logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 5 FH 2: TWS 5

WHY is Cattleya Bautista so persistent?
Hindi alam ni Liam kung bakit may kakaiba itong charm. She exuded it without even trying. He was more attracted to sweet girls. Cattleya had a strong character. Parang di natatakot na makipag-head-to-head sa kahit sinong lalaki kung kinakailangan. She was not doormat.
Kailangan na niyang lumayo dito. Naging kakampi na ito ng mga magulang niya. Ayaw niyang bumalik sa Pilipinas. So many memories. Memories he didn’t want to remember.
Sana lang ay iwan na siyang mag-isa ni Cattleya. Maraming ibang manlalaro sa mundo na mas magaling sa kanya. Matapos niya itong insultuhin, tiyak na magbabago na ang isip nito.
Isang matinis na tili ang narinig ng binata na nakapagpalingo sa kanya. “No! No! Go away! No! No, please!”
Sumasal ang kaba sa dibdib niya. Boses iyon ni Cattleya. Bigla siyang pumihit pabalik. Malalaki ang hakbang niya papunta sa pinanggalingan ng boses nito. Hindi niya ito dapat basta-basta iniwan. Bago lang ito sa lugar na iyon. Dahil iniwan niya ito ay baka napag-tripan ito ng kung sino. Hindi niya alam kung magnanakaw, maniac, rapist o serial killer.
Kasalanan niya ito. Hindi niya ito dapat iniwang mag-isa. Ibinilin ito sa kanya ng nanay niya para ipasyal niya. Nasa Germany ito para sa kanya. Kapag may nangyaring masama kay Cattleya ay kasalanan niya.
Ihinanda na niya ang sarili sa pakikipagtunggali kung sinumang masamang loob ang makakasagupa niya. Ipagtatanggol niya si Cattleya at titiyakin niya na hindi ito masasaktan. “Cattleya!” tawag niya sa pangalan nito.
“Liam, tulungan mo ako,” anito sa nananaghoy na boses na balot ng takot.
Nagdilim ang paningin niya nang makita ang malaking nilalang na nakayakap dito. Hindi lang basta malaki kundi mabalahibo rin at kulay…violet. Mascot ng park ang may yakap-yakap kay Cattleya – isang violet na ibon na isa sa paborito ng mga bata doon. Hindi isang kriminal na dapat katakutan. Ano bang klaseng kalokohan ito?
“Liam, sabihin mo sa kanya na pakawalan niya ako. Nagmamakaawa ako. Mamamatay na ako,” anitong tigmak ng luha ang mukha at pilit na inuunat ang kamay sa direksiyon niya.
“Hindi ka mamamatay. It’s just a mascot,” aniya sa magaang boses.
Nagpapadyak ito. “A-Ayoko sa mascot. Takot ako. S-Sabihin mo sa kanya na bitiwan ako. Ayoko talaga. Ayoko! At huwag mo akong pagtatawanan. Sasapakin kita!”
Napailing siya. Pambihira ang babaeng ito. Ito na ang mamatay-matay sa takot pero nagagawa pa rin siyang pagbantaan. Not your typical damsel in distress.
“Lass se gehen te,” utos niya sa mascot na pakawalan ito.
Lumuwag naman ang pagkakahawak ng mascot dito at dali-daling tumakbo si Cattleya sa kanya. “Ayoko na dito. Iuwi mo na ako,” pakiusap nito habang nakasubsob ang mukha sa dibdib niya.
Parang may bumundol sa dibdib niya nang maramdaman ang init ng katawan nito. Parang pinipiga din sa sa sakit ang dibib niya nang marinig ang hagulgol nito. So he was a sucker for damsels in distress. Iilan na lang ang mga ito sa panahong ito. Hindi niya maiwasang maging malambot pagdating sa mga ito.
“Tumahan ka na. Wala na ‘yung mascot. Umalis na,” sabi niya sa magaang boses.
“Ayoko na dito. Ibalik mo na ako sa hotel,” pakiusap nito.
“Ayaw mo nang mamasyal sa Hamburg? Maraming tourist spot dito na walang mascot.” Gusto niyang ibalik ang sigla at saya sa mata nito kanina. Ayaw niyang nanghihina ito, umiiyak at natatakot. Mas gusto niya itong maalala bilang palabang babaeng nakilala niya.
Umiling ito. “Ayoko na. Gusto ko nang magpahinga.”
Marahan niya itong iginiya palabas ng park at pumara agad ng taxi. Nakayukyok pa rin si Cattleya sa dibdib niya. Parang pinipiga ang dibdib niya habang naririnig ang hikbi nito at panginginig ng katawan nito. “I am sorry. Hindi kita dapat iniwan,” bulong niya dito.
“Hindi mo naman kasalanan iyon. Noong bata ako ipinasyal ako ng magulang ko sa Fiesta Carnival. M-May isang mascot akong sinusundan. K-Kaso sa dami ng mga bata, natalisod siya ng isa at bumagsak sa akin. Kaya simula noon takot na takot ako. Pakiramdam ko sasaktan ulit ako.”
“It’s okay. Malayo na tayo doon. Ligtas ka na,” wika niya at hinaplos ang buhok nito.
Sinamahan niya ito hanggang sa loob ng hotel. Pinaupo niya ito sa kama at ikinuha ng bottled water mula sa refrigerator para inumin nito. “Here. Mas bubuti ang pakiramdam mo diyan.”
“S-Salamat,” anito at tahimik na ininom ang tubig.
Gusto niyang umupo sa tabi nito at ihilig ang ulo nito sa braso niya. He wanted to comfort her. He wanted to soothe her until she stopped trembling.
Nakuyom niya ang palad para pigilan ang sarili . Hindi na niya kailangan pang gawin iyon. Naibalik na niya ito nang ligtas sa hotel. Isa itong matatag at matapang na babae. Hindi na nito kailangan ang comfort niya.
Kaya inipon niya ang lahat ng lakas ng loob at katatagan niya at sinabing, “Kailangan ko nang umalis.”
“Huwag kang umalis. Huwag mo akong iwan,” anito at hinatak ang kamay niya. Nawalan siya ng balanse at muntikan itong madaganan. Mabilis lang niyang naitukod ang palad sa kama para di ito tuluyang madaganan.
Nahigit nito ang hininga dahil sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t isa. She looked so damn kissable. Iyon din ang naisip niya kaninang umaga nang titigan niya ang labi nito. She could be an amazon, a damsel in distress and a seductress.
Bumalik ang alaala niya sa isa pang babae na tulad nito - mahina at kaakit-akit. Na laging humihingi ng lakas niya para mabuhay. Na inaakit siya para sa pansarili nitong interes. Ang babaeng nagpanggap na mahal siya nito.
Sa isang iglap ay hinugot siya mula sa nakaraan. Hindi na niya masabi ang pagkakaiba ngayon. Dahil nasa harap niya ang isa dahilan kung bakit hindi niya dapat basta-basta pagkatiwalaan ang mga babae.
Ngumisi si Liam. “So this is your game? Kunyari takot ka sa mascot pero idinala mo ako dito para akin.”
Natigagal si Cattleya. “A-Ano?”
Great! At mukha talaga itong inosente. Perhaps she perfected it already. Pang-akit nito ang pagiging inosente nito. Bihasa na ito sa pagpapatay-malisya pero ang totoo ay nagagawa na nitong kumbinsihin ang tao sa gusto nitong mangyari – marahil sa paggamit ng katawan nito. Hindi siya malalaglag sa patibong nito.
Tumuwid siya ng tayo. “Stop playing innocent, Miss Bautista. Gagawin mo talaga ang lahat para akitin ako na pumirma sa El Mundo FC. Hindi mo pa ako dinirekta kanina.”
Nanlaki ang mata ng dalaga. “Iniisip mo na inaakit kita?”
“Hindi ako ganoon kadaling mauto. Goodbye, Miss Bautista. Kung ako sa iyo, simulan mo nang mag-empake pabalik sa Pilipinas. Wala kang maaasahan mula sa akin.”
At taas-noo siyang lumabas ng silid. Nakaramdam siya ng pagmamalaki. Nalagpasan niya ang isang malaking pagsubok. Hindi siya nagpaakit kay Cattleya Bautista.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (16)

  • avatar
    MangulabnanBles

    thanks

    24/07

      0
  • avatar
    KakaRikado

    ooh

    18/07

      0
  • avatar
    danishshazrul

    good

    29/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด