logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER SIX

KAHIT na sinabi pa ni Kahlil kay Faye na nagtatampo na siya sa dalaga ay hindi pa rin iyon nangangahulugan na nakuha na niya ang atensyon ng dalaga. Nagulat pa siya dahil imbes na matuwa ang dalaga sa sinabi niya ay ibang reaksyon ang nakuha niya. Inirapan lamang siya ng dalaga bago pa man nito inilahad ang kamay sa harapan niya.
"Akin na ang phone ko, may mahalaga akong ginagawa," sambit ni Faye in a nonchalant tone. "Bukas ang pasahan."
"Hindi ba last day na rin ng webinar ninyo ngayon kaya sa tingin ko ay kailangan mo na ring magrelax kahit papaano," sagot naman ni Kahlil. "Wala naman sigurong masama kung magcecelebrate ka ngayong gabi."
"Pwede ko iyong gawin kung wala na talaga akong gagawin," sambit ni Faye. "But as you can see, busy pa rin ako kaya sana naman ay hayaan mo na lang akong ichat ang mga kasamahan ko para makatapos na kami. Pagod na rin naman kasi kami pare-pareho eh."
Wala nang nagawa si Kahlil kundi ibigay ang phone ni Faye nang sandaling iyon. Kilala niya si Faye lalo na kapag nagseryoso na ang tinig nito. It will only spell some trouble for him kung hindi niya seseryosohin ang sinasabi ng dalaga. Ipaalam man niya sa dalaga na nagtatampo siya ay hindi iyon nangangahulugan na magbabago ang priority list na nakaset na sa utak ni Faye. Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan niya bago pa man niya itinuon ang kanyang atensyon sa daan.
Itinuon naman ni Faye ang atensyon niya sa kanyang group chat. So far, may mga namiss na siyang discussions dahil sa ginawang pag-agaw ni Kahlil sa phone niya. Ilang beses na rin siyang minention ng kagrupo niya dahil may ipinapacheck na ito sa kanya. Iyon nga lang, dahil wala pa siya sa bahay ay hindi rin niya nagagawang intindihin kaagad ang ipinapawasto sa kanya lalo na at hindi fit sa screen ng cellphone ang document na ipinababasa sa kanya. Nagchat kaagad siya nang sandaling iyon para ipaalam sa mga kasamahana ang sitwasyon niya.
"Pasensiya na kung hindi ko pa mababasa kaagad iyan. Nasa biyahe pa kasi ako eh."
"Okay lang, Ma'am. Take your time at mahirap intindihin iyan kung nasa biyahe ka pa."
Nagpadala na lamang ng like sticker si Faye bilang sagot sa sinabi ni Warren sa chat. Sa totoo lang ay gusto na rin naman niyang amuin ang kaibigang bakla sa pagtatampo nito. Iyon nga lang, hindi talaga niya iyon magagawa sa ngayon dahil sigurado siyang magkakasagutan lamang silang dalawa. Hindi man siya sang-ayon ay alam niya sa kanyang sarili na mahirap itanggi ang katotohanang mas pinahahalagahan niya ang salitang trabaho kaysa sa mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi siya pwedeng magrelax hangga't hindi tapos ang mga gawain niya. Isa pa, kapag inamo niya kaagad si Kahlil ay siguradong gagamitin na iyon palagi ng kaibigan laban sa kanya sa tuwing magkakaroon ito ng tampo sa kanya. Ayaw niyang mamihasa si Kahlil lalo na at sa tingin niya ay hindi iyon maganda. She wants to impose some boundary dahil kahit na sabihin pa niyang bakla ang kaibigan ay hindi pa rin maitatanggi na lalaki ito. Pangit pa ring tingnan kung susuyuin niya ang kaibigan dahil lalabas na parang nililigawa niya ito.
"Salamat sa paghahatid sa akin," sambit ni Faye nang bumaba na siya sa sasakyan. "Pasensiya na kung napagsungitan man kita. Busy lang talaga aklo ngayon kaya -"
"I understand," putol agad ni Kahlil sa iba pang sasabihin ng dalaga. "Hindi rin naman kasi tama ang pagtatampo ko dahil nilinaw mo naman kaagad ang sitwasyon mo. Ako lang ang hindi marunong umintindi. Tapusin mo na kaagad ang dapat mong tapusin para makapagrelax ka na rin sa mga susunod na araw."
Isang tango na lamang ang pinakawalan ni Faye nang sandaling iyon bilang tanda na naiintindihan niya ang sinabi ng binata sa kanya.
LUMUKOT ang pagmumukha ni Kahlil nang natanaw niya si Marlon sa gate ng bahay. Sa pagkakatanda niya ay hindi niya dinala kahit minsan ang nasabing lalaki sa bahay niya dahil kailangan din naman niyang mag-ingat. Business is business, hindi iyon pwedeng haluan ng personal na interes. Sa isang tingin pa lang ay alam na niyang hindi rin nakabalik ang nasabing lalaki sa trabahong ibinigay niya.
"What are you doing here? Sa pagkakaalam ko ay hindi kita pinayagang pumunta rito," sambit ni Kahlil sa binata. "Are you trying to invade my privacy now?"
Ngumiti lamang si Marlon bago pa man siya nagsalita, "Wala ka namang sinabi na sa akin noon na bawal akong magpakita rito so I assume na pwede akong magpunta rito."
"Sa tingin mo ba ay pwede ka sa lugar na ito kung hindi kita dinala rito kahit minsan?" tanong ni Kahlil sa lalaki. "Wala tayong personal relationship as I only treated you as an employee kaya dapat ay inisip mo na ring hindi ka welcome sa lugar na ito."
"Empleyado nga ba ang tingin mo sa akin?" tanong ni Marlon sa binata. “Parang hindi ganoon ang trato mo sa akin dahil hindi mo man lang tinupad ang naging usapan natin.”
“Nagdedemand ka ba ng panibagong trabaho sa akin dahil wala akong ginawa para matulungan ka sa pagkakatanggal mo?” tanong naman ni Kahlil. “I already did my part as your benefactor. Hindi na kita pwedeng tulungan pa dahil nakarating na sa akin ang evaluation ng superior mo. Hindi ako naglalagay ng mga taong hindi makakatulong sa trabaho nila.”
Naningkit na lamang ang mata ni Marlon sa narinig. Gusto niyang bugbugin ang lalaking nasa harapan niya dahil pakiramdam niya ay naloko siya nito nang wala sa oras. Hindi niya inakalang mas tuso pa sa kanya ang kausap niya. Sa tingin niya ay hindi uubra ang simpleng pananakot lamang kay Kahlil. Kailangan niyang totohanin ang mga pagbabanta niya para masiguro niyang makakabawi siya sa ginawa nito sa kanya.
“Kung hindi kita makukuha sa simpleng pakiusapan tungkol sa trabaho ko ay mas makabubuti kung si Faye na lamang ang kakausapin ko,” pagbabanta ni Marlon sa binata. “Siguro ay mas mapapakiusapan ka niya para ibalik sa dati ang buhay ko.”
“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni Kahlil sa binata.
“I can tell her everything, lalo na ang mga bagay na ayaw mong ipaalam sa kanya,” sambit ni Marlon kay Kahlil. “Ayaw mo naman siguro siyang magalit sa iyo dahil sa ginagawa mong pananabotahe sa buhay pag-ibig niya.”
Naglapat na lamang ang labi ni Kahlil sa narinig. Alam niyang tuso si Marlon pero mukhang nagkamali siya ng tantiya sa binata. Alam niyang pagbabantaan siya ni Marlon sapagkat sa pagkakaintindi nito ay hindi niya ginawa ang napag-usapan nila. Well, he can use his authority to ensure Marlon’s employment, pero hindi iyon nangangahulugan na aabusuhin na niya iyon dahil lamang sa incompetency nito. He needs competent people in doing the assigned jobs. Siya rin naman kasi ang mapapahiya kung hindi rin magagaling ang ilalagay niya sa trabaho.
Nginisian na lamang ni Kahlil si Marlon nang oras na iyon, “Hindi mo na ako kailangang pagbantaan pa dahil kung talagang desidido kang sabihin kay Faye ang mga nalalaman mo ay hindi na kita pipigilan pa. Siguraduhin mo lang na hindi ka niya mapaghihinalaang nagsisinungaling.”
MABILIS na lumipas ang mga araw at nakikiramdam pa rin siya sa movement ni Marlon. Hindi siya mapalagay dahil hindi niya basa ang ugali ng binata. Ayaw na niyang magpakampante lalo na at sa tingin niya ay kayang totohanin ni Marlon ang banta nito sa kanya. Malaking problema para sa kanya kapag nalaman ni Faye ang katotohanan. Hindi niya sigurado kung ano ang magiging reaksyon nito. Ang dalangin na lamang niya ay sana hindi maging negatibo sa pandinig at paningin ng dalaga ang mga ginawa niyang panggugulo sa lovelife nito.
Iyon nga lang, mukhang hindi na pinakinggan ang kahit sa alin mang idinasal ni Kahlil. Kasalukuyan na rin kasing kaharap ni Marlon ang dalaga na personal pa nitong inabangan sa pinapasukang paaralan. Halatang nagtataka pa siya sa pagsulpot ng binata nang walang pasabi dahil sa pagkakaalam niya ay tapos naman na ang relasyon nila ng kaibigan niya.
“Hindi ko hahanapin si Kahlil sa iyo,” sambit ni Marlon bago pa man nagawang ibuka ni Faye ang bibig niya. “Dahil alam ko namang hindi niya haharapin kahit na sabihin ko pang magkaharap tayo.”
“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni Faye sa binata. “Hindi ba naging maganda ang breakup ninyong dalawa?”
Ngumisi lamang si Marlon imbes na sagutin ang tanong ni Faye. Sigurado siyang walang kalam-alam ang dalaga sa kalokohang ginawa ng pinakamamahal nitong kaibigan. He is sure na magigimbal ito kung sakaling ilalaglag niya si Kahlil. Well, hindi na niya kasalanan pa kung sakali mang masasaktan si Faye dahil sa pagkakaalam niya ay ginamit lang naman siya ng binata para pigilan si Faye sa pagkakaroon ng boyfriend.
“Paano kung sabihin ko sa iyong may kinalaman ka sa hiwalayan namin, paniniwalaan mo ba ako?” tanong agad ni Marlon sa dalaga.
Nangunot na lamang ang noo ni Faye. Sa pagkakaalam niya ay walang nabanggit si Kahlil na may kinalaman siya sa hiwalayan nila dahil hindi rin naman nabanggit ng binata na pinagselosan siya ni Dylan. Nagulat na lamang siya nang tinawanan siya ni Marlon.
“Gusto mo bang malaman kung bakit ko nasabi na may kinalaman ka sa hiwalayan namin?” tanong ni Marlon in a taunting tone. “Bakit hindi ka kumuha ng isang lalaking magpapanggap bilang manliligaw mo?”
Napailing na lamang si Faye. Hindi niya alam kung ano ang gustong palabasin ni Marlon sa kanya. Pagod na rin naman siyang umasa na may magmamahal sa kanya dahil madalas din naman silang umaamin na hindi nila kayang ituloy ang panliligaw lalo na at sila ay kabilang sa federasyon. Nope, hindi niya kayang masaktang muli dahil lamang sa may aamin na naman sa kanyang manliligaw na ito ay isang bakla.
“Alam kong masakit para sa iyo ang ipinagagawa ko pero kung gusto mo talagang malaman kung bakit ka iniiwan ng mga manliligaw mo ay kailangan mong sundin ang sinasabi ko sa iyo,” sabi ni Marlon. “This is for your own good din naman.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (44)

  • avatar
    POLIQUITCATH

    love it.

    11/07

      0
  • avatar

    sangat kesunduan

    30/05

      0
  • avatar
    TibayElvira

    the story it's so nice recommended this.

    24/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด