logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CPL: 4

Kung sisisihin siya nito dahil nawalan ito ng trabaho, baka tanggapin pa niya. Pero wala itong bukambibig kundi si Lucian at ang pagmamahal nito kay Lucian. She looked more and more like a mad woman each passing moment.
“Look, I am sorry. Pero...”
Itinulak siya nito palayo. “Pakialamera ka kasi. Kunyari ka pang concern sa akin pero ang totoo sinadya mo rin iyon.”
“What? Bakit ko naman gagawin iyon?”
“Dahil gusto mong maagaw si Lucian sa akin.”
Natigagal siya. “Why would I do that? Hindi ko nga siya kilala. Ni hindi ko kayo kilala!” Kahit pa siguro si Lucian ang bagong Dalai Lama ay di pa rin niya malalaman. Pati yata siya ay gusto nang mabaliw.
Subalit di pa rin siya pinakinggan ng babae at dinuro-duro siya. “Tandaan mo! Sa akin lang si Lucian! Hindi mo siya maaagaw sa akin!”
Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan hanggang makaalis ang babae. Aanhin naman niya ang Lucian Montecillo na iyon na guwapo nga at mayaman pero masama naman ang ugali. Definitely not her type.
“Nasaan na ba kasi ang mini museum na iyon?” usal niya at tiningnan ang mapang hawak niya. Sana ay di niya makita si Lucian Montecillo.
MAGKASALUBONG ang kilay ni Jeremie habang pinapanood ang comedy film na Bruce Almighty DVD. Nakasalampak siya sa kama at kumakain ng ice cream nang pumasok sina Kae at Katie. Masayang-masaya pa ang mga ito na magkwentuhan at magtawanan. Nagulat pa ang mga ito nang makita siya.
“Kanina ka pa namin hinahanap. Di ka na bumalik sa deck,” sabi ni Katie. “Ang dami naming nakilalang mga guwapo.”
“Nag-ikot-ikot ako sa barko.”
Pero ang totoo ay bumalik agad siya ng kuwarto niya. Nang makarating na siya sa mini museum ay nawalan din siya ng gana na mag-ikot. Nakita kasi niya ang isang magazine kung saan naka-feature si Lucian Montecillo at ang mga kaibigan nito. Nakaka-praning pero parang sinusundan siya ng maiitim na mga mata nito. Kaya bumalik na lang siya ng kuwarto at nanonood ng comedy film na paborito niya. Sa pagkakataon nga lang na iyon ay di siya matawa. Sinira na ni Lucian ang mood niya.
“May natagpuan ka bang guwapo?” nanunuksong tanong ni Kae.
“Wala! May isang lalaki lang na nuknukan nang yabang. Grabe! Kung nandoon lang kayo, maawa kayo sa babaeng sinesante niya dahil lang mahal siya.” Yeah! The woman made a few mistakes. Pero isang linggo pa lang itong nagtatrabaho bilang sekretarya ni Lucian. Di ba nito bibigyan ng chance? Basta na lang nitong pinalayas dahil mahal ito? “Akala mo kung sino siya dahil lang siya ang may-ari ng barkong ito? Aba!”
“A pirate lord!” sabay na usal ng kambal at nagningning na ang mata ng mga ito. “Sino sa apat na pirate lord ang nakita mo?”
She smirked. “Lucian. Lucian Montecillo. Ang impaktong iyon.”
Biglang nagtilian ang dalawa at parang mga baliw na pinagsalikop ang mga kamay. “Lucian Montecillo! Andito siya!”
Tinaasan niya ng kilay ang mga ito. “Kung makatili kayo parang artista siya.”
“Hindi mo ba alam na kaya kami nandito para sa kanya. Kung may lalaki kaming pipikutin, siya na ang number one,” sabi ni Kae.
“Wala na siyang sekretarya. Pwede akong mag-apply,” anang si Katie at itinaas ang kamay.
“Hindi ka nga makapagtimpla ng kape, sekretarya pa. Ni di mo nga alam mag-construct ng business letter,” sabi niya. She couldn’t believe it. Ang sosyal niyang kaibigan, magsisilbi para kay Lucian Montecillo?
“Kakandong na lang ako sa kanya at paliligayahin ko siya,” sabi ni Katie at humalakhak.
“Girl, kailangan mag-schedule tayo ng switching natin. Di pwedeng ikaw lang ang makinabang kay Lucian. I-share mo siya sa akin,” sabi ni Kae.
“Sige. Gawin ninyo at nang pareho kayong itapon sa dagat ng masungit na iyon. Gusto ninyong magaya kayo sa sekretarya niya?” tanong niya.
Namaywang si Kae. “Girl, huwag mo kaming igaya sa sekretarya niya. Hindi talaga siya tatagal kay Lucian.”
Hinaplos ni Katie ang sariling pisngi. “Pero kapag nakita niya ang kagandahan namin, mabibighani siya tiyak.”
“Ambisyosa kasi siya. Hindi sila bagay ni Lucian kaya iyan ang napala niya.” Humalakhak si kae na parang bruha. “Sa amin lang si Lucian!”
“Okay lang sa inyo kung halikan ang sapatos ni Lucian?” tanong niya.
“Kahit ang lupa pang nilalakaran niya hahalikan ko!” sagot ni Kae.
Humiga si Katie at hinaplos ang sariling pisngi. Parang ini-imagine nito na si Lucian ang humahapos dito. “hahalikan ko ang buo niyang katawan.”
Napangiwi siya. Wala nang pag-asa ang dalawang kaibigan niya. Tinamaan na rin ang mga ito ng Lucian virus. Mas malala pa yata ang tama.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (26)

  • avatar
    Mona Liza Labos

    Good story

    10d

      0
  • avatar
    Bhemine Marcelo Amaba

    wow nice story gusto ko matapos ang pagbasa nito

    19/04

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Maganda ang Kwento highly recommended

    20/01

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด