logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 44

Alisis.
Habang naglalakad kami, mapapansin mo talaga ang mga tingin ng mga specialist dito. Nagtataka, nalilito kung sinu-sino ba kami pero hinahayaan nalang namin. Napapansin ko 'yong iba ay ang sasama ng mga tingin, kung makatingin ay parang susugurin ka na nila. Akala kasi nila ay baka may masama kaming intensiyon, pero hindi nila alam ay tinutulungan namin sila—ang buong lugar na'to na mapalayo sa kasamaan.
"Pagpasiyensiyahan niyo na ang mga kasakop namin, they're traumatized after Eastherians attacked this town. Hindi niyo sila masisisi na ganiyan ang mga tingin nila." Pagpapaumanhing sabi ni Specter kaya napatango nalang ako.
"Naiintindihan namin, alam kong malalagpasan din natin 'to lahat." Turan ko kaya napatango nalang din si Specter at napangiti.
"Hindi parin talaga ako makapaniwala na ang laki-laki mo na, hindi ako makapaniwala na magkasing-edad lang tayo kung tignan." Napapailing na turan ni Specter and even me ay hindi rin makapaniwala. Para ko na kasi siyang kapatid kung lalapitin mo ang mukha namin, we are totally twins kung may hindi nakakakilala sa amin.
"Gosh, hindi ko alam na may kamukha ka Alisis. Kakaiba nga talaga ang mundong Avalon." Sabat naman ni Sera kaya napatingin sa kaniya si Specter na para bang nagtataka pero hindi nalang siya nagsalita at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
Punong-puno ng mga puno ang lugar na'to, kabahayan na masiyadong makaluma pero alam na alam mong matitibay. Hindi sila modernize, hindi katulad sa mundo ng mga tao na pagandahan talaga ng bahay at mga gamit. Dito, wala silang pakialam kung gaano kapangit o kaliit ang mga bahay nila. Basta may matutulugan lang, ayos na para sa kanila.
"Kailangan natin magmadali, kailangan pa namin hanapin ang isa pa naming kasamahan." Napalingon kami kay Chester dahil sa sinabi niya. And he is right, kailangan pa namin hanapin si Venedict. Nasaan na kaya 'yon? Bakit hindi pa siya nagpaparamdam? Bakit hindi pa siya bumabalik?
Tumango si Specter at mas dinalian ang paglalakad at nakita namin siyang pumasok sa isang bahay. Mapapansin mo lahat dito, organisado at walang nakakalat na kung anu-ano.
One thing na hindi malalaman kaagad ng mga specialist na dumadayo dito—na ako lang ang nakakaalam—lahat ng mga bagay dito ay wala kang makikitang anino. Pati ang mga naglalakad na mga specialist ngayon ay walang mga anino at kaya siguro sumang-ayon sila na itago ang lungsod na ito sa kadiliman dahil alam nilang makakakita parin sila. Makakakita parin sila dahil sa kapangyarihan nilang may kinalaman sa kadiliman.
Pumasok na din kami sa bahay at agad kong nilibot ang buong silid. Sa lugar na'to, hindi nga talaga uso ang mga televisions at mga sasakyan. Tanging lamesa, upuan, kama at ilaw lang. Walang gripo, walang ref kaya nagtataka din ako minsan kung saan sila kumukuha ng mga pagkain.
Pumasok si Specter sa isang kwarto, umupo nalang kami sa mga upuan na malapit sa lamesa. May mga prutas pang nakapatong do'n.
"Chester! Ikaw talaga 'yang kamay mo ang kati! Hindi ka pa nanghihingi ng permiso para kainin mo 'yan." Sigaw ni Sera kaya halos mag-echo ang boses niya sa paligid. Napatingin ako sa kaniya pati ang mga kasama ko, napansin niyang may mga nakatitig sa kaniya kaya napalingon din siya sa amin.
"What?" Takang tanong niya pero napangiti nalang ako.
"Kung ang kamay ko makati, 'yang bibig mo parang nakalunok ng microphone." Ganti namang sabi ni Chester kay Sera kaya napailing nalang ako.
"Their human attitudes." Bulong ni Satro pero rinig na rinig ko naman.
Napapansin ko lang talaga na hindi palasalita si Olcor kapag maraming tao pero bakit gano'n? Napakadaldal niya talaga kapag ako ang kasama niya? Minsan nga iniintindi ko nalang ang mga sinasabi niya no'n kahit wala namang importanti sa mga sinabi niya.
"Don't stare at me like that." Napalihis nalang ako dahil sa sinabi niya, hayst nakakahiya! Napansin niya pang nakatingin ako sa kaniya!
"Alisis, totoo ba talagang anak ka ni Genesis?" Napatingin ako kay Satro at halos manlaki ang mga mata ko dahil sa napagtanto. Hindi pa nga pala niya alam ang tungkol sa akin, hayst delikado na.
Napangiti nalang ako ng tipid at napatango na parang nagdadalawang-isip. Hayst, ang dami ko na atang nasabi, baka do'n ako mapahamak eh. Nakita ko si Chester at Sera na nanlaki din ang mga mata nila at napatingin kay Satro at kay Olcor.
"Ang hilig niyong tumititig, don't worry hindi ko kilala 'yang Genesis. But the name is familiar." Sabi ni Olcor, wala naman akong problema sa kaniya dahil hindi naman siya magulo. Kahit ganiyan 'yan, alam ko naman na hindi siga gagawa ng makakasama sa amin, hindi niya magagawang gumawa ng kung anu-ano dahil sa mga nalaman niya. Ramdam ko 'yon, hindi siya masama pero may katulad siyang presensiya.
"Ambisyoso, hindi ka naman namin tinititigan. Sadiyang may mga mata lang kami." Turan ni Chester kaya agad tinakpan ni Sera ang bibig niya. Hindi nalang pinansin ni Olcor ang sinabi ni Chester at tumahimik nalang.
"Alisis." Agad akong napalingon sa likuran at agad bumungad sa akin ang kamukha ng Auntie Menesis ko.
I remember his name—
"Spencer." Tawag ko sa pangalan niya, napakaseryoso ng ugali niya at nakaka-intimidate ang presensiya na meron siya. Hindi nga sila bihira, magkatulad na magkatulad sila ni Specter na may nakakatakot na presensiya.
"You should call me uncle, pero kung saan ka komportable, tawagin mo nalang ako sa pangalan ko." Napatango nalang ako sa sinabi niya, ayoko silang tawaging uncle dahil awkward pakinggan. Edad na meron siya ay parang edad na meron ako, nakakahiya naman kung tatawagin ko silang uncle diba? Ang pangit pakinggan.
"Ang guwapo pala ni Spencer, mas guwapo pa siya sa'yo Chester." Natawa ako dahil sa binulong ni Sera sa likuran ko.
"Psh! Mas guwapo ako, bulag ka lang."
"Pag-usapan na natin ang dapat pag-usapan, bumalik ka na Alisis kaya alam naming makukuha namin pabalik ang palasiyo at kaharian." Panimula ni Specter kaya tumango ako.
**********
"Magtatagumpay tayong makuha ang mga kaharian at ang palasiyo dahil nananalaytay sa'yo ang kapangyarihan ng pinakalamalakas na Diyosa sa lahat. Your grandmother, she is the Titan Goddess of all Goddess." Sabi ni Specter sa akin kaya agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa hindi makapaniwalang rebelesasiyon na narinig ko. For me it's a revelation na matagal ng itinago sa akin, hindi ko alam na gano'n na pala kalakas ang kakayahan ko.
"Hindi lang 'yon Alisis, you have Devonna's power na kilalang Donessa ng mga magulang mo. She is the Titan Goddess of Blood, hindi bihira ang mga kapangyarihan na nananalaytay sa'yo Alisis. Kailangan mo 'yang ingatan, kailangan mo 'yang bantayan dahil ikaw ang pag-asa ng lahat." Turan ni Spencer sa seryosong tono kaya napatango nalang ako.
Hindi ako makapaniwala, hindi ako makapagsalita agad dahil sa mga sinabi nila sa akin. I have my mom's friend's power and her mother's power. Gano'n na ba talaga kalakas ang kakayahan ko? Gano'n ba talaga dapat katakutan ang kapangyarihan ko?
"Pero napapagod din ako, hindi ko kayang gamitin ng maayos ang kapangyarihan ko. Agad-agad akong nauubusan ng enerhiya sa katawan." Turan ko naman sa kanila at matotonohan sa pananalita ko ang disappointment dahil hindi ako malakas tulad ng inaasahan nila.
Napansin ko ang pagtahimik nila, napansin ko din kung paano nagulat ng kaunti si Specter. See? I disappoint them.
"A-Ano? Agad kang napapagod? You hav—"
"Stop Specter." Napalingon ulit kami kat Spencer dahil sa pagpapahinto niya sa pagsalita ng kapatid niya.
"May mali dito." Dagdag na turan ni Spencer at kaagad na napatingin sa akin ng seryoso.
"Stick to the plan, Alisis. Kailangan nating pumunta kaagad ng Westheria para mabawi ang mga kaharian. Nando'n din ang mga rebulto nina Menesis pero hindi tayo nasisiguro na kumpleto pa sila do'n, ramdam kong may nawawala sa kanila." Agad akong kinabahan dahil sa tinuran niya, napakaseryoso nila kung sabihin ang mga katagang 'yon. Parang sinasabi niya na dapat akong maghanda, na dapat akong maging handa sa magiging resulta.
Natatakot ako, natatakot ako na baka may nangyaring masama sa mga magulang ko. Sana nando'n lang ang mga rebulto nila at hindi tinago ng mga kalaban. Mas mapapadali ang misyon ko kung nando'n lang sila sa iisang lugar para hindi na ako mahirapan.
"And you,"
Napatingin ako kay Spencer dahil sa pagturo nita kay Chester na ngayo'y nagtataka na dahil sa pagturo ni Spencer sa kaniya.
"Kamukhang-kamukha mo ang lalaking 'yon, also you have the same presence. I forgot his name, but I know magkadugo kayo." Sa sinabi niyang 'yon ay kaagad akong nagtaka.
Paano namang may kadugo dito si Chester? Galing siya sa mundo ng mga tao and I know, hindi niya kami lolokohin. Kung may sikreto man siya, dapat sinabi niya na sa amin para agad naming ma-solusyunan kung problema ba ang sikreto niya.
"Galing ako sa mundo ng mga tao, paano naman ako magkakaroon ng kadugo dito?" Agad akong nangamba dahil sa inakto ni Chester ngayon, kitang-kita ko ang ngisi niya na agad namang napalitan ng ngiting tipid.
Kung may itinatago man siya, siguraduhin niyang hindi makakasama sa amin ng mga kaibigan niya ang itinatago niyang 'yan. Hindi ako magdadalawang-isip na bawiin ang buhay na meron siya, ang kapangyarihan na meron siya.
"Eh ano naman kung galing ka sa mundo ng mga tao? Puwedeng nanggaling ka sa Avalon at lumabas ka lang gamit ang nag-iisang pinto papunta sa mundo ng mga tao. Tandaan mo, bukas lahat ang mga pinto ng bawat mundo kaya malaya kang makakapasok at makakalabas kung gugustuhin mo." Turan sa kaniya ni Specter at napansin ko ang paglunok ni Chester.
"Hindi ko alam ang mga sinasabi niyo, hindi ako katulad niyo. Isa lang akong ordinaryong tao at napatay, binuhay ni Alisis kaya nagkaroon ng kapangyarihan." Napatingin sa akin ang mga mata ng mga lalaki even Sera ay napatingin na din sa akin. Napatingin ako kay Chester at napabuntong-hininga.
"Sorry." Dinig kong pagpapaumanhin ni Chester kaya ngumiti nalang ako ng tipid.
Isa lang ang nalalaman ko sa Avalon, walang maitatago sa mundong ito. Mabubulgar at mabubulgar ang lahat, pero kailangan naming suungin ang lahat ng delikado para sa kapayapaan ng Avalon at ng iba pang mundo.
"B-Binuhay ka ni Alisis?" Tanong ni Satro na may kakaibang tono sa pananalita niya, siguro gulat dahil sa narinig niya.
"Binuhay ko siya oo, I gave him power para mailigtas niya ang sarili niya but he was linked to me to be my Apostle. Also Sera, magkatulad sila ng sitwasiyon ni Chester. I gave them the powers after I gave them another life." Turan ko na ikinaseryoso ng magkambal.
"May mali nga Spencer, its forbidden to gave life dahil may kaparusahan after she did those. Pero ho—"
"Puwera nalang kung kapangyarihan niya nga talaga ang bumuhay ng mga patay." Pagpapatigil ni Spencer kay Specter.
Hindi ako maka-relate, hindi ko maintindihan ang mga sinabi nila. Forbidden? May mangyayaring masama sa akin?  Pero wala naman akong nararamdamang mali, wala akong ibang nararamdaman.
"Bukas, bukas na bukas ay pupunta tayo sa Westheria. Maglalakad at maglalakbay, hindi tayo gagamit ng portal dahil baka malaman nilang bumalik tayo." Turan ni Spencer at kaagad siyang tumayo at pumasok sa kwarto niya.
Nagkatinginan nalang kaming lahat at iisa lang ang iniisip.
War is comin'.
***********
Someone's POV.
Ang tagal ko ng naghihintay pero wala paring balita. Naiinip na ako dahil wala kaming ginagawa kundi magpakasarap dito, walang ka-thrill-thrill.
Tinignan ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon na pinaglalaruan ang kapangyarihan niyang apoy. Napakarami nilang gumagamit ng apoy pero siya lang ang mas magaling. Dahil nga sanay na siya, ang hilig niyang mag-laro. Hindi ako sanay na kaharap siya, I didn't expect na ganiyan pala ang ugali niya. Wala sa itsura, well ika nga nila, looks can deceive.
"Kailan ka babalik sa ibang mundo?" Pagpuputol niya sa katahimikan between us, well hindi ko naman kasi siya dapat kausapin.
Oo ang sama ko para maging kaisa nila, pero may rason ako kung bakit kasama ko ang mga Eastherians na'to. Ang hindi ko lang alam, bakit kasama ang isang 'to? Paano na ang mahal niya? Paano na ang mga nasasakupan niya?
"Bakit mo pa kailangang magtanong?" Inis na turan ko sa kaniya at hindi ko maiwasang hindi magalit dahil sa inaakto niya ngayon na para bang wala siyang iniwan. Parang wala siyang trinaydor!
Oo traydor ako, pero maiintindihan din nila ako.
"Masama na palang magtanong sa kakampi kong traydor din?" Hindi ko siya pinansin at naikuyom ko nalang ang mga kamao ko.
Umalis na ako sa harapan niya at pumunta sa kwarto kung saan nando'n sila at mahimbing na natutulog.
Pagkabukas ko ng pinto ay kaagad bumungad sa aking ang dalawang natutulog habang nakalutang sa ere. Wala pa silang kaalam-alam, naaawa ako sa kanila dahil nadamay pa sila sa galit ng Diyosa na nagrereyna-reynahan dito. Gusto pa niyang kontrolin ang buong Avalon at ang ibang mundo.
Narinig ko kahapon na nagbukas ang mga pintuan ng bawat mundo dahil sa magkambal na kayang kontrolin ang oras. They can manipulate the time and space na siyang mas nagpapahirap sa akin ngayon. Wala pa din akong alam kung kalaban ba ang magkambal na 'yon o hindi, pero dapat ko silang makita dahil mas kakailanganin ko sila. Hindi ang mga Eastherians na'to.
"Babawi ako sa inyo ah? At kapag nagawa ko na ang misyon ko, ako mismo ang magbabalik sa inyo sa Avalon, ako mismo ang maghahatid sa inyo sa kanila pabalik." Tinignan ko sila sa mga mata.
Ang kwartong 'to ay punong-puno ng lakas dahil sa presensiya ng isa. Naghahalo ang mga presensiya nila na malalakas din, they are strong. Very strong.
"Kaunting panahon nalang, makakauwi na kayo sa kanila."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (147)

  • avatar
    Meizaa

    Grabe pinahanga mo talaga ako ng sobra author yung sa akala ko lang sa hidden goddess ako mapapahanga hindi pala ito din pala ang mag papahanga sakin galing mo talaga sobra author 😊🫶

    1d

      0
  • avatar
    santiasFernando

    nakakapulot ng aral at my matutunn

    10d

      0
  • avatar
    ReyesAngelica Sacyan

    Wow 😍😍😍😍

    19d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด