logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 07

"Anong nangyari sa 'yo kanina, ineng no'ng nandoon tayo kina Vito?" tanong sa akin ni Nanay. Nakauwi na kami ngayon pero kasama pa rin ni Vito si Sean. I sneaked out lang para makalabas. Nakaupo lang kami sa sala at nanunuod ng tv.
"I know him po, Nanay. Kapatid po siya ng ex-boyfriend ko," pag-amin ko. Umiling-iling lang siya habang nakatingin sa akin kaya binigyan ko siya ng isang awkward smile.
"Ah, type ka naman daw niya eh," pang-aasar niya. Nanay, that's illegal!!
"Kapatid ho siya ni Adrian, parang ang gara naman ho 'di ba kung papatulan ko siya," saad ko kaya natawa naman si Nanay. Bumuntong-hininga na lang ako.
"Binibiro lang naman kita. Ang sa akin lang ay kailangan mo na sigurong makalimutan si Adrian para naman hindi ka nagtatago sa kung sino mang kamag-anak niya." I tried to hide my emotions. Nanay is right pero as much as I wanted to, hindi naman gano'n kadali ang makalimot. Lalo na at gano'n nga ang nangyari sa amin.
"Hindi mo naman kailangang makalimutan ang lahat, kalimutan mo lang 'yong nararamdaman mo sa kanya. Kapag nagawa mo 'yon, magugulat ka na lang na okay ka na. Hindi na masakit." I smiled at Nanay. She looks like my second mom. She has her point. Nage-gets ko naman ang gusto niyang iparating, pero ang hirap kasi hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula. Siguro kapag nasimulan ko na, madali na lang ang lahat.
"Ginagawa ko naman, 'Nay, ayaw ko lang pong madaliin. Makakalimot din po ako," I said. Tumayo naman siya at naglakad. Tinapik niya pa ang balikat ko nang lagpasan niya ako.
So, the renovation will start daw next week. So since si Sean ang Engineer, I will probably see him dito for few weeks and for sure I will not be able to go outside for the mean time.
Good thing, Mom and Dad will go here for Mom's birthday. Hindi ko naman mapapa-stay rito sa bahay nina Dianne 'yong dalawang 'yon plus wala naman ng extra room dito. For sure, we'll be staying sa hotel when they're here. That's good na rin siguro para hindi kami magkita rito in case. Huwag lang mag-stay si Sean sa hotel kung saan kami mag-stay. I heard he's doing some projects sa Sahaya Resort so probably ro'n sya nagse-stay. Well, hoping.
Time went fast. The renovation started. Palagi kong sinisilip 'yong mga ganap sa labas. Once na makita kong nandoon ang sasakyan ni Sean, hindi na talaga ako lumalabas pa. It's getting boring na!
"We already booked a flight for next week, inaasikaso na lang namin ni Dad mo 'yong mga works dito sa office para wala masyadong alalahanin kapag nandiyan kami." Kausap ko si Mom while I am browsing in Dianne's laptop ng hotels na open for accomodations. Maganda sana sa Sahaya Resort kaso nandoon si Sean. For sure, may iba pa namang place na maganda.
"Sure, Mom, ako na ang bahala magpa-reserve ng hotel room," I said. Ayaw ko namang sila ang mag-asikaso, busy rin sila. Wala naman akong ginagawa, nagtatago lang ako sa Engineer sa tapat.
Nanay Loida, as usual is not here. Nasa amigas niya siguro.
I found a hotel na good na sa aming tatlo. I reserved it for next week, good for two nights and three days. Hindi naman daw kasi magtatagal sina Mom and Dad.
I was about to close the laptop, when I heard the gate opens. Paano naman kasing hindi maririnig eh ang lakas-lakas ng langitngit kapag binubuksan. For sure it's Nanay Loida. Mamaya pa namang gabi ang uwi ni Dianne.
But instead of Nanay Loida, I found Vito standing in our front door. Nakasuot ito ng white shirt and just a plain maong pants. I did not expect him to come over, may kailangan ba siya?
"Bakit?" tanong ko sabay lapag ng laptop sa may working area ni Dianne. Tuloy-tuloy namang pumasok si Vito at naupo sa sofa namin. Feel at home?
"Bahay mo?" tanong ko ulit.
"Bahay mo?" balik niyang tanong sa 'kin. Inirapan ko na lang siya at dumeretso sa kusina. Kumuha ako ng malamig na tubig at baso, dinala ko 'yon sa kanya. Baka makikiinom eh.
"Wala rito si Nanay Loida," saad ko at naupo sa kabilang single sofa. Hawak ko ang remote at naghahanap ng mapapanuod. Kapag wala akong nahanap, magne-netflix na lang ako sa laptop ni Dianne.
"Mamimili sana ako today ng mga gamit sa bakery," saad niya. Saglit pa akong tumingin sa kanya pero dahil nakatingin siya sa 'kin ay mabilis din akong umiwas. Palagi akong talo sa staring contest kay Vito. Nakakaasar.
Tumikhim muna ako bago nagsalita, "Share mo lang?" pagsusungit ko. Narinig kong hagya pa siyang tumawa. Napakamasayahin niya rin 'no?
"Ang tanda tanda mo na ganiyan pa rin linyahan mo?" he said while containing his laugh. I just ignored him. Hindi pa naman ako matanda, I am just twenty-one!
"Gusto mo bang sumama?" he said. I froze in my seat with what he said. Napaka-straightforward naman nito!
"Bakit mo ko niyayaya? Gagawin mo lang akong taga-bitbit," saad ko.
"I just thought you are bored here. Mamimili rin ako ng mga supplies for Matalinhug children." And that's the line that made me stand up.
"Maliligo lang ako," mabilis kong sabi. If it is for the children then I will go. Gusto ko na ring bumalik doon, maybe after ng birthday ni Mom.
"And don't worry Sean is not around," he added. That's a relief. Sana h'wag na siyang bumalik.
I took a quick bath. Mukhang nakaayos na kasi si Vito and nakakahiya namang pag-hintayin 'yong tao.
I just wore a yellow off shoulder top and a tattered pants partnered with my brown boots. Hindi naman kami magco-commute 'di ba?
Luckily, hindi nga kami nag-commute. "Akala ko ay iaangkas mo na naman ako sa motor mo eh," I said in the middle of traffic, just to ease the awkwardness between us.
"Pwede naman, dapat sinabi mo kanina." I just scoffed. Sayang outfit ko kung aangkas ako sa motor. It's a no for me.
Sa mall kung saan ko nakita sina Adrian kami pumunta. Ito na ata ang pinakamalapit na mall kaya dito kami pumunta. Siguro naman ay wala na sina Adrian sa Cebu, hindi ko naman na sila makikita dito.
Una kaming pumunta sa appliances center. Sumunod na lang ako sa kung saan pumupunta si Vito at nakikitingin sa mga appliances. I am willing to buy one if may matipuhan at alam kong kailangan sa bahay.
Hindi ko alam kung anong mga binili ni Vito pero for sure para 'yon sa bakery.
From the appliances center, dumeretso na kami sa bookstore to buy supplies for the kids.
"Sa supermarket tayo next," sabi ko. Vito just nodded. Pumili lang kami ng mga educational books na good for beginners. Mga pencils and papers din.
"Do they enjoy playing toys?" I asked. Medyo mahal ang laruan dito sa Mall, kung sa palengke kami bibili, madami na ang mabibili naming laruan. Be practical, ika nga.
"Yes, specially the girls. They love dolls actually." How cute. I also love dolls when I was a kid. Like who wouldn't?
So as I requested, we went to the supermarket. I decided na h'wag na muna bumili ng para sa mga bata kasi next week pa naman kami pupunta doon. Bumili na lang ako ng stuffs para sa bahay. Next week na lang ako mamimili no'ng para sa kanila.
He was the one pushing the cart habang namimili kami. It was like dejavu. Adrian and I always go shopping together way back then, lalo ng mga kailangan niya sa condo.
"You okay?" My senses went back when Vito talked. Nasa harap ko na siya at seryosong nakatingin sa akin.
"Yes," I shortly replied and put some detergents on the cart.
"H'wag mo kasing alalahanin," I looked at Vito. He is checking some mouthwash. His side profile is insane. Ang tangos ng ilong!
"Kusang naaalala," maikling sagot ko sabay deretso sa lane ng mga shampoo. Alam ko naman ang tinutukoy niya. He's kinda good in reading people's mind and emotions. Like noong sa bookstore, then 'yong kay Sean.
He put the mouthwash in the cart and pushed it again. Since wala na kaming bibilhin, we decided to line up to pay. Madami ang tao so we had to wait for our turn.
"Ilang years na sana kayo?" Vito suddenly asked. I looked at him and he was looking at me seriously. His eyes were beautiful, plus his brows are hella thick.
"Pogi ko 'no?" I immediately looked away. Mabuti na lang at umusad na yo'ng pila kaya nauna na ako sa kanyang umusad kaya lang nakasunod din agad siya.
"So, ilan nga?" he asked again. Ang tsismoso talaga.
"Kalalaki mong tao ang tsismoso mo," pagsusungit ko. Hindi ko alam kung bakit niya pa 'yon tinatanong sa 'kin.
"I just want to know." It's our turn to pay already. Halos sabay kaming nag-abot ng credit card sa cashier, tumingin pa si Ate sa amin na parang nagtatanong kung kaninong card ba ang dapat niyang kunin.
Ipinatong ni Vito yung card niya sa card ko but I eventually put my card on top of his.
"Ako na, may nilagay akong mouthwash diyan eh." I ignored him at mabilis na inabot ang card ko kay Ate. I looked at our back and nakita kong medyo naiirita na 'yong mga nakapila. I just said sorry and turned my gaze to Vito. I glared at him and he just smiled at me.
"Saan mo gusto kumain?" he asked on our way out of the supermarket. Siya ang may dala ng mga pinamili ko. Siya na raw magdadala kasi may mouthwash daw siya roon. Dala rin niya 'yong mga binili naming supplies.
I looked at my watch. Almost 3PM na rin pala.
"Milktea," I simply said. May mga snacks naman doon right?
As requested, pumasok kami sa isang milktea shop sa loob ng mall. Vito insisted na ililibre niya raw ako kapalit ng pagbabayad ko sa mouthwash niya.
He bought us cookies and cream milktea, fries, nachos and pizza. The ambiance of the shop is very instagrammable.
I took a photo of the counter and share it in my IG story. It's been a while since I shared one tho.
"Picture-an kita," Vito said. Inilahad niya pa ang kamay niya sa harap ng phone ko. It's like he is insisting and not asking.
"Bakit mo naman ako pipicture-an?" I asked back. He just grabbed my phone in my hand at saka nagpipindot doon. Wala pa namang password 'yon.
"Dali na, sayang ang ganda ng place oh." Itinapat niya ang phone ko sa akin. So I have no choice, inayos ko saglit ang buhok ko saka ngumiti and do some poses.
Vito is smiling widely while he is looking on my photos. Pinagtitripan niya ba ako?
"Patingin nga ako," I said and tried to grab my phone back pero nilayo niya 'yon sa 'kin.
"Bakit ganyan ang ngiti mo? Pinagtitripan mo ba ako?" Uminom na lang ako sa milktea ko at sinimulang kumain. He's busy with my phone. Wala naman siyang mahihita roon.
"I just enhanced them a bit, they all look great." He handed me my phone. Kinuha ko naman agad 'yon at tiningnan. It looks nice nga. His edits made it more look pleasant.
"Ikaw naman," I said. Iniharap ko ang phone ko sa may mukha niya. Mabilis naman siyang pumayag. Hindi man lang nagpakipot nang konti.
Nag-side view pa siya habang nakatuon sa lamesa ang parehas na siko at nakapwesto sa may baba niya ang parehong kamay. Ang arte, gusto pa ng stolen.
I just captured it as it is. Maganda naman ang side profile niya.
I handed him my phone after not so many shots para matingnan niya. Nagsimula na rin siyang kumain, samantalang paubos ko na 'yong milktea ko.
"Gwapo ko naman d'yan," he said while handing my phone back to me. He have this wide grin on his face na parang nakakaloko. Kinuha ko 'yon at binalik na lang sa bag ko.
"Hindi na ba babalik si Sean?" We are on our way back home na, kaso were stucked sa traffic. Bumili rin ako ng milktea para kina Dianne at Nanay.
"Hindi na, busy raw siya sa resort na project niya. He will send an engineer daw to check the progress," he said while driving. Mabuti naman at umusad na.
I sighed in relief. Hindi na ako magmumukhang timang kakatago.
After minutes, we arrived home. Vito insist to carry the things I bought. Kasi nga raw nandoon ang mouthwash niya.
"Ako na, nandito mouthwash ko," he said and grabbed the bag from me. Ayaw paawat.
Pagkapasok ay bumungad sa amin si Dianne na nagla-laptop sa sala at si Nanay Loida na nag-gagayat sa may dining. They both looked at us with meaning. Kahit ang ngiti ni Dianne ay parang nang-aasar pa. Ang aga ata niya umuwi.
I just fake coughed at kinuha ang bag na bitbit ni Vito. Inilagay ko muna iyon sa may sofa at nagmano ako kay Nanay Loida.
"May milktea akong dala," I said then I took a sit beside Dianne. Si Vito ay pumasok din at dumeretso kay Nanay at naki-usyoso sa ginagayat nito.
"Saan kayo galing?" she asked, kinuha niya ang milktea na dala ko at uminom doon. May fries din akong tinake-out for them.
"Mall lang," I honestly said. Tinanggal ko ang boots kong suot at nagtsinelas. Napagod ako maglakad.
"Bakit?"
"Anong bakit?" tanong ko pabalik. Natawa na lang si Dianne. Baliw na 'to.
"Bakit may pag-Mall? Date yarn?" Pinangunutan ko siya ng noo. Ang issue talaga ng mag-nanay na 'to!
"Baliw, hindi. Nagpasama lang siya." Gladly, someone called in Dianne's phone kaya lumabas muna siya. Kaya umakyat na muna ako para makapagbihis. Si Vito katabi pa rin ni Nanay Loida, magpapaturo ata siya magluto.
After I changed, bumaba na ulit ako. I just wore a simple black shirt and a short. Nadatnan ko sina Nanay Loida at Vito na may cooking session sa kusina.
"Anong niluluto niyo?" I asked, ang bango kasi. I caught Vito looking at me kaya mabilis siyang umiwas ng tingin.
"Ako na po maghahalo," Vito volunteered. Umalis naman saglit si Nanay Loida to clean the tabletop. Naiwan kaming dalawa ni Vito sa harap ng kalan.
"Kaldereta 'to," saad niya. I just nodded at iniwan na siya doong naghahalo. Bumalik naman na si Nanay Loida, narinig ko pang tinuturuan niya ito kung anong sunod na gawin at ilalagay.
"Nag-grocery rin pala ako," I said to Dianne na mukhang nase-stress na sa work dahil aligaga siya sa pagpindot sa laptop. Tumango lang siya at bumalik sa ginagawa.
Kinuha ko 'yong mga pinamili namin. Kinuha ko 'yong mga stuffs ko at hiniwalay. Sinalansan ko na sa cabinet sa kusina 'yong mga binili ko.
Tumabi sa akin si Vito at kinuha ang kanyang pinakamamahal na mouthwash.
"Salamat dito," saad niya sabay hagyang ginulo ang buhok ko. I froze on my stance on what he did. My heart suddenly beat fast.
"Okay ka lang?" he asked, nasa tapat ko siya at nakaabang sa Kaldereta.
"Yes," utal kong sabi at mabilis na lumabas ng kusina.
I heard my phone rang, mabilis ko 'yong sinagot kasi it's Mom.
"Yes, Mom? Bakit po?" I asked as I stand up to go outside. May kausap din kasi si Dianne sa phone.
"Kumusta? Nag-mall ka ba? Saw it on your IG story." Yes, Mom and Dad are active on social media. They even do tiktoks, gosh!
"Yes, Mom, namili lang," saad ko. Napatingin ang gawi ko sa tapat na bakery. Sarado pa rin ito at under construction pa rin. Magdidilim na rin sa paligid at nagsisimula nang lumamig.
"Who's that guy in your story by the way? Tinatanong ng Dad mo," she said and then laugh. Guy?
"Sinong guy? Isa lang naman 'yong story ko ah!" As far as I remember, isang photo lang naman 'yong ini-story ko, which is yo'ng sa counter.
"Huh? What are you talking about? Go check it yourself, may kakausapin lang kami ng Dad mo. I love you." She hung up.
I checked my phone and to my shock, I saw Vito's face as my wallpaper. This guy is really...
I opened my Instagram and there were numbers of messages. Kinakabahan tuloy ako baka sinong guy ang sinasabi ni Mom.
Mamaya napindot ko pala picture ni Adrian tapos bigla kong na-story. Pero wala naman akong pictures na ni Adrian sa phone ko.
"Ginagawa mo rito?" Vito popped in my side at saktong-sakto bumungad sa akin ang mukha niya sa IG story ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (23)

  • avatar
    Bryan Mallari

    home and good

    23d

      0
  • avatar
    NacarJerry

    very good story telling

    14/06

      0
  • avatar
    PaineLaika

    good

    26/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด