logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 34

Venedict.
Bigla akong napabangon sa kinahihigaan ko dahil sa kaba. Agad kong inilibot ang mga mata ko and I'm here sa kwarto kung saan ako dinala ni Wyeth no'ng bago akong dating sa Verdugal.
At hindi ako patay. I'm alive and breathin'! Grabe muntikan na akong mawalan ng buhay dahil sa ginawa ko!
"Glad you're awake." Napalingon ako sa gilid ko at agad akong napakalma ng ngiti niya and even his presence give me happiness. Isa talaga siyang gamot para sa akin na kahit ngiti niya lang ay ayos na ayos na.
Kagigising mo lang Venny pero 'yang kalandian mo umaapaw na talaga. Nakakaloka na talaga!
Tinignan ko ang katawan ko at wala naman akong kasugat-sugat natamo, baka siguro nagamot na ako ng kung sino. Ni wala mang pasa galing sa mga suntok at sipa, that was cruel! Akala ko mamamatay na ako sa mga suntok at sipa nila, akala ko hindi na ako sisinagan ng araw at akala ko hindi ko na makikita ang mga kaibigan ko. I almost fail them, I almost give my life na wala pang nagagawa at napapatunayan.
"Where's Xyron?" Tanong ko na agad nang ikinanuot ng noo niya na parang nagtataka kung bakit siya kaagad ang hinanap ng bunganga ko.
"Bago ka pa mag-isip ng kung anu-ano, I just want to thank him dahil sa pagligtas niya sa akin. Kung wala siya, I'm dead." Dagdag ko kaagad at maririnig niya talaga ang seryosong tono sa pananalita ko. Napabuntong-hininga naman siya at napatango.
"He is on guard, nakabantay siya sa south of this kingdom. Umatras na ang mga puting bampira dahil sa unti-unti na silang nalalagasan." Sagot ni Wyeth kaya ngumiti nalang ako sa kaniya at tumango.
Napakarami kong tanong sa kaniya, napakaraming-napakarami. Hindi ko alam kung mabibilang pa pero iwawaksi ko muna ang lahat. Kahit sa pagpunta ko man lang dito ay maramdaman kong nasisiyahan ako sa lugar at paligid.
Napatingin ako sa pintuan ng bumukas 'yon at agad akong napatayo at napayuko ng ulo dahil sa presensiya ng Inang Reyna ni Wyeth.
"Hindi mo na kailangan gawin 'yan specialist, masiyado ka ng pormal." Dinig kong sabi niya habang nakayuko ako, inangat ko ang ulo ko at agad sumalubong sa akin ang kaniyang napakagandang mukha na kahit seryoso.
"I want to give a respect sa isa sa mga namamahala ng kastilyong 'to mahal na reyna." Ngiting sabi ko at tumango na lamang siya.
"Hindi na ako magtatagal, gusto lang kitang bisitahin at kamustahin. Ayos na ba ang iyong kalagayan?" Tanong niya sa akin kaya agad naman akong napatango. Hindi man siya makatingin sa mga mata ko ay ayos lang, she is looking at my body na para bang sinusuri.
"Salamat po sa pagbisita at sa pag-aalala at huwag po kayong mag-alala dahil maayos na ang aking kalagayan. Salamat sa inyong anak na nagbantay sa akin." Ngiti ko paring turan na siyang ikinatingin niya sa mga mata ko. Bahagya pa akong nagtaka dahil sa gulat sa mga mata niyang napatingin sa akin pero agad naman 'yong bumalik sa dati.
"Hmmm—salamat din pala sa pagtulong sa anak kong ilayo sa mga kalaban. Alam mo na ang sitwasiyon niya kaya hindi siya maaaring lumaban pero sa ngayon, alam kong makakalaban na siya. Namarkahan na ang dapat namarkahan." Sa sinabi niya ay ang naunang mga kataga lang ang naintindihan ko pero sa huli ay hindi na. God! Masiyadong makaluma talaga ang mga salita dito na pati ako ay nadadamay sa pananalita nila! Kaloka!
"Inang Reyna, katulong ko siyang nagbantay sa hiyas. He also killed the three princes of the white vampires." Nagulat naman ang reyna dahil sa sinabi ng anak niya and for the first time! I saw her smile at mas lalong tumingkad ang kagandahan na meron siya and she is so gorgeous. Well, wala naman atang pangit sa lugar na'to pero parang mas angat ang reyna sa lahat ng kababaihan dito.
"Sa pangalawang pagkakataon Venny, salamat sa pagsisilbi sa kastilyo. Salamat." Agad akong tumango at napangiti at unti-unti ng nawawala ang kaniyang imahe dahil sa paglabas niya sa kwarto.
Masaya akong napaupo sa kama at masaya ding nilingon si Wyeth na ngayon ay nakangiti narin ng matamis na nakangiti sa akin.
"Seems like she likes you, hindi gan'on ang Inang Reyna mag-entertain ng mga bisita. Palagi siyang seryoso sa lahat ng bagay, si Amang Hari lang ata ang kakaiba." Turan niya kaya napatawa nalang ako.
"Sinabi mo ba sa kaniya ang nickname ko? Masarap palang pakinggan ang pangalan ko kapag mga nakakataas ang bumabanggit!" Masaya kong sabi sa kaniya kaya ngiti-ngiti siyang napapailing.
"For me, I wan to call you Venedict dahil tanggap ko lahat sa'yo. Tanggap kita and soon, sana hindi mo ako iwan. I love you, wala ng makakatibag." Seryoso niyang turan sa akin kaya hindi ko maiwasang hindi kiligin, God! Very landi talaga!
Napalingon na naman kami sa pintuan dahil may bumukas do'n at ang mga malilit na kamay ni Brooch ang kumakaway sa akin ngayon. May kung ano sa ekspresiyon niya na parang nalungkot pero agad 'yong napalitan ng saya.
Akmang yayakapin ko na siya ay siya na ang yumakap sa akin, ng mahigpit. May naramdaman akong basa sa malalaking breast—chest ko kaya gulat kong inilayo sa akin si Brooch na ngayo'y nanunubig na ang mga mata at taas-baba pa ang mga balikat. Why this boy is so cute?
"Why are you crying?" Tanong ko pero patuloy lang siya sa pag-iyak at agad ulit ako niyakap. Hinagod ko nalang ang likuran niya at hinalikan sa uluhan. Bakit gano'n? Napakagaan ng pakiramdam ko sa batang 'to, siyempre alam kong napakaraming misteryo sa buong mundong 'to kaya walang imposible. Baka nga anak ko pala 'to eh hahaha.
"He is mute Venedict." Napasinghap ako dahil sa sinabi niya.
"And he is alone, wala na ang mga pamilya niya dahil sa labanan no'n. Lumaki siyang wala ng kinikilalang mga magulang but his vampire ability is special to us. Kaya ginawan siya namin ng sarili niyang kwarto, at do'n siya palaging nagkukulong. I didn't understand at bakit panay labas niya tapos lalapit sa'yo. Hindi siya mahilig makipag-close sa iba, Venedict. Ang daming nagkakagusto sa'yo, nagseselos na ako." Dagdag na turan ni Wyeth kaya mas lalo akong naawa kay Brooch at natawa din dahil sa last niyang sinabi. Tumingin ako kay Brooch na may awa dahil sa mura niyang edad ay naranasan niya ang ganitong klaseng sitwasiyon.
"I think naging pipi siya dahil sa pagkamatay ng mga magulang niya. Don't worry, ibabalik natin ang dating Brooch." Ngiti kong turan at mahigpit na niyakap si Brooch
"Alam mo bang hindi naman talaga si Xyron ang nakakita sa'yo sa gubat ng Forest de fuente? Si Brooch 'yon at saktong si Xyron ang nakita niya, pero abnormal si Xyron eh. Isa din 'yong paranoid." Turan ni Wyeth kaya napatango nalang ako at inilayo ng bahagya si Brooch na ngayon ay tumahan na at naka-pout ng nakatingin sa akin.
"Naririnig mo ba ako?" Tanong ko sa bata at tumango lang siya. At least hindi ako mahihirapan dahil mukhang hindi naman talaga siya mute, may napagdaanan lang ang batang 'to. Ayaw lang niya talagang magsalita for some reasons.
Napatingin ako sa dala-dala ni Brooch na salamin, ngayon ko lang napansin dahil sa agad niyang pagyakap sa akin. Kung sa mundo pa ng mga tao, salamin na pang-make up to. Pang cosmetic mirror, nakikita ko ang buo kong mukha sa salamin at halos mapaatras ako at nagulat.
M-My eyes,
"W-Wyeth? D-Did you already bit me?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin parin sa salamin. Ang mukha ko, mas tumingkad at mas pumuti. Parang wala na akong dugo dahil sa balat ko, my lips are now naturally turns red. My hair, my natural brown hair ay ngayo'y itim na itim na.
Napalingon ako kay Wyeth at tinignan siya ng mariin at nakita ko siyang kinakabahan.
"So kinagat mo na ako? Ano? Nakuha mo na ang iba sa kapangyarihan ko? Kaya pala hindi ko maintindihan ang Inang Reyna mo, 'yon pala ay kitang-kita niya na ang pagbabago sa itsura ko." Malamig kong turan, agad siyang lumapit sa akin at niyakap pero kaagad ko siyang tinulak ng malakas na ikinatalsik niya ng malayo sa akin at tumama sa ding-ding. Napansin ko ang pagngiwi niya but still he manage to stand na parang walang nangyari.
Nagulat pa ako dahil sa kakaibang lakas na naramdaman ko, grabe ang impact ng pagtulak ko sa kaniya pero still, cold ko siyang tinignan. So this is the result of being bitten? May extrang lakas?
"N-No! Nagkakamali ka ng iniisip!"
"So mali ang iniisip kong kinagat mo na ako?" Tanong ko sa kaniya pero napahilot lang siya sa sentido niya at parang nagmamakaawang napatingin sa akin ulit.
"I love you okay? Mamamatay ka na dahil sa kawalan ng dugo at sa kahinaan ng katawan mo kaya minarkahan na kita! I don't want to loss you, ayokong mawala ka sa akin! Kinagat kita dahil 'yon ang nararapat, magiging akin ka din naman, pinaaga ko lang." Turan niya kaya napabuntong-hininga nalang ako at napatingin kay Brooch na ngayo'y naluluha na namang nakatingin sa amin.
Niyakap ko nalang siya para hindi na siya umiyak. Ang bata lang na'to ang nakakapagtigil sa galit ko. Galit ako kay Wyeth dahil bakit nga ba? Eh ano naman kung kinagat niya na ako? Mahal ko naman siya at mahal niya naman ako, ano pa ba ang problema sa akin? Bakit parang nagdadalawang-isip pa ako? Bakit parang may iba pa akong nararamdaman?
"Venedict, patawarin mo 'ko pero hindi ko maatim na mamatay ka sa harapan ko. Seeing Xyron carrying you with his arms is killing me. Sana nando'n ako at niligtas ka! Sana nando'n ako para protektahan ka! Pero anong magagawa ko? My vampire ability is useless! Hindi kita magawang iligtas sa mga puting bampira na 'yon! Sana ako ang nasa puwesto ni Xyron para ako mismo ang kikitil sa mga buhay nila na pinahirapan ka! Pero a-ako ang niligtas mo" Sigaw niya habang ang mga kamay ko naman ay nakatabon sa tenga ng bata. Nakikita ko na kumikislap ang mga mata ni Wyeth kaya napalihis ako kaagad ng tingin.
He is starting to cry.
Hinarap ko ang bata at tinignan siya sa mga mata.
"Brooch? Puwede ka bang bumalik muna sa room mo? Mag-uusap lang kami ni Kuya Wyeth mo okay?" Sabi ko sa kaniya at tumango naman siya at kaagad tumakbo umalis.
Tumingin ako kay Wyeth ng seryoso. Pinahid niya ang luha na lalabas sana sa mga mata niya at tinignan ako sa mga mata.
"How did you know na Brooch ang pangalan niya?" Tanong ko na ikinalaglag ng panga niya at frustrated niya akong tinignan.
"Sa dami-daming sinabi ko Venedict 'yon lang ang sasabihin m—Ayan palagi ang bukambibig niya kaya 'yon ang pinangalan namin sa kaniya." Turan niya habang pansin niyang seryoso lang akong nakatingin sa kaniya.
"Wyeth, lumapit ka sa'kin!" Sigaw ko sa kaniya kaya taranta siyang lumapit sa akin. Napansin ko pa ang paglunok niya na para bang kinakabahan.
Nang makalapit na siya sa akin at ilang distansiya nalang ang layo niya ay kaagad ko siyang hinila at walang pagdadalawang-isip na hinalikan na ikinagulat ng mga mata niya. Una ay dahan-dahan pa pero agad itong naging agresibo na napagtanto niyang hinahalikan ko siya. Nakapikit na ang mga mata niya kaya naipikit ko narin ang mga mata ko.
Inilayo ko ang sarili ko sa kaniya pagkatapos ng ilang segundo at umupo sa kama.
"Marami akong tanong sa'yo Wyeth, napakarami. Una, anong vampire ability mo na sinasabi mong useless?" Takang tanong ko sa kaniya at agad siyang sumeryoso.
"Kakayahan kong i-mate ang dalawang nilalang."
Sabi na nga ba, hindi imposible 'yon. Sa labanan pa namin between those princes ay alam ko ng may mali. Palagi nilang binabanggit na mini-mate niya ang sarili niya sa isang nilalang na hindi nila naman kalahi. Do'n palang, may hinala na ako.
Napabuntong-hininga nalang ako at hindi na muna nagsalita. Gusto ko munang magpahinga pero may napagtanto ako kaya agad ko siyang tinignan sa mga mata.
"I thought kapag kinakagat mo ako ay magiging pula ang mga mata ko? Pero ba't gano'n? Mas naiba ata ang akin?", Tanong ko sa kaniya.
"Even me Venedict ay hindi ko alam kung paano nangyari 'yan, this is the first time na may ganitong klaseng mga mata pagkatapos kagatin ng bampira ang mate niya. Siguro dahil sa specialist ka kaya ganiyan." Sagot niya kaya napatango nalang ako.
"Eh 'yong nauna sa akin? Specialist din ang babaeng 'yon diba? Ganito ba ang mga mata niya pagkatapos mong kagatin?" Tanong ko ulit, nagulat pa siya ng bahagya pero ngumiti siya sa akin.
Umupo siya sa tabi ko at agad akong niyakap ng mahigpit.
"Ba't gano'n? Kahit galit ka at seloso ay napaka-cute mo parin? At tiyaka, kung kinagat ko ang babaeng 'yon ay wala ka na dapat dito in the first place at hindi kita kikitain sa mundo ng mga tao no'n. Kapag kinagat ng isang bampira ang mate niya, it means forever na silang magkakonekta sa isa't-isa. And now, we are forever connected to each other." Sagot nito sa akin kaya agad naman akong napangiti sa kaniya at niyakap nalang din pabalik.
How I love this man, mahal na mahal ko nga talaga ang lalaking 'to na kahit anong pagtatago niya ng mga sikreto sa akin ay tanggap ko parin. Maghihintay naman ako, hindi ko siya mamadaliin dahil may oras din para sa mga bagay-bagay. Sa sikreto niya, I know malalaman ko din 'yan. Hindi pa handa si Wyeth pero sa darating na panahon, kusa niyang sasabihin sa akin dahil nga mahal niya ako at mahal ko siya. Walang makakapagbago no'n.
Kahit ganito ako ka-bakla at least my lovelife, bampira at prinsipe pa! Cool pa ang vampire ability niya at alam ko na may kapangyarihan na siyang parte ng kapangyarihan ko. Hindi naman masama, at least maililigtas niya na ang sarili niya sa mga kalaban at maililigtas na din niya ako gamit ang kapangyarihang 'yan.
Napansin ko ang salaming dala-dala kanina ni Brooch at kinuha 'yon. Tinignan ko ang mukha kong mas lalong tumingkad, at ang mga mata kong nagbago din—ang isa lang pala.
Ang kanan kong mata ay gano'n parin, ginto ang kulay pero sa kaliwa ang naiba. Kulay pula na parang kakulay ng dugo.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (147)

  • avatar
    Meizaa

    Grabe pinahanga mo talaga ako ng sobra author yung sa akala ko lang sa hidden goddess ako mapapahanga hindi pala ito din pala ang mag papahanga sakin galing mo talaga sobra author 😊🫶

    2d

      0
  • avatar
    santiasFernando

    nakakapulot ng aral at my matutunn

    11d

      0
  • avatar
    ReyesAngelica Sacyan

    Wow 😍😍😍😍

    20d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด