logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

UNANG KANANATA : Mahiwagang Mundo

PETER'S POV
KINUHA ko ang bag ko saka dali daling sumakay sa Kotse ko. 18 ako ng bilhan ako ni Mama ng sasakyan.
Narinig ko pa ang pagtawag ni Mama pero di na ako lumingon. Tiyak na kakausapin na naman niya ako para layuan ang mga Barkada ko. Kasi nga 'di iyon ang mundo para sa akin' Iyon naman lagi ang sinasabi ng Mama ko. Iyon nga din ang dahilan kaya naweweirdan ako sa kanya. Pero diko naman masabi sa kanya ang nasa isip ko. Nahihiya ako.
Mag-isa akong pinalaki ng ina kong si Josephine. Ni pangalan ng Papa ko'y di niya binanggit. At wala din naman akong planong alamin pa iyon.
Siguro nga'y may pagtatampo ako sa Papa ko, kasi lumaki akong wala siya. Pero di ko naman alam ang buo at totoong Kuwento. Mas gusto ko nalang manahimik kesa bumigat pa ang dibdib.
Kinuha ko ang Cellphone ko. Tinawagan ko ang Kaibigan kong si Joel, susunduin ko siya. Na sa bahay naraw siya ni Dylan. Si Alice naman ay hinatid naraw ng Papa nito.
Si Joel ay naging kaibigan ko noong maghigh school ako. Katulad ko din silang may kaya sa buhay. Mayaman kung baga. Si Joel nga lang, dina binilhan ng Papa niya ng Kotse. Ilang ulit nadin kasi siyang nadisgrasya. Sa takot ng papa niya, pinahatid sundo ito sa Driver ng mga ito. Pero dahil likas na Pilyo, tumatakas siya sa Driver. Pero nang malaman naman ng Mama nito na ako ang naghahatid ay wala namang problema. May tiwala ang mga ito sa akin, ewan ko ba.
Si Dylan ay naging Kaibigan ko noong Last Period sa High School. Nagtransfer siya. Strikto kasi siya at ansama makatingin kaya laging pinag-iinitan. Ewan ko ba, pero nakavibes ko naman siya.
Si Alice ay First Year College ko nakilala at naging kaibigan nadin. Tudo habol kasi siya sa mga Dating Kaibigan. Dahil naawa ako, isinama na din siya ni Dylan sa Grupo. Mahirap talaga kapag baguhan ka palang talaga sa School. Anak si Alice ng isang Police.
Nakarating din ako sa Bahay nina Dylan. Hindi naman gaanong malayo iyon sa bahay namin.
Nakita ko agad si Joel na nakaheadset habang may Pinapanuod sa Cellphone.
Napailing ako. Madalas ganun naman si Joel, Nakaheadset. Palakaibigan naman ito at madaling magpapakilala. Si Dylan naman ay Chikboy o Loverboy pero ayun nga, walang tumatagal.
Tinawag ko sila na agad nagtakbuhan sa Kotse ko. Ilang sandali pa, papunta na kami sa Eskuwelahan namin.
EVANGELINE'S POV
BATA PALANG ay pinangarap ko nang magkaroon ng isang guwapong mangingibig. Pero hanggang sa lumaki'y ni isa man ay walang sumubok na ligawan ako. Ang dahilan? Bali-balitang aswang daw ang pamilya namin. Di iyon totoo. Pinalaki ako mag-isa ni Nanang. Tahimik kasi ito kaya nagpapakamalamh Aswang.
Dahil doon naging malayo ang loob ko sa mga Tao. Di dahil di ako palakaibigan, kundi dahil iniiwasan nila ako.
Nang magkolehiyo sa Maynila, doon lang ako nakatagpo ng isang tunay na kaibigan. Sa katauhan ni Lucy. Katulad ko, di gaanong palakaibigan si Lucy. Tahimik din siya at minsan lang kung magsalita. Kahit papaano'y masaya nadin ako.
Mag-isa nalang si Lucy sa buhay. Namatay ang mga magulang nito. 'Mga itinuring na magulang'. Di lingid sa akin na ampon lang siya at nakita lang sa Damuhan. Iyon daw kasi ang sabi ng mga magulang nito bago namatay.
Misteryuso ang Dating ni Lucy sa akin. Malikot ang mga mata niya at parang may sikretong itinatago. Nirerespeto ko din naman siya at dina nagtanong sa mga ayaw sabihin niya.
"Lucy!" Tawag ko sa kaibigan kong abala sa pagsusulat sa Notebook. Lumingon naman agad siya sa akin  saka binigyan ako ng simpleng ngiti.
"Eve."
"Halika, libre kita sa Canteen. Nagpadala si Nanay ng Allowance ko eh."
"Pero kailangan mo iyan para sa Project natin sa susunod na araw o buwan."
"Sus. Diyes Pesos lang naman ang kukunin ko. Saka hindi naman ako magpapasa ng Project dahil nakapasa ako sa Exam. Nakapasa tayong dalawa. Kaya halikana. Sayang din tu." Sabi ko sabay hila sa kanya. Agad naman niyang isinilid sa dalang bag ang Notebook niya.
Nang makarating kami sa Canteen ay dina namin pinansin ang ibang Estudyanteng nandoon. Mga Highschool na nasa Canteen din para magmeryenda.
Hinila ko si Lucy sa bakanteng upuan sa may Tabi. Pinaupo ko siya doon saka kumuha ng Bente pesos sa Bulsa. Agad nadin akong lumapit sa tindera. Mahirap na, mabenta pa naman doon ang Popcorn at Maruya.
"Oy Eve. Ikaw pala." Anang tindera. Ngumiti lang ako. Mabait si Manang Ruzz, kilala ko na siya dahil tumutulong kami ni Lucy kapag may Time na Busy ang mga Teacher namin at walang klase. "Si Lucy?"
"Nandoon po sa tabi."
"Ah ok. Anong sa iyo?"
"Isang maruya nga at Popcorn, Manang."
"Teka lang sandali." Aniya. Tumango lang ako saka lumingon. Nakita ko sa tabi ang Grupo nina Peter.
"Totoo kayang may Diwata talaga doon sa Yungib?" Si Joel.
"Siyempre Wala. Kuwentong pambata lang iyon, ano." Si Peter.
"Sus, ang sabihin mo, Peter, takot ka lang." Si Alice. Tinawanan naman iyon ng mga Kagrupo nito.
Imbes na magalit o mapikon kinain nalang ni Peter ang Maruyang binili.
"Bakit di natin puntahan para malaman natin?"
Nagkatinginan ang mga Kaibigan nito.
"Sige ba! Pero kailan?"
"Sa Susunod na Araw! Diba wala tayong Klase sa loob ng isang linggo?"
"Oo. Sige huh. Call na yan." Si Dylan. Napangiti naman ako, may naisip.
EPHRAIM'S POV
Palagi akong nagigising sa pagtulog. Hinahanap ko ang Prinsesa ng Kahariang Freyaha sa panaginip, si Prinsesa Eloisha. Ang Kapatid ko. Sanggol palang siya nang magkaroon ng Digmaan sa mga Engkantada sa mundo ng Immortal kung kaya't napilitan ang amang Hari na itago siya at ilayo.
Pero nakita nalang ang aking amang Hari na wala ng buhay, matapos ang Digmaan. At wala na doon ang Kapatid ko. Maaring kinuha ito ng kung sinong Diwata at pinaslang nadin.
Pero ang puso ko'y iba ang gustong sabihin. Di ako gaanong nakakatulog dahil doon. Ramdam ko ang Pintig ng Puso niya. Kaya alam kong dapat ko na siyang mahanap sa lalong madaling panahon bago pa magising ang Limang Dragon ng langit.
Agad akong lumabas ng silid ko. Sinalubong ako ng isang lambana na agad yumuko.
"Mahal na Prinsipe!"
"Homa, ikaw pala. Bakit gising kaparin?"
"Katulad mo'y naalala ko si Prinsesa Eloisha."
"Alam mong napapanaginapan ko siya?"
"Opo! Lahat ng Lambana'y alam iyon. Sa katunayan, gusto ka nilang tulungan."
"Anong tulong?"
"Malakas ang pakiramdam namin na nasa mundo ng mga Mortal ang Prinsesa. Kailangan mong makarating sa mundo nila."
"Pero paano? Ni halos di ako makalabas sa Palasyo dahil nadin sa bantay sarado ako ng aking inang Reyna."
"Madali lang ang solusyon para riyan, Prinsipe. Kailangan lang may magpanggap na ikaw para di sila magduda."
"Pero paano?"
"Kami na ang bahala diyan!"
"Per-"
"Hindi ka dapat magkaroon ng alinlangan, mahal na Prinsipe." Napatango siya. Tama nga ito. Saka na siya mag-iisip ng maayos. Ang mahalaga'y makita niya ang Kapatid na Prinsesa.
LUCY'S POV
NAGISING ako dahil sa pamilyar na ingay. Sumilip ako sa Bintana ko at nakita ang malaking buwan na pinapanlawan na siyang nagbibigay liwanag sa Gabi.
Ang ingay na iyon ay galing sa mga Asong nasa kabilang bahay lang naman. Napalingon ako ng tumunog bigla ang Cellphone ko. Patakbo akong bumalik sa Higaan at sinagot ang tawag. Ang kaibigang kong si Eve ang nasa kabilang linya.
"Eve, napatawag ka. Gabi na ah."
"Kailangan nating sumama kela Peter, Lucy."
"Pero bakit? Saan ba sila pupunta?"
"Sa Kuweba!" Binundol ng kakaibang kaba ang dibdib ko. Napalunok ako ng laway.
"Huh? Anong gagawin natin doon?"
"Adventure tu, Lucy!"
"Nge. Baka may Ahas doon."
"Sus ka. Huwag ka ngang killJoy."
"Hayst ewan koba-"
"Sige ah. Aasahan kong Oo ang Sagot mo. Goodnight!"
Naibaba ko nalang niya ang Cellphone ko dahil pinatayan na niya ako ng Tawag.
Napaupo ako sa kama ko. Para bang may pumipigil sa akin na magpunta at sumama. Pero ayukong biguin si Eve. Napabuntong hininga ako saka naghanda para kinabukasan.
HOMA'S POV
Napalingon ako sa kausap kong si Punong Diwata.
"Alam mong delikado itong iniisip mo, Homa."
"Pero banal na Punong Diwata, kailangan nating tulungan ang Prinsipe-"
"Tiyak na ikakagalit ito ng Reyna Elana. Baka parusahan niya tayo."
"Kung ganun ba'y dika pumapayag sa nais namin, Punong Diwata?" Anang kasamahan kong lambanang si Tina.
"Hindi sa ganun, pero—Ays! Sige na nga!"
Agad naghiyawan ang mga Lambanang kasama ko. "Ano ang dapat naming gawin, banal na punong Diwata?"
"Kailangan ko ng isang binata sa Palasyo. Isang binata na may mabuting puso katulad ng sa Prinsipe."
"Oh pagkatapos?"
"Dalhin niyo siya dito. Ipapaliwanag natin sa kanya ang Plano-"
"Ngunit saan tayo makakahanap ng binatang may mabuting kalooban?"
"Kayo na ang bahala. Basta sundin niyo ang nais ko." Aniya at tinalikuran ako.
"Sige." Agad nagsipulasan ang mga Lambana. Isa lang ang Destinasyon namin. Sa Palasyo. Dahil alam nilang nandoon ang Mabuting Binatang kakailanganin ni Punong Diwata.
LUCY'S POV
NAPATITIG ako sa kaibigan kong kausap si Peter. Nakahanda na kami para pumunta sa Kuweba. Napilit nga ako ng kaibigan ko. Agad nitong kinausap si Peter at agad ding pumayag ang Lalaki.
Kakaiba ang pakiramdam ko sa Gagawin namin. Ewan ko pero may panganib akong nafefeel.
Kinuha ko ang Kuwintas na nasa Pitaka ko. Iyon ang huling bagay na ibinigay ng mama ko bago sila maaksidente. Binibigyan ako niyon ng lakas ng loob.
Napatayo ako ng mamataan ang isa sa makakasama namin. Ito nalang ang hinihintay namin. Si Dylan. Masama ang tingin niya sa amin ni Eve. Di ko nalang iyon binigyan ng pansin. Ganun lang siguro talaga siya makatingin. Ilang sandali pa'y patungo na kami sa kakaibang kuweba.
FREDDIE'S POV
NATIGILAN ako nang makita ang ilang mga Lambana sa loob ng silid naming mag-ama. Agad akong tumayo saka pinuntahan sila.
"Homa, anong kailangan niyo?"
"Nagising kaba namin, Freddie?"
"Hindi naman. Bakit kayo nandito? Gabi na ah."
"Kailangan ni Prinsipe Ephraim ng tulong mo."
"Tulong? Para saan?" Nagtatakang sabi ko na tiningnan ang mga Lambana. Nagkatinginan sila ng may pag-aalala sa mga mukha. Binundol ako ng kakaibang kaba.
"Kailangan ka niya, Freddie. Tutulungan moba siya?"
Agad akong tumango. "A-ano ba iyon?"
"Kailangan mong maging siya!"
"P-paano?" Gulat na tanong ko. Hindi nila ako sinagot. Lumipad sila sa kamay ko kaya ginamit ko ang kapangyarihan kong makapaglaho. Mapupunta kami sa gustong puntahan ni Homa na Lugar
Nang imulat ko ang mga mata ko'y agad akong luminga linga, diko alam ang sasabihin. Pero nahagilap kodin naman ang Boses ko ilang sandali pa.
"Bakit niyo ako dinala dito sa batis, Homa?"
"Dahil nandito ang tutulong sa atin."
"Tutulong? Sino naman ang tutulong sa atin dito? Walang ibang naririto kundi si Punong Diwata lang at ang Palaka niya."
"Ako nga, Freddie." Bigla akong napalingon. Nanlaki ang mga mata. Minsanan ko lang nakita si Punong Diwata. Nakaramdam ako ng kaunting takot pagkakita dito. "Buo ba ang desisyon mong tulungan ang Prinsipe?"
"Oh. Oho." Biglang sabi ko saka yumuko dito bilang paggalang.
"Kailangan na nating gawin agad ang Mahika, para bukas ay makaalis na ang Prinsipe." Kahit nagtataka sa sinasabi nito'y sumunod ako. Nag-aalala naman akong sinundan ng mga Lambana ng Tingin.
LUCY'S POV
PAGOD na umupo ako sa malaking Batong nakaharang sa Kuweba. Inabot na kami doon ng Umaga dahil sa haba ng nilakad namin. Buti nalang talaga'y wala kaming Klase isang Linggo.
"Anong gagawin natin ngayon?" Si Alice.
"Kailangan nating makapasok agad bago sumapit ulit ang Gabi." Si Joel.
"Edi tayo na. Ayaw ko din namang malapa ng isang Lobo kung totoo man iyon." Si Eve. Tumayo nalang din akl saka inalalayan si Peter na pagod nadin. Ito lang kasi ang nanatiling gising noong isang gabi para magbantay habang natutulog kami.
Kumuha ako ng isang Tubig sa Dala kong bag. Iniabot ko sa kanya. Umusal lang siya ng Pasasalamat bago pumasok sa Kuweba. Madilim ang Kuweba, madaming bato. Isang kakaiba at maliliit na ilaw ang nakaagaw sa Pansin namin. Para bang kumikinang iyon at tinatawag kami?
Agad kaming nagpunta palapit doon. Marami kasing malalaking batong nakaharang kaya nahirapan pa kami.
EPHRAIM'S POV
SA KABILANG banda, matapos kong banggitin ang mga mahiwagang salita ay Bumukas na ang Lagusan patungo sa lugar ng mga Mortal. Kumagat ako sa mansanas na dala ko.
"Saan na tayo pupunta ngayon, Mahal na Prinsipe?"
Halos mapahiyaw ako sa Gulat. Agad akong napalingon at nakita ang Punong Kawal na nagbabantay sa akin. Ang Ama ng kaibigan kong si Freddie.
"Jevru. Bakit ka nandito?"
"Nangako ako sa Ama mong di ako lalayo sa tabi mo. Kaya kailangan mo akong isama saan ka man magpunta-"
"Hindi puwede. Tiyak na pagduduhan ng Reyna kung walang Kawal ang naiwang Prinsipe!"
"Hindi mo ako dapat iwan dito, Prinsipe. Ang pangako'y pangako. Tutuparin ko iyon kahit ikagalit mo man."
"Per-"
"Teka, may paparating!" Agad niya akong hinila sa isang malaking bato sa loob ng Kuweba kung saan naroroon ang Lagusan.
"Sandali, kailangan kong maisara ang Lagusan!"
"Wala na tayong oras, Halikana!" Aniya saka hinila ako sa isang daanan pakabila sa pinagmulan ng naririnig naming Boses.
PETER'S POV
NAMAMANGHANG nakatitig kaming anim sa kakaibang bagay na nasa harap namin. Ikinurap ko ang mga mata ko pero di iyon nawala. Para bang Magic.
Biglang lumakas ang hangin kung kaya't nagyakapan kaming anim. Kahit si Dylan na ilang pa'y nakiyakap din.
Para bang umikot ang Malakas na Hangin sa aming anim.
Napasigaw pa kami bago kinuha at dinala sa Kung saang lugar. Walang malay kaming bumagsak sa magkakaibang lugar na iyon.
Masakit ang katawan ng magising ako. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata at nagtatakang inilibot ang tingin. Nasa Korea ba ako? Pulang mga Puno? Malinis at maliwanag na tubig? Ang huli kong naalala ay nasa Kuweba ako bago kami dinala ng Hangin?
"Gising kana pala." Napasigaw ako sa gulat dahil sa biglang narinig na boses. Galit na lumingon ako pero wala akong nakita kundi mga nagsasayawan at nagtatayugang Puno.
"Nandito ako sa ibaba."
Dahan dahan ko namang sinunod ang sinabi niya. Napasigaw ulit ako.
"Ahhhh! Isang Duwende!"
"Oo, Kaya wag kanang maingay. Ano nga palang ginagawa mo dito sa lugar ko?" Aniya na tumalon sa kamay ko. Gulat man pero diko siya pinaalis doon.
"P-paano ako napunta dito?"
"Ikaw ang dapat kong tanungin diyan. Tingin ko'y galing ka sa itaas. Binagsakan mopa nga ang Bahay ko kaya napalabas bigla ako." Itinuro niya sa akin ang tila maliit na bahay na nasira ko nga siguro. Humingi ako ng paumanhin sa kanya.
"Kaibigang Duwende, puwede moba akong tulungang makabalik sa Mundo namin?"
"Puwede naman. Pero may kapalit!"
"A-anong kapalit?" Nag-aalala kong tanong pagkakita sa ngising binitiwan ng Duwende.
"Saka na muna, ako nga pala si Yahub. Ang Lider at Hari sa Tribo namin."
Inabot ko ang Isang Daliri dito. "Ako naman si Peter. Isa akong Tao."
"Tao? Nakakita na ako ng Tao. Pero bakit para kang isang Prinsipe sa suot mo? Tiyaka pamilyar ka!"
Gulat akong napatitig sa kanya. Saka dali daling tiningnan ang sarili ko. Malakas akong napasigaw.
ELANA'S POV
IPINATAWAG ko ang ilan sa mga Ministro ko. Pati nadin ang isa pang Kawal.
"Roctun, nasaan ang Punong Kawal na si Jevru. Hindi ko ata siya napansin ngayon?"
"Paumanhin ho, mahal na Reyna. Namataan po ng ilan sa ating Kawal ang pag-alis niya. Tila may sinusundan siya."
"Ngunit saan siya pupunta? Di man lang siya nagpaalam. Kailangang palitan agad natin siya. Di puwedeng mawalan ng Punong Kawal ang Palasyo."
"Opo."
"Ipatawag mo si Freddie. Hangga't wala ang Ama niya'y siya ang magiging Punong Kawal."
"Masusunod po." Yumuko muna siya sakin saka dali daling umalis. Tiyak na may dahilan ang pag-alis ni Jevru ng walang pahintulot mula sa akin.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (20)

  • avatar
    c Li

    the THRONE is very nice

    01/06

      0
  • avatar
    Joseph Blanquisco

    nice

    16/05

      0
  • avatar
    Em-Em Trangia Bando

    try to this app

    13/02

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด