigilan ang matanda at mabilis na hinanap ang pinaggalingan ng sigaw. Nang makita nito ang namimilipit na si Draken ay saka lamang nakareak.
"Nako! Ang batang si Draken!" bulalas ng matanda. Mabilis itong dumalo sa bata at inalalayan umupo.
"Aww!" daing ni Draken nang maramdaman niyang may bali sa kan'yang braso.
"Jusmiyo marimar! Selso, tulungan mo ako rito! Ang batang si Draken, nahulog!" sigaw ng matanda sa isa pang matandang lalaki na nagdidilig naman ng mga binhi. Pagkakita nito sa eksena ay kaagad itong lumapit.
Madali nitong binitawan ang hawak na timba at dinaluhan ang asawa.
Ang dalawang bata ay natigilan at hindi lumalapit.
"Ah ang sakit!" daing ni Draken nang buhatin siya ni ka Selso upang madala sa bahay ng manggagamot.
Nakapikit ang mata niya at kagat-kagat lamang ang pang ibabang labi upang mapigilan ang daing na lumabas sa labi.
Nakarating sila sa bahay ng manggagamot. Mabilis na kumatok ang matandang babae.
"Doktora Kora!" katok ng matandang babae. Ang pagpapanik ay nasa boses.
Bumukas ang pinto at iniluwa ang isang babae, siguro ay nasa trenta pa lamang ito. Maganda at nakasuot ng puting bestida.
"Aling Julia, kayo pala. Ano at naparito— Draken? Anong nangyari? Pasok kayo!" binuksan nito nang malawak ang pinto.
Mayroong maliit na higaan na puti sa gilid, doon inilapag ni mang Selso ang batang si Draken.
Lumapit ang doktora kay Draken at naupo sa stool sa gilid ng kama.
Hinawakan nito nang marahan ang braso ni Draken at ineksamin ang sugat.
"May bali ang braso mo, Draken. Saan mo ito natamo?" tanong ng doktora.
Napapikit ng mariin si Draken at ininda ang sakit. Ni hindi na nito maibukas ang labi.
"Sa puno, Doktora. Nahulog siya sa punong mangga," sambit ni Aling Julia nang hindi sumagot si Draken.
Napailing ang doktora.
"Alam na ba ito ni Kapitan David?" tanong nito.
Mabilis na nagmulat ng mata ang batang si Draken.
"Huwag po! Ayos lang po ako Doktora, huwag niyo na po ipagbigay alam sa aking ama," nakikiusap na sambit ni Draken.
"Hindi ka ayos, tingnan mo oh. At saka malalaman iyan ng iyong ama nakatitiyak ako. Higit mo siyang nakakasama sa bahay."
Kumuha ng panyong puti ang doktora sa kalapit na drawer at ipinakagat kay Draken.
Diniinan niya ang kagat sa panyo at inihanda ang sarili. Ang doktora ay kinuha ang kahon sa ilalim ng papag at naglabas ng mga pangunahing gamot.
"Saglit lang ito, kagatin mo lang ang panyo."
Naramdaman niyang tila may ipinapahid ito sa braso niya, sunod ay nakaramdam siya ng sakit dahil sa pagdaan ng kamay nito sa braso niya na may bali.
Hinihilot nito ang braso niya at pagkatapos ay isang malakas na lagutok ang naulilinigan niya kasunod no'n ay ang malakas niyang daing, tila nagliparan ang panghapong ibon mula sa mga puno dahil sa lakas ng hiyaw niya.
Friday, 6:30 PM
"Dio, dio! Anong nangyari sa iyo?"
Napayuko si Draken at tiningnan ang kaliwang braso nito na mayroong cast. Kinagat niya nang mariin ang pang-ibabang labi upang mapigilan ang sarili magsalita.
Ang kan'yang ama na si David ay hindi maipinta ang muka. Nakahawak ito sa kahoy nitong lamesa sa loob ng silid nito. Ang salamin sa mata ay nakalagay sa ulo. Matangkad ang kan'yang ama, ngunit mapayat ito.
Nakasuot ito ng itim na pantalong kupas at sky blue na t-shirt. Nakasabit sa leeg nito ang kwintas na kulay itim, bilog ang pendant nito na mayroong disenyo na binhi sa loob. Katamtaman lamang ang laki nito, ito ay palatandaan na siya ang tumatayong kapitan ng barrio.
“Draken,” mayroong babala ang boses ng kan'yang ama.
Napilitan siyang mag-angat ng ulo dahil doon.
"Patawad po ama, hindi ako nag-iingat."
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni David bago lumapit sa kan'ya at iniluhod ang isang tuhod upang makapantay ang kan'yang anak.
Ang kamay nito ay humawak sa kan'yang kanang balikat niya na walang pinsala.
"Draken, anak. Matapang ka, ngunit hindi ko gusto na nasasaktan ka. Kaya kung maaari gawin mo ang lahat upang mailayo mo ang sarili mo sa kapahamakan."
Sinalubong niya ang tingin ng kan'yang ama. Dose anyos pa lamang siya ngunit alam niya ang ipinahihiwatig ng kan'yang ama.
Mabait ito at isa sa pinaka ayaw nito ay ang may nasasaktan kahit isa sa nasasakupan niya. Mas pipiliin na lamang nito umiwas kaysa lumaban.
"Opo, ama."
Napangiti si David. Hinagkan nito ang ulo niya bago tumayo pabalik sa kan'yang upuan.
"Ihanda mo na ang mga gamit mo sa paaralan para bukas, huwag mong kalilimutan na tasahan ang mga lapis mo, nakuha mo?" sinipat siya ni David bago dinampot ang mga papel nito at kumuha ng ballpen.
Tumango ang batang si Draken bago tumalikod palabas ng silid ng kanyang ama. Tama, may pasok bukas. Sa barrio ng Caballero ay tuwing sabado at linggo lamang mayroong pasok, mula lunes hanggang byernes ay walang pasok. Lahat ng tao ay naatasan na magtanim ng mga gulay tuwing walang pasok. 
Ang paaralan ay sa kabilang bayan pa. Sa Bayan ng Fernandez nakatayo ang nag-iisang paaralan ng elementarya. At ang paaralan ng sekondarya at kolehiyo ay sa malayong lalawigan na nakatayo. Kakailanganin ng malaking pera kung mag-aaral sa ibang lugar. At sa antas ng pamumuhay nila ay nakatitiyak si Draken na mahihirapan siya makatapos sa pag-aaral.
Natigilan saglit si Draken nang makarating siya sa pinto ng silid ni David. Nilingon niya ang kan'yang ama na kunot noong nagpipindot ng numero sa calculator.
Balak sana niyang hilingin dito na tulungan ang dalawang anak ni Aling Julia na makapag-aral. Ngunit tila hindi ito ang tamang panahon na humiling sa kan'yang ama ng mga ganitong bagay, nakatitiyak siya na problemado na naman ito dahil nalalapit na naman ang swelduhan ng mga magsasaka.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (47)

  • avatar
    Geraldine Asonalleba

    nice and so fun ..

    1d

      0
  • avatar
    Hussien Mangondaya

    wonder full story and best story ever I read

    14d

      0
  • avatar
    John Y. Tinggal

    Wow

    24d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด