Nang nakaalis na ang mga lalaking humahabol sa kanya ay lumabas na siya sa pinagtataguan niya. Inayos niya ang kanyang damit at buhok. Tumayo siya sa harap ng lalaking tumulong sa kanya upang makatakas sa mga humahabol sa kanya. Natuwa siya rito sa ginawang pagtulong nito sa kanya bagamat hindi sila magkakilala. Ngumiti siya ng matamis bago inilahad ang isang palad niya sa lalaking kaharap. "Salamat nga pala," masaya niyong sabi kasabay ng matamis na ngiti. Kahit na wala namang reaksiyon ang lalaking kaharap. Kinuha nito ang itim na shade na nakasuksuk sa bulsa ng suot nitong black leather jacket at saka isinuot. Tumayo at kinuha ang cart na kanina ay ginamit pa nitong pangtakip sa kanya. At parang walang narinig na nagsimulang lumakad. Tulak ang cart na dala-dala niya. Napalunok laway na lamang siyang ipinunas ang kamay niya sa suot na maong jacket. At ipinihit ang mga paa upang sundan ang lalaking ayaw tumanggap ng pasasalamat. "HOY!" malakas niyang tawag dito. Sinabayan pa niya ng kaunting takbo upang maabutan ang lalaking mabilis na tinutulak ang cart at nahalata niyang nagmamadali. Kaya naman ng maabutan niya ito ay nakihawak din siya sa cart na tinutulak nito. "Tulungan na kita, mukhang mabigat yang mga dala mo eh," sabi niyang walang kimi rito na tila ba matagal na silang magkakilala. Ganoon kasi si Sophie, jolly person, pala ngiti at approachable sa mga taong alam niyang may mabuting kalooban. Sa dami ng taong nakilala niya at nakakasalamuha sa wet market ng Gangnam ay hindi na bago sa kanya ang makibagay at makitungo sa iba pang mga tao na bago niyang nakilala. "Okay lang, kaya ko na." Inilihis nito ang takbo ng cart upang mapabitiw siya rito. At mabilis na itinulak muli ang cart. Napapalabi naman niyang tiningnan ito at sinundan papalayo sa kanya. "Hay!" buntong hininga niya at umiiling na napapasimangot na lang siya dahil naisip niyang suplado naman pala ang lalaking akala niya ay mabait sa kanya. "Ang sungit," sabi na lamang niya. Ngunit nakita niya ang mga humahabol sa kanya kanina na mga grupo ng Black Monster Gang, isa sa mga gang na hawak na Kim Byong-ho. Ang mafia king ng Gangnam. Mas lumawig at dumami pa ang kanyang mga sangay nitong lumipas na buwan sa Gangnam Market kung saan siya nagtatrabaho. Kaya naman napaparami na rin ang mga kapwa niya gangster na napupuruhan ng mga ito. Ilang maliliit na grupo ang pinahihirapan nila, at isa na roon ang grupo ni Alfred na noong una ay kalaban din niya, ngunit nung lumaon ay naging kakampi na nila. Ang gang naman na pinamumunuan niya ay binubuo ng mga batang kalye na sa kanila na lumaki. At iyong ibang napadpad lamang din doon sa palengke ng Gangnam. Ang lugar na iyon ng Gangnam ay malayo sa mga magagandang lugar na madalas ay nakikita sa mga magazine at television. Sa isang sulok ng lugar ng Korea at ng Gangnam nagtatago ang mga maliliit na samahan at gangster na tulad ni Sophie na walang ibang nais kundi ang kumita at makatulong sa mga gaya niyang ulila na. Isa sila sa milyong-milyong tao dito sa mundo na naghihirap at nagnanais na mabuhay ng maayos at tahimik. Ngunit sa kasamaang palad ay malabo na mangyari ang mga bagay na iyon. Kumaripas siya ng takbo. Nasa labas na noon ang lalaking kanina ay tumulong sa kanya. Nakita niyang pumara ito ng taxi at papasakay na. Binilisan niya ang takbo niya upang maabutan niya. Nakasakay na ang lalaki, mabuti na lang at hindi pa nai-lock ng driver ang pintuan at nang buksan niya ay bumukas ito at pinaurong ang lalaking nagulat din sa kanya. "Anong...." Gulat itong napausog din naman. "Sa Gangnam!" "Pyeongchang Dong!" sabay pa nilang sabi sa driver ng taxi. Umakma namang bababa ang lalaki upang mag-antay na lamang ng ibang taxi. Ngunit na hawakan niya ito sa braso. "Please, huwag ka nang bumaba! Nariyan na yung mga humahabol sa akin!" natataranta niyang pakiusap sa lalaki habang hawak niya ang braso nito. Pabawi naman nitong itinaas ang kamay upang mapabitiw ang dalaga sa pagkakahawak dito. "Pyeongchang Dong!" pasigaw nitong ulit upang marinig ng driver. Agad na pinaandar ng driver ang sinasakyan nilang taxi. Kaya naman hindi na sila nahabol pa ng mga lalaking nakaitim. "Paano kung masundan tayo? Edi dinamay mo pa ako at ang pamilya ko!" pasinghal na wika nito sa kanya. Napalabi siyang sumandal sa sandalang ng upuan ng taxi. "Kaya nga sabi ko Gangnam diba! masundan man tayo hindi ka madadamay! Ang sungit mo naman!" Napabuga siya ng hangin at tinapunan ng masamang tingin ang lalaki. "Tahimik na lugar ang Pyeongchang Dong, ayaw ko lang na mapuntahan iyon ng mga gangster na tulad mo!" Nag-cross arm pa ito at saka sumandal. Lalo namang napabuga nang hangin si Sophie sa inasal at mga sinabi nito sa kanya. "Manong dito na lang!" sigaw niya sa driver ng taxi na sinasakyan niya, balak na niyang bumaba upang hindi na madamay pa ang lalaki. Naisip niyang mayaman ito kaya hindi sanay na masangkot sa gulo. Kinuha niya ang isang kamay nito, "Eto! Ang bayad ko at ang calling card ko! Ayaw kong magka utang na loob sa'yo eh, tawagan mo ako para bayaran kita sa susunod na mga araw kung magkikita pa tayo." Tapos ay aktong bababa na siya ng may maisipang sabihin kaya muli muna niyang hinarap ang lalaki bago tuluyang bumaba. "Siya nga pala, baka malaki ang bahay mo, tumatanggap kami ng partime na paglilinis ng mga bahay dito, kahit saang lugar dito sa Seoul. Tapos ay tuluyan na ngang bumaba sa taxi. Naiwan naman ang binatang napapatulala sa dalaga. ________________ Ilang minuto pa ang lumipas ay nasa Pyeongchong Dong, na siya isang street sa Seoul Korea na sinasabing matahimik ding lugar. Dito nakatira ang mga magulang ng kanyang ina na mga lolo at lola niya. Masaya siyang sinalubong ng dalawang matanda, ang Lola na si Gng. Jiwon at ang Lolo niya na si G. Doyun. "Apo mabuti naman at dito ka na dumeretso, hindi doon sa ospital sa Gangnam kung saan naroon ang iyong ina," masayang sabi ng kanyang Lola. Alam niyang masaya ang mga ito sa pag-uwi niya sa mga ito. "Oo nga po Lola, kaya lang ay sa mga susunod na araw ay kailangan ko na ring magtrabaho roon bilang intern," sagot niya sa mga ito habang nasa harap sila ng hapagkainan. Pare-pareho silang nasa harap ng lamesa at kumakain. Maraming inihanda ang kanyang lola sa pagdating pa lamang niyang iyon ay nakikita niya sa mga mata ng mga ito ang saya at tuwa. "Naku, ngayong nasa harap na kita apo, natutuwa ako dahil hindi ka nagmana sa ama mo na leaders ng isang Mafia." Nakangiting uminom ng chaa ang lolo niya. "Si Lolo talaga, siyempre sa inyo po ako nagmana." sabay subo niya sa chopsticks na may naka ipit na kimchi buhat sa mangkok na hawak niya. Iyon talaga ang isa sa mga pabirito niyang kainin at na-miss niya talaga sa kanyang bansa. "Wow! Ang sarap po talaga Lola!" Napatingala pa siya habang inuubos ang laman ng hawak niyang mangkok gamit ang chopstick. Natutuwa naman siyang inabutan pa ng isang mangkok pa ng kanin at inilapit ang mga ulam na nasa maliliit na mangkok. "Hala sige, kumain ka pa apo, alam kong na-miss mo ang mga pagkaing pang Koreano," masayang sambit ng kanyang Lola. _____________ Matapos kumain ay nagtungo na siya sa kanyang silid upang ayusin ang kanyang mga gamit at piliin Ang mga dadalhin niya patungo sa Gangnam. Inaayos niya ang mga iyon ng bigla niyang maalala ang suot niyang lether jacket na naiwan niya kanina sa sala nila. Naalala niyang hinubad niya iyon at inilapag sa sopa. Dali dali siyang bumaba para kunin iyon dahil baka malabhan ng kanyang Lola. Nakahinga siya ng maluwag ng makita pa niya ito sa upuan. Mabilis niyang dinampot at muling umakyat sa kanyang silid. Nang nasa loob na siya ay may kinapa siya sa bulsa ng kanyang jacket at nasalat naman niya ang pera at calling card na naroon. Itinabi niya ang pera at tiningnan ang calling card. Binasa niya iyon at nang mabasa niya ang pangalan ay nakita niyang Park Sophie pala ang pangalan nito. May hinanap siya sa kanyang drawer na naka-lock at nang mabuksan niya ito ay kinuha niya ang payong na may nakasulat ng kaparehong pangalan at I.D number nito. Duon niya napagtanto na ang batang dalagitang babae na tumulong sa kanya ay ang babaeng tinulungan din niya kanina sa airport. Napapangiti siyang napaupo sa kama niya habang inaalala ang mukha ng babaeng kanina lang ay kasama niya. Tila nanghinayang siya na halos itaboy niya ito at hindi kausapin. Hindi niya tuloy alam kung kailan muling pagtatagpuin ang Kanilang mga landas. "Sa Gangnam!" Nabigkas niyang bigla at napabangon. Hinanap niya ang kanyang cellphone. At may dinaial na numero, numero ng kanyang matalik na kaibigan dito sa Korea na alam niyang sa Gangnam na naninirahan, sa pagkakaalam niya ay matagal na panahon nang naroon si Han Hyun-wo. Tinawagan niya ito at kinausap.
and I will be in the morning ma'am I'm not going to be a garden hose and thank you are you have a good morning v and thank me later when I'm on the myth chess board meeting at ngan Tika sumpter me know if that works with you guys who are you are Tagalog to dark mode for the myth me to come get you and 67 me and thank you are you have to be in a garden hose and jassimpogi you are you have a good evening v for vendetta against me and thank me later if that's ok na min to dark mode on pag me know
and I will be in the morning ma'am I'm not going to be a garden hose and thank you are you have a good morning v and thank me later when I'm on the myth chess board meeting at ngan Tika sumpter me know if that works with you guys who are you are Tagalog to dark mode for the myth me to come get you and 67 me and thank you are you have to be in a garden hose and jassimpogi you are you have a good evening v for vendetta against me and thank me later if that's ok na min to dark mode on pag me know
17/01
0Maganda ang kwento nito kaya basahin na ninyo. 😀🙏
18/10
0like
13/10
0ดูทั้งหมด