logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Forgive, Forget And Forever

Forgive, Forget And Forever

RMWrites


PROLOGUE

PROLOGUE
"Manong, para po." sabi ko sa jeepney driver nang sinasakyan ko.
Dire-diretso akong bumaba at naglalakad sa kahabaang kalsada dito sa BGC. This is my first day of work sa isang Furniture Company. Tuloy-tuloy akong pumasok hanggang sa tanggapan ng building, pinapasok ako ng guard dahil may ID agad ako, kitang-kita ang karanyaan at kagandahan ng kumpanyang pagta-trabahuhan ko ngayon.
Unang palapag pa lang nag-gagandahan na sa mga muwebles na siguradong mamahalin, at sa lahat ng building na napasukan at napuntahan ko eto lang ata yung may sobrang laking chandelier sa gitna, classic style ang tema ng paligid pero pagtapak mo palang, pakiramdam mo nasa isang magandang hotel ka na.
"Good morning Miss, I am Celestine Mae Gonzaga, the newly hire HR Officer." sabi ko sa babaeng chinita at maganda na nasa information sabay ngiti.
"Wait for a moment Ma'am." ngumiti lang ako sakanya at inantay ang susunod niyang sasabihin. "Ma'am, akyat po kayo sa 19'th floor, may mag-a-assist po doon sainyo kung saan ang pwesto mo." sabay assist niya sakin papuntang elevator.
Kaunti lang kami sa elevator at hula ko ay pang 6 ako sa sumakay, tumingin ako sa lahat ng nakangiti, tanging isa lang ang ngumiti pabalik. Inayos ko na lang ang suot kong black pencil skirt na tinernuhan ko lang ng white floral v-neck blouse at cardigan, black flat shoes ang sinuot kong sapatos, dahil pakiramdam ko sobrang tangkad ko na pag nag heels pa ako. Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako, sunod-sunod rin namang naglabasan ang mga kasabay ko, na sa palagay ko ay dito din ang work place.
"Bago ka?" tanong sakin ng chinita, maputi at matangkad na babae.
"Yes, first day." simpleng sagot ko.
"Ikaw ba yung bagong HR officer?" tanong niya sa akin.
"Ako nga, by the way, I'm Celestine Mae Gonzaga." sabay lahad ng mga kamay ko sakanya na agad naman niyang tinanggap.
"I am Tasha Mendez, Senior Manager ako dito, lika samahan kita kay Mrs. Cruz." nauna siyang maglakad sakin papunta sa mga cubicle ng mga empleyado.
Lahat sila nakatingin at nakasulyap samin nitong si Tasha, ang sexy niya kase sa black peplum dress at white stiletto niya, kaya talagang head turner siya. Pumasok siya sa isang opisina.
"Good morning Ma'am Allice, this is Celestine Mae Gonzaga, our new HR officer." pagpapakilala niya sa akin sa isang babae na tingin ko ay nasa mid 30's na.
"Good morning Ma'am." ngiti ko sabay lahad ng mga kamay ko. "Celeste nalang po for short." ngumiti siya at tinanggap ang kamay kong nakalahad saka tumayo.
"Good morning, this is your first day, I hope you can catch up everything, sa workplace. Sa trabaho at sa mga kapwa mo empleyado. Sorry to say this, I know this is your first day but Im going to give you a load of paper works, natambak ang lahat ng paper works na kailangan dapat dumaan muna sa HR officer, bute nalang talaga at may na hired na at ikaw yun. I trust your credentials Ms. Gonzaga, kailangan mong matapos lahat ng yun until tomorrow, dahil pabalik na ang CEO at kailangan niyang makita lahat ng matatapos mo. So ano pa hinihintay mo? Work work work na Celeste. Good luck on your first day, sorry talaga, biglaan kaseng nawala ang HR officer na pinalitan mo, nagtanan ata. Tasha will bring you on your desired office, hope you feel comfortable, and welcome in MonteCeste Furniture Company." mukhang haharap agad ako sa madugong trabaho ah, tinuro lang sakin ni Tasha ang magiging puwesto ko.
Nasa dulo ito ng mga cubicle, glass ang wall at pintuan pero di kita ang nasa loob, maayos tignan, nasa gitna ang mesa, sa bawat gilid at may maliliit na organized cabinet, sa kabilang gilid ay may side table at sa kabilang gilid ng magiging table ko ay may computer at printer. Maayos at presentable kaya sa palagay ko magiging maayos ako dito. May halos limang dangkal ko na mga papeles sa gilid ng table na sa malamang at malamang ay ang tatrabahuhin ko. Inayos ko muna ang paligid konting arrangement lang, yung sa palagay ko magiging mabilis ang trabaho ko.
Pinagpawisan ako sa pag lipat ng side table, cabinets at computer kahit na may aircon ang opisina ko. Buti nalang at di ako nakikita ng mga tao sa labas kung ano ang ginagawa ko. Pasado alas diyes ng maayos ko ang opisina ko,kaya nag freshen up muna ako at nag punas ng pawis ay inumpisahang ieksamin ang mga papeles.
Habang ina arangge ko ang mga papeles na to,biglang pumasok sa isip ko ang pangalan ng kumpanyang ito pero binalewala ko lang, kakaiba sa pandinig ko ang MonteCeste na siyang pangalan ng furniture company na ito.
Sakop ng trabaho kong pagiging HR officer ang pag check sa gawa ng mga ibang empleyado, ang status ng bawat isa sakanila, kung maayos ba ang input sa bawat encode ng labas pasok ng mga materyales para sa mga furniture na ginagawa.
Hindi ko namalayang lunch time na pala, pero tuloy lang ako sa pag check ng mga papel at pag type sa laptop ko, yung iba pirma lang ang kailangan kaya halos napangalahati ko na ang iba. Sumandal ako sa swivel chair dama ko ang ngalay sa likod dulot ng ilang oras na pag upo, na hindi sinasadya ay natabig ko ang ibang papel kaya dali-dali kong dinampot isa-isa. Sa pag aayos ko ay may isang magazine ang nakahalo pala sa mga ito, kaya agad kong dinampot at tinignan, laking gulat ko ng makita ang isang lalaki at mabasa ang pangalan niya, parang unti unting nawala ako sa ulirat ko.
Nanghina ang tuhod ko sa nababasa ko, siya ang CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko sa ngayon. Matagal ko siyang binaon sa limot, pero ang makita siya kahit sa magazine lang ang nagpaalala sakin kung pano niya mas dinurog ang puso at pagkatao ko. Pwede pa ba kong umatras? o hayaan nalang na malamang sa malamang magtatagpo ang landas namin.
Ilang taon na ang lumipas mapapatawad ko pa ba siya, para hayaan ko ang sarili kong kalimutan ang lahat o forever na akong magagalit sa mundo, lalo na dahil sakanya. Ohh tadhana napaka angas mo talaga.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (1329)

  • avatar
    Crisdoie Galvezo

    nang nabasa ko to .. naiiyak ako kasi sobra niyang tapang sa kabila nang bigat nang problema .niya .. nkakakuha ako nang aral na kailangan talaga matapang sa anumang hamon nang buhay... sana ganyan din ugali ko katulad ni celeste ..😔😔

    13/07/2022

      2
  • avatar
    Psyrhen P. Delapaz

    one of the best novelah story i read

    12/07/2022

      1
  • avatar
    Alliah Raine Ambong

    ang ganda ng story, celeste is very strong woman!!

    11/07/2022

      2
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด