logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 41

Venedict.
Agad kaming nagsiktakbuhan dahil sa sinabi ng kawal. Agad akong kinabahan dahil paanong nangyaring nasa kamay na ni Laura ang bata? Kanina lang ay nasa kwarto pa si Brooch diba? Ramdam ko pa ang presensiya ng bata eh.
"Baka anong mangyari kay Brooch, Wyeth. Hinding-hindi ko mapapatawad ang babaeng 'yan." Seryoso kong sabi kay Wyeth, I hate her para hawakan si Brooch. Ang kapal-kapal niya at kapag may mga galos si Brooch ay sisiguraduhin kong hindi na siya hihinga at masisikatan ng magandang araw dito.
"Huwag kang mag-alala, alam ko kung anong kailangan ni Laura para hindi niya saktan ang bata." Sagot naman sa akin ni Wyeth kaya napatango nalang ako kahit curious ako kung ano ang gusto ni Laura. Hindi na ako nagtanong pa dahil nakita na namin ang selda sa ilalim ng kastilyo na ito.
At tama nga ang kawal, hawak sa leeg si Brooch ni Laura. Ang mga mata niyang pula ay masamang nakatingin sa amin—hindi pala, kay Wilvam. Hindi ko alam kung bakit ganiyan nalang ang tingin niya kay Wilvam. Nabasa ko na ang nasa isip niya no'n at dahil 'yon sa pamilya ni Wyeth kung bakit daw wala ng mga lalaking lumalapit sa kaniya.
"Laura! Bitawan mo ang bata! Walang laban sa'yo ang bata kaya huwag mo siyang idamay!" Sigaw ni Walace kay Laura na nakangisi lang na nakatingin sa amin na para bang baliw.
"Alam niyo kung ano ang gusto ko, huwag niyo ng ipagkait dahil wala naman kayong pakialam kung magmahal ako ulit diba?" Turan ni Laura at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya pero agad 'yong napalitan ng galit.
Ano ba talaga ang nangyari? Bakit ganiyan nalang siya kung ka-desperada? At hindi ko naman maintindihan ang sinabi niya. Huwag ipagkait? Bakit nga ba hindi siya makalapit sa mga lalaki? Ano nga ba talaga ang dahilan?
"Wyeth, ibigay mo na ang kailangan niya. Baka masaktan pa ang bata." Turan ko at napansin ko pa ang paglingon ng bahagya ni Wyeth sa puwesto ni Wilvam.
"No, hayaan mo siyang magdusa." Seryosong turan ni Wilvam na ikinalaglag ng mga panga ko.
"But how about Brooch?!" Sigaw ko kaya nagulat sila ng bahagya dahil sa sigaw ko.
"Brooch is a kind of hybrid at siya pa ang kauna-unahang hybrid na naninirahan sa Verdugal. At bawal siyang mabuhay ng matagal, kikitilin din ang buhay niya Venny." Agad nanliit ang mga mata ko at nagngitngit ang mga ngipin ko dahil sa sinabi ni Walace. Nagdilim ang paningin ko kasabay no'n ang pagkuyom ng mga kamay ko.
"Eh ano naman kung hybrid siya? Isa lang siyang batang walang kamuwang-muwang for pete's sake! Ano bang problema niyo? Bakit hindi niyo nalang ibigay ang gusto ng babaeng 'yan?!" Sigaw ko at nilingon si Laura na ngayo'y malungkot na ang mga matang nakatingin kay Wilvam.
"Wilvam, bawiin mo na ang sumpa na ibinigay sa akin ng ama mo! Patawarin mo na ako sa nagawa ko no'n, hindi kita niloko maniwala ka! Ang lalaking 'yon ang gumawa no'n sa akin at hindi ako! Kung nakita mo pa ang ibang detalye, hindi magiging ganiyan ang galit mo! Maniwala ka sa akin." Pangsusumamo ni Laura pero tinignan lang siya ng blangko ni Wilvam.
Hindi na ako nagulat, nabasa ko na ang iniisip ni Wilvam at may relasyon nga sila ni Laura no'n. Ipinaglaban ni Wilvam ang pag-ibig nila kahit forbidden sa mga lahi nila. Bawal magmahal ng isang puting bampira ang itim na bampira ang it's vice versa. Pero niloko daw ni Laura si Wilvam, at nabasa ko sa isip ni Laura na hindi niya naman talaga niloko si Wilvam, nadala lang si Wilvam sa galit niya.
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa pagsakit nito, para akong matutumba dahil sa pagbasa ko sa mga isipan nila.
"Venedict, I'm telling you, huwag mo ng basa—"
"Wyeth, kasalanan din naman pala ni Wilvam. Nadala siya sa galit niya at hindi niya pinaliwanag si Laura." Seryoso kong sabi at agad naman napatingin sa akin si Wilvam na may seryosong mga mata at bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.
"Wilvam, I can read minds at nabasa ko ang sa'yo pati ang kaniya. Huwag ka ng magsinungaling, ibigay mo na ang gusto niya. Nagmahal ka at nagmahal siya, kung pinakinggan mo ang paliwang niya ay hindi hahantong sa ganito ang kuwento. Masaya na sana kayong pareho, pero alam kong lahat ay may rason. Nagkita kayo ni Seyenee, nagmahalan at nagsama. Panahon na para magpatawad, panahon na para pakawalan mo ang nakaraan." Sabi ko sa kaniya at napalingon ako kay Brooch na nahihirapan na sa pagkakahawak sa kaniya sa leeg ni Laura. Naiiyak na si Brooch!
Ang ama nila ay kayang gumawa ng sumpa, 'yon ay isa sa mga nabasa ko sa isipan kanina ni Laura. At si Wilvam, his vampire ability is to cure curses. What an ability, it's very useful.
"Venny, hindi gano'n kadali para sa akin ang patawarin siya. Hindi gano'n kadali para kalimutan ang lahat ng ginawa niya sa akin noon, nahirapan ako araw-araw sa mga iniisip kong bakit niya nagawa ang lahat ng mga 'yon?" Turan niya at 'yon na ata ang pinakamahabang nasabi niya.
"Kayang-kaya mong gawin ang lahat para sa ikakasaya ng iba Wilvam. Kayang-kaya mong magpatawad dahil may mahal ka na at si Seyenee 'yon. Maaatim mo bang saksihan ang paghihirap ni Laura sapagkat ikaw ay napakasaya mo na? Siya ay nag-iisa at ikaw ay nagmamahal na? Ano Wilvam? Selfish lang ang peg ganern?" Turan ko naman sa kaniya at narinig ko pa ang paghagikhik ni Wyeth sa gilid ko.
"Tama siya Wilvam, dapat mo na siyang patawarin. Nakaraan na iyon, dapat mo na siyang patawarin hindi dahil sa gusto niya kundi dahil sa dapat mo ng palayain ang nakaraan mo." Ngiting turan sa kaniya ni Seyenee at napakasuwerte ni Wilvam sa kaniya dahil sa bait na meron siya.
Napabuntong-hininga nalang si Wilvam at kaagad nagliwanag ang buong kamay niya. Napansin ko naman na nagliwanag ang buong katawan ni Laura at nabitawan niya si Brooch. Agad namang tumakbo si Brooch papalapit sa akin at dinamba ako ng mahigpit na yakap.
"Walang makakapagpanakit sa'yo Brooch, kahit anong klaseng lahi ka ay ililigtas kita sa mga kamay ng mga mapanghusgang bampira." Sabi ko sa kaniya at napalingon ng masama kay Walace na ngayo'y napalunok na dahil sa mga tingin kong napakasama.
Napalingon ako kay Laura na ngayo'y nanghihina na dahil ata sa kapangyarihan ni Wilvam. Nakita kong napangiti ng matamis si Laura gano'n din si Seyenee. Siguro hindi na manggugulo si Laura sa itim na mga bampira, hindi na siya mangingialam.
"Ang kuwento nilang dalawa no'n ni Wilvam ang pinakamatatak na pag-iibigan. Ipinaglaban nila ang pag-iibig nila na kahit labag sa batas, kahit alam nilang bawal ay ipinagpatuloy parin nila. Itinakwil si Laura ng mga puting bampira, pati pamilya niya ay tinalikuran siya kaya naawa din ako sa kaniya. Siya ang pangalawang puting bampira na itinakwil. Dumating ang panahon na hindi sumang-ayon sa kaniya ang tadhana, nakita siya ni Wilvam na may kahalikang puting bampira at akala ni Wilvam ay sumuko na ito. Kaya do'n nalang nagalit ang ama at kaagad isinumpa sa Laura na kung sinuman ang kaniyang mamahalin, ay mamamatay. Ayaw na ayaw ni ama na umiiyak ang mga anak niya." Napatingin nalang ako sa mga mata ni Wyeth dahil sa kuwento niya, nakangiti pa siyang nagkuwento sa akin na para bang tuwang-tuwa. Ano nga bang nakakatawa sa kinuwento niya?
Well I guess nakakatuwang pakinggan na ayaw ng isang ama na umiyak ang mga anak niya. Hayst.
"Sino ang kauna-unahang itinakwil ng mga puting bampira?" Tanong ko nalang sa kaniya.
"Ang ina ni Brooch." Sagot nito kaya napatingin ako kay Brooch na nakayakap parin sa mga legs ko. He is small but cute and adorable.
"Salamat." Napatingin kami kay Laura dahil sa pagpapasalamat nito, nakatingin siya sa akin na may tamis ng ngiti sa mga labi niya.
Sa huling pagkakataon ay binasa ko ang iniisip niya.
'Napakasuwerte ni Wyeth dahil sa nagkaroon siya ng ganitong klaseng mate. Hindi basehan ang kasarian, basta mabait at matulungin. Nagkamali ang impresiyon ko sa kaniya noong una.'
"Laura, sana magbago ka na. Itinakwil ka man ng lahi mo, hinding-hindi ka namin magagawang itakwil dahil lang sa maling pag-aakala at paniniwala. Hindi kasalanan ang magmahal, at sana mahanap mo na ang karapat-dapat sa'yo. Tandaan mo, tanggap ka naming mga itim na bampira. Hindi ka masasaktan dito." Napangiti nalang ako dahil sa sinabi ni Wyeth. Isa nga talaga siyang prinsipe at dapat siyang tularan.
Napatingin si Laura kay Seyenee na may ngiti parin sa mga labi.
"Mahalin mo siya higit pa sa pagmamahal ko binibini, napakalaki ng kasalanan ko sa kaniya kaya sana mapuna mo lahat ng pagkukulang ko. Mahalin mo siya ng higit pa sa isang materyal na bagay, mahalin mo ang isang katulad niya." Turan nito kay Seyenee at agad naman siyang tinanguan nito.
"Kahit hindi mo iyan sabihin sa akin Laura, gagawin at gagawin ko ang mga sinabi mo. Huwag kang mag-alala, may parte ka parin sa puso niya. Huwag mong sisihin ang sarili mo, nagmahal ka lang at nagsabi ng totoo." Agad naman akong napangiti dahil sa sinabi ni Seyenee, she is so kind talaga. Hindi ko inakala na may ganito pa palang babae maliban kay Alisis na nag-e-exist. Iniintindi ang sitwasiyon kahit alam nilang nasasaktan sila kaunti.
"Pakakawalan ka na namin sa iyong selda, at ikaw na ang bahala kung gusto mo pang manatili o maglakbay." Turan sa kaniya ni Wilvam at kaagad ng tumalikod. Kahit gano'n ugali niya, alam kong nag-aalala parin siya kay Laura. Ngumiti naman si Seyenee kay Laura bago sumunod sa mate niya. Akmang tatalikod narin si Walace nang bigla nalang siyang matigilan dahil sa napahawak siya sa ulo niya.
"Argh!" Sigaw ni Walace dahil sa sakit, agad akong nataranta pero may naalala akong ganitong scene. Agad naman akong napatingin kay Brooch na ang sama ng nakatingin kay Walace kaya napa-cross arms nalang ako at pinapanuod lang ang ginagawa ni Brooch.
Napansin kong hindi man lang nataranta si Venist, parang tuwang-tuwa pa siya sa nangyayari ngayon kay Walace na mate niya.
"Hindi mo ba siya tutulungan Venist?" Tanong ko kaya napalingon naman sa akin si Venist na may kakaibang ngiti sa mga labi niya.
"Venny, hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kanina sa bata kaya hayaan mo siyang ganiyan. Brooch, huwag mong tigilan ah? Ipagpatuloy mo lang." Ngiting sabi ni Venist na kinunsinti pa si Brooch kaya agad naman akong natawa.
Alam niya pala ang kakayahan ni Brooch, napansin kong hirap na hirap na si Walace ay kaagad kong niyakap si Brooch at agad naman siyang natigilan.
"Brother, minsan kasi isarado mo ang iyong bibig dahil hindi nakakatulong. Minsan iyang pagkadaldal mo siyang magdadala sa iyo sa kapahamakan." Dinig kong turan ni Wyeth kaya napahagikhik nalang ako kahit may kaunting galit pa akong nararamdaman dahil sa sinabi ni Walace kanina.
Alam ko na ang hybrid na sinasabi nila, dahil ang ina ni Brooch ay isang puting bampira at itim na bampira naman ang ama nito.
"Brooch, sumama ka muna kay Tito Way-Way ah?" Sabi ko sa kaniya at tumango nalang siya at kaagad pumantay kay Wyeth na ngayo'y hila-hila na ang braso ni Walace na wala ng malay. Ni hindi man lang binuhat.
Napatingin ako kay Laura na nakaluhod parin pero ngayon ay naluluha na.
"Huwag ka ng lumuha, Laura. Magiging malaya ka na, at sana sa paglaya mo na ito ay makukuha mo na ang pagmamahal na ninanais mo." Ngiting sabi ko sa kaniya kaya nanghihinang napangiti din siya sa akin.
"Salamat specialis—"
"Isa na akong bampira, Laura." Pagpuputol ko sa sasabihin niya sana.
"Kaya pala ganiyan ang kulay ng iyong mga mata, hindi magkatulad. Nakasaksi na din ako ng isang babaeng specialist na kinagat ng puting bampira at ganiyan na ganiyan ang itsura. Kulay asul nga lang sa babae at hindi ginto pero kalaunan ay namayapa din dahil sa sakit." Kuwento niya kaya napatango nalang ako at tinignan siya sa mga mata niya. Medyo kinabahan ako do'n pero winaksi ko nalang ang mga isiping 'yon.
Maganda siya, magandang-maganda kaya hinding-hindi ko masisisi si Wilvam sa ginawa niya kay Laura. Naiintindihan ko siya dahil sa ganda ba naman ng babaeng nasa harapan ko? Sino pa ba ang lalaking aayaw dito?
"Bakit gustong-gusto mo ng magmahal Laura? Isa ba 'yang itim na bampira?" Tanong ko at napatango naman siya do'n.
"Oo, isa siyang itim na bampira pero sa malayo ko lang siya minahal. Hindi niya ako mahal, pero alam kong mamahalin niya din ako dahil wala na ang sumpa sa aking sistema." Ngiti niyang turan kaya agad akong napangiti.
"Maraming salamat pala, tinulungan mo akong bumalik sa dati. Tinulungan mo ako kumbinsihin si Wilvam, tinulungan mo akong tumayo ulit sa sarili kong mga paa na wala ng sagabal. Tinulungan mo akong mawala ang sumpa, at ngayon ay puwede ko na siyang mahalin at lapitan." Dagdag na turan niya kaya agad akong napangiti.
"Deserve nating magmahal, at hindi dapat 'yon ipinagkakait sa atin. Karapatan nating magmahal kaya karapat-dapat din tayong mahalin." Sabi ko sa kaniya kaya napangiti naman siya.
"Sana mahalin niya din ako." Bulong niya pero rinig na rinig ko 'yon.
"Sino ba ang itim na bampirang minahal mo mula sa malayo, Laura?" Tanong ko at pansin ko ang lungkot sa ngiti niya.
"Si Xyron."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (147)

  • avatar
    Meizaa

    Grabe pinahanga mo talaga ako ng sobra author yung sa akala ko lang sa hidden goddess ako mapapahanga hindi pala ito din pala ang mag papahanga sakin galing mo talaga sobra author 😊🫶

    2d

      0
  • avatar
    santiasFernando

    nakakapulot ng aral at my matutunn

    10d

      0
  • avatar
    ReyesAngelica Sacyan

    Wow 😍😍😍😍

    19d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด